webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 都市
レビュー数が足りません
388 Chs

Blackmail

Pinauna ko munang umalis yung lima. Buti nalang marunong na magdrive si Dina kaya siya yung driver nila, katabi niya si Alvin tapos yung tatlo sa likod.

"Ingat!" sigaw ko habang kumakaway sa kanila.

"Tara na!" sabi ni Martin nung makaalis na sila.

"Tawagan ko si Mike!" sabi ko sa kanya pero di ko pa nabubuksan yun ng kunin ni Martin yung phone ko.

"Sa Pad ko na ikaw matulog!"

"Ayaw ko, akin na yung phone ko!"

"Dun ka na matulog!" pagpupumilit niya habang umiiwas sakin para di ko makuha yung phone ko na hawak niya.

"Hinihintay ako ni Mike!" pagrarason ko para di na siya magpumilit.

"Pinauwi ko na si Mike!"

"Paano mo pinauwi si Mike?"

"Tinext ko at sinabi ko na kina Dina ka matutulog."

"Ayos ka talaga eh noh!" gusto ko sanang hubarin yung sapatos ko at ipokpok sa ulo niya.

"Tara na!" muli niyang sabi, sabay hawak sa braso ko pero mabilis akong umiwas.

"Mag-taxi ako!" usal ako habang lumalakad ako palayo sa kanya pero mabilis niya kong hinawakan.

"Bitaw!" sigaw ko sa kanya.

"Bayaran mo muna ako kung gusto mong bitawan kita!"

"Yung buong utang ko sayo?" nanlalaking matang bulyaw ko sa kanya.

"Kahit yung ininom lang natin!" naka ngiting sabi ni Martin.

"Yun lang pala eh, akin na yung phone ko at magtransfer ako sayo!" mayabang kong sabi kasi nga nasa ten thousand lang naman yung binayaran niya so kayang kaya ko yun.

"Gusto ko cash!"

"Bakit cash?"

"Eh gusto ko cash!"

"Binayad mo nga kanina card tapos ngayon gusto mo cash, ang dugas mo naman yata!"

"Madugas talaga ako, kaya kung wala kang cash sumakay ka na ng kotse at umalis na tayo kasi madaling araw na." Luminga-linga ako sa paligid para maghanap kung may atm na malapit pero ang ending wala akong makita.

"Andun pa sa pangalawang kanto yung mga bangko kuna naghahanap ka." sabi ni Martin mukang natunugan niya yung hinahanap ko.

"Sakay na at kanina pa si Mang Kanor naghihintay," paalala ni Martin.

"Baba mo ko sa may ATM booth para mabayaran kita, tapos sa Bulacan mo ko hatid!" sabi ko sa kanya habang nagmarcha ako papuntang kotse niya.

Una akong lumapit sa unahan pero di ko yung mabuksan kasi naka lock sa loob.

"Pasok na!" sabi ni Martin nung buksan niya yung likurang pinto. Wala akong nagawa kundi dun pumasok kasi nga di ko masuhulan si Mang Kanor na loyal sa Boss niya.

"Kuya daan mo ko sa ATM booth please!" paki usap ko may kasama pang puppy eyes yun at sana lang pagbigyan ako pero ang ending useless yun kasi di niya ako dinaan.

Dahil sa utos ng magaling na katabi ko.

"Kuya paabot nga muna ng tsinelas diyan sa may compartment!" sabi ni Martin kay Mang Kanor nung huminto kami sa isang stop light.

"Hubarin natin yung sandals mo!" sabi ni Martin sakin nung makuha niya kay Mang Kanor yung tsinelas.

"Okay na ko, wag ka ng makulit!" angil ko habang iniwas yung binto ka gusto niya sanang abutin. Lalo ako sumiksik sa may bintana para lumayo siya sakin pero umusog din siya sakin at tuluyang kinuha yung mga binti ko at ipinatong sa binti niya.

"Madumi yung paa ko!" reklamo ko pero parang wala yun kay Martin na matiyagang inalis yung sandals ko at minasahe yung paa at mga binti ko.

Kanina pa talaga nangangalay yung paa ko kaya lang di naman pweding maghubad ako ng sandals kung pwedi kanina ko pa yun tinanggal.

Di ko mapigilang mapatingin kay Martin na seryosong minamasahe yung mga daliri ng paa ko. Biglang nag-init yung pisngi ko paano kasi napa guapong tingnan ni Martin na parang tinutunaw yung puso ko.

"Tama na," sabi ko kasi nga ang lakas na ng dating niya sakin.

Huminto naman siya pero sinuutan muna niya ko ng tsinelas bago niya ibinaba yung paa ko. Samantalang yung sandals ko naman ay itinabi niya sa gilid.Pagkatapos nun ay muli siya dumikit sakit at ipinulupot yung kamay niya sa baywang ko.

"Di na masakit paa mo?"

"Di na!"

"Di ka na galit?"

"Syempre galit parin ako sayo!"

"Bakit?" inosente niyang tanong.

"Niloko mo ko!"

"Paano kita niloko?"

"Paano mo ko niloko? Eh di ko naman sayo sinabi na bayaran mo tapos blackmail mo ko!"

"Ano ka, sinabi mo kaya na bayaran ko." depensa ni Martin. Bigla akong napa-isip dun ko lang naalala na nasabi ko nga pala yun kanina.

"Fine, nasabi ko nga yun pero di mo naman sinabi na utang ko yun."

"Sige na, niloko na kita kaya sorry na!"

"Sorry mo muka mo!"

"Wag ka ng magalit, lalo kang gumaganda eh! sabi ni Martin sa tenga ko.

"Wag mo kong binobola!" sabay kurot ko sa tagiliran niya.

"Hahaha...Hahaha...!" tawa ni Martin.

"Tuwang-tuwa!" irap ko sa kanya.

"Pagbigyan mo na ko, gusto lang talaga kitang makatabi sa pagtulog." seryoso niyang sabi habang humalik sa pisngi ko.

"Siguraduhin mo lang!" pagbabanta ko.

"Promise!" sabay halik niya sa pisngi ko.

Dahil nga malalim na rin yung gabi di ko namalayang nakatulog ako sa balikat ni Martin.

Naalimpungatan na lang ako nasa elevator na kami at karga-karga niya na ko ng prinses style.

"Baba mo na ko!"

"Okay lang!" sagot ni Martin na mukang di naman nahihirapan sa pagkakabuhat sakin.

"Sige na!" paki usap ko kasi nga nahihiya na ko saka di na ko kumportable, siguro naramdaman yun ni Martin kaya dahan-dahan niya kong ibinaba.

"One na pala!" sabi ko habang tiningnan ko yung relo ko sa kamay.

"Oo!" simpleng sagot ni Martin habang inakbayan ako para alalayan kasi nga kagigising ko lang baka matumba ako lalo pa nga at naka inom.

Nanatiling naka-alalay sakin si Martin hanggang makapasok kami sa loob ng Pad niya. Doon ko lang napansin na all the way pala bitbit niya yung sandals na hinubad ko kanina. Samantalang yung bag ko ay nasa balikat niya naka sabit.

"Gusto mo tubig?" tanong niya habang inilalagay yung sandals ko sa shoe rack sabay hubad narin niya ng sapatos niyang suot, ako naman ay naupo na sa sala pagkatapos kong tumango sa kanya bilang pagsang-ayos sa alok niya.