webnovel

Maskara

Ang maskara ang nagsisilbing instrumento upang panakot sa mga tao. Ngunit, papaano kung isang araw. Ang maskara na ito ang magbubukas ng lahat ng misteryo sa iyong buhay? Nanaisin mo bang suotin ito? Copyright © by timmyme All rights reserved.This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

timmyme · ホラー
レビュー数が足りません
9 Chs

HULING KABANATA

HABOL ANG HININGA ni Jane matapos siyang bumangon dahil sa isang masamang panaginip. Hindi niya alam pero base sa nakita niyang panaginip ay parang may masamang pangitain ito sa kaniya.

Napanaginipan niyang may dalawang taong nakasuot ng maskara, tila may itinatago silang sikreto. Dahil sa kuryosidad ni Jane ay nilapitan niya ito. Bigla nalang siyang napalunok nang sunod-sunod nang mapagtanto niyang walang mukha ang dalawang tao na nasa harapan niya.

Matamlay na lumakad si Jane patungo sa kanilang kusina. Napa-upo nalang siya sa isang upuang gawa sa kahoy. Pakiramdam niya ay may may mali sa nangyayari nitong mga nakaraang araw. Palaging wala sa bahay ang kaniyang Kuya Carlo at ang kaniyang Inay.

"Alice!!! Alice!!! Saan ka?" humihiyaw sa sigaw si Jane. Palinga-linga siya sa paligid upang tignan kung pinaglalaruan lang siya ng kaniyang kapatid pero ni anino niya ay wala siyang makita.

Nang mga oras na iyon ay babalik na sana siya nang biglang may kumatok sa kanilang pintuan.

"Sino 'yan?!" pagtataka niyang sigaw. Tumayo siya at dahan-dahan niyang sinilip ang pintuan naka-awang. Sila na pala ito.

"Oh, Jane gising kana pala?" wika ng kaniyang Inay.

"Kanina ko pa po kayo hinihintay." Tugon niya sabay siyang nagmano sa kaniyang Inay at sa kaniyang Kuya Carlo. Agad niyang sinukbit ang mga daladala ng kaniyang Inay.

Pagkatapos niya itong ilagay sa ibabaw ng mesa ay natuon ang kaniyang pansin sa hawak ng kaniyang kapatid. Agad niyang dinala ang kapatid sa likod ng bahay upang kausapin.

"'Ilayo mo nga sa'kin iyan" nagsalubong bigla ang kaniyang kilay at nagsimula na ding bumuo ang mga linya sa kaniyang noo.

Agad namang humagulgol si Alice sabay takbo sa kanilang bahay. Hindi sinasadya niya sinasadya na masabi ang mga salitang iyon.

Papasok na sana si Jane nang makarinig siya ng mga bulong. Umalis ka na habang may oras pa!!! Alis na!!! Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang boses na kaniyang naririnig. Nanggagaling ito sa maskarang naiwan pala ni Alice.

Hindi niya na kinaya pa, agad siyang tumakbo patungo sa loob ng kanilang bahay. Halata ang kaniyang takot dahil sa namumuong pawis sa kaniyang mukha.

Nakahinga siya nang maluwag matapos niyang malaman na wala na ang sumusunod sa kaniya. Bigla nalang siyang natahimik matapos niyang marinig ang pagtatalo ng kaniyang Kuya Carlo at ang kaniyang Inay.

Nadidinig niya ang pag-uusap nila sa pamamagitan nang awang ng pintuan. "Kailangan na natin siyang iaalay ngayon. Wala na dapat tayong palampasin pa! Nagpaparamdam na sa akin si Satanas, pag hindi natin siya sinunod ay magiging kulubot nang tuluyan ating balat!"

Bakit ako iaalay? Kaya pala ganoon nalang ako kamahal ni kuya. Nagsimula na siyang bumo ng konklusiyon sa kaniyang isip.

"Hindi pwede!" alam niyang sa Inay niya iyon galing dahil na din sa kalamyos ng kaniyang boses.

"Kung ayaw mo, ako nalang ang magaalay sa AMPON mo!"

Hindi niya alam pero may dumaloy na likido sakaniyang mga mata . Mabilis siyang umakyat patungo sa kaniyang kwuarto. Alam niya sa sarili na hangga't nandito pa siya ay lalong sumisikip ang kaniyang puso.

Habang abala siya sa paglalagay nang kaniyang mga damit ay napansin niya ang kaniyang kapatid na ngayo'y alam niyang hindi niya kadugo. Naawa siya sa maamo niyang mukha kaya nama'y hindi siya nagdalawang-isip upang yakapin nang mahigpit.

"Isasama kita, Alice. Ilalayo kita dito sa pamilya mong demonyo." ani ni Jane.

Pagkatapos maayos lahat nang kaniyang dadalhin ay dahan-dahan silang bumaba sa hagdanan. Bawat paghakbang nila ay damang-dama ni Jane ang takot dahil alam niyang kahit anong oras ay pwede silang mamatay.

Sa wakas nalagpasan na nila ang mga baitang ng hagdan. Paalis na sana sila matapos masagi ni Jane ang isa sa mga Vase dahilan upang lumabas si Carlo.

Nakasuot ito ng itim na jacket at bigla nalang nakaramdam si Jane ng takot matapos ilabas ni niya ang isang matulis na kutsilyo Tumakbo sila palabas sa kanilang bahay, pero bagupaman sila makalayo ay may ginawang patibong si Alice.

"Walang hiya ka, Alice. Napaka-makasarili mo!" palahaw ni Carlo.

Umwang ang labi ni Alice habang sinimula nila muling tumakbo.

Lumipas ang ilang taon...

Nakatakas sila sa bingit ng kamatayan. Isinumbong nila ito sa mga nakakataas na awtoridad. Lahat ng masasamang gawain nila Carlo at ang kanilang Inay ay mananatiling isang misteryo. Makukulong din sila habang buhay matapos mapagalaman na sila ang dahilan nang pagkawala at pagpatay kay Lucy.

Abala si Jane sa pagluluto nang kanilang umagahan. Habang nagpriprito ng masarap na pancake ay bigla siyang nakarinig ng sigaw.

"ATEEEE!!!"

Agad-agad siyang tumungo sa kwuarto ni Alice. Pumasok siya sa loob ngunit tanging mga laruan lang ang bumungad sa kaniya.

Aalis na sana siya ng biglang makita si Alice na nakayuko sa sulok. Nang lapitan niya ito upang patahanin ay bigla nalang siyang naglabas ng isang kahoy na may naglalakihang tusok at walang awang pinaghahampas sa ulo ang kaniyang ate dahilan upang tumilamsik ang sariwang dugo sa sahig.

Nang mapagtanto ni Alice na wala ng hininga si Jane ay naglabas siya ng kutsilyo at walang awa niyang tinanggalan niya ito ng mukha.

"Yeheyy!! May maskara na ulit ako hahahah!!" tumawa siya nang ubod ng lakas na tila sinasaniban na ito ng kung anong espiritu. Pagkatapos n'un ay umusal siya nang misteryosong panalangin.