Chapter 28 | The Truth Behind Their Past
"Pasensya na, anak. Pero wala sa kahit na sino sa kanila ang hinahanap natin. Dahil wala naman akong nakitang kahina-hinala mula sa nakaraan nila at maging sa mga naisip nila." Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Dad.
"It's okay, Dad. You already did your part. You should go back now to the palace and take some rest. It will take some time for you to regain your strength again."
Napatango siya at marahan akong tinapik sa balikat. Nilingon ko naman si Althea na nanghihina na rin sa isang sulok habang inaalalayan ng kakambal niyang si Athena.
"Ikaw rin, Althea. Marami ka na ring nagamit na kapangyarihan magmula pa lang no'ng nakaraan."
She just gave me a weak smile.
Ang mga kasama naman naming protectors at royal guards na ang nagbalik sa mga estudyante sa kani-kanilang silid. They will experience another memory loss again.
"Wala pa rin ba si Nicole? Sayang at hindi ko siya nakita ngayon." Nagpalinga-linga si Dad sa paligid at gano'n din ang ginawa ko.
Napailing na lang ako nang mapansin na hindi pa rin siya bumabalik. "Mukhang napasarap ata ang kwentuhan at pagtambay nila ni Steph. Don't worry, I'll look for her after."
Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid. "Sa tingin ko ay makabubuti kung mas hihigpitan pa natin ang seguridad sa buong academy. Maging ang pagtanggap ng mga estudyante." Kumuyom ang kanyang kamao. "We should know better."
"Magtutulong-tulong po tayo, Dad. History should not repeat itself," seryoso kong sabi sa kanya.
Umigting ang kanyang panga. "You're right. Pero hindi rin sana mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa 'kin."
Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya.
"What do you mean by that? Wala ka pong kasalanan."
Napailing siya kasabay ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. "No. You don't understand, son."
Mas lalo naman akong naguluhan nang dahil sa sinagot niya. "Then let me understand, Dad. I'm listening."
Inilagay niya ang dalawang kamay sa likod at nagsimulang maglakad. Tahimik naman akong sumunod sa kanya.
"There are times that you do not need to know everything and there are words that is better to remain unsaid."
Akmang magsasalita pa ko, pero napatango na lang ako. Kilala ko si Dad. Hindi siya 'yong tipo na mapipilit mong sabihin o gawin niya ang isang bagay na hindi niya gusto.
But I hope that he can still open up for me when the right time comes.
Nag-usap pa kami saglit ni Dad bago siya tuluyang nagpaalam kasama ang magkapatid na Stanford. Hanggang sa makaalis sila ay wala pa rin sina Nicole at Steph.
Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon?
Kanina ko pa sila hinahanap at nalibot ko na ang buong academy, maging ang buong mansyon at ang dulo ng kagubatan. Pero ni anino nila ay hindi ko nakita. Even Mikan was looking for her before she fell asleep. Ang akala ko pa naman ay bumalik siya sa klase.
"Hindi kaya lumabas ng academy ang girlfriend mo?"
I looked up at Vincent, whose leaning his back against the wall with his arms crossed. Walang emosyon ang kanyang mga mata na nakatingin sa 'kin ngayon.
Natigilan ako. Hindi ko naisip 'yon. Isa pa ay sinabihan ko na siyang wag lumabas ng academy kung wala naman siyang kasama na kahit na sino pa sa 'min. It's not safe for her. Kahit pa kasama niya ang protector niya.
"You're right. I gotta go. Hahanapin ko lang muna sila sa labas. Kayo muna ang bahala rito." Isa-isa ko silang tiningnan.
"Sana mahanap mo sila agad, Kuya. Pagabi na rin, eh," nag-aalalang sabi ni Miley.
Tumayo na ko at akmang aalis na nang biglang nagsalita si Vince.
"I'll come with you. Nabuburyo na rin ako rito sa academy."
Nagdududa ko siyang tiningnan. Pero nakaiwas lang ng tingin ang magaling kong pinsan.
Kung mayroon man sa 'ming ayaw makihalubilo sa mga tao ay si Vince 'yon. So, what's with the sudden shift of the mood?
Napangisi na lang ako nang maalalang kasama nga pala ni Nicole si Steph. Now I know the reason why.
"It's not what you think it is. So please stop smirking like an idiot," he blurted out suddenly.
I shook my head in amusement. Napansin kong nakangisi rin pala sa kanya ang iba pang mga royals kaya mas lalo siyang nainis.
"Fine! You better go there alone. Hindi na ko sasama!" He was about to walk away, but I quickly tapped his shoulder.
"Nakakatawa ka talaga, pinsan. Wala naman kaming sinasabi, eh. You're so obvious."
We all laughed out loud when his cheeks reddened.
"Wow! Kailan ka pa natutong mamula, Kuya?"
Sinamaan niya ng tingin si Rei. Pero tila wala naman 'tong pakielam dahil panay pa rin ang tawa nito, habang hinahampas ang kawawang si Hiro na nakatingin na rin ng masama sa kanya ngayon.
"Enough. We both know that you really want to come. So let's go."
I didn't wait for him to respond anymore. I quickly grabbed his arm and we both vanished in the wind.
-----
Nicole Jane's POV
Steph and I decided to go to the downtown after we walked and talked about the things related to her and Vince. But before we leave, I made sure that everything's alright in the academy. Besides, I know that Kyle and the others will be back soon.
Nag-ikot lang kami sandali sa mall kanina. Pero sa ngayon ay nandito kami sa isang ice cream parlor. Ice cream is one of my comfort food, so she is. I just thought that maybe we need this right now.
Tahimik lang kami, habang nilalantakan ang binili naming ice cream. We are both looking outside the window. Seeing the familiar sight of people walking down the streets and the vehicles that keeps on coming and go.
Sa totoo lang ay miss ko na rin ang pamumuhay rito sa labas. Hindi na kasi ako umaalis ng academy kahit weekends dahil madalas na nagkakataon na wala naman sina Mom at Dad sa bahay kaya nakatamaran ko na rin.
Malalim akong napabuntong hininga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga sinabi ni Steph kanina.
"Ano ba talaga ang mayroon sa inyo ni Vince? I mean, why did the two of you looked so distant and aloof of each other? Pansin ko rin kasi na malapit ka naman sa ibang royals. But except for him," I asked after a minute of silence that made her stop on her tracks. Napatigil din ako at napatingin sa kanya.
Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang dahil sa tanong ko. Pero agad rin naman siyang nakabawi at nag-iwas ng tingin.
"We... We..." she bit her lower lip and her eyes started to water. I mentally slapped myself for being so insensitive.
"I'm sorry. I didn't mean to... You don't need to answer it anyway. Mas mabuti siguro kung bumalik na lang tayo sa academy." I held her hand and started to walk.
"We used to be best friends back then."
Napamaang at napakurap ako sa kanya. What the hell?
I didn't respond and wait for her to continue.
"Sa totoo lang ay sa kanya ako unang naging malapit. We used to play, hang around and talk a lot of things. Alam din namin ang sikreto ng bawat isa. We trust each other so much. And that's when I learned about the human that he loves." A tear escaped from her eye.
"Napag-alaman kong anak din pala ng isang protector ang babaeng mahal niya. I warned him about it, but he didn't listen. Hangga't maaari kasi ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon ng isang bampira at protector. Most especially when he is a high class vampire. Besides, they were too young by that time."
I nodded because I also knew about that issue of the vampire-protector relationship.
She wiped her tears away. Gusto ko siyang i-comfort pero alam kong marami pa siyang gustong sabihin. So I remained silent.
"Aside from being his best friend, that's also the reason why I chose to keep my feelings for him."
I was stunned. Although I already expected it from her, it still surprises me.
"Ako ang nagsilbing protector nilang dalawa. Ako ang gumagawa ng paraan para lang makapagkita, magkasama at makapag-usap sila. Eventhough it hurts. Basta para sa kanya at sa ikaliligaya niya ay a-ayos l-lang." Her voice broke.
"Until I found out that that girl was only using him. I accidentally heard her talking to her parents about that matter, though I didn't catch up with the other details. Nakipaglapit lang pala siya kay Vince dahil mayroon silang pinaplano laban sa mga Clarkson. Si Vince ang tinarget niya dahil mas mahirap talagang makuha ang loob ni Kyle ng mga panahon na 'yon." Huminga siya nang malalim.
"Kaya naman ay hindi na ko nagdalawang-isip ng mga oras na 'yon at agad ko itong sinabi sa mahal na hari. Mabilis naman ang naging aksyon nila at agad silang pinadakip. Pero nanlaban sila, dahilan para mapatay ang anak nila, 'yong babaeng mahal niya. Habang ang mga magulang naman niya ay nakatakas sa tulong ng hindi namin nakilala kung sino. At hanggang ngayon ay hindi pa rin namin sila nakikita ulit."
Oh. So there's a possibility that they're just wandering around, watching and waiting for the right time to show up.
"That's when he started to hate me. Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng babaeng mahal niya. Ako ang sinisisi niya kung bakit nagulo ang buhay niya. He was blaming me for everything. At magmula nga no'n ay nagbago na siya. Though I know that he's guilty too. Dahil may naging pagkakamali rin siya. But he can't accept that to himself. Until now."
She started to break down and I immediately rushed to her side to hug her. I was dumbfounded while still absorbing all of the information that she said.
"Nicole?"
Napakurap ako nang biglang pumitik si Steph sa harap ko. "Huh?" wala sa loob na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo pa ba uubusin ang ice cream mo? Natulo na kasi sa kamay mo. Manlalagkit ka niyan, eh."
Doon lang ako biglang natauhan at dali-daling kumuha ng tissue para punasan ang kamay ko. Tinapon ko na lang 'yong kaawa-awang ice cream dahil wala na rin naman.
"I'll just go to the restroom. Pagkatapos ay umuwi na tayo at baka kanina pa nila tayo hinahanap. Pagabi na pala."
Masyado ata kong nalunod sa mga iniisip ko at ni hindi ko man lang namalayan ang oras. Lagot na naman ako kay Kyle nito, eh.
"Okay. It's not safe for you to stay here outside for so long as well. Sasamahan na kita."
I shook my head. Umaandar na naman ang pagiging protector niya. Akala mo ay hindi dumaan sa matinding pag-iyak kanina, eh.
"No need. Just wait for me outside."
She looked hesitant at first, but then nodded afterwards.
Pagkarating ko sa restroom ay mabilis lang akong naghugas ng kamay at saglit na nag-ayos. Nang matapos ay dali-dali na kong lumabas kaya hindi ko napansin ang lalaking kalalabas lang din sa kaharap na pinto kaya nabunggo ko siya.
"Sorry!" I apologized, but the guy was just looking down on the floor. Nakasuot siya ng hoodie kaya hindi ko rin gaanong maaninag ang mukha niya.
I shrugged and was about to walk passed him when he spoke that made me stood still.
"Mag-iingat ka. Wag kang basta-bastang maniniwala. Kilalanin mo kung sino ang totoo at kung sino ang hindi sa paligid mo."
Napalunok ako nang dahil sa lalim at lamig ng boses niya. Dahan-dahan akong lumingon kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin. As expected, he's now gone in front of me.
Lutang pa ang isip ko hanggang sa makalabas ako kaya bahagya pa kong nagulat nang may bigla na lang yumakap sa 'kin.
"Nicole! Pinag-alala mo ako ng sobra! Hindi ba ang sabi ko sa 'yo ay wag kang lalabas ng academy kung hindi kami kasama?"
Napangiti na lang ako nang marinig ang boses ni Kyle. Napansin kong kasama pala niya si Vince na malayo ang distansya kay Steph.
"Sorry—" I didn't able to finish my sentence when I saw the same guy that I had bumped with standing behind a post from afar. Kahit malayo ay alam kong sa 'kin siya nakatingin.
I knew it. Hindi nga ko nagkamali. His voice was surprisingly familiar.
Pero hindi ko maiwasan ang mapaisip tungkol sa sinabi niya at sa kung sino ba ang tinutukoy niya.
Dave Croven is really a one hell of mysterious to me.