JEWEL
Kailangan kong bilisan ang pagpunta sa parking kundi baka mabarino na naman si Sir Yul. Buti na lang pinirmahan niya pa rin yung dokumento ni Claire at buti na rin lang di pa umuuwi si Claire kundi kailangan ko pa uling bumalik sa office namin para iwan dun ang folder dagdag oras pa sa paghihintay ng nagsusungit kong amo. Bakit ba pati personal choice ko na tumulong sa pinsan niya ay idinadamay niya sa sama ng loob niya dun sa tao? Mayroon pa rin palang nakatagong immaturity sa kanya. Sa totoo lang gusto ko nang ipaglaban ang side ko kanina pero para huwag na lang humaba ang usapan, pinili ko na lang na mag-sorry. Baka masisante pa ako nang wala sa oras. Gumawa ka na nga nang mabuti nawalan ka pa ng trabaho.
Nagmamadaling pinindot ko ang basement button sa elevator. Baka pag nainip siya, masinghalan ulit ako. Hinihintay niya ako sapagkat sabay kaming pupunta ng hospital. Nabanggit kong papunta ako kay Ma'am Nora tapos dadalaw din pala siya kaya inalok niya akong sumabay na sa kanya. Kahit ayoko sana sapagkat bibili pa ako nang mabibitbit ay di na ako tumanggi. Isa sa mga nakikilala kong ugali niya ay yung nao-offend kapag tinanggihan mo ang inaalok niyang pabor.
Paglabas ko nang elevator ay halos magkanda patid-patid na ako sa pagtakbo. Buhay na ang sasakyan at may ilaw na ang headlight. Dagdag pressure pa nang matanaw kong si Sir Yul pa pala ang magdadrive.
"Sorry po kung naghintay kayo." Humingi agad ako ng despensa pagkaupong-pagkaupo ko.
"Naibigay mo ba ang dokumento?"
"Yes sir. Buti na lang andiyan pa si Claire." Humahangos na nagsuot ako ng seatbelt. "Nasan po si Alfred?"
"Pinauwi ko nang maaga. Sunud-sunod na rin kasing ginagabi ng uwi yun." Mukhang maganda na ang mood niya dahil malumanay na ang tono ng boses. "Can we go now? Wala ka na bang nakakalimutan?"
"Wala na naman po," kumpiyansang sagot ko.
Pinaandar niya ang sasakyan. Nadaanan namin ang sasakyan ni Sir Luigi. "Ay sir teka lang!" I shrieked.
Biglang preno niya. "Bakit?"
Hiyang-hiya akong tumingin sa kanya. "Nakalimutan ko ang susi ng kotse ni Sir Luigi. Nasa akin pa pala," mahinang bigkas ko sabay labas ng susi mula sa aking bag.
"Why do you have his car key?" Nagsalubong na naman ang kanyang mga kilay.
"Pinulot ko lang kasi binato ito ng babaeng kasama niya kanina sa parking lot. Galit na galit yung babae dahil pinagmaneho lang daw siya tapos tinulugan na."
"What? He brought a woman here again?"
Tumango ako.
Tumawa siya sabay iling. "Ang taong yun talaga hindi na nagsawa sa babae at alak."
"Paano to sir? Dapat siguro ibalik ko muna sa kanya."
Muli niyang pinaandar ang sasakyan. "Bukas mo na yan ibigay."
Nataranta ako nang tila wala na talaga siyang planong huminto. "Paano kung umalis siya pag nagising siya? Baka magalit ho yun sa akin."
"Hindi na yun aalis. Bukas na ang gising nun. I know him well. Everytime na nalalasing ang taong yun diyan siya sa unit niya umuuwi. At siguradong kinabukasan late na naman yun papasok," iling niya.
Binalik ko ang susi sa bag. Sa totoo lang kahit paulit-ulit na kinokontra ni Sir Yul si Sir Luigi I feel that he still genuinely care for him. Maybe they disagree in a lot of things but at the end of the day, nag-aalala pa rin siya sa pinsan niya. The pictures I saw earlier is a proof of that. And the fact that Sir Luigi keeps and displays that picture means that he also cares for his cousin.
"Sir would you mind if I ask how you and Sir Luigi end up hating each other? Nakita ko kasi sa picture frame kanina na close na close naman kayo nung mga teenagers pa kayo."
Alam kong ayaw na ayaw niyang pag-usapan ang pinsan niya subalit hindi ko maawat ang dila ko. My curiosity is killing me. Para bang bigla akong may napulot na puzzle at sabik akong buuhin ito. Akala ko ay masisira ko na naman ang mood noya subalit huminga lang siya nang malalim at matamlay na ngumiti.
Nanahimik na ako nang walang sagot na matanggap. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at sumandal nang mabuti sa upuan. Kunsabagay bakit nga naman ako nangingialam sa buhay ng iba eh sarili ko ngang buhay hindi ko pa maayos-ayos.
"Luigi used to be my bestfriend."
Di makapaniwalang napatingin ako kay Sir Yul. Seryoso ang kanyang mukha. I instantly feel the urge to listen intently.
"We were inseparables until a tragedy happened after I finished high school," he added.
"What tragedy?" napapangangang tanong ko.
"He was kidnapped. The kidnappers asked for twenty million kapalit ng buhay niya. Our family was willing to pay pero bago ang araw ng bayaran ay tinangka niyang tumakas. Nakalayo siya pero sa kasamaang palad ay naabutan pa rin siya at nabaril ..."
Nanlaki ang aking mga mata. So the scar that I saw on his body was a gun shot?
"Mabuti na lamang at sa kalsada siya nabaril. Nagkataong meron agad napadaan at dinala siya sa hospital. He was in ICU for two weeks and we thought sooner or later we would eventually lost him. But miraculously he survived."
"Paano ho nakaapekto ang pangyayaring yun sa closeness niyong dalawa? Di ba dapat mas lalo pang tumibay ang pagkakaibigan niyo dahil may dumaang napakalaking pagsubok sa inyo?" litong tanong ko.
"Between the two of us, mas matigas pa ang ulo ko kesa sa kanya pero mula nang makarecover siya ay nagkaroon nang malaking pagbabago sa ugali niya. It was a 360 degree turn. Ginagawa niya na lahat nang magustuhan niya. He had his own rule that no one could obstruct. Ang dating tahimik at matinong pinsan ko ay naging palaaway, lasinggero at babaero. Hindi ko na nga mabilang kung ilang kaso niya ang inareglo namin."
"But even though he changed, you should have understand him better. Maybe he was still secretly in pain or in trauma."
"I did. Ilang taon ko siyang inintindi at sinubukang unawain hanggang sa mapagod na ako. Ilang taon din siyang nag-undergo ng therapy dahil baka sakaling dulot nga ng trauma ang malaking pagbabago niya but the therapy was useless. Mas lalo lang lumalala ang pagiging pasaway niya. The tragedy happened twelve years ago pero ganun pa rin siya hanggang ngayon. Hindi na trauma yun Jewel, choice niya na yun."
Kumunot ang aking noo. Problemadong nangalumbaba ako sa bintana. Ramdam na ramdam ko ang saglit na pagbigat ng aking dibdib sa narinig na kwento.
"O ba't di na maipinta yang hitsura mo? Are you finally sympathizing with Luigi now?" puna niya.
Umiling ako. Maging ako man ay naguguluhan kung bakit nagkaganoon si Sir Luigi. Ang haba na nga naman ng twelve years. Saka parang wala namang kabahid-bahid ng trauma ang hitsura niya.
"Hindi kaya naapektuhan ang utak ni Sir Luigi sa pagkakabaril niyang yun? Baka tumama nang malakas ang ulo niya sa kalsada," sabay namilog ang aking mga mata. "O baka naman nung nag-aagaw buhay siya ay biglang nasalisihan ng pasaway na kaluluwa ang katawan niya gaya nung mga soul switching na napapanood natin sa pelikula."
Hindi siya umimik pero maya-maya lang ay bigla siyang tumawa nang malakas. "Hindi kaya ikaw ang nasasapian ngayon ng ibang ispiritu? That's the funniest theory I've ever heard!" tawang-tawang salita niya.
Nahawa ako sa tawa niya hanggang sa napahalakhak din ako nang malakas nang napagtantong napakawalang kwenta nga nang sinabi ko. "Pero malay niyo may supernatural ngang nangyari. Ipatawas niyo baka gumaling. Ano hanap tayong albularyo?" I kidded.
Mas lalong lumutong ang halakhak niya. Humina ang pagtawa ko at tinitigan ko siya. Marunong din pala siyang matawa sa mabababaw na jokes.
"By the way Jewel," sambit niya nang huminto sa pagtawa. "Are we going to visit Nora empty handed?"
Natuwa ako sa narinig. "Yan nga po ang gustong-gusto ko nang sabihin kanina pa!"
"What do you suggest? But please don't give me another supernatural suggestion," biro niya.
"May lagnat lang si Ma'am Nora pero walang kakaiba sa ugali niya kaya magagamot pa yun sa hospital... Hmmm what about fruits and flowers. You buy the fruits and I buy the flowers."
"Well good idea." He looked around. "Dumaan muna tayo sa pinakamalapit na mall."
Ngumiwi ako. "Huwag na ho tayong pumunta ng mall. Doon na lang tayo sa palengke sa cubao. May prutas at mga bulaklak na doon. Mas mura pa."
"Huh? Meron ba dun?"
"Meron. Maniwala kayo sa akin."
YUL
Naaliw akong tingnan ang kasama ko habang nakikipagtawaran sa mga prutas. Ang metikulosa niya nang pumili, ang tindi pang tumawad. She uses different method to get the price she wants. Iniintimidate, nilalambing o kaya naman ay nagmamakaawa.
Hinayaan ko na siya ang mamili habang bubuntot-buntot lang ako sa kanya. Medyo matagal nga lang pero hindi ko magawang madaliin dahil mukhang enjoy na enjoy siya sa ginagawa.
"Sir naiinip na po ba kayo? Sandali na lang po."
"It's okay. Take your time."
Ang sandaling sinabi niya ay inabot na ng fifteen minutes at hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung anong prutas ang pipiliin.
I decided to call Stella while waiting pero hindi sinasagot ang tawag ko. Siguro ay busy pa sa trabaho. I texted her to call me when she's free.
"Tadaa!!!" Pag-angat ko nang mukha mula sa pagtatype sa cellphone ay bumungad ang masayang mukha ni Jewel. Saglit akong di nakakibo. My eyes are glued to her cheerful smiles and sparkling eyes.
"Sir tapos na po ako! Sir?"
Kumurap ako. She is holding the basket of fruits on her right hand and the bouquet of assorted flowers on the left. "Here's your fruits and this is my beautiful flowers."
"Ako na magdadala,"saad ko.
"Ako na sir. Mabigat to eh."
"Kaya nga ako na ang magdadala dahil alam kong mabigat yan."
"Ah oo nga pala. Ayaw niyong tinatanggihan kayo," she murmured then gave me the basket of fruits.
"Anong sabi mo?" Did she just say bad thing about me?
She gave me a sweet smile. "Ah ang sabi ko tara na at sana di ho tayo ma-traffic."
Hindi yun ang pakinig ko. Pasalamat siya sa ngiti niya kundi manghihingi ako nang mahabang paliwanag.
Sa hospital, masaya si Nora sa pagdating namin. Masigla na ang kanyang hitsura ngunit naka-dextrose pa rin.
"Bakit magkasama kayo? Galing ho ba kayo sa meeting?"
"Galing kaming office. Nagkataon lang na dadalaw din pala si Jewel kaya isinabay ko na siya," sagot ko.
"Salamat sir sa pagpunta. Alam kong sobrang busy kayo pero nabigyan niyo pa rin ako ng oras."
"Walang anuman. Balewala ito kumpara sa mga oras na naibigay mo sa akin. I'm glad to see that you're recovering now." Iginala ko ang aking mga mata sa kwarto. "How's your room? Are you comfortable here?"
"Opo. Salamat sa tulong niyo sir ha. Kundi dahil sa tawag niyo dito sa hospital ay hindi ako mabibigyan nang magandang kuwarto. Punuan kasi sa dami ng pasyente dahil sa pesteng dengue na to."
"Kumusta na kayo Ma'am?" nag-aalalang tanong ni Jewel. "Miss na ho namin kayo sa office."
"Eto sa gabi na lang ako nilalagnat pero mababa na lang. Hindi ko pa alam kung kelan ako makakalabas. Sabi ng doktor kapag stable na daw ang bilang ng platelets ko. Gustong- gusto ko na ngang bumalik sa opisina dahil nag-aalala ako't tiyak na tambak lagi ang mga trabaho niyo."
"Stop worrying about work. Take a full rest para mabilis kang gumaling," pahayag ko.
She looked at Jewel and grinned. "Uy Jewel I heard you're doing a good job. Kinuwento sa akin nina Lorraine at Joana nang dumalaw sila kahapon."
"Hindi naman ho. Ginagawa ko lang yung makakaya ko para hindi kami pare-parehas mahirapan," she humbly answered.
I crossed my arms and smiled. "Yes it's true. She's doing a good job. Siya muna ang kapalit mo pagdating sa mga meetings," pagsang-ayon ko sa sinabi ni Nora.
"Oh ngayon sir nagpapasalamat ka na na pinush ko sayong i-hire siya."
"Since you're sick. I'll yield. Thank you so much Nora," yumuyukod pang biro ko.
"Ma'am totoo pala talagang kayo ang pumili sa akin," ani Jewel.
"Bakit sinabi ba ni Sir Yul na siya?"
Jewel glanced at me. " Ah b-binanggit niya nga po na top pick niyo daw ako."
I am relieved that she heard the truth. Ngayon ay mabubura na ang pagdududa niya na may kinalaman ang annulment namin kaya siya nakapasok sa kumpanya.
"Sir paano pala yung opening ng CGC building sa Cebu next week? Saka dun din natin unang ila-launch yung bagong beauty products. Sana magaling na ako para masamahan ko kayo," Nora worried.
"Huwag mo munang intindihin yan. Kung di mo pa rin kaya, isasama ko si Jewel at Lorraine," kaswal na sagot ko.
Jewel looked at me in great surprise. "K-Kasama ho ako?!"
"Yes. Only if Nora can't make it." I shrugged.
"S-Sa Martes na ho yun di ba? K-Kelan po ba tayo pupunta?" tarantang tanong niya.
"This Sunday."
"Sa Sunday na. Hanggang kelan ho tayo dun?"
"Wednesday morning."
"Naku kailangan ko nang magpaalam mamaya sa mommy ko."
Nora is looking at her bewildered. "Bakit hindi ka pa rin ba basta-basta pinapayagan ng nanay mo hanggang ngayon na mag-out of town?"
I pursed my lips to control my laughter.
"Hindi naman po sa ganun ma'am kaya lang kami na lang ni mommy ang magkasama simula nang mamatay ang tatay ko. Hindi ho sanay yun na walang kasama sa bahay kaya kung sasama ako sa Cebu kailangan maging lagay na ang loob niya na ilang araw akong mawawala."
"Asus paano yan pag mag-aasawa ka na, isasama mo rin ang nanay mo?"
"Siguro ganun na nga ho. Saka siyempre yung lalaking pipiliin ko ay yung tanggap ang nanay ko."
Tumingin sa akin si Nora. "Sir Yul halimbawa ikaw ang lalaki, papayag ka ba sa ganung set up na makakasama niyo sa bahay ang biyenan mo?"
Pansamantalang napaawang ang aking bibig sa di inaasahang tanong.
"Ano Sir payag kayo?"
"W-Well if that's the case then m-maybe I'll build a house with enough rooms to accommodate her mother or maybe I can build a house for my mother-in-law next to our house."
Ngumuso si Nora kay Jewel. "Kitam! Maghanap ka ng asawang kasing yaman ni Sir Yul na kayang magpatayo ng bahay na may maraming kwarto o di kaya kayang magpagawa ng isa pang bahay sa tabi ng bahay niyo! Sigurado akong abutin ka man ng kwarenta ay wala ka pa ring makikitang ganyang lalaki."
Asiwang ngumiti si Jewel at pagkuway di sinasadyang nagkatinginan kami. She quickly averted her eyes. Napalunok ako. Dahil sa tanong na yun bigla kong napagtanto na mag-asawa pa nga pala kami.
Nag-ring ang aking cellphone. Natauhan ako nang makitang si Stella ang tumatawag. Tumikhim ako bago sagutin ang telepono.
"Hi Love," bungad ko.
"Love sorry ngayon lang natapos yung pa-press con namin sa hotel."
"It's okay. Are you done with work now?" tanong ko.
"Yes. I'm leaving now and I'm starving. Let's have dinner together. Asan ka ngayon Love?"
"I'm at St. Lukes. Dinalaw ko si Nora."
"Ah oo nga pala. She's at the hospital. I want to visit her too. Diyan na lang tayo magkita Love. I'll be there in less than hour."
"Okay love. See you."
"See you. Bye."
Tahimik na nakatingin sa akin ang dalawa kong kasama. They stopped talking as soon as I answered my phone. A basic courtesy of well mannered staff.
"Pupunta si Stella dito. Gusto ko rin daw niyang dalawin," nagagalak na anunsiyo ko kay Nora.
"Talaga sir? Naku ang saya naman ng araw ko. Sunud-sunod ang dating ng mga gwapo't magagandang bisita."
Napansin ko ang pag-iba ng hitsura ni Jewel. Halatang hindi na komportable. Napakagat siya sa labi at dagling kinutkot ang kuko sa daliri.
"Ma'am Nora hindi na nga po pala ako pwedeng magtagal. May pinapabili nga pala sa akin si Mommy at kailangan ko pang dumaan ng grocery bago pa ako masaraduhan."
"Ah sige. Salamat sa pagdalaw Jewel ha. Thank you rin sa mga flowers."
"You're welcome po. Pagaling ho kayo agad ha."
She approached me with wry smile. "Sir Yul pasensiya kung mauna na ako. Salamat sa pagsabay sa akin kanina."
Lumabas siya nang silid nang di na hinintay ang sasabihin ko. Kumunot ang aking noo. May nahahalata na akong kakaiba sa kanya. Nitong mga huling araw, parang lagi siyang umiiwas kay Stella.
"Teka lang Nora ha. May ibibilin nga pala akong instruction para bukas kay Jewel."
"Sige sir sundan niyo habang di pa nakakalayo."
Mabilis akong lumabas. I saw Jewel at the hallway. Hindi pa nga nakakalayo. Nakatungong naglalakad nang mabagal. Taliwas sa sinabi niyang may hinahabol siyang oras. Instead of calling her attention, tahimik ko siyang sinundan. Sinabayan ko ang matamlay niyang paghakbang. Naghagdan siya imbes na mag elevator. Pagkalabas ng hospital ay pumunta siya sa malapit na convenience store. Bumili ng inumin at tahimik na naupo sa stool.
She sighs every after sip on the straw while staring at the glasswall. Walang ingay na naupo ako sa bakanteng stool sa tabi niya. "Ang lalim nang iniisip mo ha," anas ko.
Muntik na siyang masamid. Nanlalaki ang mga matang lumingon siya sa akin. "S-Sir anong ginagawa niyo dito?"
"Sinusundan ka." Tiningnan ko siya nang seryoso. "Be honest with me. May problema ba kayo ni Stella? Hindi ako bobo para hindi mahalatang iniiwasan mo siya."
Ngumiti siya nang mapakla at tumungo. "Wala hong problema si Ma'am Stella sa akin. Ako ho ang may problema sa kanya."
Kumunot ang aking noo. "Why would you have problem with her? Hindi mo ba nagugustuhan ang trato niya sayo."
"Mabait po sa akin si Ma'am Stella."
"Kung ganun anong problema at kailangan mo siyang iwasan?"
Sumilip ang lungkot sa kanyang mga mata. "Kasi pagnakikita ko siya, lagi akong nagiguilty at nakakaramdam ng takot..."
She let out another deep breath.
"At first, I thought the forgiveness you gave me was enough to give me peace of mind for the rest of my life. Siguro naman sa maiksing panahong pagtatrabaho ko sa inyo ay na witness niyo rin kung paano ako naging masaya at nakukuntento sa simpleng buhay na meron ako. Pero nang naging malapit ako kay Ma'am Stella, unti-unting bumabalik yung guilt na gaya ng naramdaman ko noon sa inyo. Inamin niya sa akin na gustong-gusto niya nang magpakasal. Matagal na siyang naghihintay na magpropose ka sa kanya to a point na nasasaktan siya dahil may mga pagkakataong nagdududa siya sa pagmamahal mo sa kanya. She deserves to be happy but I deprive that happiness from her. Bumabalik na naman ako sa umpisa. My guilt is killing me and the worst part of it is that I can't ask for her forgiveness because I'm not allowed yet to do so. Kaya ang tanging magagawa ko ngayon ay umiwas dahil ayokong lamunin ulit ako ng konsensiya ko. Ayokong talunin nito ang sayang meron na ako ngayon."
I stared at her teary eyes. I felt her guilt and her heavy heart in each word she said. I tapped her shoulder gently. "Listen to me Jewel. Wala kang kasalanan kang Stella. Kung meron mang may kasalanan sa kanya ako yun. You made a mistake but I made a mistake too. And I'm the one who's responsible on handling the consequence of my mistake to the people around me. Stella is my responsibility, not yours. Ako yung hindi umaamin ng totoo. Ako yung naduduwag na magtapat. At kung dumating man yung oras na malalaman niya ang totoo, wala ka ring kinalaman dun because at the end of it all ako rin ang mag-aayos ng relasyon namin." Kunway pabirong sinuntok ko siya sa nang mahina sa balikat. "Hey where's that tough Jewel I knew. Mukhang nasobrahan naman ata yang softness mo ngayon. Don't be unfair to yourself. Huwag mong hayaang akuin ng konsensiya mo pati kasalanan ng iba."
Tumawa siya pero malungkot pa rin ang kanyang mga mata. "Eh sir paano kung magtapat kayo sa kanya tapos kasuklaman niya na ako? Nakakahiya mang aminin sa inyo pero natatakot ako na baka madamay pati trabaho ko. I can take every blame but I can't afford to lose my job. Pag nangyari yun, sa kalsada ho kami ng nanay ko titira."
I touched her chin and allow her to look in my eyes. "Look at me. Always remember that we're in this together....Kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan."
"Pangako niyo yan? Baka pagna-annul na ang kasal natin ay tanggalin niyo na ako sa trabaho," she pouted like a child.
I chuckled. "If you want you can work at CGC for the rest of your life."
She gazed at me. Nang maramdaman niya ang sinseridad sa aking mga mata ay saka lang unti-unting gumuhit ang masiglang ngiti sa kanyang mukha.
"Aasahan ko yang sinabi niyo ha." She removed my hand from her face.
"Yes. So can you stay now and wait for Stella?"
Tumango siya nang may ngiti.
"She likes you a lot. You don't deprive her of happiness but you do deprive her of the chance to have a good friend."
"I'm sorry. I have poor judgement everytime I'm scared," she uttered.
"Let's go back to Nora now bago pa man dumating si Stella." Tumayo kami at tahimik na naglakad pabalik ng hospital.