webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · 都市
レビュー数が足りません
42 Chs

Chapter 32

Kinaumagahan masama ang pakiramdam ko, halos gusto ko nalang humiga at humilata sa malambot na kama at huwag nang bumangon pa. Hindi ako makahinga nang maayos, ewan ko ba kung bakit ganun nalang kasama nang pakiramdam ko, hindi naman kasi umulan kagabi pero sobrang lamig nang pakiramdam ko.

Maaari bang magkasakit ang isang tao na ang dahilan ay sobra sa pag-iyak? Kasi 'yun lang naman ang nangyari kagabi. Kapag siguro hindi kinaya nang emosyon yung nangyayari naaapektuhan ang katawan nang tao, kaya nagdudulot nang sakit? Inaamin ko naman kasi na sobra talaga ang iniyak ko na halos ubusin ang tubig sa katawan ko. Hindi ko alam kung anong tawag doon.

Basta nakakaramdam ako nang sakit sa ulo, panunuyot nang lalamunan na halos hindi ako makapag salita at sipon narin tsaka pamumugtong mga mata, hindi ko ganun maimulat dahil narin sa pakiramdam na mahapdi at halos mabigat ang talukap.

Nagtataka din ako dahil hindi pa ako kinakatok ni Nay Lusing, usually kapag napapasobra ako sa tulog siya mismo ang gigising saakin o kaya si Begail ang pinapapunta niya sa kwarto para gisingin ako, ngayon mukhang nakalimutan niya.

Napapahikab ako habang pilit na isikisiksik ang katawan sa mainit na bagay dahil lamig na lamig talaga ako dulot nang masamang pakiramdam, nanunuot ang malamig na hangin. Hindi naman nakabukas ang electric fan pero para saakin sobrang lamig at wala namang aircon ang kwarto ko pero feeling ko meron, kaya lalo ko pang isiniksik ang katawan ko para mapawi ang lamig.

Nahinto ngalang ako sa pag-usod ng katawan nang makarinig ako nang mumunting ungol. Bumilis ang tibok nang puso ko na halos marinig ko dahil sobrang tahimik sa loob nang kwarto.

Napapalunok din ako dahil nagpatuloy pa ang pag-ungol nang subukan kong igalaw ang katawan pausod sa likod. Naka tagilid ako nang higa while facing the right side of the bed and I don't know kung bakit ganun nalang ang naririnig ko dito sa loob ng kwarto.

A warm and rough hand stopped my hips from moving, yung mata kong namumugto feeling ko biglang lumaki dahil sa gulat at kaba. Yung kaninang nararamdaman kong init ay mas lalong umalab and I felt a strong and broad chest at my back hugging me from behind, especially when a hand expertly moving up pero hindi umabot nang dibdib ko, bandang ibaba nang breast ko ito huminto at pumulupot nang sobrang higpit. Animoy sabik na sabik kung makayakap, iyon ang hula ko.

"You never failed to amuse me, babe." A raspy and husky bedroom voice drowns me for a moment, while he breathes heavily exactly on my ear parang bigla nalang namuo ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko, a tingling sensation.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa kamay dahil doon. "You make me horny babe so don't do that again if you don't want to get naked here in my bed." Dagdag niya.

Dagundong ang kaba sa puso ko nang mapagtantong hindi ako nag-iisa at wala ako sa sariling kwarto.

Mas mabilis pa sa daga akong umalis nang kama. Kahit nananakit ang katawan at inaapoy nang lagnat nakuha ko paring bumangon. Bakas sa mukha ko ang hindi mapangalanang kaba, dahil ba wala ako sa sariling kwarto at nilalagnat ako o dahil nasa iisang kwarto ako kasama si...Simon!

"A-anong-"

"You fainted that's why I brought you here in my room." Defensive niyang sagot na ikinasalubong nang kilay ko.

"Paanong-"

"'Coz you cried a lot when we were talking. I don't know what to do. I have no courage to take you inside your house because if I'll do that magtataka ang mga kasama mo doon kung sino ako, so I decided to take you with me-"

"At bakit-"

"Do I need to explain more? Come here..." mautoridada niyang sabi pero hindi ko sinunod, ginawaran ko siya nang nakakamatay na tingin, gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako basta-basta susunod.

"Bakit-"

"Don't make me wait, Babe. Come here..." mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko nang tawagin niya ako sa endearment namin dati.

"Sino nagsabi-"

"Come.here.babe..." aniya na mukhang naiinis na dahil sa katigasan nang ulo ko.

Nahihirapan akong huminga at lumunok pero hindi ko pinahalata sa kanya. Umiling lang ako at patuloy sa pagbibigay nang nakakamatay na tingin.

He smirked.

'Hindi parin nagbabago.'

Kapag ganito siya alam kong may binabalak siyang hindi maganda, kahit sabihing hindi ko siya ganun katagal nakapiling, may mga ugali parin siyang nakatatak sa isip ko at hindi ko malimutan na hanggang ngayon kabisado ko parin.Kabisado ang galawan, maloko e.

"Ayoko..." nagmamatigas kong saad.

Para saan pa at magtatabi kami? Paano kapag nahuli kami ni Anastasia dito, edi malalagot siya sa asawa niya? Lalo na ako, sabi ko pa naman ayoko nang gulo pero bakit mismong gulo yung lumalapit saakin?

"Hmm, very interesting. Gusto ata nang babe kong lambingin siya..." kagat labi niya akong tinignan at marahang pinagkakatitigan ang kabuuan ko.

Biglang nag-init ang mukha ko sa hiya. Bakit ganun niya ako titigan? Para niya akong huhubaran sa oras na 'to, nag-aalab yung mga mata habang ekspertong pinagkakatitigan bawat nadadaan nito at bumalot saakin yung salita 'hiya' dahil sa ginagawa niya ngayon.

Mabilis kong tinakpan ang dibdib at ang gitnang bahagi nang katawan ko dahil sa paghagod nang tingin niya dito. Alam kong may damit ako at balot na balot pero hindi ko maiwasang maasiwa sa kabastusan nang paninitig ni Simon. Para namang hindi ko alam 'to dati pa.

Kaya nga nahulog ako sa kanya noon e. Wala nang bago kapag ginagawa niya to. Nakaramdam ako ng sakit sa puso pagkatapos sumagi sa isip ko kung ganito rin ba siya kay Anastasia sa tuwing silang dalawa lang sa loob nang kwarto? O baka sobra pa sa paninitig ang ginagawa niya?

Ginawa niya rin ba ang pagpapaligaya dito katulad nang pagpapaligaya niya saakin noon? Pero bakit kailangan ko pang tanungin, e obvious nga! Natural sa isang mag-asawa ang pagtatalik dahil mag-asawa sila. Kaya wala akong karapatang kuwestyonin kung ginagawa ba nila iyon. Wala!

Napaiwas ako sapagkat hindi ko kayang titigan si Simon tsaka tumalikod. Para naman kasing hinahalukay ang tyan ko sa sakit na nararamdaman.

Nagpakabulag ako dahil sa ginawa niya noon. Papikit-pikit ang mata ko dahil nagbabadya na naman ang luha, pinipigilan kong huwag bumuhos sa harap niya sapagkat ano mang oras baka sumabog na naman ako dahil sa nararamdaman.

Hindi ko naman kasi kayang kontrolin yung sakit at kahit sino naman ata kapag salitang sakit ang pag-uusapan hindi mo talaga makokontrol yun, mararamdaman at mararamdaman talaga iyon.

Tumalikod ako at walang pasabing pumasok sa banyo na nasa loob nang kwarto ni Simon.

Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko siya liningon at pinakinggan. Nanginginig ang kamay ko habang ini-lock ang pinto nang banyo.

"Babe!" panay ang kalampag ni Simon sa labas.

Napasalampak ako sa malamig na tiles nang banyo at doon ibinuhos ang pag-iyak, gamit ang isang kamay itinakip ko ito sa bibig ko upang mapigilan nang kaunti ang pag-iyak at huwag magbigay ingay sa labas.

"Babe open this door!" napapapiksi ako sa tuwing kinakalampag at sinusubukan ni Simon na buksan ang pinto nang banyo pero matigas ako, hindi ko iyon sinunod.

"Ran please, open this fcking door!" animo nararamdaman ko na naiinis na siya sa pagiging matigas ulo ko. "I know you're crying... I-I'm sorry okay? I'm sorry if may nasabi akong hindi mo nagustuhan, but please can you open the door for me? Let me in, please." Sabi niya na parang nasasaktan sa nangyayari, mas lalo lang akong napaiyak.

Nagkaroon nang panandaliang katahimikan saaming dalawa ni Simon. Naririnig ko ang mumunting paggalaw mula sa labas nang banyo at hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya sa kwarto pero hindi tumagal narinig ko ang pagtama nang kung ano sa pinto nang banyo sa labas.

Nakaupo rin ba siya katulad ko at nakasandal sa pinto nang banyo? Nadama ko kasi ang biglang pag-alog nang pinto.

"Why do we need to be like this?" nahihirapan niyang sabi... "Am I fck that's why you leave me? Am I fck that's why you're not comfortable on seeing me right now? Am I fck that's why you're crying? Tell me..." puno nang sakit ang bawat salitang binibitawan ni Simon.

Parang sobrang tagal na niyang ikinikimkim sa kanyang puso at isipan ang mga tanong na iyon at ngayon lang naitanong saakin.

Bakit nga ba humantong sa ganito ang relasyon namin noon? Kaya tuloy pareho kaming nasasaktan, umiiyak ako habang siya galit saakin dahil sa hiniwalayan na limang taon na ang nakakalipas.

Pero bakit naman siya magkikimkim nang sama nang loob noon at tatanungin ako kung bakit ganito ang nangyari ngayon?

Hindi ko rin naman sinabing hindi ako komportableng makita siya, ang problema ko lang naman ay ang ngayon, dahil magkasama kami sa iisang kwarto at tinatawag niya ako sa dati naming tawagan, hindi iyon maganda sapagkat may asawa na siyang tao, balak ba niyang lokohin si Anastasia? May balak ba siyang saktan si Anastasia kapag nalaman 'to? Kahit galit at naiinis ako sa babaeng iyon, tao parin naman ako at naaawa dahil ang asawa niya ay kasama ko sa iisang kwarto. Para sa isang babae malaking kataksilan iyon hindi ba?

Baka itutulad niya rin sa nangyari noon na malalaman nalang kapag may nakaalam?

"Silence means yes...." Aniya.

Napabuntong hininga siya na para bang iyon nga ang nakuha niyang sagot mula saakin. I heard him curse. "Am really fck..." he whispers but then naririnig ko parin. "This is my fault... this is my fcking fault!" sigaw niya na ikinalingon ko sa pinto.

Nagpupunas ako nang luha sa pisngi nang may marinig akong kalampag at mga nababasak na gamit sa labas.

Dagundong ang kaba sa puso ko dahil sa sunod-sunod na pagkabasag nang mga gamit, nagkaroon din nang takot ang puso ko sapagkat hindi ko alam ang gagawin.

Hindi alam kung pagbubuksan ko ba nang pinto o hayaan nalang kahit na nriarinig ang mga nagbabasagang gamit sa labas.

"Fck!"

Napatakip ako nang labi gamit ang dalawang kamay habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa aking mga mata, tumayo ako at kahit nanginginig ang mga paa pinilit kong huwag mapaupo ulit, ilang sandali pa akong nakatayo lang doon at nagdadalawang isip na buksan at tignan kung anong nangyayari sa labas nang banyo, kung anong kaganapan ang ginawa ni Simon sa kwarto niya.

Hindi nagtagal pinihit ko ang siradora nang banyo at dahan-dahang binuksan ang pinto, napapapikit ako sa tuwing lulunok sapagkat masakit ang lalamunan.

Nabitawan ko ang siradora nang pinto at nagbigay ingay iyon ng kusang bumukas, napatakip ulit ako sa aking bibig. I saw Simon sitting on the floor beside the bed nakasandal siya dito habang ang dalawang kamay ay pagod na nakapatong sa kanyang dalawang tuhod at dahan-dahang tumutulo ang dugong nag-uunahang mahulog.

Mas lalong pinihit ang puso ko sa nakita, lalong sumakit ang ulo ko at nakaramdam nang lalong init sa katawan.

Mas lumala lang ang trangkasong nararamdaman ko dahil nakikita ko siyang nasasaktan. Hindi man makita ng mukha niya dahil nakayuko ramdam kong nasasaktan siya.

Inilibot ko ang paningin sa mga gamit na nabasag sa loob nang kwarto niya, maingat akong naglalakad at iniiwasan ang mga basag na gamit.

Nang makalapit ako kay Simon, lumuhod ako, at hinawakan ang nagdudugong kamay niya. Nahihirapan akong tignan siya sa oras na 'to pero kailangan kong tibayan ang sarili ko. Nagkaka ganito siya dahil saakin, kasalanan ko 'to e. Kasalanan ko kung bakit nagkaka ganito siya ngayon.

"Hindi ko alam kung bakit ganito yung narararanasan ko Ran." Ang bigat nang pagkakabanggit niya niyon.

"Ang gusto ko lang naman bumalik ka sakin, but then I failed-." Basag ang boses niyang sabi. "Kasalanan ko ang lahat kahit hindi ko alam ang rason nang paghiwalay mo sakin." Mas humigpit ang kapit ko sa kamang niya at ganun din ang ginawa, para bang manhid na siya sa oras na 'to kahit may sugat ang dalawa niyang kamay. Tulala ako habang nakayuko rin dahil ayokong makita niya ang mukha ko na lumuluha.

"No one bother to comfort me that day when we broke up, even my friends and your friends. I tried to talk to them but they just keep on ignoring my presence and you know what? Wala akong nakuhang sagot dahil maging sila hindi alam kung saan ka hahanapin, even your family, feeling ko pinagkaka-isahan nila ako Ran, pinagkakaisahan ako nang lahat. They hate me but then hindi nila sinasabi kung bakit galit sila. I wonder what the reason behind that fcking break-up is." Mapakla siyang tumawa at nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan din siya sa ginawa ko.

"You left scars here in my heart, I'm a fool! You left me hanging while in the middle of running trying to find an answer to my questions!"

Hindi ko aakalaing ganun ang sinapit ni Simon sa mga kaibigan ko maging sa kaibigan niya. Nagkaroon nang munting inis ang puso ko pero napalitan din iyon ng guiltiness. Ako ang dapat na sisihin sa oras na 'to hindi ba? Ako dapat! Ako!

"I thought if I marked you as mine, you will be mine forever. Yung tipong makikita kita sa kama ko mahimbing na natutulog at masaya dahil kasama ako. I thought if you let me be your man, you will be my woman too because I love you. Akala ko lang pala yun." Aniya na puno nang sakit. "I am dreaming a fairy-tale too, you know? To have a happy ending with you, to be with you 'til my last breath, and 'til our hair become white, 'til we get older."

Gumalaw siya kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mga mata naming dalawa, may bakas nang sakit, galit, pagkainis, dismaya at panghihinayang ang kanyang mga mata.

Hindi man niya isiwalat gamit ang kanyang labi dama ko parin iyon dahil sa nangungusap na mga mata.

"Maaari mo bang sabihin ang rason mo Ran? I need to hear your fcking reason!" puno nang pait niyang sabi, naiiyak na naman ako. "Don't do this to me Ran, don't hurt my feelings, I'm asking you. Tell me your reason so that my mind would find its rest and so my heart." Aniya na parang sukong-suko na saakin.

Ang sakit!

"For almost five years para akong tanga kakatanong sa sarili ko bakit tayo naghiwalay? Anong nagawa kong mali para saktan mo ako nang ganito? Anong kasalanan ko para hiwalayan mo? Anong karapatan mo para putulin ang pagmamahalan natin?" madiin niyang saad sa huling salita.

Puno nang sakit niyang pinipigilang umiyak sa harap ko. Hinaplos nang nanginginig kong kamay ang kayang mukha. Marahang pinalis ang luha niya na dumaloy.

I miss touching his face, after five long years nahawakan ko ulit siya, nadama nang kamay ko ang mukha niya. Pumikit siya at wari sabik din sa oras na 'to.

Limang taon tayong nagsasakitan Simon. Limang taon!

"Tell me please?" desperado niyang saad habang umiiyak. "Sabihin mo rin kung aasa pa ba ako sayo o hindi na. Sabihin mo kung dapat narin ba akong tumigil sa pagmamahal sayo? Para hindi na masaktan pa ang puso ko Ran..." pinipiga ang puso ko sa mga narinig, umiiling wari ayaw tanggapin ang sinasabi niyang iyon.

"I'm tired of everything..." he said while cursing again and again. Kaya niyakap ko siya. "Tired of believing that my babe will come back to my arms again, so I can call her mine!"

Hindi ako umasang yayakapin niya rin ako pabalik pero nagulat ako nang ipulupot niya ang mga kamay at mahigpit akong niyakap.

I felt his chin in my shoulder while planting kisses on my kneck, he finds it as his resting place. He found his lost resting place na matagal na niyang hinahanap. Parang sa isang iglap lang naging mahinahon siya sa tagal na pagkawalay.

Am I his resting place? Am I really?

He murmured something but I didn't hear clearly dahil nalulunod ako sa yakap naming dalawa. Bumalik lahat nang masasayang alaala na pinagsaluhan namin, simula sa simula.

Hinagod ko ang kanyang likod wari parang bata na tinatahan sa pag-iyak at hinihili upang patahanin. Mas lalo niyang isinisiksik ang sarili saakin, maging ang kanyang mukha, ang hininga ay tumatama at nakikiliti ang leeg ko.

Wala akong sinabi ni isa, ni walang lumabas sa bibig ko na salita. Gusto ko munang namnamin ang pagkakataon na ito. Gusto kong maramdaman ang init naming dalawa. Ilang taon din akong naghirap na wala siya, dahil sa sariling desisyon ko. Ilang taon din siyang nawala saakin.

"Tell me, please?" pag-uulit niya, nahimigan ko rin na medyo maayos na siya at ako na naman 'yong hindi dahil masakit yung alaalang naging dahilan nang lahat.

"H-hindi mo ba t-talaga alam ang puno't dulo k-kung bakit ako nakipag hiwalay S-simon?" ang hirap sabihin sapagkat umiiyak na naman ako.

Naramdaman ko ang paggalaw niya wari gustong makita ang mukha ko pero nanaliti akong nakayakap sa kanya.

"A-alam kong alam m-mo iyon." Ani ko habang nagpupunas nang luha. "H-hindi ko na d-dapat pang ipaalala s-sayo ang k-kataksilang ginawa mo-"

"What did you-"

"Patapusin mo muna ako pwede ba!" naiinis ako dahil alam kong magrarason na naman siya. Pero mahigpit parin akong nakayakap. "Ang hilig mong umepal sa gusto kong sabihin!" napapasigaw na ako dahil sa inis.

"Okay! I won't interrupt you while talking, go on..." siya naman ngayon ang umaalo saakin.

Para kaming baliw na dalawa.

"M-may nagsabi saakin na k-kasama mo raw si Anastasia habang..." kagat labi akong tumigil, nasasaktan akong alalahanin. "M-magkahawak kamay at m-masayang naglalakad sa daan t-tapos na k-kita kayong m-masayang pumasok sa isang restaurant s-sa Paris." pagpapatuloy ko. Hindi na ganun karami ang luha na lumalabas sa mata ko dahil halos naubos na kanina pa.

Naramdaman ko ang pagpipigil nang tawa niya wari ginawang biro ang sinabi ko. Kaya humiwalay ako sa pagkakayakap, ngunit mabilis ang galaw ni Simon bumalik ulit ako sa yakap niya.

"B-bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan dahil doon?" humito rin siya pero iba na ang ginagawa, pinapatakan ako nang mumunting halik sa leeg at balikat. Wala naman siyang sinabi kaya iniisip ko nalang na binigyan niya ako nang oras para ipagpatuloy lahat nang gusto kong sabihin upang malaman niya rin.

"Talaga bang magkasama kayo noon at hawak mo pa ang kamay niya?" Nahihimigan ang selos sa boses ko.Naramdaman ko ang pagtango niya kaya napapikit ako, nasasaktan dahil hindi man lang niya iyon itinanggi, mayabang pang tumango. Gusto ko na talagang humiwalay sa kanyang yakap pero hindi niya ako binitawan.

"Nasasaktan ako Simon, h-hindi mo man lang dininay yun?" puno nang sakit kong sinabi.

"Why would I deny it? It's true!" mas lalo lang akong nasaktan. "But you misunderstand that Ran. Yes, we held each other's hand but that was a friendly gesture. Yes, we go went to a restaurant but that was nothing! Kung sino man ang nagsabi sa iyo niyan nagkakamali siya nang hinala tungkol saaming dalawa ni Anastasia." Hinarap niya ako, as in walang kurap niyang sinabi iyon.

"Stop lying Simon..." pagod kong saad.

Bakas sa kanyang mukha ang dumaang sakit pero napalitan iyon nang pag-iintindi. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"Do you think nagsisinungaling ako." Hindi iyon tanong. "Paano ako magsisinungaling sa harap nang mahal ko? Kahit kailan hindi ako nagsinungaling dahil ayokong masaktan ka." Aniya.

Umiling ako. "Sinaktan mo na ako Simon. Hindi pa ba obvious yun?"

"Hindi kita sinaktan Ran. Ikaw mismo ang gumawa niyan sa sarili mo." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon parang saakin pa lahat ang sisi. "Kusa mong pinaniwalaan ang mga nalaman mo. Kusa kang nagdesisyon kahit hindi mo alam ang totoo. Kusa kang naniwala sa iba na dapat saakin ka unang naniwala." Dismayado niyang saad at pinipihit na naman ang puso ko.

So kasalanan ko pa pala iyon? Kasalanan ko dahil nagpatangay ako sa sariling nararamdaman? Kasalanan ko pala?

"Bakit parang ako pa yung mali?" puno nang pait kong saad.

"Ran..." napapaos niyang tawag "Let me explain okay? Hindi ko naman sinabing ikaw 'yung mali e-"

"Pero iyan ang gusto mong ipunto Simon! Na ako yung may mali ang desisyon sating dalawa! Na maling magdesisyong hiwalayan ka kahit alam kong may iba ka?!"

"Oo na!" naiirita siya saakin. Napakunot ang noo ko at bahagyang umatras. Hindi makapaniwala.

"See? Inamin mo rin na mali ako Simon!" mapakla akong tumawa. "Inamin mo rin!" sigaw ko.

Nagtatagis ang bagang niya dahil ipinapamukha ko sa kanya ang sinabi niya saakin, na ako ang mali.

"Okay, kung yan ang gusto mong paniwalaan-"

"See!-"

"Will you stop cutting me?! Paano natin maayos 'to kung ganito ka? Halos hindi mo ako pinapakinggan Ran." Aniya dahil napupuno na sa ginagawa ko.

"Ang masakit pa doon iniisip mong nagsisinungaling ako sayo, kailan ba ako nagsinungaling? Mas pinili mong paniwalaan ang iba kesa saakin, bakit ganyan ka?" natahimik ako. "Ang babaw naman nang tiwala mo sa'kin Ran, nakuha mo akong hiwalayan nang hindi naririnig ang panig ko. Ganyan kababaw ang tiwala mo." Aniya na sobrang nadismaya.

Napayuko ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata na puno nang dismaya, disaapointed siya dahil hindi ko nagawang pakinggan ang panig niya, nagdesisyon ako nang kusa nang walang pag-alinlangan.

"Pilit mong pinaniwala ang sarili mo sa sinabi nang ibang tao at hiniwalayan ako. Ang sakit nun sa part ko Ran, sobrang sakit!" halos marinig ko na ang paghampas niya sa sariling dibdib "Ano pa ang hindi ko alam sa oras na 'to at baka masagot ko-"

"Na engage kana kay Anastasia! Yan ba ang gusto mong marinig saakin?! Gusto mo talagang ipamukha saakin yan Simon e! Gustong-gusto mo!" pinagsusuntok ko ang kanyang dibdib pero hindi siya natinag.

He tsked. He looks mad.

"Ang babaw nang tiwala mo, grabe!" mapaklang tumawa at sarkastiko akong tinitigan. "Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na hindi ako engage kay Anastasia!" frustration run in his face. Wari hustong ipaintindi saakin lahat.

"You really disappoint me because of these fcking issues! I am disappointed because you didn't give your full trust to me." Nasasaktan ako.

"I gave my trust Simon. Nagtiwala ako sayo-"

"No. You didn't because you leave me. If you really give your full trust satingin mo nasa ganitong sitwasyon tayo ngayon? Nagkakasakitan? You.are.wrong.babe..." aniya at madiin ang bawat salitang binitawan. Tumango-tango ako na para bang naiintindihan lahat kahit ang totoo namamanhid na ako sa sakit.

"I-I'm sorry..." tanging lumalabas at paulit-ulit kong sinasabi sa kanya. "I'm sorry..." hagulgol ako nang hagulgol sa harap niya.

"Sorry? Hindi mo ako madadaan sa sorry mo, dahil hindi mo naman ako pinagkatiwalaan diba? Your sorry won't heal my broken heart for this moment Ran." He's mad.

I keep on saying sorry dahil wala akong ibang maisip na sasabihin. Halos isaksak ko sa sarili ang kakulangan nang tiwala sa kanya. Ngayon lang ako nahimasmasan na may mali nga talaga ako, I doubted Simon.

Hindi ko binigay ang buong tiwala ko sa kanya, mas pinili kong maniwala at pakinggang ang sinabi nang iba bago siya makinggan. Ang laking katangahan nang ginawa ko noon. Sobra!

Nagpadalos-dalos ako at kusang nagdesisyon na dapat pareho muna naming pinag-usapan. Na dapat inayos muna namin bago maghiwalay kasi baka maayos pa, baka sakaling magkaintindihan pa diba?

"Hindi ko alam kung saan mo nalaman yan pero para maliwanagan ang isip mo at para matigil na ang sakitan nating dalawa." Aniya,

Simon paused for a while and after that he takes a deep breathe and started to talk again.

"Una wala kaming ginawang masama behind your back because she knew that I love you, Ran. I treat her a dinner bilang ganti sa pagsama niya saakin para bumili nang engagement ring." Huminto siya saglit para tignan kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Nakita mo ba 'to?" itinaas niya ang kaliwang kamay kung nasaan naruruon ang singsing na ilang beses ko nang nakikita. "This is the engagement ring I would like you to wear, but you fcking break up with me the day I am planning to proposed. Ang saya diba?" puno nang pait at disappointed niyang sinabi.

"Simon..." halos pabulong ko nang tawag. Puno ako nang pagsisisi at inis sa sarili.

"Second, the information they gathered about me and Anastasi's engagement was not true. Kung saan nyo nalaman ang maling balita na yan, siguradong hindi yun totoo. Maybe they mistook the ring I brought for you at inisip na para iyon kay Anastasia, na engage ako sa kanya, kahit ang totoo hindi naman." walang bakas nang kasinungaling niyang sinabi iyon mismo sa harap ko.

"Now you know that I didn't cheat behind your back because you are the only woman my heart really wanted, magtitiwala ka na ba?" napapakagat labi ako at hindi makatingin dahil alam kong maling-mali ako.

Guilty sa lahat nang ginawa dahil halos isumpa ko siya noon. Sarili ko dapat ang isumpa ko noon hanggang ngayon dahil nagkulang ako sa tiwala, hindi ko siya pinagkatiwalaan, I doubt his love. I doubted him.

"I'm sorry..."

He tsked.

"I told you. Your sorry won't fix my broken heart. You need to do something babe." aniya. Hindi ko alam kung galit pa ba siya saakin dahil tinatawag naman niya akong babe.

"A-ano ba ang dapat kong gawin?" nahihirapan ako na itanong iyon sa kanya.

"Alam mong hindi ako nagtatanim nang galit kahit may kasalanan ka sakin Ran diba? It is because I still love you..." aniya na parang bata akong pinagsasabihan.

Tumango ako...

"Good!" aniya habang umaliwalas ang mukha "then be mine again babe, fall for me again, that's the only thing you need to do." Inilapit niya ang mukha saakin at pinagdikit ang mga noo, napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko sabay sabing... "Fall for me and love me back..." after that he kissed me passionately.