webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · 都市
レビュー数が足りません
42 Chs

Chapter 30

It was a sunny day for us to start a new day. We woke up early in the morning to prepare the dishes that we will go to sell. Nay Lusing does the course with the help of her granddaughter Begail. While Samuel and I went to a supermarket to buy some ingredients that are needed. He helps me carry those plastic bags na mabibigat, halos siya na nga ang nagdala nun. Dalawang plastic bag anlang ang dala ko at hindi ganun kabigat ang laman.

"Is everything intact? Did we buy all the needed ingredients or may hindi pa tayo nabili?" he said while we were walking. "Baka may nakalimutan ka pa..." he added.

Umiling naman ako tapos tinignan ang listahan na nasa kamay ko.

"Wala na. Tignan mo lahat may check." tinignan naman niya ito at tumango. "Uwi na tayo para makatulong kila Nay Lusing."sabi ko. Wala naman din akong narinig na pagtutol sa kanya.

Nauna siyang maglakad saakin papunta sa kotse niya. Binuksan ang backseat at doon nilagay ang mga pinamili namin. Nang mailagay lahat tumuwid siya ng tayo at tumingin saakin na naglalakad palapit sa kanya.

Nang makalapit ako inabot niya ang mga dala kong plastik bag na pinamili at siya na mismo ang naglagay niyon sa loob ng kotse.

Binuksan ko naman ang front seat at pumasok saka umupo. Hinintay ko siyang makapasok sa loob ng kotse, nakita ko pang inihahagis niya sa ere ang susi ng kotse bago pumasok at isinara ang kotse.

Maayos takbo ng utak ni Samuel ngayon, his mood is in a good state. Lumiliwanag na ang mukha niya hindi katulad nung mga nakaraang lingo na halos buhatin niya ang mundo sa pagiging problemado.

Patuloy parin kasi ang pag-exercise naming dalawa hindi na ngalang araw-araw, we decided to make it three times a week na. MWF kung baga tapos yung ibang araw rest day ganun, wala naman sigurong masama sa ganu'ng routine.

"Good mood ka ngayon ah? Anong nakain mo?" tanong ko habang nakatingin sa gawi niya.

He started the engine after that he look at me and a mischievous smile was seen on his face.

"Wala naman..." natatawa niyang saad "Bawal bang maging good mood ngayong araw? Anong gusto mo umiyak ako dito?" natatawa parin siya.

Pinanliliitan ko naman siya ng mata, mukha siyang tanga kakatawa. O baka naman sa sobrang ganda ng umaga niya nahanginan pati ang utak niya, ganun? Ang weird kasing tignan, may pa sipol-sipol pang nalalaman tapos mahinang kumakanta ng hindi ko maintindihan.

"Ang weird mo talaga ngayon, Samuel." pati ako nahawa na sa kakatawa niya, pero wala naman talagang nakakatawa, ewan ko ba dito bakit ganito siya ngayong araw.

Sometimes iniisip ko ang weird ng taong tumatawa na wala namang dahilan, basta natutuwa lang, bakit kaya nakakaramdam ng ganun ano?

"Oy, tigil na please! Hahaha" hawak ko ang tyan kakatawa but then he continues and Samuel didn't listen.

He sang this song in other languages that are not familiar to me, but I think it was an Spanish song pero ngayon ko lang narinig at sa kanya pa, kapag kakantahin niya in a slow rhythm para siyang nagtutula, and if he's rapping the song it was like you know sirang plaka,basag pa.

"Alam mo Samuel magdrive ka nalang...hahaha" napapapunas na ako ng mata dahil naluluha ako sa sobrang tawa. Hindi ko talaga mapigilan... "Hindi ka para sa pagkanta, kung sakali mang mag-u-audition ka bilang singer naku di ka papasa. Promise!"

"Yo solo la mire y me gusto, me pegue, la invite y bailemos, eh!" patuloy siyang kumakanta at binabaliwala ang sinabi ko. "l noche esta patra un reggaeton lento, de esos que no se bailan hace tiempo..." tumingin siya sa gawi ko at feel na feel yung pagkanta pero wala sa tuno...

"Trying hard na trying hard ka sa pagkanta mo ah? Tama please...hahaha" nagpupunas na ako ng luha at imbis na tumatawa lang ako iyak-tawa na ang nagagawa ko. "Mamamatay ako kakatawa sayo, grabe!" both shoulder ko nanginig sa iyak-tawang ginagawa, pati na din ang boses ko.

Tumingin siya sa gawi k oar medyo sinamaan ako ng tingin, nahinto tuloy ang pagkanta niya. "Edi mamatay ka sa tawa at least hindi ka namatay dahil sa iyak diba?" nakuha pa akong pilosopohin ng lalaking 'to. Nasabunutan ko tuloy siya na ikina gulat niya. Gumewan pa ng kaonti ang kotse dahil doon.

Masama tuloy ang ginawad kong tingin sa kanya. Hindi na ako natutuwa sa oras na 'to.

"Unahin nalang kaya kita no?" pilit kong ninaabot ang buhok niya pero iniiwas niya ang kamay ko gamit ang isang kamay niya at ang isa iyon ang mistulang nagpapatuloy sa pagmamaneho.

"Oh,oh! Tama na! Namumuro ka naman kakasabunot sa buhok ko, kapag talaga nabunggo tayong dalawa, mumultuhin kita."

"Ano yun? Mumultuhin mo ako e muto narin ako kapag namatay tayong sabay dito. Bobo!" ang harsh kong sabi sa kanya na ikinainis niya pero napalitan din iyon nga nakakalokong itsura.

"Makapag sabi ng bobo ah! Matalino ka? Kaya pala heartbroken ka hanggang ngayon no? Bobo ka kasi sa pag-ibig." hindi ko alam kung biro ba iyon sa kanya, pero sakin patama iyon. Nasaktan ako dun.

Hindi ako natuwa sa sinabi niyang 'yun. Para akong tinanggalan ng dila at hindi makapag salita. Pinaalala niya saakin ang malaking katangahan kong ginawa noon. Nakakainis! Hindi ko man sabihin alam kong nakaramdan din siya sa oras na 'to.

Pinipigilan ko ang masamang emosyon na nararamdaman sa oras na 'to, pinilig ang ulo sa bintana ng kotse at doon ko itinuon ang tingin.

"I-I" dinig kong sabi niya. "It was..." now he curse and murmured something but I didn't mind. "I didn't mean that... I'm sorry." He said and almost a whisper.

Mas hindi ko siya kinibo at pinagpatuloy ang pagiging tahimik habang nasa byahe kami pauwi. Kung hindi niya sana pinaalala at pinamukha saaking naging bobo ako dahil sa pag-ibig hindi sana kami ganito katahimik ngayon. Masaya na kanina e, isiningit pa niya iyon.

-----------------

Kung ang buhay ganun lang kadali,wala na sanang paghihirap ngayon. Hindi na sana pa nakakaranas ng sakit sa puso o kung ano paman diba? But then life is so unfair I don't know why I said that. Maybe because I'm in a state wherein I look back to the past and want to restore everything? Or maybe I wanted to fix things between him, pero anu nga ba ang irerestor at ififix ko? Nakakatawa, bobo nga pala ako kaya hindi ko alam.

Two days had passed and my relationship with Samuel is not good. I keep on ignoring him like a ghost when he wanted to approach me or trying to talk to me. It keeps on repeating again and again what he said that day. Kapag naaalala ko naiinis ako, lalo na kapag nakikita ko siyang lumalapit saakin para subukan akong kausapin. But I keep my distance for two days, nababaliw na siguro yun dahil sa prostration na nararamdaman dahil iniiwasan ko siya.

Nakakatawa nga dahil ang babaw ng pinag-ugatan ng tampo at inis ko pero kung makapag-iwas ako parang ang laki ng nagawa niyang kasalanan diba? I know it's over acting feeling.

"Manuela may problema ba kayong dalawa ni Samuel? Napansin kong hindi kayo nagkikibuan nitong nakaraang araw." bungad kinaumagahan ni Nay Lusing habang naghihiwa ako ng sayote para sa tinolang manok.

I didn't say words or even open my mouth to speak or answer Nay Lusing question. Wala akong balak nasagutin iyon kasi kahit sabihin ko alam na alam naman niya at halatang may problema talaga sa pagitan namin ni Samuel, kakainis kasi yung lalaking yun.

"Manuela..." she called me once again nang malumanay ang boses.

Huminga ako ng malalim pagatapos inihinto ang paghihiwa at tumingin sa gawi ni Nay Lusing.

"May konting tampuhan lang po kami ni Samuel, Nay Lusing. Huwag nyo po kaming alalahanin." I smiled genuinely in front of the old woman to make sure she didn't bother thinking of us at baka ikasakit niya pa sa sobrang pag-aalala. Ayoko naman ng ganun.

"Mabuti at hindi kayo galit sa isa't isa. Ayusin nyo ang problema nyo ha, Manuela? Malaki na kayo alam nyo ang dapat gawin. Paano nalang kapag nagkapamilya kayong dalawa? Lagi kayong ganyan?" sabi niya ikinalaki ng mata ko dahil sa gulat.

"Nay Lusing!" tutol ko dahil bigla nalang siyang nagbibitaw ng salita na hindi ko ini-expect. "Anu ba naman yang sinasabi mo? Magkaibigan lang kami nung tao. Bakit naman po napunta sa ganuong usapan?" hindi na mawari ang mukha ko sa oras na 'to. Ako ata ang magkakasakit sa biglaang sinasabi ni Nay Lusing e.

Minsan iniisip ko kung hindi lang siya sobrang tanda saakin baka nakutongan ko na siya. Kaso matanda siya saakin at nanay na ang turing ko, kaya nirerespeto ko siya. Talaga naman kasi si Nay Lusing.

She tsked with disappointment written on her face. "Wala ka bang pagtingin kay Samuel ha anak? Nakikita kong may gusto yung tao sayo. Ayaw mo bang subukan?" pangungulit nito saakin.

Napangiwi ako sa sinabi niyang iyon, kung alam sana ng matandang ito na wala kaming gusto sa isa't isa ni Samuel. Gusto ko sanang tawanan ang sinabi niyang may gusto daw sa'kin yung lalaking iyon, laking pagkakamali iyon dahil ang totoo, wala.

May ibang gusto si Samuel kaya nga siya nandito e, dahil hinahanap niya yung babae pero hindi ko naman kilala kung sino basta ang sabi niya nandito daw sa Naga iyong sinusundan niya.

Napagtanto ko rin kung bakit ganun nalang yung prostration niya noon at kung bakit nakakaranas siya ng sleep deprivation. Maliban kasi sa trabaho niya, pinoproblema niya rin yung relationship niya dun sa babae.

Bakit lahat nalang may dahilan ano? Nakakabwisit na.

"Nay Lusing nagkakamali po kayo ng nakikita. Malabo na siguro iyang mata mo..." biro ko na ikina tawa niya at nakuha pa akong kurutin sa tagiliran. Napapigik naman ako sa sakit. Grabe talaga tong matandang 'to.

"Ikaw talaga Manuela!" aniya at pinanliliitan ako ng mata.

Pagkatapos ng usapang iyon, nagbukas kami ng karinderya para magbenta ng almusal sa mga taong paruon at parito.

Hindi naman din naging hassel yung araw namin dahil mabilis na ubos ang paninda kaya maaga kaming nakapag sara.

Dahil wala akong gagawin matapos ang pagsara ng karinderya napagpasyahan kong bumisita sa café ni Ligaya. I use my car para mapabilis, wala rin si Samuel kanina dahil may business niyang inasikaso dito lang din naman sa Naga.

"Ganda! Yung kaibigan mong maldita nandito na!" sigaw ni Shakesmette ng makita akong pumasok sa café na pinagtatrabahuhan nila.

"Si Ran ba?!" narinig ko ring sigaw ni Ligaya.

Bakit ba ang hilig nilang magsigawan? Mabuti nalang at wala silang customer, itong mga 'to talaga.

"Kamusta maldita? Ngayon kalang ulit nakadalaw ah?!" ito na naman ang nakakarinding boses ni Shakesmette.

Tinatawag niya rin akong maldita, nakasanayan niya dahil noon lagi ko siyang kinokotra, maingay kasi.

"Oo. Sobrang rindi kasi ako sa boses mo kaya hindi na ako napunta dito." Biro ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Aba! Malditang 'to! Sabunutan kita e!"

Naiiling nalang ako sa sinabi niya, hindi naman niya kasi gagawin iyon, hanggang sabi lang.

"Oh, napadalaw ka Ran?" nakuha pang magulat ni Ligaya.

"Ayaw mo ba akong dumalaw? Nung nakaraan pinipilit mo akong pumunta dito tapos ngayon para kang gulat na nandito ako, anlabo mo!" napapairap pa ako.

Tinatawanan lang ako ni Shakesmette habang nakatukod ang dalawang siko sa casher at nakikinig saamin.

"Nagulat lang ako sis! Tara pasok tayo sa office kung maliit." Nakangiti niyang paanyaya "Shake! Bigyan mo nga kami ng maiinom. Salamat." Sabi niya. Tumango naman iyong dalaga.

Nang makapasok kami sa maliit niyang office ayon sa sinabi niya, dahil totoo naman palang maliit. Tama lang para sa kanya tong office niya.

"Sosyal ha? May pa office ang café mo." Komento ko na ikinailing niya lang.

"Hindi mo 'to nakita noon diba?" tumango naman ako. "Nung mga araw na hindi ka napunta dito pinagawa ko 'to para kapag gabihin ako at hindi makauwi, dito ako matutulog." Pagkukwento niya, naglakad siya sa kaliwang area at hinawi ang kurtinang itim, kung hindi niya hinawi iyon hindi ko malalamang may kama doon.

Mangha naman akong tumingin sa kanya at nilapitan siya sabay hampas ng balikat. Natawa lang siya sa ginawa ko.

"Akala ko ba maliit lang to? E, bakit meron pang kama dito." Ani ko. Inilibot ko pa ang paningin. "May cr karin! Ito ba ang sinasabi mong maliit na office? Bruha ka talaga, napaniwala mo ako ha?" hindi ko mapigilang sabihin.

Nakita ko naman nahiya siya. "Talagang maliit lang 'to kung ikokompara sa ibang café no." aniya.

"Oo na nga!" pagsang-ayon ko naman. "Ikaw ngalang ata may office ang café e tapos may kwarto." dagdag ko.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Ligaya pagkatapos niyon. Maraming nangyari noong mga araw na hindi ako nakakapunta dito sa café niya.

Naikwento niya ang problema niya tungkol sa family niya at sa ibang bagay. Maging sa past niya na ishare niya saakin. Hindi naman ganito dati si Ligaya, siya ang taong positive lang pero ewan ko ba sa kanya. Ngayon kasi kahit sabihing wala siyang pinagdadaanan outside, malalaman mo inside kapag nagsalita na.

Hindi pa sana kami hihinto sa pag-uusap dahil naaliw kaming dalawa kaso may biglang kumatok kaya sabay naming nilingon, si Shakesmette pala. Ano na naman kayang kailangan ng maingay na 'to.

"Ganda, may naghahanap sayo. Gwapo e!" kinikilig pa habang nagsasalita at parang may bulate sa katawan.

Nagmake-face naman ako dahil doon. Itong babaeng 'to talaga, maharot!

"Sino daw?" ito namang si Ligaya ang pagtatanong niya malumanay.

Nagkibit-balikat lang si Shake. "Di ko alam beks, ang alam ko lang yummy siya..." sabi niya na parang kinikiliti na naman, tapos tuluyan ng pumasok sa office at nakiupo sa kama. "Jowabels mo yun no? Ikaw ha, nakabingwit ng afam!" natawa naman ako dahil dun. Minsan kabaklaan ang mga lumalabas sa bibig ng babaeng 'to.

"Puntahan muna dali! Naku, kanina pa iyon pinagpipyestahan ng mga customer natin!"

Napapakamot si Ligaya dahil pinipilit siya nitong maingay na babaeng 'to. Napilitan tuloy siyang lumabas kaya naiwan kaming dalawa ni Shake.

Itong maingay naman masayang lumapit saakin at nakisiksik sa tabi ko. Ang weird niya minsan, parang baliw.

"Alam mo Ran maraming fafables nung hindi ka napunta dito. Sayang at hindi mo sila nakita nun!" nakasimangot siya. "Lalo na yung isa ugh! Ansarap nilang hubaran!" napapahilot ako ng noo dahil sa kaingayan niya.

"May isa nga doon eh, sa kasama nila mukhang taken na kasi may singsing pero grabe! Makalaglag panty ang kakisigan niya beks! Kung hindi sana siya taken baka naghubad na ako sa harap nun...hahaha"

"Ang landi mo Shake!" natatawa narin ako sa kabaliwan niya. Hindi alintana na may mga customer sila sa labas at nakuha pang makipag chismis saakin dito sa office ni Ligaya.

"Totoo naman kasi! Nakakailang punta na nga sila dito e! Kaso nitong mga nakaraang linggo hindi na sila nagawi ditto. Sayang talaga! Diba wala kang jowa?!" napapatakip na ako ng tenga, ayaw niya paawat. Tapos tatanungin ako nang walang jowa? Ano bayun?

"Wala akong panahon sa mga ganyan..." matabang kong sagot.

Inirapan niya ako. "Naku! Ganyan din sinabi sakin ng mga kasama ko, sus! Huwag akong lokonin nyo ha? Kapag talaga nakuha ko iyong phone number ng mga fafables na bumibili dito, tignan ko lang kung makaayaw kayo."aniya. "Baka magmakaawa kayo kayo saakin...hahaha"

"Anong gagawin mo pag nakuha mo?" taka ko namang tanong.

Nangungulekta ata 'to ng numero e. Hindi na ako magugulat kapag nakuha niya. Matagal ng makapal ang mukha ng maingay na 'to.

"Gaga! Syempre ibibigay sa inyo dahil mga wala kayong jowa!"

"Kailangan talagang ipagsigawang wala kami nun?" pabalang ko namang tanong.

Nagkibit balikat siya. "Bahala ka nga beks! Hintayin mo lang papadalhan kita through LBC... magugulat ka nalang may bubungad sa bahay nyo, afam! Hahaha" aniya habang baliw na natatawa sa sinabi at umalis na rin para lumabas.

Naiwan tuloy akong mag-isa dito sa loob ng office ni Ligaya. Naisip ko rin naman wala akong gagawin sa bahay kaya dito nalang muna ako, kahit mamayang gabi nalang ako bumalik doon. Mas mabuti pang umidlip muna, mukha namang masarap matulog dito, tahimik. Huwag lang sana umistorbo si Shakesmette, maingay pa naman iyon.

------------------

Nakauwi ako sa bahay bandang alas dyes na nang gabi. Napasarap ang tulog ko sa office ni Ligaya, kung hindi pa ako ginising ni Shakesmette baka hindi na ako nakauwi.

"Ginabi ka ata?" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.

Masama kong tinitigan si Samuel. Nakasandal siya sa hamba ng pinto, akala ko kung multo. Bigla-bigla nalang magsasalita tapos nasa madilim pa siya.

"Gabi narin bakit gising kapa?" balik kong tanong, hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Because I'm waiting for you to come home. You didn't even bother how dangerous outside? Now tell me bakit ka ginabi?" suplado niyang tanong at hindi talaga ako nilubayan. Pumunta akong kusina para uminom, nakasunod din siya.

"Tatay ba kita? Magulang ko nga di ako tinatanong niyan." Pabalang kong sagot habang naglalagay ng tubig sa baso at uminom.

"Don't bullshit me Ran, I'm asking you politely. Sabi ni Nay Lusing pumunta ka sa Café ng kaibigan mo pero bakit ka ginabi?" nagpipigil siya sa oras na 'to.

"Alam mo naman pala kung saan ako pumunta nagtanong kapa. Nakatulog ako at hindi ko namalayan yung oras. Ano happy?" sarkastikong sagot sa kanya.

Mukhang pinipigilan niyang huwag sumabog dahil sa mga sagot ko. Napapansin ko ring hinahabaan niya ang pasensya niya.

"Sana sinabi mo agad hindi yung pabalang mo akong sinasagot." Mahinhon niyang sabi. "Galit parin bas akin?" out of the blue na tanong.

Tinitigan ko muna siya, tinitimbang kung galit ba ako? Ang sabi ko lang naman kay Nay Lusing nun ay nagtatampo lang ako kay Samuel. Hindi talaga ako galit sa kanya, ang babaw ng ginawa niya kaya hindi ko ikakagalit yun. Kung may ikakagalit man ako siguro iyong dating nangyari sakin, mas valid pa iyon.

"Hindi naman ako galit sayo..." kumibot ang isang ngiti sa labi niya pero nawala din iyon at sumeryoso ulit.

"So kung hindi ka pala galit bakit hindi mo ko kinakausap at bakit umiiwas ka?"

Napapairap ako pagkatapos nagcross arms. "Bawal kabang iwasan at hindi kausapin? E sa nagtatampo ako e!" parang batang inagawan ng pagkain akong nagsasalita.

Natawa naman siya sa ginawa ko. Nakuha ko kasing magpapadyak ng paa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Malunok mo sana ang laway mo kakatawa!"

"Wait...hahaha" he can't stop laughing at me. "Oh, god! I didn't know you have that baby side." Natatawa siyang lumapit saakin at kinurot ang pisngi ko na ikinaaray ko naman pagkatapos ginulo ang buhok ko na parang bata. Winaksi ko naman ang kamay niya na ikinatawa niya lang.

"Anong akala mo sakin bata?!"

"Oo, mukha kang bata ang liit mo kasi." Pabiro niyang saad na ikinainis ko.

"Gusto moa tang magalit talaga ako e no? Matangkad kalang kaya mo nasabing maliit ako. Putulan kita ng paa diyan e!" naiinis akong iniwan siya may pahabol pa siyang sinabi bago ako makaakyat sa hagdan.

"Bati na tayo ha?! Walang bawian!"

Napatakip nalang ako nang tenga dahil maingay siya, naisip ko nga baka magising niya ang natutulog, nakakahiya.

Bumalik kami sa dati ni Samuel, nagkakausap, nagtatawanan, at minsan nagkakainisan. Nagtataka nga si Nay Lusing at ganun ulit ang turingan naming ni Samuel. Nung nakaraan lang nagtataka rin siya bakit daw hindi kami nag-uusap ngayon namang nag-uusap na nagtataka parin sya. Ang labo minsan ni Nay Lusing kaya dedma nalang siya minsan e.

Hindi rin nawala ang pangungulit ni Dada. Lagi na siyang tumatawag ng malaman niya mula kay Nay Lusing na nagkakamabutihan daw kami ni Samuel. Na-stress ako sa mga pinagsasabi nang matanda dahil lahat iyon hindi totoo. Patuloy ko namang pinapaunawa sa kanya na magkaibigan kami nung tao kaso hindi naman niya ako pinapakinggan. Hinayaan ko nalang din siya sa gusto niyang paniwalaan, basta kaming dalawa ni Samuel, magkaibigan kami.

"Teka hintayin mo naman ako! "

I shouted to the man who's walking too fast. Akala niya siguro sa paa ko gulong ng kotse na pwedeng bilisan. Huminto ako dahil hindi ko na kaya, masakit na kasi ang paa ko sa kakalakad. Hinihingal din dahil sa kakatawag sa kanya.

Lumingon siya sakin na kunot ang noo. Makikita rin ang kabagutan sa mukha at matad kung tumitig.

"Hurry up! " he shouted and walked again.

Nakakainis talaga siya! Kung hindi lang ako kinausap ni Dada para pakisamahan ang lalaking 'to baka iniwan ko na siya dito at bumalik sa bahay para tumulong.

Hindi naman talaga ako tutol sa sinabi ng tatay ko pero wala pa akong panahon sa mga ganito. Ayaw ko naman silang suwayin because all this time todo suporta sila sa gusto ko, even before. Sinabi pa ni dada na hindi habang buhay tatagal silang mag-asawa, kaya kailangan nilang masilayan ang apo daw nila bago sila pumanaw sa mundong 'to. Huwag ko daw ikulong ang sarili ko sa nakaraan. Bakit hindi ko daw subukan ulit?

Gusto kong matawa sa sinabi nila. Alam ko naman yun e! Tinanong ko rin naman sa sarili ko nun! Kinukulong ko parin ba ang sarili ko sa nakaraan kaya hindi ako makausad at makahanap ng bagong mamahalin?

Masaya ba ako sa buhay ko ngayon? Nabibigyan ko ba ng ligaya ang puso ko kahit hindi ako nakatali sa isang relasyon?

Lagi nalang yan ang tumatakbo sa isipan ko. Kapag nakakakita ako ng couple sa kung saan-saan, napapatanong ako. Sinasabi ko nalang na masaya ako kahit wala na, kahit mag-isa nalang, kahit hindi na siya bumalik kasi hindi naman siya tumagal sakin. Did i satisfied myself sa sagot ko? Ewan ko! Hindi ko alam!

"Your dad called me his looking for you. Kausapin mo. "he reached for my hand and placed his phone.

Tinitigan ko muna siya bago sinagot ang tawag.

"Da! Si Ran to." sagot ko sa phone niya.

"Kamusta?! Ano, okay ba siya para sayo anak? Pumasa ba?! Natipuhan mo ba? Anong pinagkakaabalahan n'yong dalawa-"

"Dada!" I cut him.

Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Desperado na ba talaga silang magkaapo? Kaya ganun nalang kung itulak ako kay Samuel!

Ni wala nga akong maramdaman. Kahit pagtibok ng puso para sa lalaking to wala! Ilang araw na rin siyang namamalagi sa bahay as bisita, pero wala talaga e.

"Eman. Kailan kapa ba magse-settle down anak? Tumatanda na kami ng moma-"

"Dada please lang! " I can't control my anger anymore. I respect them so respect mine too.

Pinatay ko kaagad ang tawag pagkatapos ay hinila ang kamay ng lalaking nasa harap ko na matamang nakatingin sa walang reaksyon kong mukha. I put the phone on his open palm pagkatapos tinalikuran siya. Bumalik nalang ako sa pinagparkingan ng kotse niya at doon naghintay.

I rolled my eyes. I'm waiting for him for almost 10 minutes, ang bagal naman niyang maglakad, saan na kaya yun pumunta? Dadagdagan niya ata ang inis ko kahihintay sa kanya.

"Here!" bungad niya ng makalapit sabay taas ng dalang plastik na may lamang bottle of water and sandwich, inirapan ko siya saka hinablot ang dalang plastik.

"Thank you! " naiinis kong pasasalamat.

"Huwag kang mag thank you kung napipilitan ka lang." suplado niyang pagkakasabi, tinapunan ko lang siya ng tingin.

"Edi 'wag! " bastos kong sagot.

He tsked.

Naiilang ako habang ngumunguya ng sandwich dahil nakatingin siya.

"Tingin-tingin mo?! Gusto mo?! "

"Nagsabi ba akong gusto ko?"

"Hindi! Nagtanong lang din ako! "

Tahimik na pagkatapos nun.

Tumikhim siya. "Nga pala my friend invited me to his birthday celebration wanna come? Balak kitang isama kasi."

"Hindi ako sasama!" mabilis kong sagot.

Nainis siguro siya.

"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." madiin na pagkakasabi. Pagkatapos bahagya niya akong tinulak para tumabi dahil nakaharang ako sa pintuan ng kotse niya. "Get in the car! Bumalik na tayo sa bahay nyo." ayun lang at pinaandar na ang engine.

Hindi naman ako nakatutol, wala akong choice baka iwanan ako sa daan.

The next day napilitan akong sumama sa kanya. Hapon na nang makarating kami sa sinabi niyang bahay ng kaibigan niya daw. He didn't tell the name, pangalan ng kaibigan niya, kaya para akong tangang nakasunod kay Samuel. There were lots of visitors and some of them were poloticians and celebrities. Ako lang ang hindi, dahil simpleng tindera ng aking munting karinderya lang ako.

The house of his friend is so huge, a mansion rather. Halata naman dahil hindi biro ang mga dumalo, mga bigtime kumbaga. Also, the man who I am with is bigtime but I don't like him but I like him as a friend. Take note! love him is not my option.

We occupied the available sit and we both seated. May kausap siya ngayon isang celeb, hindi ko nga lang kilala dahil hindi naman ako matandain sa pangalan tsaka hindi ako interesado. Tahimik nalang ako sa tabi niya until my eyes set on the woman who passed through our table. Napatayo ako, nakita ko naman ang pagsunod ng tingin ng katabi ko.

"Blessica..." tawag sa pangalan ng kaibigan ko dati. Namamalikmata siguro ako.

Nag excuse ako sandali at sinabing magcocomfort room lang.

Umalis ako doon at hinanap si Blessica sa bawat nagsisiksikan na mga bisita. They were laughing and chatting. Hindi ko makita ang hinahanap ko, it's been years since we've met and part ways. Palinga-linga ako pero nawala na siya sa paningin ko. O baka naman namalikmata lang ako?

Balak ko na sanang bumalik sa kinauupuan ko, but then someone grabbed my hand and pulled me out of the crowd. Pilit kung inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Hindi ko siya kilala. Sino ba siya? Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod at naglalakad ng mabilis habang hila ako.

"Ano ba! Bitawan mo ko! " nakaagaw na kami ng pansin ngayon ng mga bisita. But the man who pulled me somewhere I don't even know, inignura lang ang mga taong nakatingin sa amin.

Napansin ko ang singsing sa kanyang ring finger. Hindi ko natuloy ang pagpupumiglas, kusa ng sumunod ang mga paa ko na wari parang may sariling isip sa oras na 'to. Nagulat ako dahil nakita ko na ito noon, the day where in nasa isang pamilihan ako at nagkabunguan kami. Nagtataka kong tinitigan ang likod niya, ang pananamit, ang tindig ng katawan, ang kamay ulit niyang may singsing na nakahawak sa palapulsuhan ko.

Someone that is familiar in my eyes. I don't know why my heart suddenly beat fast. Nararamdaman ko ang pamamawis ng kamay ko maging ang leeg at noo.

No! This can't be true! This is not him!

Sobra-sobra ang kaba sa puso ko ng lumiko kami sa madilim na espasyo sa likod ng bahay, doon may pool at garden.

Huminto kami doon, nanginginig ang kamay matapos niyang bitawan, nakasunod ang mata ko sa bawat galaw niya. Parang bumagal ang lahat ng unti-unti siyang lumingon.

And my tears I am holding for almost five years have burst out of my control, I burst. Napapailing akong tumingin sa kanya. I promise to myself that day we set apart, hinding-hindi na ako iiyak dahil sa kanya, but then I lost. Kinain ko ang sinabi ko noon.

"Why?!"

I asked him like I'm begging in front of him.