webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · 都市
レビュー数が足りません
42 Chs

Chapter 28

KINAUMAGAHAN bumabagabag parin at hindi mawala sa isip ang usapan namin kagabi ng magulang ko, maging ang pangalang ibinanggit ni dada. Sobrang pamilyar saakin ang pangalan, pero dahil nga limang taon na ang nakakaraan hindi ko na maimagine ang mukha, pero alam ko talagang pamilyar sakin ang panagalang iyon.

Pilit ko nalang iwinawaksi sa isipan ang napag-usapan kagabi.

Tuloy parin ang bugso ng ulan at kaunting pagkidlat sa lugar namin. Ayon nga sa balitang pinapanuod ngayon ay unti-unti na raw umaalis ang bagyo.

May ibang lugar na naaarawan na at nakakabalik na sa dati nilang ginagawa. May ibang lugar naman na tuloy parin ang pag bugso ng malakas na ulan.

Nakakaawa nga ang mga pamilyang napapanuod namin sa balita dahil nasalanta ng bagyo ang kanilang mga kabahayan, maging ang kanilang mga pangkabuhayan.

"Naninikip ang puso ko kapag nakakapanuod nito. Hay naku!"

Napatingin kaming dalawa ni Begail sa matandang tutok ang paningin sa pinapanuod na balita at hagod-hagod ang dibdib dahil sa awa na nararamdaman. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala para sa iba. Maging ako ay ganun din naman ang nararamdaman sa oras nato.

"Nakakaawa nga po lola." Maging si Begail malungkot na napa komento. "Kung ako po ang nasa kanilang kalagayan maaawa din ako sa sarili ko. Baka tuluyan na akong sumuko, nawalan ng bahay at nawalan na rin ng pangkabuhayan. Sa panahon pa naman natin ngayon, mahirap makabangon kung hindi tayo tutulungan ng kapwa natin." Seryoso at walang halong biro na sabi nito saamin ni nay lusing.

Kaming dalawa ng matanda ang nagkatinginan. Humanga ulit ako sa mga lumalabas na salita mula kay begail. Kahit ganun siyang bata ay makikita na may potensyal. May puso para sa iba. Maawain.

"Ano ang dapat nating gawin kung ganun apo?"

"Bakit hindi po tayo tumulong?"

"Sa anong paraan naman tayo makakatulong kung ganun?Nakikita mo ang kalagayan natin? Nakikitira lang din tayo, wala tayong sapat na pera para ibigay sa kanila at makatulong..."

Napapalunok ako sa kanilang salitan ng salita. There is still pure soul pa din pala who wanted to give help but then they can't help because of their status.

Kung ako at ang pamilya ko hindi ganun ka angat sa buhay may mas mababa pa pala saamin pero ang kanilang puso ay higit na mayaman dahil kahit walang wala sila gusto nilang makatulong.

"Gusto kong makatulong lola" madiin niyang bigkas sa bawat salita.

"Makakatulong karin Begail hindi man ngayon, sa susunod kapag malaki kana at kapag nakahanap ka nang magandang trabaho, tulungan mo ang kapwa mo. Ang makakaya lang nating gawin sa ngayon ay ipanalangin sila na nawa may mabubuting pusong magbigay sa kanila ng libreng tahanan at pagkain." Ani ng matanda sa kanya.

"Bakit hindi po tayo magluto? Sayang din po kasi yung pinamili natin kahapon, hindi rin natin maibebenta." suggestion ko na ikinalaki ng mga mata nila.

"T-talaga ate Mauela?" nakikita ang gulat at excitement sa kanyang mukha.

Tumango ako "Hm. Sabi mo diba gusto mong makatulong?"

"Opo! Gustong-gusto ko."

"Kung ganun, tulungan mo si nay Lusing sa lulutin. Nay okay lang ba kung ikaw ang magluluto?"

"Walang problema sakin yan anak, basta makatulong ako."

"O sige po. Kahit mga tatlong ibat-ibang ulam po ang ihanda nyo. Tapos magsaing ng marami. Ako naman po ang ko-contact sa mga organization para sa donation natin."

"Pero anak, konti nalang ang bigas natin dyan, sa tingin ko kukulangin iyon."

"Ganun po ba?"

Tumango si nay Lusing bilang pagsang-ayon.

"Sige po. Ako na pong bahala sa mga kulang. Bigyan mo nalang po ako ng listahan ng mga bibilhin para maisama ko sa pamimili."

"Malakas pa ba ang ulan sa labas? May bukas din kayang pamilihan ngayon? May masasakyan ka kaya sa labas? Alam mo naman dito satin pahirapan kapag umuulan."

Nginitian ko ang matanda "Don't worry nay. I'll use my car at bahala na kung saan ako makakahanap ng bukas na pamilihan. Basta ang goal natin ngayon ay makapag luto at makapag donate."

"Kung sa bagay tama ka." Aniya "O siya at ipapasama ko si Begail ng may katuwang ka sa pamimili."

"Hindi na po kailangan nay Lusing mas kailangan mo ang tulong niya dito sa bahay. Hindi naman ako magtatagal doon at hindi naman ganun kabigat ang mga bibilhin ko. Magpapatulong nalang ako sa mga kargador doon kung kinakailangan..."

"O siya sige, mag-ingat ka sa pag-alis mo. Huwag masiyadong mabilis ang pagmamaneho delikado pa naman ang daan dahil umuulan... Mag-ingat ka..." paalala niya saakin, tumango naman ako bilang pag sang-ayon. "Ay, teka at isusulat ko ang ibang kailangan para sa lulutuin." aniya

"Sige nay lusing, ilalabas ko lang yung sasakyan tapos hintayin kita doon para sa listahan. Salamat po..." matapos kong sabihin iyon ay dali-dali akong nag-ayos pagkatapos ay lumabas ng bahay.

--------

As I was driving alone on the highway I observed that there are lots of branches of trees that have fallen, medyo sagabal sa mga kotseng dumadaan dahil kailangan pang iwasan para hindi magdulot ng disgrasiya.

And also there were small stores na naka sara, umuulan parin kasi hanggang ngayon e, mahirap makapag benta, even me.

Kinuha ko ang phone sa dashboard ng sasakyan. I dialed the person who organizes the food donation for the victim of typhoon ceceles.

"Magandang umaga po. Kalinga para sa biktima ng bagyong ceceles, ano pong kailangan nila?" dinig kong sabi sa kabilang linya.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Goodmorning! I'm Ran. Magtatanong lang sana ako kung paano namin maipapadala ang mga donasyon para sa mga bikitma ng nasalanta ng bagyo? It's a food by the way..."

While I was talking to those persons who organizes the donation, naghahanap na din ako ng mga bukas na pamilihan. Kung saan-saan na ako nakakarating. Panay din ang linga ko sa mga tindahan.

Nakarating na rin ako sa karatig bayan para lang makahanap. And thank god there are stores and market open even though umuulan. Siguro iniisip din ng mga owner na hindi ganun kalakas ang ulan para hindi makapag benta. Maybe they grab the opportunity.

After those calls, I made I parked my car in the vacant space near the open market. I wear my cap then raincoat so that I won't get wet and protection narin para iwas lagnat, after that I step out on the car. Chineck ko pa ang perang dala ko baka kulangin and even the list that nay Lusing hand me chineck ko na din to make sure na lahat mabibili ko. I also brought ballpen para iekisan ko ang napamili ko na baka kasi dumoble, makakalimutin pa naman ako.

"Neng ano sayo? Bili na!"

"Pitsay ganda isang bugkos trenta pesos. Kung gusto mo bente nalang oh!"

Crowded people with the none-stop selling of their own product. Nakakahilo pero nakakaaliw silang tignan.

Nang makalapit ako sa isang pwesto na ang binebenta ay bigas medyo na awkward ako dahil mga lalaki ang tindero at lakas pang ngumiti sakin nang isang kasama akala mo close kami.

"Bigas miss beautiful?"

 I don't like this guy, the one who has tattoo in his left shoulder, the way he look at me nakakamanyak. "Mura na masarap pa..." nanindig ang balahibo ko sa sobrang lapit niya lalo na ng sabihin niya iyon sa malasenswal na paraan sabay dila sa labi. Napaatras ako dahil hindi ko gusto ang kilos niya.

I'm here not to flirt with him but to buy rice. Kung ganito ang pakikitungo niya hindi malabong aalis ang customer nila.

Tinapangan ko ang paninitig, I want him to see my disgusting reaction towards his action because it's not proper. Not good for the customer to be treated that way, nakakamanyak. Gusto niya sigurong tusukin ko mata niya.

Imbis na pagtuunan ko ng pansin ang lalaking bastos kong mag approach, nilampasan ko nalang siya at doon sa kasama niya nagtanong.

"Magkano ang dalawang sakong maharlika kuya?" Seryoso kong pagkakasabi.

"1,500 po ang isang sako nito. Bali 3,000 kung dalawa tumaas po kasi ang presyo ngayon..."

"Sige kuya kukuha ako."

Naramdaman ko naman ang presensiya ng lalaking unang nag-approach saakin, sumandal siya sa gilid at mataman ako tinitigan sabay hagod ng tingin sa kabuuan ko...

I looked at him with blank face then binalik ko rin sa kasama niya ang tingin na ngayon ay kumukuha ng isang sako at inilapag sa harap ko.

"Sandali lang po at kukunin ko ang isa pa."

"It's okay kuya. Take your time." magalang kong pagkakasabi.

"Miss anong pangalan mo?"

"pahingi naman number mo, text-text tayo!"

He tsked. " Suplada, para lang pangalan at numero ipagdadamot pa. Akala mo naman kagandahan." Pabulong niyang sabi. "Isang hubaran ka lang baka magmakaawa kapa..." he added a moan.

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Mariin akong napapikit, pilit na pinipigilan ang sariling huwag sagutin ang tanong niya. I don't talk to strangers especially if that guy has a bad motive and attitude.

Hindi mo pwedeng sabihan ng kung anu-ano ang isang tao kung ayaw niyang makipag-usap sayo. Respect them for not being socialized with you; respect them if you want to be respected. Yun lang naman yun e.

Minsan kasi may mga tao talagang ang hilig mambastos ng kapwa porke hindi mo sila pinansin. They didn't even realize the effect of what they did, they can hurt people.

"ah miss saan to ilalagay?" biglang sulpot nung kasama niya. Karga na ngayon ang isang sakong bigas.

"Sa sasakyan po. Ituturo ko nalang. Salamat!" dali-dali naman akong nauna para masundan niya.

"Pagpasensiyahan mo na ang kasama ko miss a. Bastos talaga ugali nun."

Napatingin ako sa gawi ng lalaki na patuloy sa paglalakad at buhat ang isang sakong bigas.

"Dapat pagsabihan nyo siya, maaapektuhan ang paninda nyo dahil sa kabastusan ng bunganga niya. Hindi rin malabong aalis ang customer nyo dahil hindi maganda ang pagkaka approach nung kasama nyo."

"Matagal na naming pinagsasabihan yun miss. Kaso hindi na nadala. Minsan na rin pinaalis jan kaso bumabalik parin."

"The owner should report that guy sa barangay para madala." Suhestyon ko. "Dito mo nalang ilagay..." binuksan ko ang back door ng sasakyan.

"kaya nga po. Kaso malakas ang kapit." Aniya. Hindi nalang ako nagkomento pa. "Teka lang po at babalikan ko ang isang pang sako."

Nang bumalik sa pwesto yung lalaking tumulong sa pag buhat ng bigas. Nagpasya muna akong tumingin ng iba pang pwedeng bilhin malapit sa pinagparkingan ko.

Near, there were fruit stores and some bakeries and then mga clothing stores ang naka hilera so I went there. Pipili, titingin, kapag walang magustuhan, I'll go to another store.

Hanggang sa makabalik yung lalaki at mailagay ang bigas sa kotse.

"Salamat..." binigyan ko din ng tip kasi naging maayos ang pakikitungo niya.

"Salamat din miss."

"Welcome"

After that umalis na din siya. Naiwan akong nakatayo malapit sa kotse. Tumingin sa kaliwa at kanan kung may kailangan pa ba ako.

I took my phone out of my pocket then tumawag sa bahay.

"Pabalik na po ako nay lusing." bungad ko "Napamili ko rin ang iba... bumili narin ako ng mga lagayan."

"Opo...paalis na" I closed the back door of the car.

Mabilis ang kilos ko kaya hindi ko na pansin na may tao pala nung iikot na ako papunta sa harap.

Because of my sudden movement, I bumped into someone that made my phone slipped out of my hand. Nahulog tuloy sa lupa.

But instead of getting my phone, I face the man whom I bumped. I glare at his back because he didn't say sorry or help me get my phone. Hindi man lang nakuhang huminto.

Diretso lang ang lakad, may kalakihan ang pangangatawan at maganda kung manamit, mahahalata kahit nakatalikod. He has tattooed in his shoulder I think hanggang sa kamay, familiar ang pangangatawan. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay. Napansin ko rin ang singsing sa ring finger niya. Hindi pa naman kasi ganun kalayo ang pagitan namin kaya medyo naaninag ko pa.

'He's married' in my mind.

Napairap ako sa kawalan at nagpakawala ng malalim na hininga. Maraming hindi magandang nangyari ngayon. Ang malas ko naman!

"Please be good to me. Please!" out of my frustration na sabi ko.

Pinulot ko ang phone at sumakay sa kotse para makaalis na at nang makabalik.

--------

Maaliwas tignan ang kalangitan ng pabalik na ako, hindi na ganun ka dilim ang ulap. I think unti-unti ng umaalis ang bagyo. And that's what we want naman e, para makagalaw ng maayos ang mga tao, kapag umuulan kasi hindi malabong hindi sila tamarin...

Nakarating ako sa bahay ng ligtas pagkatapos ay tinulungan ako nila nay Lusing at Begail sa pag buhat ng mga pinamili. Nagtulungan kaming tatlo sa lahat, sa pagluluto, pag packed ng pagkain pati narin pagbuhat nito sa labas.

Hapon na ng matapos kami sa lahat ng ginawa. All we need to do after that is to wait for them. Those volunteers na pupunta sa bahay para kunin yung food donation namin.

Hindi naman din tumagal ang mga volunteer nakarating din sila. I talked to them while nay Lusing and Begail help other volunteer para ilagay sa kanilang sasakyan.

They thank us after that and we say our goodbyes to them. After that okay na masaya kaming tatlo na pumasok sa loob ng bahay.

"ate iba yung saya ko ngayon..." out of nowhere biglang na sabi ni Begail.

"Ganun talaga apo. Nakaramdam ka ng saya dahil may nagawa kang tama." biglang sabat ng matanda.

"Pwede ulit tayong tumulong?"

"oo naman." I said.

I know how she manage not to burst her joy, pigil niyang huwag sumabog, pero nahahalata ko na sobra ang saya niya sa puso.

"Naku ito batang to talaga. Pag pasensyahan muna si Begail, anak. Mapilit pa naman ito..."

"Nay okay lang, gusto ko din naman pong tumulong... kahit doon man lang may natulungan tayo hindi man po malaki basta nakatulong."

"Hindi ba mauubos ang pera mo diyan? Baka mamaya wala kanang maibenta niyan."

"Huwag kang mag-alala nay Lusing, may mahihiraman naman ako pagnaubos to. At least yung pera na ginamit natin, e sa mabuting bagay napunta diba?" sabi ko sa matanda.

"Sadyang napaka buti ng puso mo Manuela."

"naku nay Lusing maliit na bagay lang yun. Lahat naman tayo nais makatulong. Wala yun..." nginitian ko ang matanda.

Nanliliit ang mata niyang nakatingin saakin. Para bagang may gustong sabihin at masaya akong tinignan.

"Ano na namang tingin yan nay Lusing..." biro ko siyang dinilatan ng mata.

"E ikaw ba manuela wala pang balak mag nobyo?" out of nowhere question "Malapit kanang mawala sa kalendaryo kailan kapa magbabalak?"

I rolled my eyes "Nay Lusing..." nabigla ako sa sinabi niyang yun.

"Totoo naman."

"Hindi naman po ako nagmamadali..." lubos kong pinapa-intindi, labas din ilong na sagot.

Umingos siya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Hindi kasi niya alam ang rason kung bakit ako nandito ngayon sa Naga.

"Hindi ka nga nagmamadali pero ang panahon naman iyong umiikli. Dapat sa mga katulad mo nagsesettle down na. Alam mo ba iyong anak ng kumari ko dati?" pabitin nitong tanong, hinintay ko naman na may idudugtong siya. "Sa sobrang pag-aaliw niya sa sarili dahil dalaga, nagsisi ngayon dahil lagpas na sa kalendaryo ng maisipang magkanobyo. Tapos desperada naring magkaanak, ngayon iyong babae mahigit kwarenta na ang edad. Alam mo naman kapag nakaabot na sa ganyang edad ang mga babae minsanan ka nalang makakakitang buntis. Malas nung anak ng kumari ko at hindi na nabiyayaan."

Napanganga akong tumango. Naiintidihan ko ang gustong iparating ni nay lusing para saakin.

Hindi lang mawala sa isip ko ang nangyari noon dahil sumubok ako sa isang relasyon na hindi matatag. And if this chance to try again I don't know kung kakayanin ko ulit.

Takot akong mahulog muli sa isang tao pagkatapos sasaktan din pala ako hindi man physical pero emotional.Takot akong sumugal ulit sa tawag ng pag-ibig. Takot akong sumubok dahil takot akong masaktan, yun iyon e.

Nangibabaw ang takot dito sa puso ko. Hindi rin naman pwedeng sisihin ang isang tulad ko dahil nagmahal lang ako at para makaiwas na masaktan, hindi ko na sinubukan pa.

"Napaisip kaba manuela? Kaya nga ang sabi ko sayo maghanap kana ng lalaking mamahalin mo at baka lumampas na ang edad mo sa kalendaryo."

Akala siguro ni nay Lusing sa pananahimik ko natauhan ako dahil sa kwento niya.

You don't know anything nay lusing, you don't know anything. Nakita ko na po siya noon pero wala ng kagaya niya ngayon. Wala na!

Gutso kong sabihin mismo sa matanda, ngunit nangibabaw sakin ang pagiging tahimik at sarilinin ang gustong sabihin.

------------

Dawalang araw na ang nakakalipas ng bumalik sa dati ang lahat. Balik trabaho ang mga tao, wala ng bagyo kaya malayang nakakalabas.

Ganun din kami balik sa pagbukas ng karinderya. Maswerte ang muling pagbubukas namin dahil agad dinumog ng mga customer ang karinderya, mapa jeepney driver, trycicle driver, kundoktor, studyante, kapitbahay at kung sinu-sino pang dumadayo.

Naging busy kami, dumagdag din ako ng iba pang putahe na pwedeng pagpilian.

"Nay Lusing you need help?"

Kasalukuyan kaming naghahakot ng mga upuan dahil magsasara na, padilim na kasi ang kalangitan. Inaalala ko lang na wala kaming lalaki sa bahay kung papaabutin pa naming hanggang gabi ang pagbukas ng karinderya.

"Hindi na Manuela ako na dito kay liit na bagay. Maupo ka nalang muna alam kong napagod ka sa kakaparuo't parito mo." Aniya.

Hindi na ako umangal sa sinabi niya. Pinili ko nalang din umupo dahil napagod talaga ako, sinubukan ko lang tumulong para mapabilis kaso ayaw naman ako patulungin ni nay lusing. Naawa siguro saakin dahil kanina pa ako palalakad ng lakad dahil sa mga order kanina.

Marami pa naming mga trycicle na dumadaan ganun din ang mga taong paruo't parito.

Minasahe ko ang kamay dahil nangalay kanina sumunod naman ang paa ko, nagawa ko pa ngang iikot at patunugin ang sarap lang sa feeling pagkatapos ay hinilot.

May humintong Oto sa harap ng karinderya kung saan kasalukuyan din akong nakaupo. Napaangat ako ng tingin doon, umaliwalas ang mukha ko ng mapag sino.

Napatayo agad ako. "Ligaya! Napa dalaw ka? Kamusta?"

"Ito okay naman. Naging busy lang noong mga nakaraan dahil dagsa din sa shop. Hindi na nga ako nakadalaw dito." Pagkukwento niya "Dumaan ako nagbabakasakaling may maabutan pang ulam kaso pasara na pala kayo, sayang."she said ng makalapit.

"Oo e, sayang hindi mo naabutan pasara na kasi kami-"

"Naku! Kung ulam lang ang problema sa loob meron pa." sabat ni nay Lusing na ikinatingin naming pareho ni Ligaya.

"Talaga po nay lusing?" she asked.

"Oo Ganda! Tara sa loob at ipagbabalot kita..."

Hinila nalang siya agad ng matanda wala naman kasing pagtutol sa mukha nyia, go din siya e.

Pinagmasdan ko ang galaw niya. She still an angel. Mahinhinkung magsalita ganun din kung kumilos. We met each other when I visit her café months after my arrival here in Naga.

Naghahanap ako ng pwedeng pagtambayan noon dahil bago lang ako dito, wala pang kakilala until she approached me.

Naalala ko pa noon nakaupo ako sa pinakadulo ng table tapos umiinom ng inorder ko. Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko, e that time broken hearted parin ako, hindi makalimot sa nangyari, nagsisenti ako mag-isa tapos ang pinapatugtog pa e yung kanta ni yeng na kung maibabalik ko lang.

She hand me a handkerchief nilapag sa table. Syempre dahil sa kanya, na distract ang pagsisenti ko, napatingin ako sa kanya. Kunot noo pa nu'ng time dahil hindi naman ako nang hingi ng panyo tapos magbibigay siya.

Hindi ko pala alam na tumutulo na yung luha ko. Pinagmasdan ko pa siya nun, I thought she's one of the waitresses sa café, but when she introduced herself, she's the owner. So that was the story, after that nagkakilala na kami, nag-uusap if free siya dahil doon lang naman ang tambayan ko ng mga oras na down ako, we've become friends.

"Ikaw nagluto nito nay?"

"Ah hindi! Si Mauela ang nagluto niyan, kaya kita mo siya ngayon? Pagod yan!"

"May improvement sis, masarap."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Alam ko masarap talaga luto ko, maliit na bagay." sakay ko naman sa sinabi niya.

"As always mahangin parin!" natatawa niyang sabi.

Hinampas ko naman siya sabalikat. "Baliw!"

"Nga pala! Dalaw ka naman sa shop. Mag-iisang bwan ka nang hindi nagawi doon. Hinahanap kana ng mga bata ko."

As she said mga bata niya ang ibig sabihin nun ay mga katulong siya sa shop, sa café niya.

"Bakit? Na miss nila ako?" kumuha ako ng plastic para ilagay ang binalot na ulam ni nay lusing.

"Oo sis! Wala na daw nagmamaldita sa kanila."

"Palibhasa kasi mabait ka, kaya naumay sila."

"Hangin mo!" natawa siya.

Ikinangiti ko lang habang nakatingin sa kanya.

"Si Begail nay?" mahina kong tanong dahil malapit lang naman kami sa isa't isa ni nay lusing.

"Baka nasa kwarto, sandali at tatawagin ko..."

Umalis ang matanda kaya kaming dalawa ang naiwan.

"Dito kana kumain, dalhin mo nalang yan para sa mga yun..."

I'm pertaining to Shakemette and the rest of her mga bata.

"Nakakahiya! Huwag na doon nalang din ako kakain sa shop. Naghihintay na ang mga yun e."

"Huwag kanang magpapilit pa sis. Bawal tanggihan ang grasya! Papagalitan ka ni nay Lusing kapag di ka kumaain ditto, wala kang choice."

May sasabihin pa sana siya kaso bigla naman ang sulpot ng matanda. Nagsinyasan nalang kaming dalawa gamit ang mata at palihim na natawa. Wala talaga siyang choice kundi saluhan kaming kumain.

"Salamat sa masarap na pagkain, nabusog ako!"

"Hindi halata sis! Naka ilang sandok karin kanina e." nandidilat na mata ko siyang tinignan. Sila nay Lusing naman natatawa lang saaming dalawa.

Hinatid namin siya sa labas ng bahay dahil gabi na rin. Masaya naman siyang humarap saamin.

"Next time ulit dadalaw ako pero..." pabitin "Dumalaw karin sa shop ha?" sakin nakatingin.

"Oo na! Pag hindi na busy."

"Naku! Mga excuses mo, dati naman kahit busy nakakapunta ka! Daya mo sis!"

I rolled my eyes.

"Oo na nga! Dadalaw ako dun!"

Tinaasaan nya ako ng isang kilay, hindi naman ako nagpatalo hanggang sa pareho kaming tumawa.

"Siguraduhin mo lang sis! Susugurin ka namin ng mga bata ko!"

"Oo nga sabi!"

"Osiya! Alis na ako nay Lusing!" nagbeso sia sa matanda sumunod kay Begail pagkatapos humarap siya sakin ng may matamis na ngiti. "Dumalaw ka sa shop." Pagpapaalala niya ulit.

Ngumiti rin ako sa kanya ng pagkatamis..."Oo na!" saka sininghalan.

Natawa lang siya saka tumalikod na at pumunta sa driver seat, hindi muna kami pumasok, hinintay naming siyang makaalis hanggang hindi na naming maaninag ang Oto na sinakyan niya.

"Tara na po sa loob! Mahamog na kasi dito sa labas!"

Nauna akong maglakad sa kanilang dalawa. Maganda ang hatid ng araw na 'to saakin ngayon dahil malaki-laki ang kita sa karinderya tapos dumalaw din ang kaibigan kong taga rito. Sana bukas ganun parin, smooth lang walang hassel masaya lang, ganun!

The next day I went to a supermarket with Begail to buy ingredients dahil nakalimutan kong bumili kahapon. Sa sobrang pagod siguro kagabi nakalimutan ko kaya ngayon nagmamadali kami sa kakapamili ng mga lulutuin.

Hindi na pala ako writer, tindera na.

Natawa ako sa naisip ko, naglalakad kami palabas ng palengke because we've done buying.

"Pagod na?"

Nakikita ko kasi sa mukha ni Begail ang pagod napapangiwi pa dahil marami siyang bitbit na plastic.

Pilit siyang ngumiti saakin tapos umiling. Nahihiya sigurong aminin na pagod na siya.

Inabot ko ang dalawang plastik na naglalaman ng gulay at isda.

"Akin na 'to ako na ang magdadala para hindi ka mabigatan."

Kinukuha ko sa kamay niya ang hawak na plastik pero inilalayo niya. Tinignan ko naman siya, umiling at gustong sabihin na kaya niya.

"Akin na Begail." Mahinahon kong sabi.

"Kaya ko naman ate mauela." Inilalayo niya parin sakin, tumingin siya sa 'kin na nakanguso "Hindi ako nabibigatan sa dala ko. Nagugutom ako!" pag-aamin niya na ikinatawa ko.

Buong akala ko pa naman napagod siya dahil marami siyang bitbit, iyon pala ay gutom na siya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Baliw ka talagang bata ka! Tara nga! Kain tayo dun!"

Nauna akong maglakad tumingin ako sa gawi niya. Nakasunod naman siya, nagliwag din ang mukha. Gutom nga!

"Salamat ate!" sigaw niya sa likod ko.

"Bilisan mo akala ko ba gutom ka?! Bilisan mo ang paglalakad aba!" sigaw ko din sa kanya habang diretso lang ang tingin sa harap.

"Opo! Ito na nga po!"

Matapos nang pamamalengke kanina nakabalik na rin kami sa bahay.

Ikinakunot lang ng noo ko ng may nakita akong kotse sa harap mismo ng gate! Hindi tuloy ako makapag parking ng kotse ko! May bisita ba? Parang hindi ko naman inaasahan to!

Malakas akong bumusina para marinig ni nay lusing sa loob. Nakita ko naman ang pagmamadali ng matanda at buksan ang gate.

Nakangiti at sobrang siya habang palapit sa kotse kung saan naroon kami ni begail.

"Naku Manuela! Kanina pa namin kayo hinihintay!"

"Po?! Kami? Sinong kayo?! May bisita?" sunod-sunod kong tanong ng makababa sa kotse.

"Oo dalian muna! Kanina kapa hinihintay!"

Si nay Lusing napaghahalataang kinikilig! Ano na naman kayang sumapi dito! Sino na naman kaya ang bisita?

"Nandito ba ulit si Ligaya?! Kagabi lang sinabihan ko yun na dadalaw-"

"Hindi siya!"

Napaatras ako sa bigla niyang paghampas sa kamay ko. Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Anong nangyari sayo nay Lusing?!" pinanlalakihan ko siya ng mata habang naiinis na tinanong.

"Tara sa loob! Bilis!"

Nagugulat naman ako sa pagtulak niya sa likod ko kaya nakapag lakad ako. Pilit ko naman siyang nililingon.

"Nay Lusing dahan-dahan lang naman! Makakapag lakad naman ako! Kung hindi si Ligaya, edi sino?!" pilit ko parin siyang nililingon habang pilit na pinipigilan ang pagtulak niya.

"Ako..." gulat akong napatingin sa harap.

Nanlalaki ang mga matang tumingin sa bisita, nabitawan ko rin ang ibang bitbit na plastik! Ay putek!

"Ayan! Ang tagal mo kasi kaya siya na mismo ang lumabas! Hindi mo sinabi sakin Manuela na may nobyo kana pala! At kay gwapo pang binata!"

Mas lalo lang nanlaki ang mata ko ng lingunin ko si nay Lusing.

NOBYO?!!