webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · 都市
レビュー数が足りません
42 Chs

Chapter 1

PANATAG AKONG nakikinig ng musika habang nakahiga sa malapad kong kama, it's 9:56 in the evening kaya nasa kwarto na ako at madalas naring maaga ang out from work.

Hawak ko ang cellphone at kasalukuyang gumagawa ng kwento about Falling in love with the wrong person.

Bakit kasi ito pa ang title na binigay saakin? E, hindi pa nga ako nakaranas mainlove, hanggang crush lang ako. FYI iba yung salitang "In Love" sa "Crush" kaya ganun.

Basta ang hirap ipaliwanag!

Sabi ko sa sarili habang nakakunot ang noong nakatitig sa blangkong screen ng laptop na hanggang ngayon ay wala pang nasisimulan.

Gosh! Does somebody help me?

Minsan naisip ko kung may pinagdadaanan ba yung boss ko kaya niya binigay sakin tong project na'to? natawa nalang ako sa naisip.

Inilapag ko muna pansamantala ang cellphone sa bedside table at hinilot-hilot ang noo.

Wala pa talagang sumagi sa isip ko kung panu ba ito sisimulan, saan magandang simulan ang paggawa ng kwento? anong ilalagay sa pang-umpisa? napasuntok nalang ako sa hangin sa sobrang inis.

Bakit ba kasi yan pa ang ibinigay ng boss ko e.

"Tanga mo kasi Eman bangag ka noong tinanggap mo yun project sa boss mo!" singhal ko sa sarili.

Habang patuloy sa pagsusuntok sa hangin na parang baliw naagaw ng aking pansin ang liwanag na nanggagaling sa cellphone.

Napatingin naman ako sa phone na ng tumunog ito. Tinignan muna ang registered caller bago sinagot.Hindi kasi ako sumasagot ng hindi nakaphone book sa phone ko.

Malay ko ba kung scammer yun edi nauto pa ako? E bakit napunta sa scammer yun?

I rolled my eyes.

"Oh bakit napatawag ka?"

singhal ko sa kabilang linya, it's Karen my younger sister na hindi naman nagkakalayo ang edad sa saakin. I'm 23 while she is 2 years younger than me.

Natawa naman ang kapatid ko ng sagustin ang tawag niya. I have this feeling na manggugulo na naman ito.

"So ganyan ka makipag-usap sa little sista mo ha ate Em? grabe ka, wala man lang Hello or-"

"Che! wala ako sa mood. Bakit ka ba tumawag? Para namang anlayo ko sayo anu? Sa kabilang kwarto ka lang naman tumawag kapa..." totoo naman kasing nasa kabilang kwarto lang siya, daming pakulo sa buhay ng kapatid ko e, kaya minsan gusto ko na itong kutongan.

Kung di lang ako maunawaing ate, naku!

"E bakit wala ka sa mood? May problem ba? Punta nalang ako dyan! Usap tayo!"

hindi pa man ako nakaka sabing hindi pwede sa phone ay agad na itong na call ended.

Nakarinig ko nalang bigla ang tatlong katok sa pintuan at biglang pagbukas.

Hindi talaga to marunong maghintay pagbuksan ng pinto. Kulit! Napairap nalang ako ng sandaling iyon.

Nakalapit na sa akin ang kapatid ko at umupo sa ginta ng kama paharap sa akin.

She's always here when we were kids pero nung tumagal na nililimitahan ko na siyang pumasok sa kwarto ko dahil panggugulo lang ang alam nito.

Magkaiba kami ng ugali. Karen is a little messy when it comes to her things, mapakwarto niya man or kwarto ko. Sa kabilang dako, I'm the neat one. Gusto ko lagi maayos ang kwarto, ayokong nakikitang parang basurahan ang kwarto sa mga damit, papel, sapatos o kung anuman. Sabi pa ng iba kapag writer daw makalat, dahil puro out line para sa kwento na kapag may mali tapon dito, punit doon. Parang hindi ko naman gawain yun, malinis nga ako sa kwarto.

"So, ano ang problema ng ate ko? Bakit parang kakainin mo ata ako ng buhay dahil sa mood na pinapakita mo?" alam talaga ng kapatid ko kung meron akong problema o wala.

We've been together since we were bulilit. Syempre iisang sinapupunan lang kami lumabas. Sabay lumaki at sabay nagkaisip. Sabay din namin nakitang umiyak ang isa't isa. Nalalaman din namin kung may pinagdadaanan ba ang isa sa amin.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Well the boss of mine want me to make a new story about falling in love to the wrong person." ang lungkot ng boses ko "Duh! Hindi pa ako nakakapag love life anong alam ko dyan? Ni wala nga akong karanasan, alam mo yun...." maktol ko sa kapatid ko na ngayon nakikinig at nakatingin lang saakin. Bigla siyang napaayos sa pagkakaupo.

"Duh! Isa ka kayang writer ate. Anu ba pagsinabing writer? Isang genre lang ang alam mo? Hindi ba dapat lahat?" mataray niyang sagot sa harap ko. Minsan gusto ko na talaga tong kutongan lalong nang-iinis e.

"Tanga alam ko yun!"

"O! e alam mo naman pala e!" mataray na naman nitong saad.

"Oo nga alam ko nga. Pero yun nga ang mahina ako karen. I've never been doing stories na ang genre ay about love. I'm not into romance I prefer other genres. " mageexplain ko sa kanya.

Napa make face naman and kapatid ko dahil sa reason ko.

"Naku ate! Baluktot ka rin e. Lahat ng stories mo may kasamang love yun. Mapa action, fantsy, history, short story or etc. lahat yun may love. Hindi maaaring wala, edi sana wala ng may nagbabasa ng story mo ngayon kung wala naman palang love yun. Magiging nonsense yun kung ganun." Sa haba ng sinabi ng kapatid ko nonsense lang ang naintindihan ko.

Nakakainis naman!

"Oo alam ko yun!" sabi ko nalang kahit alam ko naman hindi ko masyadong naintindihan.

"O e alam mo naman pala e!"naaasar na rin siya sa aakin.

"Pero kapatid, full of love yun! Posibleng sa lahat ng chapter kailangan nakapaloob dun yung salitang love. And also how can I know that the protagonist is now inlove?" sabi ko ulit sa kanya.

Napairap nanaman siya.

"Ate ako ba boss mo? Ako ba ang writer sa ating dalawa? Mukha atang ako yung writer-" hindi ko siya pinatapos sa kakaratrat nya.

"Baliw!" natawa naman siya na singhal ko sa kanya.

Napangiti nalang ako.

"Baliw ka rin! Love lang di mo pa magawan ng story. Palibhasa di ka pa nakaranas mainlove e. Bakit kasi di ka naglandi nung high school at college ka yan tuloy wala kang alam sa pag-ibig!" ayan na naman ang mapang-asar niyang kumento.

Kailangan ba talagang ipamukha saakin yun?

"Kaya nga nahirapan ako gumawa ng story karen. Panu kung sabihin ko nalang sa boss kong ibigay sa iba yung bagong project na yun?" pinandilatan niya naman ako ng mata.

Napatayo naman siya at tumalikod sandali at humarap rin.

"Gags! Sayang yun ate malay mo mapromote ka ala Ran Emannuel Maldecir for the best writer of the year 2020, o diba!" kunwaring sabi nito habang may hawak na suklay at nakatuon sa kanyang bibig.

Nakatayo siya ngayon sa harap ko. Ako naman ay tawa ng tawa sa kapatid ko.

"Alam mo Karen pwede ka ng ipatapon sa ilog, dami mong alam e..." kumento ko naman sa kapatid ko. Ibinaba naman nito ang hawak na suklay sa gilid ng kama at umupo ulit paharap sa akin.

An for this moment naging seryoso na yung mukha niya.

"Ate di ako nagbibiro, sayang talaga yung opportunity na yun e! If that story will be your great success naku isa ako sa pinakaproud sayo. Though I'm always proud of you ate. Kahit noong bata pa tayo lagi akong sumusuporta sayo sa mga laban sa school, mapa tula man ang gawin mo o kaya naman theater na ikaw ang author. We're here to support and help you para dyan at alam mo yan!" makahulugang salitang binitawan ng kapatid ko saakin.

She knew from the start that I really love writing stories and she's proud of me.

I never doubt that and also my parents, they are proud of me for what I have achieve. That is why I really value them in my life.

Moma and Dada have been supporting me to what I wanted to be and also to my youngest sister.

I love them.

I love my family more than anyone else. Maybe I should try, not because of the reason that I have unexperience on falling to someone doesn't mean I'm not capable of making stories about love.

"Thank you for the inspiring message sis. It means a lot to me. I love you Karen..." sabi ko sa kapatid ko at niyakap siya.

Niyakap din ako ng kapatid ko ng mas mahigpit pa.

"I love you too ate kaya mo yan! Fighting lang tayo para sa ekonomiya ng bansa! Haha" napangiti nalang ako sa kanya.

Hay buhay!

I thank the Lord for having this kind of family who always there to support me.

I'll try my best!

------------------

After months

Isang malakas na tunog ang narinig ko malapit sa gilid ng aking kama. As I reached for my phone, yes phone ko ang tunog ng tunog kaya naalimpungatan ako ngayon.

Nang nasa kamay kuna ay agad ko nalang itong sinagot ng hindi manlang tinignan ang registered caller.

"Hello-" hindi ko natapos ang pagsagot dahil sa makalakas na sigaw ng nasa kabilang linya.

(Re!)

"Gosh! Why do you need to shout? And who are you?" pagalit kong tanong sa katawagan.

Nakapikit parin ang mata ko dahil nga masakit ang ulo ko. Hang-over pa ata ako. Naparami ang ininum ko kagabi.

(Gags! Re si Rein to . Ano hindi muna kilala ang kaibigan mong ubod ng ganda?)

"Ubod ng ganda pero walang hinaharap?" pang aasar ko sa kanya sa kabilang linya. I know for now umuusok na yung ilong nito. Natawa ako pero sandali lang ng maramdaraman ko ulit yung pagkahilo.

Gosh! Bakit ba kasi naparami ang inom ko e.

(Re grabe ka saakin. Kukutongan talaga kita pagnagkita tayo mamaya.)

"Ha? Anong meron mamaya?" litong tanong ko sa kabilang linya.

(Gags ka ba? Ikaw kaya ang nagyaya saamin na pumunta sa bahay nyo dahil maghahanda ang parents mo for your success. Ano na Ran Emannuel nabagok na? Naparami lang ang inom nakalimot na?)

"Oh shout up Rein! Ikaw ang uunahin kung mabagok" inis kong sabi sa kanya. Naalala ko tuloy yung dahilan ng hang-over ko ngayon.

--

"As we gathered here to celebrate our own Ms. Ran Emannuel Maldecir for the best writer of the year 2020-" marami naman ang pumalakpak habang nagsasalita si boss namin sa harapan ng ipagmalaki niya ako sa mga kasama namin sa trabaho.

"It was a great day ahead for you guys and for the company right?" tanong nito sa amin habang ang lahat ay nakatingin sa kanya na tumatango.

Nasa isang exclusive bar kami ngayon for the celebration, tumaas kasi ang rating ng story na ginawa ko at marami ang bumibili nito sa bawat store, balak narin itong gawan ng movie ng isang Entertainment Company na nag-offer sa boss ko nang malaking halaga.

It was nice to hear that madlang people love my story.

I mean I didn't even know that the story will be my biggest achievement. I know they'll like my story.

When I started publishing different genres like actions and fantasy marami na rin ang tumatangkilik pero iba ito ngayon.

Hindi lamang binibili sa store at binabasa kundi madlang people wanted to have a movie nun.

What could be my reaction? I don't know! Halo-halong emotions ang nararamdaman ko sa oras na ito.

"This year is the year of success for our company. And I thank God for the reason that we have Ms. Maldecir as one of the best author in our company. I want you guys to be inspire and more dedicated to your passion in writing. I know some of you wanted that right?"

nanatili lamang kaming nakikinig kay boss.

Sa pagmamasid ko sa bawat kasamahan namin sa trabaho nakikita ko ang saya sa kanilang mga mata hindi lamang saya para sa akin kundi para sa company, lahat kasi kami nagnanais na ipakilala ang company hindi lamang dito sa pinas kundi maging sa ibang bansa rin.

We have the same goal and purpose.

Hindi ko nga mabitaw bitawan ang company na ito dahil maganda ang pamamalakad nito.

Meron kaming tamang sweldo, tamang pamamalakad, walang nagkakainggitan at nagmamataas.

We know our limits and stands. We respect one another. We also love what we doing.

"Be inspired more guys! Malayo pa ang mararating ng ating kompaniya at maging kayo. Next week magsisimula na ang ating pinaka hectic schedule dahil hindi lamang dito ibebenta ang "falling inlove with the wrong person" kundi maging sa Paris." malakas na sigawan at palakpakan ang namayani sa oras na ito.

"Gosh! Hindi ko alam yun a...." yun lang ang lumabas sa aking bibig sa pagkabigla.

Ang akala ko ay magkakaroon pa lamang ng meeting next week for that matter.

"Naku Re ha? Bungga ka day! Ikaw na talaga." sabi ni Argen habang tulak-tulak ang upuan ko. Kaibigan kong bading sa trabaho at ang nagbibigay buhay sa kompanya.

"Talagang ikaw na Re. Ang galing naman nun, imagine umabot pa talaga sa Paris. Naeexcite tuloy ako para sayo. Sama mo naman kami sa Paris if aalis kayo ni boss para sa pag-aasikaso dun." masayang saad naman ni Rein saakin na nakaharap at magkadikit ang kamay na parang nagpapacute.

Ito naman ang mahilig sa gala pagkatapos ng work namin. Everyone in the company is close to me but these two were my closest.

"Manahimik nga kayong dalawa. Hindi ko nga alam na lilipad palang Paris ang librong nagawa ko. Akala ko dito lang yun mababasa at gagawan ng pelikula. I didn't even imagine that my story will boom!" mahinahon kong sabi sa kanila habang sila naman ay nakikinig lang saakin.

"Boom na boom talaga day! Imaginen mo yun kahit wala kang love life nagawan mo ng buhay at aral yung story?" Sabi ni Argen saakin na sinang-ayunan naman ni Rein.

"Oo nga Re. Ako nga na nakaranas ng mainlove at mabroken hearted. Hindi pa ako nakakagawa ng ganung story na pumatok. Pumatak lang yung akin! Haha" biro naman ni Rein saamin , kami naman ay nakitawa lang.

"Hay naku baklang Rein. Hindi ka kasi nag po-focus sa goal mo e. Dapat gayahin mo kami ni Re nasa tamang focus!" singhal ni Argen kay Rein na nagmimakeface sa harap ni bakla.

Natawa naman ako sa dalawa dahil nag-uumpisa na naman sila mag-asaran sa harapan ko.

"Excuse me baklang Argen! Wala ka rin sa focus. Iba pinupukusan mo hindi libro kundi lalaki. Baklang to!" ito na laglagan ng lihim na itong dalawang ito.

"Excuse me rin babaeng walang hinaharap! At least ako kahit mag-focus pa aketch sa mga malalaki este lalaki makakagawa parin ako ng story ng mabilis." asik ni bakla kay Rein na taas ang kilay kung tumingin sa kaibigan.

"Ha! Maganda naman kahit walang hinaharap. Hindi katulad mo bakla!" napabuntong hininga nalang ako sa kanilang dalawa.

I should shot their mouth before pa kami mapansin dito.

"Guys stop it. Pagtitinginan na tayo if you guys didn't stop." mahinahon kong sabi sa kanilang dalawa na naintindihan naman nila.

Hay buti naman at sinunod nila ang sinabi ko.

"So you may enjoy the night! Let us cheers for our success!" sabi ni boss bilang pagtatapos ng kanyang sinabi na hindi namin nasundang tatlo kanina.

Itinaas ng lahat ang kanilang hawak na inumin bilang pagsang-ayon.

"The party is now begin wow! " sigaw ni Argen at Rein ng tumunog ang musika na hudyat na ang lahat ay magsaya .

-------

"Hey Re nakikinig kaba? " nabalik ako sa realidad ng marinig ang sinabi ni Rein.

"Oh sige. See you later. Bye! " madali kong sagot pagkatapos inend call. Hindi ko na siya pinagsalita pa. Bumangon na rin ako at dumiretaong banyo para maghilamos.

After 30 minutes of preparing myself, lumabas na ako sa condo ko at nagsimulang maglakad palapit sa elevator, pipindutin ko na sana ang button upang bumukas ng bigla nalang akong unahan ng lalaki.

Kaya napatingin ako sa kanya.

Olala!

Isang matipunong lalaki ang bumungad saakin umagang-umaga, nakikita ko ang mala adonis nitong tindig na kayang bumighani ng napakaraming babae at kaya ka rin atang lupugin nito sa..

Gosh!.

Napalabi ako ng wala sa oras nung tumama ang mata ko sa ibabang bahagi ng katawan niya...

Bakit ang laki naman ata ng umbok nito sa baba? Kaya akong lumpuhin nito ng isang linggo pag nagkataon...napailing ako sa dumi ng naisip ko.

Baliw na ata ako!

Ibinaling ko agad ang aking mga mata sa pang-itaas niyang katawan upang mapigilang mag-isip ng maruming bagay sa maumbok niyang...

ay ewan!

Nakasuot pala ito ng stripe na sandong kulay pula at puti na medyo hapit sa kanyang katawang na tama ang laki at mamatso, yun bang tamang tama lang para sa gwapong katulad niya. Napatingin naman ako sa kanyang mukha.

Oh medyo hard! What? Anong hard?

Mukha na akong baliw sa oras na ito dahil kinakausap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kanya.

Maganda rin ang hubog ng mukha nito simula sa kilay na makapal pero nasaayos, maging ang ilong nitong matangos, hanggang sa mapula-pulang labi at hugis puso pa, masarap sigurong mahalikan ng labi niya siguradong hindi pagsasawaang hinalikan.

Tumigil ka nga!

Nakasuot pala ito ng sunglasses kaya hindi ko makita ang mata niya pero hula ko magaganda ito.

Halatang hindi rin taga rito ang lalaki ayon sa nakikita ko. Ano kayang lahi into? Masarap sigurong malahian ng....

Stop it Ran! Hindi bagay sayo ang malahian! Haha nababaliw kana! natawa ako sa mga pumapasok sa isip ko, kailan pa ba ako nakapag-isip ng ganito? Sa tanang buhay ko ito lang ang unang beses kong nakapag pantasya ng lalaki at halos hubaran ko na siya sa isip ko.

I never ever!

Simula nung isinilang ako, nakapag salita , nakapag lakad, natuto, nakapag aral at nakapag tapos kahit minsan hindi pa sumagi sa isip ko ang magpantasya ng isang lalaki katulad nito.

Siguro crush oo pero paghanga lang yun, hindi ko nga naisip tong mga naiisip kong karumihan ngayon nung mga panahong yun.

Natinag lang ako ng gumalaw siya. Kaya napaayos ang tayo ko at tumingin sa harap ng bumukas ang elevator para makasakay kami.

Nauna naman pumasok yung lalaki na kanina lang parang kakainin ko na. Namula tuloy ang mukha ko sa kahihiyan.

Nakakahiya talaga! Anong parang kakainin? E kung wala kalang hiya baka sinunggaban mo nayun Ran! pabulong kong singhal sa sarili ko habang nakayukong naglalakad papasok ng elevator .

Dahil sa kahihiyan ko, pinili kong doon sa pinakadulo pumwesto upang itago ang mukha at ng hindi ko namakita ang mukha niya.

Feeling ko kasi pagtumitig pa ulit ako karumihan nanaman ang maiisip ko.

At dahil nakayuko lang ako ang nakikita ko lang ay ang mga katawan ng nasaloob, di ko makita ang mukha ng mga taong nakasakay sa loob ng elevator, maging yung lalaking nakatayo na nakapamaywang sa harapan.

Pansin ko ring maumbok ang pwetan niya.

Jusko po Ran. Pati ba naman pwet nya napansin mo rin? Haha kung sa bagay lahat ata mapapansin yun!

Hindi lang pala ang sa harap maumbok pati rin pala pwet nya! Roar! natawa na lamang ako sa gilid dahil sa kabaliwang dulot nito saakin.

Ngayon ko lang napansin, limang tao pala ang nasaloob nitong elevator.

Dalawang lalaki kasama na dun si gwapo at kaming tatlong babae na nasa likod.

"Nag-iinit ata ako bigla Jaja!" sabi ng isang babae sa kasama niya habang kunwari'y pumapaypay pa na akala mo talaga naiinitan.

"Baliw akala mo ba ikaw lang? Ako din kaya! Mantakin mo sobrang hot nung naka stripe!" parang akala mo kiniliti ng libo libong langgam kung makapag kwento kulang nalang ata buhusan to ng malamig na tubig e.

"Haha kung pwede lang hubaran yan dito at kainin e!" impit naman ng kaninang nagsabing,

nag-iinit ako jaja~ ang landi!

Kung pwede lang sanang sabihin sa kanila na..

Isinigaw nyo nalang sana ang mga pinagbubulong nyo kasi naririnig naman namin ang pinag-uusapan nyo?

Napairap ako ng wala sa oras dahil sa dalawang kumakaringking na babaeng to.

May mas malala pa pala sakin dito, kung ako nasaisip ko lang, sa kanila naman gusto pang iparinig.

May mas nakakahiya pa pala saakin.

"Haha hubaran naba natin siya dito kahit-" hindi nila natapos ang pinagsasabi nila.

Kaya ako naman napakunot ang noo maging ang kilay ko ay salubong na, napatingala ako at nabigla ng makita kong lumingon pala siya sa...

a-akin?

Problema nito? Bakit sakin to nakatingin? E wala naman akong ginawang masama at di naman ako yung nagchichismisan para hubaran sya!

Nakakunot noo ito nang saakin siya tumingin, pero di ako nagpatalo, salubong narin ang kilay ko.

Di nagtagal at ibinaling niya sa dalawa ang tingin niya na ngayon ay suplado nang tumitig sa dito.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinignan niya at kita kong dahan dahang napalunok ang dalawang maharot na babae dahil sa binibigay nitong tingin sa kanila, napayuko naman ang mga ito siguro nahiya..

Ha! Parang kanina lang gusto nyong hubaran siya dito tapos ng tignan kayo wala rin naman pala kayong masabi!!

Buti nga!

Inayos ko ang tayo ko ng hindi nakatingin sa lalaki.

Hindi na rin ako nag aksaya pa ng oras dahil tumunog yung elevator hudyat para magbukas ito.

Huli akong lumabas sa elevator para hindi makipagsiksiksan sa dalawang babaeng katabi ko na nauna nang nakalabas.

I grab my pouch sa kaliwang shoulder ko para hanapin ang susi ng kotse ko, habang naglalakad palabas ng building.

Nang nasa labas na ako nakita ko agad ang kotse kong naka park lang sa harap ng building.

Dahil nga sa kalasingan ko kagabi hanggang harap ng building ng condo ko lang ito naipark. Buti nga nakarating pa akong safe.

Hindi naman din nanakawin dahil may security guard na nagbabantay kaya tiwala ako.

Binuksan ng walang kahirap-hirap ang pinto ng kotse para sana makapasok nang may matamaan ito.

"Gosh! I'm sorry I didn't mean to-" hindi ko naituloy ang paghingi ko ng sorry dahil nakilala ko ang natamaan nito.

Yung guy kanina na maumbok ang ibaba at pwet! Shut!

Natutop ko ang aking labi gamit ang kanang kamay dahil sa pagkabigla.

" I-i'm sorry hindi ko napansin na-" hindi niya ako pinatapos.

"It's okay" malamig niyang saad pagkatapos na una ng pumasok sa katabi kong kotse. At walang pakundangang pinaandar ang kanyang kotse saka nagsimulang magmaneho.

Ako naman nakasunod lang ang tingin sa papalayong kotse na kanyang minamaneho hanggang mawala na ito sa aking paningin.

I sighed!

"Tanga mo kasi Ran e!" sabi ko sa sarili habang sampal sampal ng mahina ang pisngi.

Di kalaunan, pumasok narin ako sa kotse ko at sinimulang paandarin para makaalis narin...

Magkikita pa naman siguro kami nun. I might say sorry again. If makita ko sya again? Bahala na!!