webnovel

Make you mine

Jin Cielo is the pampered princess of Giua family. Perfect na sana ang pagiging princesa niya kung hindi lang siya palaging iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya. then one day ang pinapangarap niyang perfect night para sa bago niyang boyfriend ay nauwi sa disaster! sa halip na ang boyfriend niya ang kasama niya ay nagising siya sa kama ng bestfriend ng kuya niya!

Anne_ter17 · 都市
レビュー数が足りません
21 Chs

Chapter 21

Their lunch was incredible, hindi inaasahan ni Cielo na kakain sya ng sobrang dami, from seafoods to all meat and pasta, basta madaanan ng mata nya ay go agad sya, at syempre di nya rin pinalampas ang chocolate section, nag enjoy talaga sya sa pagkain at dahil na rin siguro sa masayang kausap si Francis, may sense ang bawat sinasabi nito at marami rami ring words of wisdom kaya hindi talaga sya nainip kahit konti. Hindi nya namalayan na naparami na pala talaga ang nakain nya.

"I'm so glad na sumama ako sayong maglunch at nabusog ako ng sobra, nalimutan ko bigla ung mga stress ko sa buhay." habang nakaupo sila sa kotse nito, pabalik na sila sa opisina nya.

"Wow! ang isang Cielo De Guia, naiistress? unbelievable!?" palatak nito habang naiiling sa pagmamaneho ng kotse nito.

"Makaganda ka naman, kala mo totoong totoo e noh! syempre naiistress din ako sa buhay, kaw ba naman walang lovelife kahit magtu-twenty five kana hindi ka maiistress!" naalala na naman nyang bigla ang pagkabigo.

Dahan dahang itinabi ni Francis ang kotse sa gilid ng daan at pagkakuwan ay seryosong humarap sa kanya. "Kung wala kang boyfriend, bakit mo ako subukan? wala naman akong girlfriend and I really like you a lot." napatanga si Cielo sa lalaki. "I mean if it's okay with you, I want to be your boyfriend."

"Are you saying this because naaawa ka sakin dahil wala akong boyfriend?"

"Cielo I'm serious," ginagap nito ang kamay niya. "I wouldn't be here kung hindi kita gusto."

They are both single, un ang unang pumasok sa isip ni Cielo at Since wala na rin namang pag-asa ang pagibig nya kay Vince, bakit di nya nalang ibaling sa iba ang nararamdaman? kesa hintayin nyang magkagusto ang isang lalaking bunsong kapatid lang ang tingin sa kanya. "Bago kita sagutin, I would like to ask you one question."

"Go ahead!" anito.

"Pag ba binigyan kita ng pagkakataong matulog sa tabi ko sa iisang kama, matutulog kalang ba?"

"Of course," nakita nyang namumula ang dalawang tainga nito "not! pero depende pa rin sa pagkakataon, maybe i will and maybe not."

"Bakit?" naguluhan sya sa sagot nito, talaga bang hindi sya kaakit akit at kailangan pa nitong mag-isip oo o hindi.

"Syempre depende sa sitwasyon at sa permiso mo, kung binigyan mo ako ng go signal why not, i will gladly oblige. Pero kung ang sasabihin mo sakin e just sleep, then maybe matulog nga lang ako non. Nasasayo ang final say pagdating sa ganyang bagay."

Ah, siguro ganon din ang nasa isip ni Vince nung gabing un, baka naman kase nasobrahan lang din sa pagiging gentleman kaya natulog nga lang. Hey stop it Cielo! you're with another guy, itigil mo na ang kakaisip sa kanya. Pinagalitan nya ang sarili.

"Pero kung gusto mo naman and your in the mood right now, we can do it!" seryoso pa rin sabi nito.

"Oh no!" sunod sunodna iling niya "I'm just asking, na-curious lang ako!"

"So, you're just testing me if I'm into you like that?"

"Yes, I'm sorry if i ask you something na medyo naughty!" nahihiyang sagot nya dito.

"Nah, it's okay I understand! syempre you need to know if we're compatible in that area." muli nitong ginagap ang kamay niya, "So ano, are you willing to try ME as your boyfriend?"

"Kung okay lang sayo ang isang katulad ko, Oo!" tinitigan nya ito sa mga mata. "But I'm going to warn you, I'm turning 25 few months from now, and whatever I asked you earlier will never happen until then. Is it okay with you?"

"Then it's settled! I'm your boyfriend now!" bakas ang saya sa mukha nito, "Don't worry, I will not cross the line until you gave me the thumbs up!"

"Thank you for understanding me, from now on I'll be in your care." isang matamis na ngiti ang binigay niya dito.

"I promise, I'll take care of you!" he lift and kiss the back of her hand.

"What the hell is this?" kunot noong binasa ni Vince ang katatangap palang na mensahe mula sa kaibigan. Nasa kalagitnaan sya ng pagtetraining sa mga tauhan nya para sa dadating na summit ng mga kilalang negosyante sa bansa at isa ang security agency nya sa napiling kunin ng mga VIP's na dadalo. 'Another dumbass' tsk! ipinilig nya ang ulo dahil bigla syang nakaramdam ng pagpitik sa kanang bahagi ng sentido. "Marco," tawag niya sa Assistant nya. "Ikaw na muna ang bahala dito may aasikasuhin lang ako."

"Boss, mukang Princess alert level A na naman yan ah!" nakangising tudyo ng tinawag.

"Pano mo nasabi?" sinamaan ng tingin ni Vince ang kausap.

"Boss, malapit ng madurog yang cellphone mo at naglabasan na lahat ng ugat mo sa kamao mo, sa tagal na nating magkasama sa palagay mo hindi ko pa kabisado ang kilos mo?" natatawang biro pa nito.

"Another fucking pest! hindi na naubusan ng bubuyog. Sa office muna ako." tinapik nalang nya ang balikat ng kausap at naglakad na palayo.

"Boss," tawag nito "Itanan mo na, baka maunahan kapa!" sabay halakhak ng nakakaloko.

"Shut up!" ganting hiyaw ni Vince dito.

Gustuhin man nya hindi pa pwede, may kasunduan sila ng bestfriend nyang si Jion, hanggat hindi ito nag aasawa ay hindi pa nya pwedeng ligawan ang kapatid. kailan nga ba niya nadiskubre ang nararamdaman? Nagsimula ito nung kaaksidente nyang tawaging sweetheart ang nooy highschool student palang na si Cielo, Habang nakatambay sila sa swimming pool sa bahay ng mga ito dahil nagkayayaan ang mag babarkadang uminom, heartbroken daw si Minjy kaya kailangan ng kadamay. Bigla nalang daw kaseng nawala na parang bula ang Kababata slash girlfriend nito since teenager at ilang linggo ng hinahanap ay di pa rin matagpuan. Ilan lang silang magkakasama noon, Siya, si Jion, Minjy, Junno at ang bestfriend nitong si Rich, sina Howard at Kiel.

Napadaan lang si Cielo sa tabi ng grupo nila dahil dinalhan nito ang alagang baboy ramo na si Bambi ang pagkain, nakuha ito ng tatay nito sa isang medical mission sa Kabundukan ng Sierra Madre at ginawang alaga naman ng dalaga.