webnovel

Make you mine

Jin Cielo is the pampered princess of Giua family. Perfect na sana ang pagiging princesa niya kung hindi lang siya palaging iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya. then one day ang pinapangarap niyang perfect night para sa bago niyang boyfriend ay nauwi sa disaster! sa halip na ang boyfriend niya ang kasama niya ay nagising siya sa kama ng bestfriend ng kuya niya!

Anne_ter17 · 都市
レビュー数が足りません
21 Chs

Chapter 2 assignment

Beep! beep! beep!

Panay ang busina ng kotseng nasa likuran ng sasakyan ni Cielo, kasalukuyan siyang nasa Edsa papuntang Mandaluyong dadaanan kase niya ang bago nilang warehouse doon para i check ang mga dumating na equipment doon.

Nabubwisit man siya sa kotseng nasa likuran ay ayaw na niya itong pansinin, Hmmp. di lang naman sya ang nag iisang natatrapik! kung makabusina kala mo siya lang ang nagmamadali! tumabi sya ng bahagya para padaanin ang maingay na sasakyan pero di pa ito nakakalampas sa kotse niya ay bigla niyang naramdaman ang pagsabit nito sa side mirror ng kotse niya.

What the heck? nasabitan ang bagong bago niyang kotse! Oh Lord. Bumaba ang driver ng kotse at inikutan ang kotse niya, kinalampag nito ang bintana niyon.

"Miss bumaba ka dyan." sigaw nito.

Binuksan ni Cielo ang pinto ng kotse niya at bumaba doon, "Ano bang problema mo?" kunot noong tanong niya dito.

"Hoy babae, kanina pa kita binubusinahan para tumabi pero napakabagal mo, ayan tuloy nasabit ang kotse ko!" bulyaw nito sa kanya.

Ampota! sya na ang may kasalanan sya pa ang matapang! "Excuse me lang no, sa pagkakaalam ko eh ikaw ang nakasabit sa kotse ko kaya bakit ka nagagalit? dapat nga ako ang magalit e." kalmado parin si Cielo kahit gustong gusto na niyang hambalusin ang lalaking kaharap.

"Hoy miss, kung hindi ka lang sana mabagal hindi kita masasabitan! kaya kasalanan mo yan." singhal nito sa kanya.

Talaga naman, inuubos ng lalaking to ang pasensya ni Cielo. Sasagutin pa sana ito pero sabay sabay na nagbusinahan ang mga sasakyan sa kanilang likuran. Nakakaabala na sila sa mga motoristang naroroon.

Lumapit na sa kanila ang isang traffic enforcers, " Ma'am, itabi nalang po natin yung mga sasakyan niyo para di na po tayo makaabala sa daan, sa presinto nalang po natin ito pagusapan." magalang na sabi nito matapos kunan ng litrato lahat ng anggulo ng dalawang sasakyan.

"Wala naman kaming dapat pagusapan dahil sya naman ang may kasalanan!" dinuro pa siya ng lalaki.

"Sige po Sir, itatabi ko lang po yung kotse ko." hindi niya pinansin ang pagtutungayaw ng kaharap bagkus ay bumalik sya sa loob ng kotse niya at iminaniobra ito papuntang sidewalk.

"bwisit naman oh! nagmamadali ka nga naabala kapa!" ipinark na rin ng lalaki ang kotse nito sa unahan ng kotse ni Cielo, "Sa susunod kase galingan mo ang pagmamaneho mo para hindi ka nadidisgrasya!" napaurong si Cielo ng itulak sya ng lalaking nakabangga.

Pero bago pa sya nakabawi ay may kamao ng naglanding sa mukha ng lalaking nanulak sa kanya, bagsak agad ito sa semento. Si Vince! nanlaki ang mata ni Cielo ng makilala kung sino ang superhero nya. Agad namang sinunggaban ni Vince ang nakabulagtang lalaki at inambaan uli ito ng suntok pero hindi na iyon natuloy dahil pinigilan ito ni Cielo.

"Stop it Vince!" hinila niya ang braso nito para mailayo sa lalaking dumudugo na ang ilong at bibig.

"How dare you hit my princess!" duro nito sa lalaki.

"Sir, tama na po." awat dito ng Enforcer "darating na po ang mga police sila na po ang bahala sa kanya!"

"Are you okay sweetheart? nasaktan ka ba?" alalang alala si Vince habang tsine tsek ang balikat ni Cielo.

Hindi na niya pinansin ang endearment na ginamit ni Vince dahil hindi naman iyon ang unang pagkakataon na narinig niya iyon mula dito. Kung ibang tao lang siguro sya, baka nahimatay na siya aa kilig sa mga sinabi nito.

"Okay naman ako, bakit nandito ka?" tanong niya dito.

"Im on my way papasok sa trabaho, Hindi ko naman akalain na ikaw ang makikita ko dito." sagot nito. "sigurado kabang okey ka lang, dalhin na kaya kita sa doktor." umakma pa itong bubuhatin siya.

"Magtigil ka nga Vincent, baka isipin ng mga tao ditong OA ako!" pigil niya sa dalawang kamay nito.

"Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba ang importante sakin ikaw!" muli itong umakmang bubuhatin sya kaya iniumang ni Cielo ang kamao niya dito.

"Vince pag itinuloy mo yan hindi na kita kakausapin kahit kelan!" banta niya rito.

Para naman siyang may pinindot na stop button at tumigil kaagad ai Vince planong pagkarga sa kanya. Maya maya pa ay dumating na ang police sakay sa mobile nito.

"Saan mo gustong kumain?" tanong sa kanya ni Vince ng makasakay na sila sa kotse nito, natapos ang issue sa kotse ni Cielo at pinilit ng lalaking nakabangga niya ang makipag areglo sa kanya kasabay ng paulit ulit nitong paghingi ng tawad dahil nalaman nitong siya ang may ari ng Guia Enterprises.

"Sa Mariano's nalang para malapit!" isa iyong restaurant na pagaari ng kuya Juno niya.

"Roger ma'am!" itinuon na nito ang sarili sa pagmamaneho.

---Flashback---

"Kuya pwede mo ba akong turuan sa assignment ko sa math, nahihirapan kase ako eh!" nilapitan ni Cielo ang kuya Jion niyang busy sa paglalaro ng video games kasama ng mga kaibigan nito. grade four palang siya noon at ito naman ay graduating na ng high school.

"Mamaya nalang bunso, busy pa si kuya baka matalo ako sa laro pag tumigil ako.!" tuloy pa rin ito sa pagpindot ng joystick nito.

"Kung gusto mo ako nalang ang magtuturo sayo!" Sabi ng kapitbahay nilang si Vince, kaklase rin ito ng kuya nya.

Tiningnan ito ni Cielo "Bakit kasing galing kaba ng kuya ko sa math?" nakangusong tanong niya dito.

"Bunso top two sya sa klase namin kaya siguradong magaling din yan sa math!" sabi ng kuya niya.

"Okay." pumayag na rin si Cielo na magpaturo dito kesa intayin pa niyang matapos sa paglalaro ang kuya niya.

habang tinuturuan siya ni Vince ay hindi niya maiwasang titigan ang mukha nito, napakagwapo kasi ng binatilyo kahit medyo payat ito, mukhang baby! nasa isip ni Cielo.

"Dito ka tumingin wag sa mukha ko!" kinatok ni Vince ng lapis ang notebook ni Cielo. "hindi ka matututo niyan sige ka!"

Lalo namang natulala ai Cielo ng lumabas ang hugis kahon na ngiti nito. Noon niya unang naintindihan ang ibig sabihin ng salitang 'pogi'.

"Hoy bata! makikinig kaba o hindi?" napipikong tanong sa kanya ni Vince.

"Makikinig na po!"