webnovel

Make Up, Murders, and Macchiato

Astrid is a retired modern day Sherlock Holmes / Nancy Drew who stumbled on the gruesome murder of an unknown killer roaming around their university. She was then forced to instigate an investigation together with the one whom she hated the most- Kairo, Astrid infiltrated a sought after elite circle sorority known as the Alpha Kappa Tau after she discovered that the killer is after the members of the said elite circle. Her life took major turn from anthropology student, to sorority member to Kairo's caretaker. She must sieve through the web of lies, deceits and detractions in the world of glits, glams and fluttering fake eyelashes. Prepare for unexpected twist and turns, fight scenes in bodycon dress, blinding lights from sparkling diamond and jewels, and series of chase in skyhigh Christian Loubouttin pumps.

OswaldTheGreat · SF
レビュー数が足りません
16 Chs

15| e x o d u s

15| e x o d u s

Astrid sat down on one of the stairs in Kairo's front porch facing the huge botanical garden. The tendrils of cold fog gently covers the tall grass like a garden trapped in a bunny dream.

Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala na nasa poder siya ni Kairo at binabantayan niya ang binata. Iniwan niya muna pansamantala ang binata sa kwarto nito na natutulog kanina niya pa ito hinihintay na magising upang makapag paalam na siya at makauwi ngunit ayaw niyang iwan si Kairo na mag isa, mabuti na lang at hindi nag tamo ng malalang injury si Kairo at tanging maliliit lang na galos ang nakita sa kaniya.

Ngunit ilang oras na rin ang nakalipas di pa rin matanggal sa isip ni Astrid ang nangyari. Nakadikit pa rin sa kaniyang balintataw ang kanilang pinagdaananan bago nila maisugod si Kairo sa ospital.

"Help me carry him," ani ni Felicity habang pilit na inaangat nito ang kanang braso ni Kairo. Nagulat siya nang maramdaman niyang nasa tubig ang kaniyang paa na aabot sa tuhod niya ang taas nito.

Hindi nakagalaw si Astrid at pina-process pa ng kaniyang isip ang lugar na kaniyang pinasukan. The silage of salt water covered the whole room, her eyes were still adjusting dahil sa sobrang dilim ng lugar.

"Hey!" Sigaw ni Felicity, doon nabuhay ang kaniyang diwa at dali-dali siyang lumakad papunta kay Felicity at tinulungan itong buhatin si Kairo na basang basa sa tubig.

"How did you find him?" Tanong niya habang binabaybay nila ang daan palabas sa fire exit. Tinungo nila ang daang hindi masyadong binibisita ng mga guards upang maitago ang tubig na tumutulo sa katawan ni Kairo.

"GPS, Gianna sent me the location of his phone. Hindi ko siya nakita at first nong pumasok ako sa Central Gallery but I saw a piece of his button beside the door," paliwanag nito.

Ito ang kaniyang kinatatakutan ang may madamay sa kaniyang ginagawa. She knew that Kairo will bring inconvenience to her investigation but she chose to allow him.

Kahit hahapo-hapo ay pinilit nilang dalawa na makarating sa fire exit. Ngunit bago pa nila marating ang pinto ay narinig nila ang mga taong nag kukwentuhan na papalapit sa kanilang direksyon.

Agad silang nag tago sa column.

Papalakas ng papalakas ang mga boses nito senyales na papalapit ang mga ito sa kanilang direksyon.

Dumagdag ang kaba niya nang biglang tumunog ang alarm sa itaas. Mukhang nasa ikalimang palapag iyon.

"Did they found our trail?" Tanong ni Felicity

"No, I guess Gianna diverted their attention," sagot niya. Walang may nakapasok sa Cassandra Palais at tanging silang tatlo lang ang naroon.

She heaved a sigh of relief.

Muli silang nagpatuloy na naglakad palabas ng fire exit at dinala sa sasakyan si Kairo. Malayo layo rin ang bakanteng lote kung saan nila ipinark ang sasakyan.

She looked at the night sky and there she got lost in the vast emptiness of the galaxy and became one with the void. She might've done some investigations and chasing in the past but this was her first time to experience the exhaustion brought by series of clues leading to another clue.

Kinakabahan na rin siya sa mga susunod na mangyayari dahil makailang beses na ring pinag tangkaan ang kaniyang buhay.

Bumalik ang diwa ni Astrid nang may marinig siyang boses mula sa likuran niya.

"Astrid?" Tanong nito, lumingon siya at nagulat siya nang makita si Kairo na nakatayo wala itong damit pang itaas at tanging ang pajama lang ang suot nito, mukhang tinggal nito ang tshirt na kanina'y suot suot dahil sa init.

Napapitlag si Astrid at alertong napatayo sa kaniyang kinauupuan na animo'y may sariling pag iisip ang kaniyang paa.

"You're awake! Wag ka munang maglakad at baka mabinat ka, the doctor said you need to take a rest" sambit niya habang naglalakad papalapit kay Kairo na may bendahe sa ulo ngunit hindi maalis ang paningin niya sa katawan ni Kairo. Sweat is dripping from his neck down to his bulky chest.

Uminit ang magkabilang pisngi ni Astrid kahit malakas ang buga ng aircon. Kinontra niya ang iniisip at i-fi-nocus ang kaniyang utak sa katayuan ni Kairo.

"I am okay" sagot nito ngunit biglang kumunot ang noo nito at napahawak sa kaniyang ulo nang maramdaman nito ang kirot.

He immediately smiled and said "Somehow, don't worry."

"Sit down!" Utos niya na may awtorisasyon sa kaniyang tinig. Sinunod ito ng binata at dahan dahan itong naupo sa sofa bahagya siyang kinabahan dahil sa biglang pagtayo nito.

"Why are you here? You should be on your house" wika nito , kinuha ni Kairo ang throw pillow sa tabi niya at ipinatong iyon sa hita niya.

"Wait. I'll get you a new shirt" tumayo si Astrid ngunit bago pa niya maitapak ang kaliwang paa ay may iminungkahi si Kairo.

"As if you know where my shirts are," nilingon niya si Kairo

"Of course. I also know where your undergarments ako ang nagpalit niyan,"

"What? Pinalitan mo yung brief ko?!" Di makapaniwalang tanong ni Kairo bigla itong napahawak sa kaniyang ulo nang akma itong tatayo ngunit napaupo rin siya buhat ng sakit na naramdaman nito.

"No! I am just messing you around!" A laughter bubbled before she started talking. It made her stomach ache.

Pinunasan niya ang mumunting butil ng luha na tumulo sa sulok ng kaniyang mata dahil sa sobrang tawa. "Where's your shirt?" Tanong niya kahit naiipit na ang kaniyang boses dahil sa panaka-nakang tawa niya.

"I'll get it na lang," ani ni Kairo. Tatayo sana ito ngunit agad niyang pinigilan si Kairo.

"Its okay, ako na ang kukuha, maupo ka na lang,"

He heaved a deep sigh and answered "Sa silver na cabinet sa kwarto ko,"

"Wait, you didn't undressed me, right?" Tanong ni Kairo

"Of course not! Why would I do that?!"

"I thought hinubaran mo 'ko," a feeling of relief covered his statement.

"Bakit ka naman matatakot kung huhubaran kita?" Panunukso ni Astrid.

"Because you might get addicted sa makikita mo. We'll never know baka puntahan mo ko dito gabi gabi para tignan ang katawan ko," pagmamayabang ni Kairo na bahagyang umangat ang isang sulok ng labi nito.

"You wish Kairo! Excuse me!" Sagot ni Astrid at dali daling umalis sa harapan ng binatang walang damit pang itaas.

Habang naglalakad siya papunta sa kwarto ni Kairo ay doon niya lang napagtanto na wala sa sariling napangiti siya sa tinuran ng binata.

"HEY! TAKE THIS!" Napalingon si Kairo at bigla niyang sinalo ang itinapon na puting t-shirt ni Astrid. He has indeed a fast reflex.

"Thank you," aniya habang isinusuot ang kaniyang damit pang itaas.

"Well, umm I guess I need to go home since you kinda look okay. If you are not feeling well you can call your doctor I left his number on your bedside table and you can also call me," anito sabay kuha ng handbag nito na nakapatong sa couch.

Muling bumalik ang mga pagkakataong ilang beses silang pinagtagpo tuwing may hindi magandang mangyayari. Hindi niya rin lubos maisip na halos ilagay niya ang sarili sa panganib ma-protektahan lang ang babaeng ni hindi niya lubos kilala.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, marahil ay naguguluhan lang siya dahil sa bilis ng mga pangyayari simula nang sumali siya sa pag iimbestiga.

"Wait!" Pagpigil niya sa dalaga.

Astrid stopped midway and she looked back.

"Yup?"

"Its late at night and its not safe to travel alone,"

"Its okay I have my car," nakangiting sagot ni Astrid at ipinakita ang susi ng sasakyan nito.

"But you're tired and you might accidentally sleep while driving,"

Hindi na nakasagot ang dalaga.

"If you feel uncomfortable sleeping here well its okay but if you want to go home I will be the one to drive you home,"

Astrid twitched her lips.

Nakaramdam ng kakatwang sensasyon si Kairo sa kaniyang katawan habang pinagmamasdan ang mapupulang labi ni Astrid ngunit inalis niya ang tingin rito at ibinaling nito ang atensyon sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Its okay. I'll stay here but I am gonna sleep on your couch,"

May mumunting kilig at sayang naramdaman si Kairo.

"Ok, then I am gonna get your blanket and pillow," excited na tumayo si Kairo ngunit bigla may pumitik sa kaniyang ulo, it was a small click but the pain was unbearable kaya napaupo siya.

Naramdaman niya ang paghawak ni Astrid sa kaniyang likuran na animo'y inaalalayan siya.

"I am okay, its just a headrush, I guess" pag sisinungaling niya. He knew that it wasn't a headrush it was from his injury he got in Cassandra Palais.

"Sit down, just tell me where to get the blanket and the pillow," mahinahong sambit nito.

Itinuro ni Kairo kung saan nakatago ang extra blanket niya. Maya maya pa'y bumalik si Astrid sa sala dala-dala ang kumot at unan.

Dahan dahan siyang tumayo upang tulungan ang dilag na maglatag ng higaan nito ngunit tinapunan siya ni Astrid ng masakit na tingin. Her eyes were commanding him to sit down.

His face painted a small grin.

"Ok," he said at naupo na siya.

Nang matapos ang dilag sa pag aayos na higaan nito ay nilingon niya si Kairo at inilagay ang dalawang kamay nito sa magkabilang baywang.

"At ikaw," she said putting an emphasis on the word ikaw. "You need to sleep, get up, aalalayan kita papunta sa kwarto mo," anito at lumapit ito sa kaniya at inilahad ang palad nito.

"Its okay , I can do it by myself,"

"You can't"

"Watch me!" Tumayo si Kairo at nagpakitang gilas , dahan dahan nitong ihinakbang ang kaniyang paa, nakikita niya si Astrid sa kaniyang peripheral vision na naka-aktong sasaluhin siya kung magkataong mawala ang balanse niya.

"See! I can do it on my ..." napaupo siya bigla dahil nagsimulang umikot ang paningin niya.

"Yes. You can really do it," she mocked. Muli nitong inilahad ang palad at walang nagawa si Kairo kundi amg tanggapin ito. Hindi siya makapaniwalang isang babae ang umaalalay sa kaniya.

"You dont trust women doing this kind of stuff right?" Biglang tanong ni Astrid habang nakaakbay siya sa dilag at dahan dahan nilang binabaybay ang daanan papunta sa kwaryo niya.

"What?! I trust women and I firmly believe that women can do what men do its just that hindi ako sanay na si Astrid na isang man hater ang nasa tabi ko ngayong gabi,"

"Look, just to be clear I am not a man hater! I hate mysoginists, I hate sex offenders, and I hate people who continously degrade women and other vulnerable sector of the society! We really need to hate them," mahabang litanya ni Astrid.

Hindi ganon kalayuan ang kwarto ni Kairo ngunit dahil hindi niya kayang maglakad mag isa at kailangan niyang alalayan ang bawat lakad ay inabot sila ng ilang minuto bago marating ang kwarto niya.

Pinaupo siya ni Astrid sa kaniyang kama. Bahagya niyang ipinuwesto ang katawan at nahig ngunit nakapako ang tingin niya kay Astrid na inaayos ang kaniyang kumot.

"What? Do you want me to sing a lullaby for you?" Iritang tanong nito nang mahuli siyang nakatitig dito.

"Thank you," he said, it freely slipped from his mouth.

"For?" Kunot noong tanong nito

"For taking good care of me?" He smiled shyly.

"Oh. Yes. Regarding that matter I actually don't have a choice. Since your father is not here no one's gonna assist you and Felicity forced me to be here," paliwanag ng dilag na biglang sumeryoso ang mukha.

"Now sleep because I have many things to do tomorrow," dugtong ni Astrid habang inaayos nito ang unan sa tabi niya. Nag mukha tuloy siyang anak ni Astrid.

Hindi na siya sumagot at sinunod ang utos ni Astrid. She turned off his bedside lamp and slowly walked outside his room. The rays of light coming from his living room radiated his room but it was immediately cut off as soon as the door closed.

The darkness swallowed his room, Kairo really liked the comfort that darkness brings. Hindi namalayan ni Kairo na nakatulog na siya.

TATLONG oras na ang nakalipas simula nang iwan ni Astrid si Kairo at tatlong oras na rin siyang paikot-ikot sa couch ng binata.

Kanina pa siya hindi makatulog kahit ilang minuto na niyang pinikit ang kaniyang mga mata.

Patay na ang ilaw sa living room at tanging ang wall lamp lang ang nagbibigay ng liwanag sa area na 'yon.

"Kailangan ko ng matulog!" Marahan niyang sinambunutan ang sarili at dumapa.

Habang hinahabol niya ang kaniyang antok ay naalala niya ang sinabi niya kay Kairo kanina, na wala siyang choice kundi ang bantayan ito that Felicity forced her to watch over Kairo. She felt guilty kahit ang totoo ay walang sinabi si Felicity na siya ang mag babantay kay Kairo but she actually volunteered to assist him for the mean time.

Astrid pursed her lips. She can't believe she said that to an injured man! Mas hinayan niya pa ang kaniyang pride ang manaig sa sistema niya. She didn't even conveyed a simple gesture of sympathy to Kairo instead she bombarded him with tons of sarcasm.

Ito ang unang pagkakataon na pinagsisihan ni Astrid ang kaniyang pinag-gagawa.

"I'll say sorry to him tomorrow," bulong niya sa sarili.

"Or not?" Pag bawi pa niya.

Kamuntik na siyang bumaliktad sa kaniyang kinahihigan ng biglang sumigaw si Kairo mula sa kaniyang room, kahit walang makita masyado si Astrid ay napatalon siya sa kaniyang mga paa at dali-daling tumakbo papasok ng kwarto ni Kairo.

Binuksan niya ang bedside lamp nito at hinaplos ang ulo at pisngi ni Kairo. Nagulat siya nang maramdamang nilalagnat ito.

"Ang init mo," aniya hindi magkamayaw ang kaniyang paningin habang hinahagilap niya ang towel at maliit na bowl.

Nakita niyo ito sa loob ng comfort room ni Kairo, bahagya niyang inangat anh bendahe ni Kairo na tumatakip sa noo nito.

Agad niyang inilagay ang towel sa noo nito.

"Mom please, don't leave me here! I am begging you," nakapakit na pagmamakaawa ni Kairo, tumulo ang masaganang luha sa sulok ng mata nito.

Hinaplos ni Astrid ang pisngi ni Kairo at marahang ginising ito. "Kairo wake up, you are in bad dream,"

Naniningkit ang matang pinagmasdan nito siya. He was trying to regain the energy he wasted fighting his nightmares.

"I think I need to call your doctor," sabi niya tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya ni Kairo. Nakahawak ang kamay nito sa kaniyang palapulsuhan.

"Please no, stay beside me," he said halos pabulong na nito isinawika sa kaniya.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang marahan siyang hinatak nito papalapit sa katawan ni Kairo. Hinayaan ni Astrid si Kairo.

The last thing she know, Kairo is already hugging her so tight. She could almost feel Kairo's heartbeat!

"I need you, more than ever," muling bulong nito sa kaniya. Halos tumindig ang kaniyang balahibo nang mag vibrate ang boses nito sa kaniyang leeg.

Walang nagawa ang kaniyang katawan kundi ang sumunod at humiga sa tabi ni Kairo habang yakap yakap siya nito. Ni pag protesta ay hindi niya nagawa. May kung anong kakatwang sensasyon ang kaniyang nararamdaman kaya ganon na lamang ang panghihina ng kaniyang katawan at pag iisip.

Nakaharap si Kairo sa kaniya, malapit na malapit ang mukha nilang dalawa na kaunting galaw lang niya ay mahahalikan na niya ang binata.

His warm breath fanned her face, it smells like mint.

"Kahit may injury ka di mo pa rin nakalimutan mag toothbrush,"  aniya sa isip. Lihim siyang napangiti sa naisip.

Iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niyang safe siya sa bisig ng lalaking kaniyang kinaiinisan. Doon niya naramdaman na sa bawat pag higpit ng yakap ni Kairo ay mas lalong lumalakas ang kagustuhan niyang kilalanin ng lubos ang binata.