webnovel

Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB)

You have to endure the strong storm if you want to enjoy the brightest sunshine. -Bamby Eugenio

Chixemo · 都市
レビュー数が足りません
62 Chs

Chapter 12: Hope

Ilang oras pa ang lumipas bago nga may nagdoorbell. Bumaba ako para tignan kung iyon na nga yung sinasabi ni Jaden na masama namin sa bahay, pero bago ako tuluyang bumaba. I assure first na walang magagalaw si Knoa sa mesa ko at lalong hindi ito bababa o tatalon sa kung saan. Di ko alam gagawin kapag nangyari iyon.

"Baby, maiwan ka muna dito. Tignan ko lang kung sinong nasa labas.." paalam ko dito. Hindi nya na ako tinignan. Basta isang "Yes mom." lang ang isinagot nya dahil masyado itong tutok sa globong pinapaikot ikot nya. Ang globong iyon ay bigay ni kuya Mark sa kanya. Para raw hindi palaging laro o gadget ang hawak nya. Para raw makyuryus ito sa bawat nakikita nya rito. It works naman dahil kapag oras ng office hours ko ay palagian kung magtanong ito sa nasa globo. Minsan nga lang, di ko na nasasagot dahil abala talaga ako. Kaya naisip ko rin na, tama nga ang asawa ko. Kailangan na namin ng katuwang sa bahay na to.

Pagkababa ko. Inayos ko muna sarili ko bago ko binuksan ang malaking pintuan na gawa sa mamahaling kahoy. Gusto kong itanong ang pangalan nito kay Jaden subalit nawawala nalang basta sa isip ko sa tuwing kaharap ko na ang asawa ko. Tsk. Bamby nga kasi. Iba na ang tumatakbo sa isip mo kapag andyan na ang asawa mo, lalo na kapag kayong dalawa nalang. Hay naku!!

"Good morning ma'am.." pagkabukas ko ng pintuan. Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Tita Martha. Agad umawang ang labi ko't nalaglag ang panga.

"Tita Martha! Oh my God!!.." agad ko syang sinalubong ng yakap. She just laughed at me. Nag-init agad ang gilid ng mata ko ng sa wakas ay nakayakap ko na sya. "I really miss you tita. Where have you been?.." naeexcite kong sambit. Kumalas ako ng yakap sa kanya at tinignan sya mula ulo haggang paa. "Where is tito James?.." I asked without thinking. Duon na medyo umasim ang mukha nya.

Oh oh! What happened? Tanong ko sa sarili ko na gusto kong itanong sa kanya pero nagdadalawang isip pa ako dahil agad ang timpla ng mukha nya ng banggitin ko ang asawa nya. Ano kayang nangyari?. It's been four to five years na rin kaming di nagkita. Bumalik ako noon sa restaurant nila pero ang sabi, wala sila doon. I asked further pero hindi na nagbigay pa ng iba pang impormasyon ang mga tao duon. Tinanong ko din maging si Barb noon pero wala raw syang ideya. Nawalan ako ng pag-asa kaya hindi ko an rin sila hinanap. But how did Jaden find her?. Ang sabi nya, sa isang company daw ito galing. Paanong nangyari iyon?. How about their restaurant now?. Who manage it?. Ang dami kong tamong pero tikom pa rin ang labi ko. Nahihiya ako sapagkat pakiramdam ko, marami akong hindi alam tungkol sa lumipas na ilang taon. I should be careful.

"Let's get inside.. it's getting colder.." inalok ko sya. Muli. Ngumiti lamang sya ngunit kay lungkot ng kanyang mata. Kinuha nito ang isang maliit na bag sa likod nya at kinarga ito. Nagprisinta ako na ako nang magdadala but she refused.

Nang nasa loob na kami. Knoa is on the staircase. Nakaupo sya doon sa may gitnang bahagi. Hawak ang globo. "Knoa, come to mommy.." tawag ko dito. Duon lamang sya nag-angat ng tingin sakin. "Later mom." sa isinagot nyang ito ay hinayaan ko na lamang sya.

"Your husband hired me as your housekeeper.." nagulat ako ng diretso itong sabihin ni tita Martha. Ni hindi ako nakapag-isip agad ng sasabihn. Nawala ang mga salita na nabuo na, kanina pa.

"And, I'll start today.."

"Ahmm.." I can't find my words. Damn this! Think harder Bamby! Come on!!

Matagal ko muna syang tinitigan bago ko naiintindihan ang lahat. "Oh okay. Come with me. I'll show you your room.." nginitian ko sya kahit ang totoo'y naluluha ako. Pagkatango nya sakin ay lihim kong kinagat ang labi para pigilan ang pagluha. I don't know what to do.

Jaden, I need you to come home as soon as possible! Explain where did you find tita Martha. And what did happened to them?.

Naglakad kami sa may part ng dining area kung saan may isang silid doon. Hindi iyon para sa mga kasambahay. Pinasadya ko iyon kila Mama at Papa dahil minsan, kapag dumadalaw sila rito ayaw nilang umakyat ng mataas na hagdanan, sumasakit na raw kasi tuhod nila. Kaya dito ang kwarto nila.

"This is your room tita Martha.."

"This is too much.. too big for a Nanny.."

"It's just fine tita. You are not a Nanny to me, you are my family too. That's why you deserve this.." tinignan nya ako ng matagal. Ewan ko kung bakit wala syang sinabi. Naghintay ako pero isang malaking ngiti lang ang isinagot nya.

Binuhat na nya ang karga nya saka na pumasok. "I have to check on Knoa. Are you sure you're fine here tita?."

"Of course.. of course.. I'm perfectly fine dear.." maligaya nitong sambit.

Siniguro ko munang okay talaga sys bago iniwan. Hinanap ko si Knoa sa hagdanan pero wala na sya doon. "Knoa?.." naglakad ako patungong kwarto nya pero wala rin sya doon.

"Knoa. where are you?.." sinilip ko lahat ng solid. Wala pa rin.

Saan kaya nagsusuot ang batang iyon?

"Mom, I'm just here.." biglang bumukas ang pintuan sa office ko at doon sya nakatayo, hawak pa rin ang globo.

"Kanina ka pa dyan?.."

"Yes po. Nadinig ko po kasi yung phone mo po that's why I run through here.."

"You run?.."

Mabilis syang tumango. "Then what did you do to my phone?.." curious kong tanong. Sabat pasok na sa loob.

"Tita Winly is on the line but he keeps on crying. I don't know why mommy.."

"You saw him what?.."

"He is crying mommy.."

"Did you ask her why?.."

"I asked but he keeps on saying that it's nothing mom.." anang bata. Duon ako nacurious na talaga. What's bothering her?. Winly, ha?. Ano ba?. Pag di mo lang sinagot tawag ko?. Bahala ka na sa buhay mo.

Tinawagan ko sya. Nakalimang tawag ako sa kanya. Duon palang nya ako sinagot. "Bamblebie.." bungad nya. At talaga nga namang umiiyak sya.

"Hey! Bat ka umiiyak?. Knoa is worried too. What's going on?.."

"Bamblebie, wala na si Mama.." humagulgol sya after nyang sabihin iyon. I'm damn speechless! Hindi ko alam. Sasabihin ko ngang, wala akong alam. Wala akong maisip na sabihin to comfort her. It's her kasi she's gay. And I'm referring him like a her.

Hinayaan ko lang syang umiyak ng umiyak. Hanggang sa kumalma na rin sya. "I don't know girl. I'm so sorry. My deepest condolences.." alam kong kahit iyon pa ang sabihin ko sa kanya ay hindi nuon mapapagaan ang nararamdaman nya. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kapag iyong ilaw at haligi pa ng tahanan.

"Thank you girl.."

"Sila Karen, alam na ba nila?.."

"Hindi ko sila makontak. Si Joyce din ay out of reach. Wala akong mapagsabihan Bamblebie. Ang sakit sakit. Ang hirap tanggapin. Parang hindi ko kaya.."

"My gosh.." natutop ko ang labi. "I'm so sorry.." iyon lang ang tangi kong alam para ihingi ng tawad ang iba naming kaibigan. "Look Win, don't lose hope okay. Hindi ko man alam ang totoong nararamdaman mo but always know that if you need anything or someone to talk to, I'm just here. Wag kang magdalawang isip na tawagan ako.."

"Thank you Bamblebie.. Thank you.."

"Kuya Win. Kailangan ka ni tita rito.." may isang boses babae ang tumawag sa kanya sa kabilang linya.

"Ahmm.. pasensya na gurl. pero kailangan ko muna itong ibaba. Tinatawag kasi ako.." hirap nitong paliwanag. Wala man iyon kanina ay tinanguan ko na sya.

"It's fine. It's okay.. sige na gurl. Call me after.."

"Salamat Bamby.. bye.." pagkatapos nun ay namatay na ang video call. Natameme ako ng wala sa oras

"How's her mom?.." lumapit sakin si Knoa at tinanong ito. Hindi na nya hawak ang globo. Isang itim na maliit na sasakyan naman ang nasa kamay nito.

"Her mom is gone baby.." naluluha kong sabi. Itinaas ko ang kamay ko saka sya tinawag gamit ito. Lumapit sya't hinawakan ito. I pulled him closer at duon sya niyakap ng mahigpit. Umiyak ako sa likod nya. Umiyak ng umiyak para kay Winly. Di ko man alam ang pinagdaanan nya, ngunit ramdam kong mabigat ito. I hope na sana hindi syaa mawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban.

I wish that too to tita Martha. Sana maging payapa ang puso't isipan nya kahit hindi sya magsabi sakin.