webnovel

Prologue

Prologue

"This is the city, Chloe. No more grass and apples, No grandma and Master Eunice, No horses or any animal creatures. Just you and only you. Alone." Mariin na sabi ni Kenneth sa babaeng nakayuko sa sahig. Kagatlabi pinipigilan ng babae ang hikbi niya habang nakakapit ng mahigpit sa dulo ng damit niya.

"G-gusto ko na po umuwi kila Lola Tia—"

"Hindi. Ito na ang bago mong bahay, Chloe. Wala kanang uuwian doon, pagmamay-ari na kita. At sa ayaw at sa gusto mo, ako masusunod dito. Is that clear?"

Humigpit lalo ang pagkakapit ni Chloe sa dulo ng damit niya, ramdam niya kumikirot ang dibdib niya dahil hindi na niya makikita uli ang Lola niya at ang ibang taong nakasalamuha niya sa bukid. Namimiss na niya sina Jeff— yung pusa palagi nakatambay sa hardin ng Historia at iba pang pusa na nasa labas ng mansyon, pati sina Manang Red at Ate Theresa. Namimiss na niya silang lahat.

"S-Sir Kenneth—"

"Master, Chloe. I am now your new Master." Bahid sa boses nito ang pagkainis kaya nagdadagundo sa kaba ang dibdib ni Chloe.

"Master K-Kenneth. Bakit hindi ko na pwede m-makita sina Lola? Hindi ba pwede bisitahin natin sila sa bu—"

"Hindi. Hindi na tayo babalik doon."

Bumaling ang atensyon ni Chloe dito, pansin ang lungkot sa mata niya habang nakatingin pabalik sa bago niyang amo. Amo niya na nagmamay-ari sa kanya. Hindi na si Master Eunice na palagi nakangiti at tinatrato siyang mabuti, kundi ang anak nitong mapang-api at palagi siyang pinag bubuntungan ng galit.

"What are you looking at?" Inis na sambit ni Kenneth dahil sa pamamaraan ng tingin ni Chloe. Agad nagbaba ng tingin ang munting babae at palihim na gumuho ang mundo niya. "Stupid slave. Go cook something to eat." Utos ni Kenneth dito at tinulak pa ang balikat ni Chloe para sapilitan gumalaw.

"Hindi po ako marunong magluto, Sir— Master Kenneth. Hindi ako marunong sa kusina."

Kunot noo tinignan ni Kenneth ito, nanggagalaiti ang mata pinagmamasdan ang kabuohan ni Chloe. "So? Anong mapapala ko sa'yo niyan? Kung ibenta na lang kita sa slave trader ng magkapera ako."

Unti-unti lumapit si Chloe kay Kenneth, mga mata nagsusumamo at agad natakot sa banta nito. "G-gagawa na po. Huwag n'yo lang ako ibigay sa iba—"

Iwinaksi ni Kenneth ang kamay ni Chloe na nakakapit sa T-shirt niya saka masamang tinignan ang babae. "Fuck off! Wag kang lumapit sakin!"

Napakapit uli si Chloe sa dulo ng damit niya saka palihim na napahikbi. "S-sorry po—"

"Shut up, magluto ka na lang d'yan bago pa mandilim ang paningin ko sa'yo, babae ka."

Kaagad tumalima si Chloe at tumakbo sa kusina para magluto. Humihikbi pa siya habang kinukuha ang mangkok at itlog na nasa fridge, iniinda ang pag talsik ng mantika. Pansin din ang pamumula ng ilan bahagi ng kamay niya dahil sa paso habang kinukuha nito ang sunog na itlog sa kaldero. Nagpakulo rin siya ng tubig para gawan ito ng kape dahil sa pagkakaalam niya, mahilig sa kape ang anak ng dati niyang Master.

"Pa'no to, sunog lahat." Nagpapanic si Chloe ng sunod-sunod na sunog na itlog ang nagawa niya, kahit anong hina o palakas ng apoy niya ay nauuwi sa sunog lahat. Naiiyak na siya habang pinapanood ang kaldero nang dumating bigla si Manang Yuli. Isang katulong dito sa bahay ni Kenneth.

Halos magpasalamat na sa lahat ng santos si Chloe ng makita si Mamang Yuli kaya agad siya humingi ng tulong dito.

"Hindi ikaw ang nagluto nito." Wika ni Kenneth habang nakatingin sa caldereta na niluto ni Manang Yuli. Masamang tinignan si Chloe kaya napayuko ulit ito.

Napaigtad sa gulat si Chloe ng bigla hinampas ni Kenneth ang lamesa saka mabibigat ang bawat hakbang papalapit sa kanya.

"I told you to cook something, Slave. When I said you. It's YOU the one who's gonna cook, not anyone else. YOU. Ginagalit mo talaga ako, no?"

Dahan-dahan humakbang paatras si Chloe habang nakayuko. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba.

"S-sorry po."

"No, you're not. Palagi mo 'to ginagawa kahit noon nanalagi pa ako sa mansyon. You never fail to make me mad, Slave."

Napahawak sa lamesa na nasa likod niya si Chloe nang wala na siyang maatrasan. Nangingilid na ang luha dahil sa papalapit na Kenneth. Napasinghap pa siya ng sapilitan iniangat ni Kenneth ang panga niya, gamit ang daliri nito mahigpit na nakahawak sa panga niya.

"Wala ng Master Eunice o Lola Tia ang magliligtas sa'yo dito, Babae ka. Whatever i say, or whatever i want, lahat gagawin mo. Understood?"

Tumatango-tango lang bilang sagot si Chloe dahil sa takot. Napadaing ng mahigpit na hinawakan ang braso niya saka siya hinila palabas ng hardin.

Sumalampak sa malamig na sahig si Chloe ng tinulak siya nito palabas ng sliding door. Nang lingunin ito ni Chloe ay nakasarado na ang pinto at tanaw niya ang malamig na tingin ni Kenneth sa kanya mula sa transparent na pinto.

"Stay there, until I say so." Huling sambit ni Kenneth bago iniwan ang munting babae sa labas. Napapayakap si Chloe sa sarili niya dahil sa lamig ng paligid, lalo nat simpleng t-shirt at manipis na pants lang ang suot niya.

Umupo si Chloe sa sulod ng pinto habang yakap yakap ang sarili, hinihintay kailan huhupa ang galit ng amo niya ng makapason na siya sa loob ng bahay.