webnovel

Accident

Chapter three Accident

"Stop what you were doing to her, Nate. You're being childish." Sambit ni Eunice sa bunso niyang anak na nakaupo sa harapan niya habang may pinipirmahan siyang papeles dito sa office niya sa mansyon.

Pinatawag niya kanina ang anak dahil sa mga naririnig niya sa ilang kasambahay.

"That girl. I rescued her years ago from a rogue. Her parents didn't make it and left the poor girl traumatized." Dagdag ni Eunice, iniisip na sana makuha nito ang gusto niyang pahiwatig. She only wants the girl to live freely without worrying about anything else. But because of her status, both of her parents are slave so Eunice can't do anything else but to protect her from harm. Sa ngayon ay ginagawan niya ng paraan para makalaya ang ilang slave sa estado nito sa buhay.

In their world full of beta there are only 10% of alphas and omegas in their population, then theres 15% of slaves among them which mostly are the betas.

Nalulong sa utang at bisyo ang karamihan naging dahilan kaya nauuwi sa slave trader ang iba, at dahil mas marami ang beta na slaves ay nauuwi rin sa slave ang mga anak nito. Ang walang kamuwang-muwang sa mundo at inosenteng bata ay nauwi sa ganitong lagay dahil sa pamamaraan ng mundo nila.

Sa ngayon, ay ginagawan ng paraan ni Eunice ang mga kagaya ni Chloe, na ipinanganak dahil sa estado ng buhay ng magulang niya. Although, upon checking her parents background, it turns out her parents are the same. They're both slaves because of their parents' status.

"I don't get it." Mahinang wika ni Kenneth habang nakatingin sa maamong mukha ng ina niya. "You care so much about her that you forget about us, your own sons. Kailangan ko pa bang maging slave para makuha ang atensyon mo, Ma?"

Napatigil sa ginagawa si Eunice saka tinignan ang bunsong anak. Guilt rashed to her eyes as he stared at him, remembering what happened 15 years ago. In those years, two accidents happened that made her heart broken.

"Nate. You know how much i loved you both my sons, god knows how much i care about you two. Please don't think of doubting me replacing you both from that. Mommy is just busy, sweetheart." Itinigil ni Eunice ang ginagawa at tinuon ang buong atensyon kay Kenneth. Inabot ang dalawang kamay ni Kenneth na nasa ibabaw ng table saka marahan hinawakan ni Eunice ito.

Hindi umimik si Kenneth at pinagmasdan lang ang kamay nila, hindi parin humuhupa ang galit na nararamdaman niya para sa slave na iyon. Iyong babaeng umagaw ng atensyon ng ina niya.

"You said you saved her from a rogue." Pabulong na sambit ni Kenneth. Naglalaro sa isipan niya ang labing lima taon lumipas. He was once attacked by a rogue. He couldn't remember it clearly but his wounds and bruises back then tells him he was having a hard time escaping from it. Escaping from that monster.

A rogue is a werewolf human shapeshifter. They turn into a werewolf and go rampage, destroy everything around them and won't stop until it kills hundreds of humans. The only way to stop it is to kill the rogue. But myth says, once a rogue will roam around they believe it is only trying to find its mate, if they feel endangered they would go rampage and start killing everyone around them.

"Where were you when I was attacked by one as well?" Biglang bulalas ni Kenneth na agad rin niya pinagsisihan. Mabilis na binawi niya ang kamay mula kay Eunice saka tumayo, hindi agad napansin ni Kenneth ang paguhit ng sakit sa mata ni Eunice dahil dito.

"Nate—"

"I'm sorry, forget what I said. That's so childish of me."

Mas lalo nagsalubong ang kilay ni Kenneth ng maalala yung araw na nakidnap siya. Naalala parin niya ang takot niya noon, kung paano nanginig ang katawan niya at nagmakaawa sa mga taong kumidnap sa kanya.

In those 15 years… two accidents happened, his nightmare, his scars, his past..

"Nate— Oh my god, are you okay?" Bahid sa mukha ni Eunice ang pag-alala ng mapansin ang pamumutla ng bunso niya, lalo na't nakahawak ito sa noo na para bang may iniinda na sakit.

Mabilis na iwinaksi ni Kenneth ang kamay ng ina saka lumayo dito, "I'm fine. Just need a little rest."

"Wait, let me call Simon—" Tatawagin na sana ni Eunice ang butler nila ng pigilan siya ni Kenneth.

"No need. I can take care of myself."

May pag-alala sinundan ng tingin ni Eunice ang bunso niyang anak hanggang sa makalabas sa opisina. Napahilamos sa sariling palad habang pinipigilan ang mga luha gusto kumawala. Iniisip niya kung gaano siya ke walang kwentang ina para sa bunso niya.

Hindi man lang niya nagawang protektahan ang bunso niya..

"Shh, wag kayo maingay" Pigil ngiti na bulong ni Chloe sa mga pusa at marahan hinaplos si Jeff. "baka marinig kayo ni Sir Kenneth at paalisin na naman kayo." Nakangusong bulong niya.

Kasalukuyang nasa likod ng mansyon siya ngayon— nagtatago kay Kenneth at para makipag bonding narin kila Jeff. Hindi na niya masyado napagtuunan ng pansin sina Jeff dahil palagi ito pinapaalis ni Kenneth tuwing nakikita sa mansyon, bilin pa nito sa ibang katulong na wag papasokin ito kaya sa labas na palagi nakikita ni Chloe ang mga pusa.

"Hello Garfield. Asan si Darla?" Kausap niya sa kulay orange na pusa at iniangat ito sa kandungan niya, nakangiting hinahaplos ang balahibo habang pinapaligiran siya ng tatlo pang pusa.

Chloe has always been so close with these cats, since her master took her in and has no one else to talk to, Jeff and others are always been there to comfort her. She finds peace talking to some animals, and it brings her joy seeing they also liked her.

"Laro? Gusto n'yo maglaro tayo? Hm?" Lambing ni Chloe sa mga pusa at pinagigilan ang mukha ni Jeff sabay yakap dito, agad naman lumapit din sina Garfield at gusto makisali sa munting yakap ni Chloe.

Natatawang niyakap din ni Chloe ang iba at napahiga sa damohan.

"Ehem,"

Natigilan pareho ang mga pusa at si Chloe ng makarinig ng boses, dahan-dahan iniangat ni Chloe ang ulo at nilingon ang pinagmulan.

"I see, you're having fun with them." Nakangiting sambit ni Eunice. Malawak na napangiti si Chloe ng makita ang amo, dali-dali tumayo sa pagkakahiga saka pinagpag ang suot.

"Master!" Nakangiting salubong ni Chloe at tumakbo sa gawi nito. Napatawa ng mahina si Eunice ng mapansin ang magulong buhok nito at may dahon pa.

"Magandang hapon po!" Masigla na bati ni Chloe sabay yuko bilang respeto. Sa nag daang araw tuwing gabi niya lang naabotan ang amo kaya masaya siya na nakikita niya ito ngayon. "Wala po kayong lakad ngayon?"

"Wala sa ngayon." Marahan inayos ni Eunice ang buhok nito saka kinuha ang dahon, "Sorry ngayon lang ako nagka oras para bisitahin ka."

Umiling-iling si Chloe, "Hindi po. Wag kayo mag sorry. Alam ko naman kung gaano ka po ka busy, saka nandito naman sina Lola kaya hindi ako mag-isa."

"Kamusta araw mo? I heard you saw a white rabbit at the barn."

Kaagad nagningning ang mga mata ni Chloe ng maalala ito saka kinuwento kung paano niya nakita ang naliligaw na rabbit. Although that was not the first time she saw a rabbit, napa pantastikuhan parin siya tuwing nakakakita ng isa. Masaya lang siya dahil hindi siya tinatakbuhan ng mga ito, hindi katulad ng ibang katulong na agad raw kumaripas ng takbo pag nakikita sila nito.

Sa kabilang dako naman— kung saan nasaksihan ni Kenneth ang masayang kuwentuhan ng dalawa, ay mapait na napangiti na lang si Kenneth.

Ngayon niya lang nakita ulit ngumiti ng ganito ang ina niya… i guess talo na naman siya sa mababang nilalang na ito.

Mariin na tinititigan ni Kenneth ang munting babae, morena at maamong mukha nito habang nakangiting nakipag-usap. Hindi niya mapigilan mairita ng may kakaibang nararamdaman habang nakatitig sa mukha nito.

"Let's see if you can still smile.."