Biglang dumilim at bumukas ang malaking screen.
Puro ungol ng tatlong lalaki ang maririnig,mga gumagawa ng kahalayan.
Agad na umingay ang paligid. Napatayo ako,hindi ko alam kung saan ako titingin. Nag unahang lumandas ang mga luha ko.
Kitang kita ang mukha ko sa video. Pero ang mukha nina Lourd at Zeth ay blurred.
B-bakit?
"The fuck is that?" dinig kong sabi ni Keesha. Para ng umiikot ang paningin ko.
"Oh lord! Stop that!" sigaw ni Mama. Lalong umingay ang mga tao.
"Itigil nyo yan! Sinong may pakana nito?!" umalingawngaw sa buong paligid ang boses ni Papa.
Biglang tumutok sa akin ang spotlight. Hiyang hiya ako,nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong mabiyak ang lupa at lamunin ako nito.
Ramdam kong sa akin nakatingin ang lahat. Umatras ako. Ito na ang resulta ng mga mali kong aksyon,ito ang bunga ng lahat ng mga pagkakamali ko.
Kahit nakatungo ay tumakbo ako. Gusto kong makalayo na sa lugar na ito. Hindi na mahalaga sa akin kung sino ang may pakana,dahil una pa lang ay alam kong may mangyayari,hindi ko nga lamang ito napaghandaan.
"KEEEEYYOOOO!! SANDALI LANGGG!!" boses iyon ni Kaze ngunit hindi ako tumigil o lumingon.
Kasunod nun ay nakikita kong lumulubog na ako sa tubig. Pinigil ko na ang paghinga ko. Hanggang dito na lamang ako,ito ang kabayaran sa lahat ng pagkakamali ko.
Agad na akong pumikit at hinayaan kong putulin na ng tubig ang aking paghinga ng tuluyan.
Mahabang kadiliman...
. . .
. . .
. . .
. . .
. . .
. . .
"KEEYOOOO!!!" boses iyon ni Kaze kaya agad akong napabangon.
Hingal na hingal ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Teka nga?
Buhay ako? Panaginip lang ba ang lahat?
Napatingin ako sa paligid. Nasa isang bahay ako. Isang kubo,at nasa higaang kawayan ako. Naririnig ko din ang alon ng dagat.
Buhay nga ako? Sinong nagligtas sa akin? Bakit pa nya ako niligtas? Bakit pa nya ako binuhay?
Tiningnan ko ang tabi ko,nasa tabi ng unan ang wallet ko,kinuha ko ito at tiningnan,wala ng laman. Tiningnan ko din ang damit na suot ko,iba na.
"Salamat sa Diyos at gising ka na!" sabi ng isang boses kaya nilingon ko ito.
Isang babaeng kaedad lang ata ni Mama pero halata pa din ang gandang taglay,naka duster lang ito at naka bun ang kanyang buhok.
"Uhm.."
"Pinapatuyo namin sa isang tagong lugar ang mga pera mo pati mga cards. Nagugutom ka na ba,Keeyo?" anito,lumapit at naupo sa tabi ko.
"P-po?" paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Keeyo ang pangalan mo diba? Nakita namin sa ID mo na kasama naming pinapatuyo." anito at ngumiti. "Buti nakita ka ng anak ko."
Sa isang iglap ay nakapag desisyon ako,ibabaon ko na sa limot ang nakaraan,ang dati kong buhay. Bahala na kung saan ako tangayin ng tadhana.
"S-salamat po." ang tanging nasabi ko na lamang.
"Ayaw kong magtanong kung ano ang nangyari sayo. Pero kung may tinatakbuhan ka,maaari ka munang manatili dito. Gutom ka na ba?"
Napaka bait naman nito,kung ibang tao pa siguro ay inabuso na ang kabaitan nya.
"Salamat po talaga." ang sabi ko na lamang ulit.
"Neth,tawagin mo akong nanay Neth." anito at ngumiti ulit. "Teka,ipaghahanda lang kita ng pagkain."
Tumayo na si Nanay Neth at nagtungo sa kusina. Maliit lang itong bahay pero mukhang kuntento na sya at ang anak niya.
Habang kumakain ay kinausap ulit ako ni Nay Neth,napag alaman kong nandito ako sa Lian Batangas,at ang pera ko daw na pinapatuyo pa ay nasa 20 thousand pa daw. Naalala kong nag withdraw nga pala ako nung isang araw dahil ayaw na ayaw kong gumagamit ng credit card.
"Salamat po talaga at salamat sa pag imbinta na pansamantala munang tumuloy dito. Pag natuyo ang mga pera ay babawi po ako." nahihiya kong sabi. Kailangan kong masuklian ang kabaitan nya at ng anak nya.
"Nako huwag na. Masaya na kami ng anak ko kung anong meron kami. Masaya kami sa buhay namin,sya sa pangingisda,at ako sa pagtitinda ng mga isda."
"Basta po! Hayaan nyo lang ako Nay Neth,please?" ang pangungulit ko naman. Ngumiti na lamang ito at napatango.
"Hay! Bahala ka. O siya,maiwan muna kita,babalik pa ako sa bayan para magtinda,yung anak ko kasi ang pinagbantay ko."
"Salamat po talaga." ani ko. Lumabas na ito at ako naman ay pumwesto sa bintana. Mula dito sa pwesto ko ay kita ko ang pampang.
Ang mga bahay ay puro gawa sa nippa,at halos lahat ay pangingisda ang kinakabuhay. May mga bata ding nagtatawanan at naghahabulan.
Payak ang pamumuhay nila ngunit masaya sila. Ako,lahat ay meron ako,lahat ng gusto ko ay nabibili ko pero hindi naging maganda ang buhay ko.
Kamusta na kaya sila? Si Keesha kaya anong reaksyon? Sina Mama at Papa? Paniguradong ikinakahiya nila ako,at ang relasyon nila kay Kaze ay siguradong sira na din.
Si Kaze,paniguradong galit sya,paniguradong maglalaho na ang pagmamahal nya sa akin.
Mahal namin ang isa't isa pero hindi kami para sa isa't isa. May ganon pala talaga.
Napakapit ako sa dibdib ko,napakasakit ng lahat ng nangyari. Hindi ko akalain na dadanasin ko iyon.
Mahal na mahal ko si Kaze,pero kailangan ko na syang kalimutan. Kailangan patayin ko na ang nararamdaman ko para sa kanya,kahit pa kapalit nun ay ang habang buhay kong pagdurusa.
Pero kasalanan ko naman,hindi ako karapat dapat para sa kanya,marami akong nilihim sa kanya. Hindi ako nararapat sa pagmamahal nya.
Napasigok ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.
I guess,I really have to start a new. At kung dumating ang panahon na makaharap ko ulit sila at si Kaze,sana handa na ako,sana matapang na ako.
Nilingon ko ang wall clock na nakasabit sa dingding,mag alas dos na pala ng hapon. Tumayo na ako at nagpasyang maglakad sa tabing dagat.
Pinagtitinginan ako ng mga tao pero hindi ko iyon pinansin. Isa sa mga araw na ito ay makikilala ko din naman sila,pero sa ngayon gusto ko munang mapag isa.
Sa malalaking bato ako naupo,napakalakas ng alon na humahampas,ang gandang tingnan.
Bigla kong naisip si Lourd. Masaya kaya sya sa nangyari? Pati yung babae? Sigurado akong napaka saya nila na natupad ang gusto nila. Nagtagumpay sila sa gusto nilang mangyari.
Naisip ko din si Edge at si Ate Cris. Alam na kaya nila ang nangyari? Hindi na nila ako makocontact dahil mukhang nalunod na sa kailaliman ng dagat ang phone ko. Mas mainam para hindi ko na sila laging maisip. I know sa mga susunod na araw ay iiyakan ko din sila,pero matatapos din ang mga araw na iyon.
"Hi!" boses iyon ng isang lalaki. I mean,uhm.
Nilingon ko ito na tumatabi na sa akin. Hindi nga ako nagkamali,bakla din sya. Nga lang,mas halata sya dahil napaka feminine ng itsura nya.
"Uhm,bakit?"
"Ikaw yung niligtas kaninang umaga diba? Ako nga pala si Lemon." at naglahad ito ng kamay,tinanggap ko ito at ngumiti sya.
"Ako naman si Keeyo."
"Wow! Alam mo mukha kang mabait,mukha ka ding mayaman. Akala ko nga bading ka din eh." anito na nakatingin na sa dagat.
Napangiti ako,napaka straight forward naman nitong si Lemon.
"Bading nga ako. Hindi nga lang babae kumilos." nakangiti kong sabi. Nilingon ako nito na nanlalaki ang mga mata.
"Luh? Sabi nga ba eh! Naamoy kita agad eh! Hihi!"
"Hindi naman kasi dapat itago." nakangiti ko pa ding sagot.
"Gwapo ka pa naman! Pero mas gwapo pa din si kuya Krew,pati yung crush ko na lagi akong sinusungitan,at yung nagligtas sayo na anak ni Aling Neneth na si Bra--" hindi nito natuloy ang sasabihin dahil napanganga na ito at nakatingin sa gilid ko.
"Huy! Sino?" ang pagtapik ko pa dito.
"Uhm,bye Keeyo! Next time ulit." bigla itong tumayo at nanakbo palayo. Saka ko lang napansin ang lalaking nakatayo sa gilid ko.
He's a demigod! Damn!
Moreno ang kulay ng balat,nakahubad baro at naka shorts lang. Maganda ang triceps,biceps,chest,shoulders,maganda mga mata,matangos ang ilong,firm ang lips-- teka? Napansin ko agad lahat iyon?
Shit ka Keeyo! Parang hindi ka galing sa masalimuot na pangyayari!
"Wala ka sa bahay pag dating ko. Uhm, tuyo na mga pera mo at mga cards at ID,tara sa bahay." anito. Damn! Buong buo ang boses.
"S-salamat." ang tanging sabi ko pero naglakad na ito,tumalon na ako sa malaking bato at sumunod dito.
Sya ang anak ni Nay Neth,sya ang nagligtas sa akin. Sya ang nagdugtong sa buhay ko.
Pagdating sa bahay ay naabutan ko itong nagpupunas ng pawis. Nakalatag sa papag yung pera kaya agad akong lumapit at niligpit ang mga ito,pati ang ID at mga cards ko. Hindi ko na din naman gagamitin ang mga credit cards dahil baka matrace nila kung nasaan ako.
"S-salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin." ang kinakabahan kong sabi. Nakaka intimidate sya,para syang si Kaze at Lourd.
Naupo ito sa kawayang kahoy at tiningnan ako.
"Wala yon. Ano ba iniisip mo at tumalon ka? Mabuti na lamang at nangingisda ako nun." anito saka napangisi. "Kung hindi naagapan baka nilapa ka na ng mga pating."
Napalunok ako. Pangit kung sa ganon ako mamamatay.
"Uhm,huwag na natin pag usapan yon. Pwede mo ba akong samahan bukas sa pinakamalapit na bayan?" ang pag iiba ko ng usapan.
"Bakit? Uuwi ka na sa inyo?"
"Hindi no!" ang agad kong react pero natigilan din ako. Nagulat ito at nagsalubong ang mga kulay. Ngayon siguro halata na nyang bakla ako.
"Eh ano?"
"Mamili tayo ng mga gamit at pagkain. Bilang pasasalamat ko. Huwag ka ng tumanggi ah? Pumayag na si Nay Neth eh!" ang parang bata kong sabi na ikinangiti nito.
Puti ang mga ngipin at pantay pantay,pati mga mata nya parang ngumingiti din.
"Oo na,sige na. Makulet ka pala." anito at tumayo.
"Salamat talaga ano,uhm.."
"Brave. Brave ang pangalan ko."