webnovel

Jin (Chapter 39)

HALOS dalawang linggo ring walang maayos na tulog at kain si Jin. Nahihirapan talaga siyang tanggapin ang pagpanaw ng kanyang mga kaibigan na kagagawan pa ng sariling kambal. Sobrang bigat ng kanyang kalooban at mas lalong bumibigat dahil hindi talaga niya magawang magsumbong kahit kanino na si Din ang responsable sa maraming patayang nagaganap sa kanilang lugar.

Hinding-hindi talaga niya pinapansin si Din nang mga panahong iyon. Wala nga siyang pakialam kung napansin na ba ng mga magulang nila ang panlalamig nila sa isa't-isa. Madalas nga ay naiisip niyang gulpihin ito pero hanggang isipan na lamang niya iyon at nauuwi sa kanyang pagsusuka.

Magdamagang nagpupunta sa lamay si Jin no'n. Palipat-lipat siya sa apat na bahay at nakikiramay. Pati oras ay binibilang niya at hinati-hati para kina King, Casper, Roel at mama Jammy. Alam niyang parausan lamang siya ni mama Jammy pero itinuring pa rin niya itong kaibigan.

Nang araw ng libing ay halos mawalan na siya ng ulirat no'n. Sabay kasing inilibing ang apat. Nanikip ang kanyang dibdib sa sobrang bigat. Buti na lamang at nasa likod niya lang palagi ang kanyang mga magulang. Hindi dumalo si Din at ayaw rin naman niyang dumalo ito.

Nakita niya ang buong pamilya ni Marian pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkalapit at magkausap. Sapat na sa kanila ang panakaw na sulyap sa isat-isa.

Nangangamba siya no'n dahil nasa kanya rin ang buong atensiyon ni Glen. May namuo pang poot sa kanyang dibdib para sa baklang amo dahil lantaran ang panglalandi nito sa kanya. Kinikindatan pa siya nito. Wala talagang respeto sa mga nililibing. Napadasal pa tuloy siya noong sana magselos si mama Jammy at multuhin ito.

Dalawang araw matapos ang libing ay sinundo siya ni Rebecca sa bahay. Gusto raw siyang makita ni Marian dahil babalik na naman ito sa Maynila. Pero hindi na siya pumayag na tumuloy sa bahay ni Rebecca. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Amos. Diring-diri siya sa taong iyon.

"Yap, malapit na akong pumunta ng Maynila. Mag-aaral ako roon," masayang balita niya kay Marian.

Kakatapos lamang nilang magniig noon sa dating lodging house na kanilang pinuntahan. Nakayakap ang dalaga sa kanya at nakaunan sa kanyang braso.

"Talaga, yap? Kailan?" natutuwa namang tugon ni Marian. Pinaglalaruan nito ng mga daliri ang manipis niyang mga balahibo sa dibdib.

"Sa susunod na linggo, yap. Sana malaya na tayong magkita-kita roon."

Biglang nanahimik si Marian. Ramdam niya ang init ng hininga nito.

"Bakit, yap?" maang niyang tanong dito. Hinalikan niya ito sa buhok.

"Yap, kung mahigpit ang pagbabantay nila sa akin dito. Ganoon din sa tinitirhan ko sa Maynila. May dalawa pa nga akong body guards doon, e." malungkot nitong tugon.

Noon lang naisip ni Jin na sa dami ng mga negosyo ng pamilya ni Marian sa Maynila, hindi malayong marami ang nagkakainteres sa pamilya ng kanyang nobya na gawan nang masama para matalsikan ng salapi. Alam niyang mas hangal ang kaluluwa ng mga tao roon kumpara sa kanilang probinsiya.

Napabuga siya ng hangin sa narinig. "Kailan pa kaya tayo magiging malaya, yap?" tanong niya.

"H'wag na muna nating isipin ang tungkol sa bagay na 'yan, yap. Love conquers all, tandaan mo palagi 'yan. Darating din ang araw na 'yon kaya kumapit ka lang ha. H'wag mo akong isusuko kahit ano pa ang mangyari."

Napangiti si Jin. Damang-dama niya ang matinding pagibig ni Marian para sa kanya. Binigyan siya nito ng telephone number bago sila nagpaalam sa isa't isa. Nangako naman siya ritong tatawag kapag nasa Maynila na siya.

Nang sumunod na araw ay naghanda na si Jin para sa mga gamit na kanyang dadalhin. Naglaba siya at nilinis pang mabuti ang kanyang kwarto.

Pinaalam na rin ng kanyang tatay Ryan sa pinagtatrabahuan nila ang kanyang pagre-resign. Sa totoo lang ay sabik na rin siya noong makaalis. Tinawagan rin ng kanyang ama si Rey. Susunduin daw siya nito sa terminal kapag dumating na. Bus lang naman ang sasakyan niya papuntang Maynila. Nasa Libertad, Pasay raw ang tirahan ng mga ito.

"Nak, magpakabait ka ha. Ang paalala namin sa 'yo h'wag na h'wag mong kalimutan. Maging mapagkumbaba ka sa mga tao roon," sabi ni Adela.

Kasalukuyan silang naghahapunan nang mga sandaling iyon. Sa susunod na araw na ang kanyang pag-alis.

"Tumulong ka sa mga gawaing bahay, Jin. Mabait ang tito Rey at tita Lea mo pero h'wag mong abusuhin. Sundin mo ang kagustuhan nila ha. Saka makipaglapit ka kay Daniel," sabi naman ni Ryan.

"Paulit-ulit niyo na lang na habilin 'yan, nay, tay. H'wag nga kayong mag-alala, magpapakabait ako roon, pangako," nakangiti niyang turan.

Pasulyap-sulyap siya kay Din noon na nakayuko lamang. Sa totoo lang ay nalulungkot din naman siya kahit papaano. Unang beses na magkakalayo sila ng kanyang kambal.

Hindi agad siya nakatulog nang gabing iyon. Nasasabik na siya pero hindi niya alam kung bakit nalulungkot pa rin siya sa paghihiwalay nila ni Din. Mahal na mahal talaga niya ito kahit hindi na tama ang ginagawa nito sa kanya.

Napapikit siya. May bigla siyang naisip. Alam niyang mali at malaking kasalanan sa Panginoon pero gusto niyang bago malayo sa kanyang kambal ay iiwanan niya ito ng isang magandang alaala mula sa kanya.

Magpaparaya siya nang gabing iyon para kahit paano ay magiging masaya si Din. Dalangin niyang pagkatapos nang mangyari at sa paglayo niya rito ay magbabago na ang lahat. Babalik na sa normal ang buhay ng kanyang kambal. Malilipat na ang nararamdaman nito para sa kanya sa ibang lalaki. Plano niya kasing magpakalayo-layo nang matagal. Hindi siya magpapakita ng mga ilang taon.

"Diyos ko! Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko ngayon at sana mapatawad mo si Din sa lahat ng krimen. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Nabubulag lang siya sa katotohanan at nagsusumamo akong gabayan mo siya para tahakin na niyang muli ang daang iyong ginawa," dasal ni Jin sa isipan.

Bumangon siya. Medyo kumakabog ang kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Napatingin siya sa wall clock, alas diyes na ng gabi.

Tanging itim na boxer lamang ang kanyang kasuotan. Bakat na bakat ang kanyang kargada sa harap. Ipinasok niya ang kanang kamay sa loob ng boxer. Hinimas niya ang kanyang pagkalalaki. Gusto niyang matigas na iyon pagharap niya sa kanyang kambal.

Mabango at malinis siya nang mga oras na iyon dahil naligo siya bago humiga. Pero naisip niyang hindi naman talaga kailangang presko siya para sambahin ng iba. Sapat na ang kanyang karisma para lumuhod ang lahat sa kanyang harapan.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang kwarto. Panay ang buntong-hininga niya. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya no'n.

Kakatok na sana siya sa pintuan ng kwarto ni Din nang biglang may mga narinig siya sa loob. Parang may taong kausap ang kanyang kambal. Inilapit niya ang tenga sa pinto.

"Vos adepto a me! Vos adepto a me! Vos adepto a me!" pasigaw na sabi ni Din.

Hindi niya iyon naiintindihan pero sa tono nang pananalita ni Din ay parang nagmamakaawa ito sa kung sino mang kausap. Mas lalo siyang kinabahan. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan.

"Nunc occidere me! Ego autem mendicus sum!"

Nahirapan na siyang huminga nang mga sandaling iyon. Umiiyak na si Din pero wala talaga siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito.

Humugot siya nang malalim na hininga at pwersahang binuksan ang pintuan.