webnovel

Daniel (Chapter 40)

MALAPIT na dumilim nang umuwi ako sa 'min. Dumiretso ako sa tindahan ni mang Rodel. Nauuhaw kasi ako nang mga sandaling 'yon.

"Mang Rodel, pabili ng coke," I told him.

Nagtaka naman ako sa ekspresiyon ng kanyang mukha. Noon ko lang siya napansing parang galit sa 'kin.

Saka sumagi sa isipan ko ang tungkol sa pagkakautang namin sa kanya.

Napabuntong-hininga ako sabay kuha ng cellphone sa bulsa. Kunwari ay may binasa akong text.

Tumayo naman siya at iniwan saglit ang laptop sa mesa. Napatingin ako sa laptop niya.

Putang ina! Isang site pala na puro hubad na mga lalaki ang kanyang pinapanood.

I couldn't stop myself from watching. Ang popogi kasi ng mga lalaking nandoon.

Pero kaagad akong nagbaba ng paningin nang makita kong pabalik na si mang Rodel. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa.

"Daniel, paki-remind ulit ang nanay at tatay mo tungkol sa utang ninyo, ha. Kailangang-kailangan ko na talaga ang pera ko," sabi niya.

Seryosong-seryoso ang mukhang nakatitig sa 'kin. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya no'n.

Agad akong nalungkot sa kanyang sinabi. Hindi rin ako makapagsalita.

Nanatili lamang si mang Rodel sa harap ko at pinagmasdan akong maigi. Ininom ko na ang softdrink.

"Alam mo, Daniel. Malaki ang maitutulong mo para mabayaran ang utang ninyo sa 'kin."

Narinig kong sabi ni mang Rodel. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip.

"Ano'ng ibig mong sabihin, mang Rodel?" I asked.

Bumuntong-hininga siya kapagkuwa'y tumugon, "You know how much I like you, Daniel."

Kinabahan ako. May nabubuo na kasing ideya sa utak ko no'n kung ano ang ibig niyang sabihin.

Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lamang sa kanya.

"Daniel, come to think about this," lumunok siya ng laway, "one hundred thousand in just one night. Quits ang utang ninyo sa 'kin," he said seriously.

Napanganga ako sa kanyang sinabi. So tama nga ang iniisip ko. Gusto niyang ako ang maging kabayaran ng utang namin sa kanya.

"Mang Rodel, heto na po ang bayad ko," sabi ko sabay bigay sa kanya ng pambayad sa ininom kong softdrink.

Tumalikod agad ako at naglakad papasok sa bahay namin. My mind was clouded with confusion. What should I do?

"Saan tayo kukuha ng gano'n kalaking halaga within this month?"

Papasok na ako ng bahay nang marinig ko ang sinabing iyon ni nanay Lea. She was crying.

Para naman akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko no'n.

"Hahanap ako ng paraan, hon," sabi naman ni tatay Rey.

Napahikbi si nanay. Hindi na ako nakatiis kaya pumasok ako. Nakita ko silang nagyayakapan. Hinahagod ni tatay ng kanang kamay ang likuran ni nanay.

Nakita ako ni tatay Rey. May lungkot sa mga mata niya. Nagkalas sila mula sa mahigpit na pagyayakapan. Nakita rin ako ni nanay at nagpahid ito ng mga luha.

"Nak, nandiyan ka na pala," sabi ni nanay.

Awang-awa ako sa kanilang dalawa. Pati ako ay naiiyak na rin nang mga sandaling iyon.

Lumapit ako sa kanila at isa-isa kong niyakap. Pero pinigilan ko talaga ang aking sarili no'n.

Ayokong mapaiyak. After I hugged them, dumiretso na ako sa kwarto. At doon ko na ibinuhos ang aking mga luha. Pabagsak akong nahiga sa kama.

Naisip ko ang sinabi ni mang Rodel sa 'kin. Pero hindi puwede. What if totoo ang naisip kong may misteryong nangyayari sa buhay ko?

What if mabiktima rin si mang Rodel pagkatapos? Shit! Ayokong mangyari ulit 'yon. Sapat na ang tatlong pumanaw pagkatapos na makatalik ako.

Pero bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito? Bakit? Ano ba talaga ang misteryong nangyayari sa 'kin? Am I the killer?

Ngunit paano? Mental block ako palagi, e. I couldn't remember anything. Sunod-sunod ang mga katanungan ko sa isipan no'n na hindi ko talaga mabigyan ng kasagutan.

Sobrang gulo ng utak ko at sobrang bigat pa ng kalooban nang mga sandaling iyon. I decided to call Brad.

Asan na kaya siya ngayon? Bakit hindi man lamang nagpaparamdam buong maghapon?

Nag-ring ang kanyang cellphone. Naghintay akong sumagot siya. Ilang sandali lang ay sinagot naman niya.

"Tol, sensiya na ha wala akong load kaya 'di nagpaparamdam," sabi ni Brad.

"Okay lang, tol. Siyanga pala, bakit 'di mo naman sinabi sa 'kin na tapos mo na palang ayusin ang kubo namin?" may himig panunumbat kong tanong sa kanya.

"Sorry, tol," malungkot niyang tugon, "Wala na pala ako sa bahay ni ate. Kaninang umaga pa ako umalis," dagdag niyang sabi.

"Ano? Grabe ka naman, tol. Pati ang tungkol sa paglipat mo inilihim pa sa 'kin?" Napataas ang boses ko nang sabihin iyon.

"Basta, tol. Baka kasi magdrama ka lang e kaya hindi ko na lang sinabi sa 'yo."

"Mas mabuting nagpalit ka na rin ng number para hindi ko na talaga nalaman pa mula sa 'yo!" sabi ko at biglang ibinaba ang cellphone. Labis na sumama ang loob ko kay Brad.

"Putang ina!"

Hindi ko talaga napigilan ang sariling magmura. Ang dami naman yatang problemang dumating sa buhay ko nang mga panahong 'yon. Mag-suicide na lang kaya ako?

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaisip. Nagising ako sa mga tawag at tapik ni nanay Lea sa mukha ko.

"Nak, kain ka na," sabi niya. Nakangiti siya sa 'kin pero alam kong pinipilit lamang niya ang sariling magmukhang masaya.

Bumangon ako at napapungas-pungas ng mga mata. "Anong oras na, nay?" tanong ko.

"Alas otso na, 'nak," tugon niya.

"Si tatay po?"

"Umalis. May importanteng pinuntahan," malambing na sabi ni nanay. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga kamay.

Ngumiti na ako sa kanya at lumabas nga kami ng kwarto. Dumiretso kami sa hapag kainan. Handa na ang pagkain namin.

"Hindi ka pa pala kumain, nay?"

"Hinintay kasi kita. Gusto kitang makasabay, 'nak," tugon niya.

Ang bait talaga ni nanay. Halos sabay kaming umupo sa mesa. Nag-umpisa nga kaming kumain.

"Ang sarap mo talagang magluto ng pakbit, nay," puri ko.

"Siyempre, 'nak, ako pa ba," nakangiti niyang sabi.

Naisip kong itanong sa kanya ang tungkol sa utang namin kay mang Rodel pero kaagad nagbago ang isipan ko. Baka pareho kaming mawalan ng gana kumain.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa pinsan kong bakla.

Actually, hindi ko na matandaan ang pangalan ng pinsan kong iyon. Basta nasa twenties na. Ako naman noon ay ten years old pa lang.

Ang natatandaan ko lang ay palagi akong ginagamit ng pinsan kong 'yon. Sinusubo niya ang ari ko at tinatakot akong huwag magsumbong.

Kung magsusumbong daw ako, kukulamin niya kami. Tama! Iyon nga ang madalas niyang panakot sa 'kin. Siyempre bata pa ako noon kaya mabilis niya akong napaniwala.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ko pa rin nasabi kina nanay at tatay ang tungkol sa ginawa sa 'kin ng pinsan kong bakla noong bata pa ako.

Ang huli ko lang na natatandaan ay ginamit niya ako isang gabi. Nagtaka pa nga ako kung bakit bigla siyang nawala sa 'min.

Natandaan kong tinatanong ko sina nanay at tatay kung bakit wala na ang pinsan ko.

Sabi nila umuwi na raw sa probinsiya. Wala na akong balita sa pinsan ko magmula noon. Nagtaka nga ako kung bakit bigla ko itong napapanaginipan.

"Nay, asan na pala 'yong nakitira sa 'tin noon? 'Yong pinsan ko po. Ano nga ang pangalan niya?" Hindi ko napigilang tanungin si nanay.

Natigilan siya at mariin akong tinitigan. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging reaksiyon niya sa katanungan kong 'yon.

Labis akong nagtaka. May nabasa kasi akong kakaiba sa mga mata niya. Takot?

"Nay?" untag ko sa kanya.

Parang biglang nagising si nanay Lea nang tawagin ko. Kapansin-pansin din ang kanyang pamumutla nang mga sandaling iyon.

"Nay, okay ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Uminom siya ng tubig bago nagsalita, "Ba-bakit mo naman natanong, 'nak?" nauutal niyang tanong sa akin.

"Kasi nay napapanaginipan ko siya nitong mga huling araw, e," tugon ko.

"Tungkol saan naman ang panaginip mo sa kanya?"

Napalunok ako nang maraming laway. Should I tell her that in my dream, chinuchupa ako ng pinsan kong bakla pagkatapos ay biglang dumating si tatay Rey at binugbog ito?

Napahugot ako nang malalim na hininga. "Naglalaro daw kami nay sa bakuran," pagsisinungaling ko.

Napatango-tango si nanay Lea. "Matagal na 'yon, nak. H'wag mo na siyang isipin. Wala na rin kaming balita ng tatay mo sa kanya, e," sabi niya.

"Ano pala ang pangalan niya, nay?"

"Ayokong pag-usapan pa ang pinsan mo na 'yon. Kalimutan mo na siya," mariin niyang tugon.

Mas lalo akong nagtaka sa reaksiyon ni nanay Lea. Napakibit-balikat na lang ako. Pero bakit gano'n?

Pakiramdam ko'y balisa si nanay no'n. Hindi siya mapalagay. Ano ba talaga ang meron sa pinsan kong 'yon at hindi na puwedeng pag-usapan pa?