webnovel

Daniel (Chapter 28)

"TOL..." Napalingon ako sa may bintana. Nandoon pala si Brad. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ni Sydney Sheldon nang mga sandaling iyon.

"Papasok ako, ha," paalam niya.

As usual ay pawisan siya no'n dahil sa pagtatrabaho sa kubo namin. Sa totoo lang ay minsan na lamang siya pumapasok sa isipan ko. Tuluyan na talaga akong na-turn off sa kanya.

Ngumiti ako kay Brad as a sign na okay lang sa akin. Nakadapa pa rin ako at hawak-hawak ang librong aking binabasa.

Umakyat nga siya sa bintana. Nang makapasok ay umupo siya sa kama. Napapikit ako sa amoy ng pawis niya. Ang sarap talaga sa pang-amoy.

"Ano'ng ginagawa mo, tol?" mayamaya'y tanong niya.

"Kita mo ng libro ang hawak ko 'di ba? Siyempre nagte-text," tugon ko pero nakangiti naman ako sa kanya habang sinasabi 'yon para hindi siya ma-offend.

Grabe, basang-basa talaga siya ng pawis. Pati pantalon niya ay basa. Ewan ko ba, basta nakaramdam ako ng kilig bigla.

"Loko ka talaga, tol," natatawa niyang sabi.

Natawa na lang din ako. Bumangon ako at naupo. Sumandal ako sa headboard ng kama. Napatitig ako sa kanya.

"Bakit?" nakangising tanong ni Brad sa 'kin.

"Wala lang, tol. Naisip ko lang bigla na ang saya siguro kung may kapatid ako. Gaya ngayon, nandiyan ka. Kung kapatid kita, sana may buddy ako. Sana may nakakausap ako rito. Kasi si tatay Rey napaka-strict talaga sa 'kin, e. Para na tuloy akong babae nito," tugon ko sa kanya.

Of course alibi ko lang 'yon para 'di siya mag-isip ng kung anu-ano kung bakit tinitigan ko siyang mabuti.

Pero totoo naman ang sinabi kong gusto ko talagang magkaroon ng kapatid at about do'n sa pagiging strict ni tatay Rey.

"'Di ituring mo akong kapatid," sabi niya.

Kaya ko kayang gawin ang suggestion niya e palihim ko nga siyang pinagpapantasyahan 'di ba?

Napangiti na lamang ako sa kanya at 'di na nagsalita pa.

"Tol, malapit ko na pala matapos ang kubo niyo," sabi niya na inihiga ang kalahati ng katawan sa kama. Inunan niya ang dalawang mga kamay.

Shit! Talagang natu-turn-on ako sa napakabalbon niyang kilikili.

"Ah, talaga, tol? Good to hear that," sabi kong napapalunok ng laway.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang sarap talaga niya. Bukol na bukol ang harap ng kanyang pantalon at parang gustong-gusto ko na talagang dakmahin iyon.

"After nito, tol, maghahanap na ako ng trabaho. Tinanggap ko lang naman 'tong sideline ang kubo niyo para kahit papaano ay makatulong sa pag-a-apply ko. Hindi kaya biro ang gastos sa pamasahe at requirements. Buti sana kung ma-hire agad," sabi niya na nakapikit ang mga mata.

Palagay ko ay inaantok na siya dahil sa pagod.

"Good luck, tol. Kaya mo 'yan," sabi ko naman na tinitigasan na nang mga sandaling iyon.

"Tol, 'pag hindi agad ako makapasok ng trabaho, siguro susubukan kong maging macho dancer. May nakilala kasi akong nag-offer sa 'kin. Pasadong-pasado raw ako. Pagkakaguluhan daw ako ro'n," natatawa niyang sabi.

"So, magpapa-take out ka rin sa mga bakla?" tanong ko.

May biglang kirot na naman akong naramdaman sa dibdib dahil sa sinabi niyang iyon.

Feeling ko talaga ay may kakaiba na akong nararamdaman para sa kanya.

'Pag tungkol na sa mga bakla ay talagang nakakaramdam ako ng sakit, e. Nandoon ang feeling na gusto kong sa 'kin lamang siya.

Pero alam ko namang imposible 'yong mangyari kasi ang pag-amin nga sa kanya na bakla ako e wala nga akong guts 'di ba?

"Depende, tol," tugon niya.

"Depende saan? 'Di ba sabi mo, ayaw mo 'yong dinadaan ka sa pera?"

Humugot siya nang malalim na hininga. "Hindi ko alam, tol. Baka kainin ko lang ang mga sinabi ko sayo noon. Kailangan kasi ng parents ko sa probinsya ang pera e para hindi maremate ang kunting lupa namin do'n," malungkot niyang turan.

Biglang nawala ang namumuong libog ko para kay Brad dahil sa kanyang sinabi.

"Ikaw, tol. Buhay mo 'yan, e. Wala naman akong maitutulong sa 'yo dahil studyante pa ako," seryoso kong sabi.

Naaawa talaga ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya nang mga sandaling iyon.

"Salamat, tol, nakikinig ka sa problema ko ngayon. Pero gagawin ko talaga ang best ko na makahanap agad ng trabaho."

"Kaya mo 'yan, tol."

Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. Tumambol ang dibdib ko sa napaka-sweet na ngiting 'yon.

Ang ganda-ganda talaga ng lips niya pati ang mga ngipin. Naisip ko tuloy bigla kung ano kaya ang pakiramdam kapag hinahalikan ko siya?

"Tol, gusto mong tikman?"

Labis akong nagulat sa tanong niyang iyon. "Huh?"

"E, ikaw kasi, titig na titig ka sa lips ko," sabi niya sabay ngisi.

Uminit ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin sa kanya nang mga oras na iyon.

"Tol, h'wag kang ma-offend, ha." Bumangon siya at naupo. Kaharap ko.

Kinabahan ako lalo. Seryoso na kasi ang mukha niya. Patay! Ano kaya ang sasabihin niya? Hindi kaya nahalata na niya ako?

"Bakit, tol?" tanong ko sa kanya. Nilakasan ko ang aking loob na huwag mautal.

Tinitigan niya akong mabuti. As in eye to eye. Pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga no'n sa sobrang kaba.

"Tol, bakla ka ba?"