webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 13)

Lumipas ang mga araw,para lang wala. Pag nasa bahay okay na okay si Chance,hindi ko na alam,para na akong pagod,ilang araw na akong hindi makatulog. Alam ko at ramdam kong may nagbago.

Pag nasa campus,parang wala na lang din,parang hindi na ako nasasaktan pag nakikita ko na magkasama sina Chance at Lux. Yung pakiramdam na manhid ka na? Hindi ka na nakakaramdam? Ni hindi na nga ako nagrereact eh,naisip ko kasi na tama si Lux,baka naaawa na lang sa akin Chance.

Namiss ko tuloy yung dating Chance na grabe yumanig ng mundo ko at grabe magpakilig. Ano bang nangyari sa aming dalawa? May kulang ba ako o hindi lang siya nakontento at hindi na niya mapanindigan ang pagmamahal niya sa akin.

Pagpasok ng room ay si Arloo agad ang nakita ko. Nag iwas ako ng tingin,hanggang ngayon hindi ko makalimutan yung nangyari,pero hindi ko siya pwedeng sisihin,ako ang may gusto nung nangyari.

"Teh,kung may problema ka,sabihin mo,one week ka ng ganyan. Ang laki at itim na ng eyebags mo!" ani Ritz ng maka upo ako.

"Napapansin din namin na hindi ka na pinupuntahan ni Chance,ayaw naming makialam,nandito lang kami para alalayan ka." dagdag pa ni Summer.

"Baka naman kasi nagseselos si fafa Chance?" sabi ni Ritz. "Lagi namin kayong nakikita ni fafa Arloo na magkasama? Nagtataksil ka teh?"

Nagtataksil nga ba ako? Hindi naman effective yung plano ni Arloo eh!

"Bunganga mo teh! Pakain ko sayo sapatos ko eh!" sita ni Summer kay Ritz.

"Huwag na! Busog ako!" sagot ni Ritz at bumaling sa akin. "Ano nga teh?"

"Okay lang ako. Kaya ko pa naman." sabi ko at ngumiti.

"Okay? My gowd! Para kang zombie! Tinitingnan mo ba sarili mo sa salamin?!" high pitch na sabi ni Summer kaya napatingin sa amin ang iba. "Kasalanan to ng malanding Lux na yan eh. Iba talaga kutob ko."

Huminga ako ng malalim,ilang araw pa lang tong nangyayari pero pagod na ako. Yung tipong gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito.

"Huwag niyo na yung isipin." ani ko.

"Kiji pinapatawag ka sa President's office." sabi ng isang ka blockmate namin. Napatingin sa akin sina Ritz at Summer.

Himala? Ngayon lang nag sumbong si Lux? Kulang pa nga yung ginawa ko sa kanya eh!

"Sige,dyan na muna kayo." ani ko at tumayo na.

Habang papunta sa President's office ay iniisip ko pa din si Chance. Should I give up? Or should I keep on chasing pavements? Charot!

Seriously? Wala na eh,hindi ko na alam.

Pagpasok ko sa President's office ay nandun si Lux at Chance. Tiningnan ko si Chance,para syang naaawa sa akin. Hindi naman niya kailangang maawa,after all,kasalanan ko naman.

"Kiji Santos,totoo ba ang sinasabi ni Luxury Del mundo na itinulak mo siya sa bowl?" ani ng President,tiningnan ko si Lux,masama ang tingin niya sa akin.

"Opo." pag amin ko. Anong sense kung tumanggi ako?

"In what reason?"

Ang tiningnan ko naman ay si Chance,ano bang ginagawa niya dito? Sinusuportahan si Lux?

"Magka away kami eh." sagot ko. Siyempre hindi ko sasabihin na si Chance ang dahilan.

"Nag away po sila dahil sa akin." biglang singit ni Chance. "I cheated on him. Karelasyon ko po si Kiji."

Napanganga ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"But that was before. Hindi po kasi niya matanggap na kami na ni Chance kaya inaway niya ako at tinulak sa bowl. He's dangerous." ang pagsabat ni Lux pero kay Chance pa din ako nakatingin.

Chance,ipagtanggol mo lang ako hindi ko na itutuloy ang gagawin ko. I know you still love me,magkasama pa din nga tayo sa bahay diba?

"Totoo ba ito,Kiji?" ani President.

Pumikit ako,pinigilan kong umiyak. This is it,sisimulan ko na.

"Opo,totoo yun. Hindi ko po ma control ang sarili ko pag nagselos. I just love Chance that much kaya hindi ko matanggap." sabi ko,pinunasan ko ang luhang kumawala.

"We don't tolerate that kind of attitude. Pwede kang ma expel dahil dyan. Wala akong pakialam sa love triangle niyo,pero nandito kayo sa school kaya dapat pag aaral ang inaatupag niyo." kinagat ko ang labi ko. "Kiji Santos,your suspended. I need to see your parents,pag hindi sila pumunta,alam mo na ang mangyayari."

"Pero,ako po--"

"You may go now." pamumutol ni President sa sasabihin ni Chance. Huminga ako ng malalim saka tumayo at lumabas.

"Jiko..." bigla akong niyakap ni Chance mula sa likuran. Ewan ko ba,wala na akong maramdaman,parang pati ang pagyakap niya sa akin ay nagdudulot ng sakit.

"Bitawan mo ako,Chance." tinanggal ko ang pagkakayakap ni Chance,he was crying and it really breaks my heart,pero ano pa nga bang magagawa ko? Siya na ang lumalayo?

"Chance,lets go." ani Lux. I looked at her. Napangiti ako,para siyang mangkukulam sa paningin ko,hindi ko na siya dapat pag aksayahan ng panahon.

"Jiko,mag usap tayo." pagmamaka awa ni Chance.

"Mamaya na lang,sa bahay. Hinihintay ka na ni Lux oh?" I smiled,parang ang pait ng pakiramdam ko. I never knew na mas makakaramdam ako ng ganitong pakiramdam.

Tumalikod ako,pagkatalikod ko pa lang ay nag unahan ng lumandas ang mga luha ko. Tumakbo ako pabalik sa building,nakita kong nakatayo doon sa may hagdan si Arloo.

Sinalubong niya ako at niyakap. Mas lalo akong naiyak,mas lalo akong naawa sa sarili ko.

"Sshh..You can cry,pero pag nailuha mo na lahat,dapat matatag ka na,show them na pagkatapos mong magluksa ay agad kang nakabangon. Ang masarap na ganti sa mga taong nanakit sayo ay ang ipakitang masaya ka pa din at matatag pagkatapos ng mga nangyari."

Hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari,o talagang ayaw ko ng alalahanin ang nangyari sa araw na ito. Sobrang nag alala sina Summer at Ritz,hinatid nila ako sa apartment ni Chance.

Nang maka alis sila ay dumiretso ako sa kwarto. Kinuha ko ang dalawa kong maleta at ipinasok dun ang mga damit at gamit ko,there's no sense na mag stay pa dito. Akala ko dito na ako tatagal sa bahay na ito kasama si Chance,pero madami ngang namamamatay sa maling akala.

Nang matapos ay pumunta ako sa sala bitbit ang mga maleta ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Chance,nagulat pa siya ng nakita ako,agad napunta sa mga maleta ang tingin niya.

"Jiko? Bakit ka nag empake? Diba mag uusap pa tayo?" aniya at agad lumapit. "Ibalik mo sa kwarto yang mga maleta."

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong lakasan ang loob ko,dito din naman papunta ang lahat eh.

"Tama na Chance." sabi ko,napatingin sa akin si Chance,namumula na ang mga mata niya,ang hirap niyang tingnan,parang pinipiga ang puso ko.

"Jiko,teka. Dadalhin ko sa kwarto ang maleta mo."

"Tigilan mo na ang pag arte Chance,nakakasawa na."

"Ano bang sinasabi mo?"

Sige Chance,maglaro tayo ng tanga tangahan.

"Diretsuhin mo ako! Gusto mo talaga si Lux diba? Mahal mo pa ba ako? Nakakapagod na kasi! Akala ko kaya pa kitang intindihin,pero ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para hindi na kita maintindihan!" humikbi na ako,kailangan ko na itong tapusin.

"Hindi ko alam Jiko." frustrated na sabi ni Chance,napailing ako.

"Hindi mo alam? Kasi hinayaan mo. Nakipag sex ka sa kanya! Hindi lang isang beses,marami! Alam mo ba kung gaano yon kasakit? Sobrang sakit,Chance,pero ininda ko at inintindi kita!"

"Sa inyo din naman ni Arloo diba? Alam mo ng matagal ko na siyang kinaiinisan,pero dikit ka pa din ng dikit sa kanya. Nasasaktan din ako." umiiyak niyang sabi.

"May magagawa ka naman sana,may magagawa tayo,pero hinayaan mong lumala." sabi ko,nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. "Sex yun eh,babae si Lux,kaya ka niyang masatisfied,ako? Hindi. Sabihin mo na kasi kung mahal mo pa ako."

Pinunasan ni Chance ang mga luha niya at tinitigan ako. "Mahal kita,Jiko."

Napangiti ako ng mapait,totoo nga ang sinasabi nila,napaka ironic ng buhay.

"Mahal mo ako pero hindi mo na kayang panindigan. Kasi babae pa din ang kailangan mo diba? Hindi na kita pipigilan. Pagod na ako,Chance." sabi ko at pinigil ko ng mapahikbi.

"Magsimula ulit tayo,Jiko." ani Chance at hinawakan ang mga kamay ko. Napapikit ako,ito ang huling beses na dadampi ang balat niya sa balat ko. "Pagod ka na bang mahalin ako?"

"Hindi Chance. Hindi ako mapapagod mahalin ka. Pagod na ako kasi,paulit ulit mo ng ginagawa at masakit na." binawi ko ang mga kamay ko.

"Jiko..."

"Ano yon,Chance?" tumayo na ako,yumuko si Chance,hinawakan ko na ang dalawa kong maleta.

"Im sorry."

Yun lang ang hinihintay ko. Humagulhol na ako at lumabas ng apartment.

Mahal na mahal kita, Chance.