webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 11)

"What happened?" agad na tanong ni Arloo. Nandito na kami sa terrace ng kwarto niya,at mula rito tanaw ang kanilang pool. "Gutom ka ba? Kain ka muna bago ka magkwento."

Napabuntong hininga ako. Mula sa pagkakayuko ay tiningnan ko si Arloo,maybe I can trust him? Baka mabaliw kasi ako pag hindi ko ito nailabas.

"Arloo,may tanong ako. I want your honest question. Don't worry,handa na ako sa magiging sagot mo." sabi ko at huminga ulit ng malalim. Malapit ng magdilim,Im sure naka uwi na si Chance sa apartment.

"Go ahead,spill." aniya at sumandal pero nakatitig sa akin.

Lumunok muna ako ng laway,alam kong masasaktan ako sa magiging sagot ni Arloo,pero okay na yun para patong patong na sakit.

"Ganon ba talaga kasarap makipag sex sa babae? Na kahit committed ka na ay gagawin mo pa din? Pero sinabi niya na mahal ka niya?" napakagat labi ako,para na namang hinihiwa ang puso ko. This is really hurting me,pero kailangan kong malinawan.

"Para sa aming mga lalaki,YES." sagot niya na idiniin pa ang last word. "Ang sarap kaya ng babae,kumpara sa inyong mga bakla. Bilang lalaki hahanap hanapin talaga namin ang sarap ng babae."

Pinilit kong huwag humikbi,pakiramdam ko nagdugo na ang lower lip ko sa diin ng kagat ko.

Lalaki si Chance at pangangailangan niya iyon. Kailangan ko bang tanggapin na ganon talaga?

"But." ani Arloo na nagpabalik sa akin sa wisyo. "Kung committed na siya,sa babae man o sa gaya mo,hindi na dapat siya naghahanap ng ibang putahe. Ang pagmamahal hindi lang basta isang pakiramdam,dapat ginagawa at pinapakita,higit sa lahat dapat pinapanindigan. Im not favor of same sex,pero kung totoong pagmamahal na ang involved,hindi dapat sinisira at sinasayang."

That very moment napaiyak na ako. Ang gulo na ng utak ko,hindi ko na alam kung ano pa ang dapat isipin at maramdaman. Will I let go? O ipaglalaban ko si Chance? Paano kung ipaglaban ko nga siya pero bumitaw naman siya? Is it worth fighting?

"Mahal ko si Chance,Arloo. Mahal na mahal. Wala naman kaming problema,lagi nyang pinaparamdam at sinasabi na mahal niya ako. Pero pag si Lux na ang kasama niya para siyang nag iiba." ang umiiyak ko ng sabi. Napasubsob ako sa mesa,tumayo si Arloo at hinimas ang aking likuran.

"Yun naman pala eh. Edi ipaglaban mo. Talk to him,deretsuhin mo. Hindi yung nagmumukmok ka. Fight for what is yours!" payo ni Arloo. "Wait a minute,sila ang tinutukoy mo? Kaya ka umiiyak at tumatakbo?"

"Oo! Tangena ng mga yon! Ungol ungol pa! Kinakabayo pa ni Lux si Chance! Sana pala totoo yung unding sa mga toiletbowl at hinigop sila! Mga gago!" sabi kong ganyan habang naiimagine ko yung nakita ko kanina.

"Oh boy." sabi ni Arloo. "Baka mas gusto niya yung Lux?"

"Gusto mong sipain kita? Contradicting yung payo mo sa sinabi mo ngayon." inis kong sabi at ngumisi lang ang Arloo.

"Kasi pwedeng totoo." sabi pa ng gago,gusto ko tuloy mag walk out. "Ang gawin mo,obserbahan mo muna si Chance pag wala sa paligid yung babae. And maybe I can help you. And you would get even with them."

"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong at pinunasan ang uhog ko. Bakit ba walang tissue dito?

"Simple lang. Kung mapatunayan mo na ayaw na talaga sayo ni Chance. Magpapanggap tayong magkarelasyon,and we will do whatever theyre doing to,para makuha mo ulit si Chance."

"HUWAATT?" nanlaki ang mga mata ko,umurong ang luha at sipon ko. Anong sabi ni Arloo?

"Look Kiji. This is a win-win situation. Huwag kang umaktong virgin dahil obvious naman na ina araw araw ka ni Chance,so payag ka? Pareho lang may benefits. Think about it."

"Tulong ba yan o panglalait?"

"Your choice,Kiji."

"Hindi ba ako lugi?"

"In what way ka naman magiging lugi?" kunot noong tanong ni Chance.

"Ano kasi,uhm.." tangena,paano ko ba sasabihin? Bwiset! "Magse-sex din tayo?"

"Kung kailangan. Huwag kang mag assume na gustong gusto ko to. Im just helping you,para kang basang unggoy na umiiyak,nakaka awa." aniya kaya napalabi ako. "Make sure na malinis yan pag tayo ang magkasama."

Dear diary,nalaglag talaga ang panga ko sa sinabi ni Arloo. Ano ba? Tatanggapin ko ba ang tulong niya?

Ofcourse! Mahal ko si Chance,at gagawin ko lahat huwag lang siyang mawala sa akin. I remember na nangako ako sa kanya na hindi ko siya bibitawan kahit anong mangyari. And I will stand to that.

"Tinatanggap ko ang tulong mo." sabi ko at bumuga ng hangin.

"Good,maligo ka na." sabi ni Arloo,tumayo at lumabas na ng kwarto.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi,pero wala akong dapat pagsisihan basta para kay Chance. Kung sa iba ay bibitaw agad sila sa ganitong sitwasyon,ako hindi. I love Chance so much na kahit paulit ulit siyang magkamali ay paulit ulit ko din siyang bibigyan ng chance.

Martyr diba? I know,but that's love. May mga nagagawa ang mga tao dahil sa sobrang pagmamahal. Sabi nga sa kanta diba? Love can move mountains.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto,hindi ito naka lock,7PM na at patay na agad ang ilaw. Pumasok ako sa loob ng apartment,kinapa ko ang switch at binuhay ang ilaw.

Napasinghap ako,nakahiga si Chance sa sofa,tulog at naka uniform pa,napakagat labi ako.

Lumapit ako at naupo,hinaplos ko ang gwapo niyang mukha.

"Chance,kahit ilang ulit mo akong saktan ayos lang. Mahal na mahal kita eh." ang bulong ko,yumuko ako at hinalikan siya sa noo.

"Jiko?" ani Chance at bumalikwas kaya napa urong ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Akala ko hindi ka uuwi! Im sorry!"

"Chance--" niyakap niya ako. I hugged him back. Pumikit ako,hindi ko siya kayang bitawan.

"Sorry! Hindi ko alam kung anong nangyayari. Patawarin mo ako,hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Huwag mo sanang isipin na niloloko kita. Mahal kita Jiko,mahal na mahal! Pero hindi ko alam kung bakit ganon? Kung bakit humantong kami ni Lux sa ganon. Naguguluhan ako." aniya,kita sa mga mata niya ang pagkalito at takot.

"Kausapin natin si Lux. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganyan Chance. Magkakasakitan tayo."

"Sorry at nasaktan kita. Hindi ko talaga alam,one minute everything was normal,tas biglang nag iinit ako at gusto ko ng sex. Hindi ko alam Jiko--"

"Sshhh. Huwag mo ng masyadong isipin yan." pagpigil ko sa kanya. Naiintindihan ko na dahil iyon sa libido niya,masakit pero kailangan kong tanggapin.

"Jiko. Patawad talaga."

"Okay na Chance. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa,hinihintay kita eh. Halos mabaliw ako kakahanap sayo kanina eh. Pero bumili ako ng pagkain. Sabay na nating kainin?"

Nginitian ko si Chance,hinawakan ko ang mga kamay niya. "Kahit anong gawin mo,lagi kitang iintindihin."

Ngumiti din si Chance at agad akong hinalikan sa labi. Parang may malaking tinik ang nabunot sa dibdib ko at lumuwag na ang bawat paghinga ko.

Kinabukasan ay masaya kaming nagkekwentuhan ni Chance habang papasok sa gate ng PLP,malayo palang ay kita ko na si Lux at ang iba nilang classmates. Alam kong natetense si Chance,pero kailangan ko ipakita kay Lux na ang akin ay akin lamang.

Nakipag high five si Chance sa mga lalaki. Nagkatinginan kami ni Lux. Ngumiti siya at nagtaas ng kilay,nginisihan ko siya. Sino sa amin ngayon ang kaawa awa?

"Hatid ko lang si Jiko. Mauna na kayo sa room." ani Chance sa mga ito at hinila na ako palayo.

"Mukhang hindi tinatalaban ng hiya si Lux ah?" ani ko. "Chance,lumayo ka sa kanya kung talagang mahal mo ako."

"I'll do that,Jiko. Sorry ulit." malungkot niyang sabi. Nasa tapat na kami ng room.

"Huwag mo ng isipin yon!" ani ko at ngumiti. Tumingkayad at mabilisan siyang hinalikan sa labi. "Sige na! Hintayin kita mamayang uwian."

Agad na akong tumalikod at pumasok sa room,paglingon ko ay umalis na si Chance. Tumingin ako sa paligid,wala pa si Ritz at Summer.

Biglang nadako ang tingin ko kay Arloo. Ngumisi siya at nagtayuan ang mga balahibo ko.

Tangena Arloo! Huwag kang ganyan.