webnovel

Chapter 1: All Starts With a String

"Yes! push na pre! Shit! sabing push ehh..." Inip na inip na sigaw ng isang binatang 15 taong gulang Na si Vince, habang naglalaro ng Mobile Legend, isang mobile game na sikat sa mga kabataan ngayon. Si Vince ay isang gwapong binata na nag aaral sa isang public highschool sa lugar nila. mapupula ang mga labi nitong tila bang pinahiran ng mga cherry, maputi ang kanyang balat at may katamtamang taas. Habang sa isang banda naman nakaupo ang isang gwapong bakla na tahimik na pinagmamasdan si Vince, na inip na inip na dahil sa mga cancer na squad.

" Sabi ko sayo ehh, turuan mo na ng kasi kong mag-gitara Vince, wag puro laro lang kailangan mo din magrelax gamit ang talent mo sa music" pangiting biro ni Max para makuha niya ang atensyon ng binata. Si Max ay dalawampu't taong gulang na at graduate na ng kolehiyo. Siya ngayon ay napapabilang sa isang nalaking humanitarian organization na naka-base sa United Kingdom.

"Wala na kasi akong string Kuya ehh" tugon ni Vince kai Max, habang abala parin sa pag bubuhat nito sa mga kasama niya sa laro. "wag mo naman akong tawaging kuya" pabulong na sabi ni Max sa sarili niya "nakaka turn-off ka ha, wag mokong tawaging ganyan, pwede pangalan ko nalang, wag na kuya" dagdag pa nitong binulong sa sarili. Bukod sa pagiging legend sa ML ay magaling din si Vince sa pagigitara bagay na lalong kinahuhumalingan ni Max sa kanya. Silang dalawa ay magkaibiga an napapabilang sa isang choir organization sa kanilang lugar. Nagsisilbing senior ni Vince si Max, kung kaya tinatawah niya itong kuya.

"Segi mamaya, bibili ako sa music store ng string para maayos mo gitara mo" minadaling sabi ni Max kay Vince. "Sige po, salamat" tugin naman agad ni Vince.

Mula ng maging mag magkagrupo si Vince at Max, ay palagi nang sinasamahan ni Max ang binatilyo bagay na nag bukas ng kanyang puso na palihim na ma-fall kay Vince. Ngunit di niya maaring sambitin ang kanyang nararamdaman dahil siya ay natatakot na biglang lumayo ang kaibigan sa kanya. "Okay, na rin siguro na bigyan ko siya ng string para mas maging malapit pa ako sa kanya..." sabi ni Max sa kanyang sarili. Bagay na matagal niya ng tinatago mula ng magkakilala silang dalawa.