alam nyo Po ba na may matinding kaparosahan nag action nyo tatang,gano po ba kalaki ang ikalulugi nyo sa isang pirasong tinapay?sunod sunod na tanong ng lalaking ito.
di nakasagot ang matandang lalaki,agad nito hinila ang pamalo nya at matiim na tinitigan ang batang yakap ko.
pagkaalis ng matandang lalaki ay agad naman ako tumayo kasama ang batang nagnakaw ng pagkain.
bakit ka ba nagnakaw?agad na tanong ko sa bata na hinawakan ko pa ang magkabilang balikat niya.hindi ito sumagot,bagkus ay tinuro lamang nito ang kanyang tyan.ngumiti lamang ako bilang sagot,senyalis na naiintindihan ko Siya.
alam mo bang masama ang pagnanakaw?dugtong ko pa ulit,na pilot ko siyang pinapaintindi..
di mo rin ba alam na masama ,o nakakasama ang pakikialam...Isang lalake ang sumabad sa usapan kaya napalingon ako sakanya,Siya yong lalaking humarang sa pamalo ng matandang lalaki kanina.
alam ko,pero di ba mas nakakasama kung titignan at hayaan nalang na hampasin Siya..paliwanag ko sabay turo sa batasa likod ko..umarko ito ng kilay sabay tingin sa tinuturo ko.sa reaksyon nya napatingin din ako sa likod ko..
oiyyy sandali bata,San ka pupunta,,haissttt bat ganun Siya... takang napakamot ako sa ulo.
oh di?Minsan kasi gamit utak din..pabulyaw nito litanyan sakin na siyang kinainit ng ulo ko..
bastos ka ah,,, close ba tayo para sabihin sakin Yan?inis na sagot ko sakanya.umiling ito,ngumiti ng bahagya at naglakad palapit sakin na halos magdikit na Ang mga labi namin..
magiging close palang!hmmm..pabulong nito,saka ngumiti ng nakakaloko,natigilan ako sa posisyong yon,malayo na Siya na magising ako sa katinuang..
haissttt walang mudong lalaki di ta nag aral,haissttt inis na turan ko sa sarili ko,saka naglakad papuntang grocery..
dahil mahaba ang pila sa counter,ay ginabe na ako.tahimik akong naglalakad nang mapansin Kong ,haissttt shit bakit walang ilaw dito...inis na turan ko,at bahagyang tumigil sa paglalakad,haisst takot pa mandin ako sa dilim,mangiyak ngiyak akong napakapa sa bulsa ko hinagilap ko ang phone ko,pagminamalas ka nga naman,naiwan ko pala ang phone ko,hayyyy pano ko matatawagan si mama para sunduin ko.
dahil wala na akong choice,kisa naman di ako makauwi,pinilit Kong baybayin ang madilim na Lugar na yon,lakad takbo ang ginawa ko.pero bakit pakiramdam ko ay di ako nag iisang naglalakad,habang pabilis ako ng pabilis ganun din ata ang ginagawa ng sumusunod sakin,tatakbo na sana ako ng ubod ng bilis ng bigla akong nadapa ,agad Kong hinagilap ang mga bitbit ko,at tumayo ng makita ko ang anino ng Isang lalaking,my hawak na baril na nakatutok sakin,kinasa nito at binalik ulit sakin...pinilit ko ang mga mata ko,umiyak at pilit na nakiusap pero para itong walang narinig.,at mabilis na kinalabit ang baril...