webnovel

Love Bites

Caitlin grew up in a normal family. For her, her life is nothing but normal. Atleast, that's what she is trying to achieve. Hindi niya aakalain na sa isang simpleng maling desisyon ay magbabago ng tuluyan ang buong buhay niya. Ang normal na buhay na pinakaka-ingatan niya ay nawalang parang bula. Her world was turned upside and down and she finds herself spiralling down the abyss, completely out of control. If only she could turn back the time. She shouldn't have succumbed to her desires.

Sharelvandor · ファンタジー
レビュー数が足りません
22 Chs

CHAPTER NINE

CAIN'S POV

"Nasaan si Vladimir?! Nasaan siya?!" nagngangalit na tanong ni Cain sa dalaga. Hindi na napigilan ni Cain ang paghigpit ng hawak niya sa katawan nito. Hindi na rin niya napigilan ang nararamdaman, muli na naman siyang nilalamon ng matinding selos. Nagbabaga ang mga matang tinignan niya ito ng diretsa sa mga mata.

Impit na umiyak si Caitlin ito habang nanginginig ang mga labi. Alam niyang nasasaktan na niya ito ngunit hindi niya magawang palagpasin ang natuklasan niya. Hindi na niya makontrol ng maayos ang nararamdaman niya. Kailangan niyang malaman kung nasaan si Vladimir—kinakailangan niyang patayin ito gamit ang sarili niyang mga kamay upang tuluyan nang mawala ito sa kanyang landas—at sa buhay ni Caitlin.

"B—iti—wan mo ak—o" nanghihina ang boses na utos nito sa kanya. Sa naging simpleng utos na iyon na namutawi mismo sa nanginginig nitong mga labi ay sapat na para mas lalong nakapag-pasiklab ng nararamdaman niya. Ang katulad niyang isang bampira—nabubuhay ngunit mas malamig pa sa isang bangkay ay walang humpay na binabayo ng sari-saring emosyon na nakakapagpawala ng katinuan niya. Gaano man kasarap ang pakiramdam na iyon—ang maramdaman na hindi lang siya isang hungkag na nilalang, ang isipin na umaakto siyang parang isang hangal na tao ay lalong nakapag-papagulo ng isipan niya. At dahil sa babaeng nasa bisig niya ng mga sandaling iyon ang natatanging rason kung bakit nakakaranas siya ng matinding emosyon na iyon.

Nakakalokong isipin na dinaranas niya ang lahat ng iyon mula sa isang babaeng hindi nais na makasama siya. Mas gusto ba nitong makasama si Vladimir kaysa sa kanya? Hindi ba nito nais ang mga halik, at yakap na iginawad niya dito? Hindi ba nito kayang kalimutan si Vladimir at ituon ang buong atensyon sa kanya?

Hindi niya sinunod ang pakiusap ni Caitlin, bagkus lalo niya pang hinapit ang katawan nito sa kanya. Papatunayan niya ditong siya ang nararapat sa manatili sa bisig nito. Hinding-hindi na niya ito bibitawan. Kailanman.

"B—iti—-w...Aw!" napahiyaw sa sakit na saad ng dalaga. Paulit-ulit siya nitong binabayo ng maliit at mahina nitong kamao ngunit sa ginagawa nito mas lalo siyang naging determinado na angkinin ito.

"Hindi. Hinding hindi kita bibitawan. Kahit kailan. Tandaan mo yan"

"Sin—o ka b—a? Wa—la kan—g karapa—"

"Ssshhh...Wag mong pagurin ang sarili mo" malumanay niyang hikayat dito. Unti-unti niyang niluwagan ang pagkakahawak sa dalaga ngunit hindi para bitawan ito kundi para ibsan ang nararamdaman nitong sakit. He knows that he almost crushed her in his arms. At hindi niya maaaring patuloy na gawin iyon kung nais niyang makuha kahit ni katiting na palagay na loob nito sa kanya. After all, he needed to start earning her trust too.

"Sleep Love. Ease your mind. You will be safe in my arms" Cain said smoothly while staring straight through her eyes without blinking.

"Ass—" bago pa man nito matapos ang iba pang sasabihin, naramdaman ni Cain ang unti-unting pag-relax ng katawan nito sa kanyang mga bisig hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay. He kissed her softly in the forehead.

Ngayong mahimbing na natutulog si Caitlin, kinakailangan na niyang harapin ang iba pang problema na kinakailangan ng kanyang atensyon.

He didn't forget that he's still beyond enraged.

"Minerva!" hindi na niya napigilang singhal sa punong babaylan ng kanyang angkan. Ito ang nagsagawa ng seremonya sa muli niyang pagbabalik matapos ang daan-daang taon niyang pagkahimbing. Agad naman bahagyang naglakad papalapit ito sa kanya bago siya ginawaran nito ng isang maikling pagyuko ng ulo nito bilang respeto.

"Maligayang pagbabalik Master Cain" panimulang bati ni Minerva sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ni Cain ang maikling pagsulyap ni Minerva kay Caitlin. She looked confuse for a moment. Ngunit agad din naman naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Nagsunuran namang sabay sabay na bumati ang ilang miyembro ng kanyang angkan ang—Calvados ngunit wala doon ang mga pangunahing miyembro ng angkan bukod sa kanya at kay Minerva. Katulad ng inaasahan niya hindi nakumbinsi ni Minerva na hingin ang pagpayag ng mga ito para sa mas pinaaga niyang pagbabalik.

"Anong maipaglilingkod ko Master Cain?" malumanay ngunit nababalot ng yelo ang tono ng boses nito. Hindi nito tinatago ang nararamdaman nitong pagkadisgusto sa mga nangyayari sa paligid nito—alam niyang hindi ito sang-ayon sa pangunguna sa pagsasagawa ng seremonya lalo na't lumabag ito sa patakaran ng akademya pati na fin sa naging desisyon ng kataas-taasang konseho. Ang parusang ipinataw sa kanya ay ang limang-daang taong pagkakakulong ngunit sinigurado niyang mapapaaga siya ng pagbabalik. Gayunpaman, wala siyang panahon para intindihin ang nararamdaman ni Minerva. Kinakailangan niyang may malaman muna dito.

"Hawak niyo ba ngayon si Vladimir? Iharap niyo siya sa akin ngayon din!" walang paligoy ligoy at maawtoridad na utos ni Cain.

Hindi man lang natinag ang kanyang babaylan hindi katulad ng iba na hindi maipagkakailang pinipigilan ang sariling mapayuko o kumaripas ng takbo sa takot—bagkus ang kanyang babaylan ay diretsa pa siyang tinitigan sa mga mata.

"Hindi ko maunawaan kung bakit nasa isip mo na hawak namin ngayon si Master Vladimir. Hindi ang katulad niyang isa sa pinakamakapangyarihan at pinakamalakas na bampira sa buong saling-lahi ang basta-basta lang naming mabibilanggo" mahinahong tugon naman nito.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Cain na pinutakti nito ng papuri si Vladimir.

"Hindi mo na kinakailangang ipagdiinan kung gaano siya makapangyarihan Minerva!" iritadong bulalas niya dito.

"Naiintindihan ko, Master Cain...malumanay pa rin nitong saad. Kung ganun tumungo na tayo sa opisyal na pagdiriwang handog para sa muli niyong pagbabalik. Nakahanda na ang lahat pati na rin ang panibagong suplay ng mga babae—"

"Hindi na kailangan. Gusto kong unahin mong gamutin si Caitlin. Kinakailagan naming mag-usap sa lalong madaling panahon" agad niyang sansala sa iba pang sasabihin ni Minerva. Kung wala ng mga sandaling iyon si Vladimir, papalagpasin niya ang nangyari ngunit sisiguraduhin niyang hindi na ito muling makakalapit kay Caitlin. Pagsisisihan nito ang ginawa nitong pagpapabaya sa dalaga.

"Palalagpasin ko ang ginawa niyong kalapastanganan kay Caitlin sa pagkakataon lamang na ito tutal dahil sa kanyang dugo tuluyan akong nagising sa aking mahabang pagkakatulog, ngunit sa susunod na may mang—"

"Ang tinutukoy niyo ba ay ang babaeng yan?" mayamaya ay nagtatakang sansala na tanong ni Minerva.

Bakit ba kinakailangan pa niyang ipaintindi dito ang bawat kinikilos niya?

Kailan pa naging mapurol ang utak ng punong babaylan niya?

"Tinatanong pa ba yan? Hindi ko akalaing sa maikling panahon na hindi natin pagkikita ay naging isa ka nang malaking kadismayahan bilang aking punong babaylan" diretsang puna ni Cain.

Nagsalubong ang kilay ni Minerva. Hindi niya inaasahan ang inis na biglang bumangon mula sa kanyang didbdib.

"Mas mabuti siguro kung mag-iingat ka sa pananalita mo Cain dahil katulad nga ng sinabi mo ako ang punong babaylan ng patapon mo ng angkan at ikaw bilang isang patapon ding pinuno kung hindi mo aayusin yang pananalita mo baka maisipan kung tuluyan kang iwan at basta na lang talikuran ang pangakong binitiwan ko sa iyo noon" tuloy-tuloy na singhal ni Minerva dito.

Imbes na magalit siya sa narinig kabaligtaran ang naging hatid ng matalas na pananalita ni Minerva sa kanya. Hindi na niya napigilan ang humalakhak. Katulad pa rin ito ng dati—isa pa rin ito sa kanyang natatanging disipulo na hindi kailanman humarap sa kanya ng may bahid ng takot at pag-aalinlangan. Hindi ito katulad ng iba na halos halikan ang lupang dinadaanan niya. May sarili itong isip at paninindigan at higit sa lahat marunong rin itong tumupad sa mga pangakong binibitawan.

Nangingiting tinitigan niya ito ng maigi sa mukha.

"Ang akala ko ipagpapatuloy mo ang pagpapanggap mo bilang isang aking masunuring taga-paglingkod. Hindi ko akalaing maririndi ako sa kakapakinig sayo sa pagtawag mo sa aking Master Cain, Minerva"

Namula ang buong mukha nito sa tinuran niya. Mayamaya lamang ay muling naramdaman ni Cain ang matinding gutom. Biglang nanuyot ang lalamunan niya. Hindi na niya napigilan ang sarili at muling pinagmasdan ang babaeng nasa bisig niya ng mga sandaling iyon. Marahan siyang napangiti. Walang kahit sinuman sa buong mundo ang nagdudulot sa kanya ng walang katapusan, matinding pananabik at kasakiman sa dugo maliban sa babaeng nasa bisig niya ng mga sandaling iyon. Kaya niyang tiisin ang matinding pagkagutom ngunit hindi si Caitlin. Kailanman, hindi si Caitlin.

"Wala akong panahong makipagbiruan sayo Cain. At tsaka—hindi mo na kinakailangang ipagamot ang babaeng yan. Tapos na ang kanyang papel sa seremonya. Isa lamang siya sa mga babaeng hinanda namin para sayo. Kung maaari umalis na tayo dito—naghihintay na ang ibang bisita mo sa labas" mayamaya ay saad nito.

Nagtatakang napatitig siya dito.

"Ano bang ibig mong sabihin Minerva? Hindi mo ba siya nakikilala? Siya si—"

"Mawalang galang na pero may hatid akong isang masamang balita" biglang sulpot ng isang nakaluhod at nakayukong pigura sa likuran ni Minerva.

"Ano iyon Sebastian?" ani Minerva habang hindi pa din inaalis ang tingin sa kanya.

"Paparating na ang pinadalang lupon ng sundalo mula sa konseho upang pigilan ang seremonya punong babaylan"

"Ganoon ba? Pero huli na sila. Anong gusto mong gawin Master Cain? Sasalubungin ba natin sila?" makahulugan ang ngiting tanong ni Minerva.

"Paumanhin pero natunugan na rin ng Trinity Cross ang seremonya ngayong gabi kaya kumikilos na rin sila papunta dito ngayon" dagdag pang imporma nito.

"It's them again? Hindi ba't inubos na natin ang bawat miyembro ng organisasyong iyon pati na rin ang kanilang pinuno?" nagtatakang tanong ni Cain. Hindi niya inaakalang maraming sasalubong sa kanyang pagbabalik ng gabing iyon—ngunit hindi nga lamang para muli siyang batiin ng maligayang pagbabalik kundi para tapusin siya.

"Sa kasamaang palad nakaligtas ang anak nito at kasalukuyang namumuno sa kanila. As I must say—mas naging matagumpay ang pamumuno ng anak kaysa sa ama. At patuloy silang nakakalikom ng daan-daang sundalo para lumaban. Sa loob ng limang-daang taong pagkahimbing mo, patuloy silang lumalakas at lumalawak ang impluwensiya. Kahit ang konseho ay hindi na tuluyang mapipigilan ang papalakas nitong pwersa. Isang problemang hanggang ngayon ay nagdudulot ng patuloy na pagkaubos ng ating lahi ngunit hindi pinagtutuunan ng pansin ng nakakatataas " makahalugang pahayag ni Minerva.

Ginagawa ba talaga ng konseho ang trabaho nito?

"Sebastian, hindi ba?" tawag pansin niya sa bampirang naghatid sa kanila ng mensahe. Halata na bago lamang itong miyembro ng kanyang angkan.

A newly turned vampire.

"Opo, Master Cain"

"Isa ka ba sa aking matapat na tagapaglingkod?" diretsa niyang tanong dito.

"Walang pagdududa Master Cain" mabilis na sagot nito.Makahulugan siyang napangiti.

"Kung ganun gusto kong pamunuan mo ang pwersang sasalubong sa ating mga paparating na bisita. Ipaalam sa ibang kalahi ang mga nangyayari at iutos ang kanilang mabilis na paglisan sa lugar na ito"

"Masusunod" agad na tumalima ito sa kanyang utos at naglahong parang bula. Nagsunuran namang umalis ang iba hanggang sa naiwan na lamang silang dalawa ni Minerva pati na rin si Caitlin. Muli niyang hinarap ang nanghahamong tingin ni Minerva. Natutuwa ito sa mga nangyayari. At halatang nag-aabang ito sa kung anuman ang susunod niyang gagawin.

Kung wala lang dito ngayon si Cait—hindi, kinakailangan niyang unahin niya ang kapakanan ng dalaga.

"Minerva,aalis muna ako at sasama ka sa akin. Kinakailangan kita para gamutin si Caitlin"

"Running away? How unsightly! Sinasayang mo ang oras mo ng dahil lang sa isang tao. At kung gusto mo siyang gamutin bakit hindi mo na lang siya painumin ng dugo mo? Mas magiging madali iyon para sa ating dalawa"

"Wala akong panahon para magpaliwanag sayo ngayon. Kinakailangan na nating umalis wala na tayong natitirang oras. Haharapin ko na lamang ang galit mo pati na din ng konseho kapag nakabalik na tayo sa sentro"

Hindi ito agad nakaimik. Mayamaya lamang ay sumenyas ito na sumunod sa kanya. Ipinatong lamang nito ang palad sa isang parte ng pader at agad na nagbukas ang pinto ng isang lagusan.

"Sumunod ka sa akin" defeated na saad ni Minerva.

Walang imik na naglakad sila sa sa madilim na lagusan na iyon.

Mayamaya lamang ay biglang may sumulpot na pigura sa may di kalayuan ng mahabang lagusan na iyon upang salubungin sila. Hindi naging hadlang ang kadiliman upang makita niya ang mukha nito.

Isang matandang lalaki ang kasalukuyan lang namang humaharang sa dinaraanan niya ngayon. Ang isang mortal na katulad nito ay walang takot na sinalubong ang kanyang mga mata. Malumanay ang boses nito ng magsalita ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang bahid ng pagbabanta sa boses nito.

"Paumanhin, pero hindi kayo makakaalis ng lugar na ito hangga't hindi mo siya sa akin binibigay Master Cain"

"Sino ka para utusan ako?!"

Napahigpit ang hawak ni Cain sa dalaga. Hindi na niya napigilan ang paglabas ng mga pangil niya sa galit na naramdaman.

Ngunit hindi natinag ang matanda bagkus bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito na animo'y pinagtatawanan siya nito.

"Hindi pa ba sapat na lumabag ka sa kasunduan ng taon ng iyong paglaya pero nais mo pa ring gumawa pa ng isang bagay na lalo lamang makakapagpalala ng sitwasyon mo?"

Hindi siya nakapagsalita. Sino ba ang matandang ito para kwestiyunin siya? Wala ito sa posisyon para gawin iyon. Siya si Cain Dior Calvados. Ang nag-iisang pinuno ng angkan ng Calvados. Isa sa pinakamakapangyarihan at pinakamatandang bampira sa buong saling-lahi. Bago pa man niya masabi iyon sa matanda ay naunahan na siya nitong magsalita na animo'y nabasa nito kung anuman ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon.

"Alam ko kung sino ka Master Cain ngunit walang importansiya sa akin ang iyong titulo o ang posisyon mo sa iyong lahi. Nandito ako upang gampanan ang aking tungkulin at ang tungkuling iyon ay siguraduhin ligtas ang babaeng balak mong dakpin. Responsibilidad ko si Caitlin"

Caitlin? Ang lakas ng loob nito para tawagin sa unang pangalan nito ang dalaga. Hindi niya gusto ang hatid nito sa kanyang pandinig. Hindi niya gusto ang pakiramdam na animo'y malapit ang mga ito sa isa't-isa. Sa kanya lamang si Caitlin at wala ng ibang magmamay-ari sa kanya.

Bahagya itong tumawa.

Matalim niya itong tinitigan. Mauubos ang pasensiya niya sa matandang iyon.

"Hindi lang ikaw ang kauna-unahang halimaw na nagsabi sa akin niyan at hindi rin ito ang unang pagkakataon na may pagbibigyan ako sa kasakiman niyo"

Sa narinig ay kinumpirma lang lalo nito ang kanyang hinala. "Kung ganun, talagang may naging komunikasyon sa pagitan nila ni Vladimir! Nilabag niya ang kasunduan!"

"Wala akong pakialam sa kung anumang kasunduan ang namagitan sa inyong magkakapatid ngunit kung isasama mo siya ngayon ng sapilitan hindi ba't mas malaking paglabag iyon sa kasunduan ninyo? Maaaring magsimula na naman ito ng walang katuturang panibagong digmaan. Kaya kong maaari lang wag mo ng pairalin ang iyong kasakiman at ibigay mo na siya sa akin ngayon din"

Dahang-dahang naglakad ito patungo sa direksyon nila ni Caitlin habang hindi inaalis ang tingin sa kanya na animo'y sinusukat siya. Naglagay lamang ito ng katamtamang distansiya sa pagitan nilang dalawa bago tumigil sa harap niya. Bahagya nitong pinasadahan ng tingin si Caitlin—na animo'y naghahanap ng sugat at gasgas sa katawan. Hindi nga siya nagkamali. Nagtagis ang bagang nito ng makita nito ang mga sugat nito sa kamay ngunit biglang nagbago ang temperatura ng paligid ng magdako ang tingin nito sa marka ni Caitlin sa may leeg nito. Mayamaya muling bumalik ang tingin sa kanya.

"Master Cain—hindi lang ikaw ang nag-iisang nilalang na naghangad na mapasayo siya. Sampung saling-lahi ng mga halimaw ang naghahangad na maangkin si Caitlin para sa kapakanan ng kanilang angkan"

Sino ba talaga ito? Gaano pa karami ang nalalaman nito tungkol sa dalaga?

"Alam ko pero hindi mo maipagkakaila na sa daang-daang taong lumipas paulit-ulit siyang bumabalik sa aming lahi. Maraming beses na niya kaming pinili" maingat niyang saad, hinihintay ni Cain ang magiging reaksyon nito at sa kung anuman ang isasagot nito sa kanya.

Nag-isang linya ang labi ng matandang lalaking kahata niya ngunit bukod doon wala na siyang ibang nakuhang reaksyon mula dito.

Normal ang tibok ng puso nito, pati na rin ang bilang ng hinga nito sa bawat minuto.

Wala siyang mabakas na kahit anong reaksyon.

"May punto ka diyan ngunit nakalimutan mo na ba ang nangyari sa hiyas isang-daang taon na ang nakakalipas?" makahulugang tanong nito.

Blood roared in his veins.

His eyes glow blood red.

His fangs slid down and gleamed pristine white against the dark.

He's more than ready to end him at this moment; break his legs and arms like frail little twigs; rip out his eyeballs from its socket.

He had enough!

"Hiyas? Wag mong sabihing ang babaeng yan—"

Halos nakalimutan na ni Cain na kasalukuyan niyang kasama si Minerva.

"Punong babaylan" maikling pagkilala ng matanda kay Minerva.

"Sino ka?" maawtoridad na tanong nito sa kanilang bisita. "Sagutin mo ako!"

"Walang dahilan para sa pagtatalo punong babaylan. Wala akong intensyong masama sayo o sa iyong Master. At Master Cain wag kang mag-alala. Ako ang tagapag-bantay ng hi—hindi na nito natapos ang iba pa nitong sasabihin dahil natagpuan na lamang ni Cain ang sariling marahas na binalya ito sa matigas na pader at hawak-hawak ang leeg nito habang paulit-ulit niyang dinidiinan iyon. Isang matimtim na pagtitimpi sa sarili ang ginawa niya upang mapigilan ang sariling durugin ang leeg nito.

"Basil" mahina ngunit punong puno ng pagkapuot na turan ni Cain.

Hindi maintindihan ni Cain kung bakit hindi niya agad ito nakilala.

Tumanda lamang ito sa paningin niya—ngunit ang mukha nito—ang pamilyar nitong ngiti na animo'y palihim siyang iniinsulto, ang matalas nitong pananalita at higit sa lahat—his eyes that knows everything.

"Ta—ma. Mast—er Cai-n" hirap sa paghingang kompirma nito. Imbes na matakot ay patuloy lamang ito sa pagtingin sa kanya na animo'y may nakakatuwa. Diniinan niya ang hawak sa leeg nito. Nagsimula itong magpumiglas. Napangiti siya. Sa wakas—nakuha niya ang reaksyon na kanina niya pa gustong makuha mula dito

"Ang tagal din nating hindi nagkita Basil. Hindi ko akalaing mayroon ka pang natitirang lakas ng loob para humarap sa akin. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo noon?"

Basil chokes a laugh.

"Cain ang mabuti pa bitiwan mo na siya ngayon din. Hindi mo gugustuhing kalabanin ang konseho. Lalo na ang tagapag-bantay ng hiyas na mismong hinirang nila"

Wala ng nagawa si Cain kundi bitiwan ito ngunit bago iyon ay walang pakundangan na marahas na muli niya itong binalya sa matigas na pader.

"Cain—kinakailangan mo talagang gawan ng paraan yang init ng ulo mo. Tignan mo ang ginawa mo sa kanya? Mapapatay mo siya niyan" pangaral ni Minerva sa kanya.

"Tumahimik ka Minerva! Hindi ko kailangang marinig ang opinyon mo!"

"Tam—a siy—a Punong Babaylan at buk—od doon wala—ng say—say ang iba mo pang sasabihin sa kan—ya. Alam mo namang sa kanilang magkakapatid, siya ang pinakamatigas ang ulo"

"Taga-bantay. Isang paalala. Tama ka na siya ang may pinakamatigas ang ulo sa kanilang magkakapatid kaya ang mabuti pa pipiliin ko na lang ang tumahimik dahil hindi na siya muling makikinig sa akin kahit pigilan ko pa siyang wag pagulungin ang ulo mo sa semento" amuse na saad ni Minerva dito

"May punto ka diyan Punong Babaylan kung ganun tapusin na natin ang pag-uusap na ito. Palapit na ng palapit ang mga kalabang tumutugis sayo Master Cain. At alam kong hindi mo gugustuhing masali si Caitlin sa gulong kakaharapin mo"

Agad na lumipad ang tingin ni Cain sa nakahandusay na dalaga. Sa sobrang galit na naramdaman niya hindi na niya napiglan ang sarili at nabitawan niya si Caitlin. Agad na lumapit siya dito at dahan-dahang binuhat ito.

"Cain, makinig ka na lang sa kanya. Wala na tayong oras" marahas na saad ni Minerva dito. Nararamdaman na niya na papalapit ng papalapit na sa kanila ang mga kalaban.

Walang nagawa si Cain kundi mabilis ilagay sa naghihintay na bisig ni Basil ang wala pa ring malay na si Caitlin ngunit bago pa man niya ito tuluyang iwan dito puno ng pagbabanta ang mga matang tinitigan niya ang matanda.

"Hindi pa tayo tapos Basil. Tandaan mo yan"

"Alam ko Master Cain. Alam ko"

Bago pa man tuluyang makalayo sina Cain ay muling nagsalita ang taga-bantay.

Kalmadong nakatitig ito sa kanya.

Muntikan na niyang dukutin ang mga nito.

"Isang paalala Master Cain. Pinili niya ang mamatay noon upang matapos na ang digmaan. Siya mismo ang humiling sa akin ng kanyang kamatayan"

Nagtagis ang bagang ni Cain sa narinig. Alam niya iyon. Alam nilang lahat iyon! Na pinili nitong wakasan ang buhay kaysa ang manatili sa kanilang tabi. Ang akala nilang lahat tuluyan ng naglaho na parang bula ang hiyas ngunit ng malaman nila ang posibilidad na maaari itong mabuhay muli...nagsimula ulit silang maghintay....kahit alam nilang lahat na ang babalik ay hindi na katulad ng dati. Ibang katawan. Ibang mukha. Walang ni katiting na matitirang alaala. At higit sa lahat isang mortal na hiyas. Ngunit wala siyang pakialam doon—ang tanging nasa isip lang ni Cain ay sa muling pagbabalik ng hiyas gagawin niya ang lahat upang masigurong makakasama niya ito ng panghabang-buhay kahit pa ibig sabihin niyon ay lumabag siya sa batas.

Babalik ako Caitlin. Hintayin mo ako.