"Stop staring! I'm trying to think here" bulalas na reklamo ni Carina habang nakapangalumbaba ito sa harap niya.
"Ibig mong sabihin, you're thinking of an excuse to get rid of me" diretsang sagot naman ni Caitlin. Nang sinabi niya kanina kay Carina na gusto niyang pumunta sa Devil's Paradise, hindi na nito kayang salubungin ang mga tingin niya. Katulad na lang ngayon. Kahit nakaupo siya sa harapan nito, sa ibang direksyon pa din ito nakatingin at hanggang ngayon hindi nito sinasagot ang tanong niya kung paano makakapunta sa lugar na tinutukoy nito.
"Hindi talaga kita matutulungan. I'm not in the position to help you" exasperated na saad nito sa kanya.
"Then just tell me how to go there. I'll take care of the rest"
"Hindi mo naiintindihan—"
"Then explain it to me. That way I can understand" kalmadong saad ni Caitlin habang hindi inaalis ang tingin kay Carina. Napipilitang tumingin naman ito sa direksyon niya habang nababalutan iyon ng matinding pag-alala. The playfulness he has earlier had gone in an instant.
Caitlin thought that she doesn't want to know. Kaya nga kahit paulit-ulit siyang inuudyok ni Romulus na tanungin dito ang mga tanong na unti-unting naiipon sa isip niya, pinigilan pa din niya ang kanyang sarili. Nanindigan siya na hindi na niya kailangang malaman ngunit ang katotohanan sa kabila niyon ay natatakot siya sa kung anuman ang maririnig mula dito. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang malaman ang totoo. That's how Caitlin realized how much of a coward she is. Hindi niya aakalain na mas gugustuhin pa niyang magpanggap. Caitlin thought she knows herself more than anyone else but she was dead wrong. She's foolish and naïve. Nanginginig na ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. She's trying her best to calm down but she's almost at her breaking point. She just hoped it doesn't show on her face.
Then and there, Caitlin decided that whatever the hell happens, she needed to know the truth. Lalo na kung ang katotohanan na iyon ang makakatulong sa kanya para mahanap ang mga kaibigan niya. "You asked me earlier, if I believe in vampires. Siguro kung tatanungin mo ako months ago, I would have laughed at you but now is—different. I will tell you what really happened. Will you listen to me?"
Caitlin didn't wait for Carina's answer. Sinimulan niyang ikwento ang mga nangyari sa kanilang magkakaibigan. Kung paano ang akala niyang isang normal na pagtitipon lamang ay naging isang malagim na alaala. Kabilang na sa isinalaysay niya na kasama sila ni Luce sa mga kababaihan na naging sakrispisyo sa isang ritual kung saan natagpuan niya ang sariling nakakadena ang bawat kamay at paa habang patuloy na umaagos ang kanyang dugo palabas ng kanyang katawan. How someone saved her before being drained to death as well as the part when some fake memories keep on popping on her mind like someone intentionally altered her memories. Caitlin also told about the part when she talks to Luce over the phone who's acting differently pati na din ang nangyaring sa Mama nito. As well as, Luce's absence during the whole ordeal. Caitlin doesn't know why but she unconsciously left out the part with Romulus and about the weird old man who claims to know her despite it being their first meeting.
Nang matapos maikwento lahat ni Caitlin ang mga nangyari kay Carina, kahit paano ay nakaramdam siya ng panandaliang paggaan ng kanyang kalooban. Lumipas ang ilang minuto, ang tanging naririnig lamang ni Caitlin ay ang kabog ng dibdib niya pati na din ang marahas na paghinga ni Carina. It almost felt like forever, when Carina finally had the guts to look her in the eye.
"Hindi ko sasabihin sa iyo na wala akong kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari ngayon but I can tell you what I only know. The ritual that you're talking about it must be for the resurrection of Cain Dior Calvados. He's supposed to be confined for a thousand years and so but he broke the covenant that made things even more complicated. It's all everyone was talking about. At bilang parte ng ritual ay ang pag-inom ng dugo ng mga birhen na babae. A virgin's blood is a sweet intoxicating taste for vampires but it's not only because of that. Nagbibigay ito sa kanila ng kakaibang lakas kumpara sa ibang normal na dugo"
Mariing naikuyom ni Caitlin ang kanyang mga kamay dahil sa narinig. Sinubukan niyang lunukin ang kung anumang bumara sa lalamunan niya para lang malaman ang sagot sa susunod niyang katanungan. "What about Lors? Do you know how she is connected with them?"
Napahugot ng isang malalim na buntong hininga si Carina. "I guess she didn't tell you. Lorelei's father came from a family of witches. Though it's almost normally impossible for a male to inherit psychic powers it is always been passed down to the next generation, as long as the child is a female. Bukod doon, ilang daang-taon ng naninilbihan ang pamilya Delos sa angkan ng mga Calvados. I just didn't think that she will actually use her friends as a sacrifice. That family really have a crazy way of doing things"
Caitlin feels like someone just ripped her heart out. Nanginginig ang mga labi na kinagat niya iyon para lang pigilan ang sarili na huwag umiyak sa harap nito. It's not the damn time for a pity party.
"Alam ba ni Luce ang totoo?" Umiling si Carina. "I don't think so. Kung alam ni Luce ang totoo she would have bombarded me with a lot of questions especially because I'm an acquaintance of Lors but she didn't. Tuwing bumibisita siya dito, our conversations usually just involve talking about our same hobbies"
"And about your memories, I don't know who did it but it's possible for vampires or witches to alter or erase someone's memories. Maaaring ginawa iyon to keep you safe or just to shut you up because you somehow managed to survive" pagpapatuloy ni Carina.
"And what about you? Do you also work for them?" hindi na napigilang itanong ni Caitlin dito. This time, it was Carina's turn to show a pained expression on his face.
"Just as I said earlier, psychic powers are almost always passed down to female heirs, that's why I'm cast out of the picture" animo'y napapagod na saad nito. Matamlay na napasandal si Carina sa kinauupuan nito at tumingala sa kawalan. "My older sister is the one who's always handling the family affairs. At tungkol sa tanong mo kanina, though were not working for the same clan, our family has also been serving a very old powerful clan of vampires"
"Kung ganoon, alam mo kung saan dapat pumunta" It wasn't a question anymore.
"Gaano ka ba kasigurado na makikita mo si Luce doon?" namamanghang bulalas na lamang ni Carina sa dalaga. Hindi na niya alam kung paano pa makakaiwas sa pabor na hinihingi nito lalo na dahil sa matitinding tingin na ipinupuko nito sa kanya, as if trying to bare his soul. Carina cannot even fathom how easily she managed to convince him to tell the truth. Caitlin just listened to him calmly no matter how outrageous it would seem to a normal person. And her strong unwavering gaze, zeroing towards him made it even more difficult for him to lie to her face.
"Hindi ako sigurado pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nasisigurado na ligtas sa Luce. Ang marka na nakita ko sa panyo mo kanina, iyon lang ang tanging pinanghahawakan kung clue na maaaring makatulong para makita ko ang kaibigan ko. No matter how outrageous or dangerous the situation will be, I won't stop until I find her"
Carina let out a hollowed laugh at kasabay niyon ay namayani sa mukha nito ang pinaghalong pag-aalala at takot. "Yes, yes! It will be dangerous and damn right outrageous! Alam mo ba kung bakit? Because as we speak, they are currently preparing for week long banquet para kay Cain sa Devil's Paradise. At natural lamang na darating sa pagtitipon na iyon ang ilang makakapangyarihang angkan ng mga bampira. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? The moment you step foot inside that place, you will be feast upon by a horde of ravenous monsters with voracious appetites. Gusto mo bang mamatay?"
Caitlin tried to even her breathing to mask her nervousness and put on a brave face. Hinihiling na lamang ni Caitlin ng mga sandaling iyon na hindi nito nahahalata ang takot na paunti-unti ay kinakain siya. "I don't care. I will do what I need to do. So, tutulungan mo ba ako o hindi?" matatag na saad ng dalaga Impit na napatili si Carina dahil sa tinuran nito. What the freaking hell! It's not like he can leave her alone anyway. "I have a plan. If we're careful, malaki ang posibilidad na magtagumpay tayo. I just hope nothing bad will happen" sumusuko ng bulalas ni Carina.
Caitlin smiled gratefully. Tatanawin niyang isang malaking utang na loob ang gagawing pabor na iyon sa kanya ni Carina. She just hopes that they will get out alive so she can pay him back tenfolds.
NAG-AALANGANG pinagmasdan ni Caitlin ang sarili sa harap ng full-length mirror. She is currently wearing an old-fashioned dark navy blue maid's dress while her hair is tied up neatly in a bun. She's also wearing big and thick dark-rimmed eyeglasses as a sort of her disguise.
"Sigurado ka bang hindi tayo nito mahuhuli?" nakakunot na ang noong tanong niya kay Carina na busy sa pag-aayos ng bow tie nito. He looks so natural in the dark suit that he is totally owning this pretend play that they're about to do. Naka-gel na ang kaninang wavy na buhok nito, exposing his face and its sharp defined features. Binagayan din iyon ng suot nito dark-rimmed eyeglasses na lalong nakadagdag sa cool at seryosong aura na inilalabas nito. Well, that is until a goofy smile breaks out from his face. Caitlin cringed. "Get rid of that creepy smile and you totally look like a straight-laced butler" pabirong saad ni Caitlin dito.
"Salamat sa payo, but I think I'll keep this creepy smile because this will earn me a lot of admirers. And I think, you should try stretching your mouth. Mas mahuhuli tayo niyan kung lagi kang mukhang papatay dahil sa hilatsa ng mukha mo. Act as natural as you can"
Napabuntong hininga si Caitlin. "Siguarado ka bang wala ng ibang paraan kundi ito?"
Carina rolled his eyes as if telling her to knock it off, dahil pang ilang beses na niya iyong tinatanong dito. Sa gabing iyon, magpapanggap sila ni Carina as a maid and a butler. Kabilang sila sa ilang helpers na kinuha para mag-asikaso sa magaganap na pagtitipon ng gabing iyon. Nang itinanong niya kay Carina kung paano nito nagawa iyon, isang matipid lamang na ngiti ang iginawad nito sa kanya. He stated that he doesn't want to go into details para protektahan kung sinuman ang tumulong sa kanila para makapsaok sa lugar na iyon. Kasalakuyan silang naghahanda sa may bakanteng kwarto na ibinigay sa kanila ng Head Butler na si Juno.
Pagtuntong pa lamang ni Caitlin sa Devil's Paradise, nakaramdam siya ng kakaibang kilabot na nakapag-pataas ng balahibo niyo mula sa pinakasulok-sulukan ng bawat parte ng kanyang katawan niya. It wasn't even night time when they arrive earlier and she's already silently freaking out. Pagkalabas niya ng kotse ay isang lumang kastilyo ang sumalubong sa kanyang paningin na napapalibutan ng matatayog na mga puno. Kung titignang mabuti ang arkitektura ng kastilyo ay animo'y hango pa ito sa ancient architectural design mula sa Europa, with its dead give away of gargoyles standing guard at the entrance of the enormous gate pati na din sa magkabilang gilid ng malahiganteng metal na double doors. Pagpasok naman niya sa loob ay isang malawak at matayog na bulwagan ang sumalubong sa kanila na pinapalamutian ng stained glass windows ang bawat dingding. Lalong nakapagdagdag sa ganda nito ang pagsambulat ng iba't-ibang klaseng kulay sa tuwing tinatamaan ito ng sikat ng ilaw. Kapag tumingin naman sa taas ang mga bisita ay mamamangha ang mga ito sa dome-like ceiling ng kastilyo na nauukitan ng larawan ng mga anghel at iba't-ibang klaseng halimaw. The drawing is so beautifully painted that it felt somehow alived.
Ang Head Butler na si Juno ang umalalay sa kanila ni Carina at dinala sila sa servant's quarter para magpalit ng uniporme. Mamaya-maya lamang ay siguradong pabalik na iyon para turuan sila sa mga dapat nilang gawin. Ayon dito, magsisimula ang pagdiriwang mamayang alas-diyes ng gabi. It's only 5 o'clock in the afternoon. They still have a few remaining hours before the party starts. Sana lang sa loob ng ilang oras na iyon ay matagpuan na niya ang kaibigan.
Napahugot na lang ng isang malalim na buntong hininga si Caitlin. Ang tanging nagpapakalma lang sa kanya ng mga oras na iyon ay amg isipin na magiging ligtas sila hangga't suot suot niya ang uniporme na iyon na may nakaburdang pulang rosas sa kaliwang parte ng dibdib niya na magsisilbi nilang pagkakakilanlan sa mga bisita. Ayon kay Carina, hindi na bago ang pagha-hire sa mga katulad nilang isang normal na tao lamang para mag-asikaso sa mga pagtitipon na isinasagawa ng mga angkan. No vampires would want to do a menial task that was what Carina nonchalantly stated earlier. Hindi na nagulat si Caitlin sa narinig. Bigla niyang naalala si Devon. With his high and mighty act, na aakalain mong siya lang ang may karapatang mabuhay sa mundo at sa paraan ng pagtingin nito sa kanya na parang isang insekto na kailangang i-eliminate.
And in just a few hours, vampires just like Devon will fill up this whole place. Kung saan magtitipon-tipon ang may pinakamatataas ang posisyon sa mundo ng mga bampira. To top it all of, ang espesyal na gabing iyon ay dedicated para sa muling pagbabalik ng Cain Dior Calvados, mula sa isa sa mga pinakamatandang angkan ng mga bampira. May posibilidad din na sa gabing iyon ay dadalo din sa pagdiriwang na iyon si Lors kasama ang pamilya nito. Pakiramdam ni Caitlin, sasabog ang ulo niya dahil sa napakadaming impormasyon na kailangan niyang intindihin at paniwalan. Her mundane life was definitely turned upside down. She needs to prepare herself. Napahugot siya ng isang malalim na buntong hininga.
Monsters that hid beneath their beautiful and unearthly human exteriors, truly, a dangerous paradise, Caitlin thought silently. Romulus' face flashes in her mind at patuloy na umaalingawngaw sa utak niya ang mga bilin nito sa kanya. It's her birthday today, and she's not supposed to go out as Romulus instructed pero hindi niya pwedeng palagpasin ang pagkakataon na iyon. Nagpaalam na din siya sa kanyang ina na may kailangan siyang asikasuhin. Pumayag naman ito dahil balak nitong magbantay sa ospital samantalang hanggang ngayon ay abala pa rin ang kanyang ama sa trabaho nito. They can celebrate her birthday in another day anyway; it would be even better kung kumpleto silang magdidiwang.
"Are you ready?" mayamaya ay seryosong tanong ni Carina sa kanya habang matiim siya nitong pinagmamasdan. Tumango si Caitlin. "As ready as I can be" determinadong sagot naman ni Caitlin. Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang mga palad, purposely instilling some pain to keep her sane. This isn't the time to chicken out.
"Just stick to our plan. If you think that someone has blown your cover, don't even think twice. Just run for it. Mas mabuti nang masigurado nating makakalabas tayo ng buhay kaysa tuluyang mawala ang chance natin na mahanap ang mga kaibigan mo"
"I know. Mag-iingat ako"
"And please keep the charm I gave you at all times. Though it will not completely erase your presence, it will make you somewhat unnoticeable to others. It will be a lot safer not to stand out"
Mahigpit na napakapit si Caitlin sa kwintas na ibinigay sa kanya ni Carina. The necklace he gave her is obsidian stone enclosed in an intricate metal carving. Pansamantala niyang hinubad ang kwintas na ibinigay ng ama para suotin iyon. Mayamaya lamang ay naramdaman ni Caitlin mahinang pagtapik ni Carina sa balikat niya, as if trying to reassure her, though he looks awkward doing it. Tumikhim ito.
"Don't worry about me" agap na saad ni Caitlin dito. "I decided to do this on my own. Ako dapat ang mag-alala para sa kalagayan mo dahil ako ang nagdala sayo ngayon sa panganib. Just make to sure to keep yourself safe and I will do my best not to get you in trouble"
Carina smiled wryly. "We're in this together. I will not let anything happen to you" lumapit sa kanya si Carina at marahang ipinatong sa kanyang kamay ang isang itim na pouch na pinaglalagyan ng ilang pirasong syringes. Napalunok si Caitlin at matiim na sinalubong ang seryosong tingin ni Carina.
"This is just me being paranoid but you have to keep it with you at all times. Katulad ng bilin ko sa kwintas na ibinigay ko sa iyo kanina. The syringe has a drug that could even make a vampire paralyze for at least a day. Don't even think about not using it, kahit pa umabot sa punto na kailangan mong gamitin iyon para kay Luce" Carina stated gravely.
Caitlin nodded shakily. She intentionally didn't voice out what's on her mind during their last conversation despite it being there's a high probability that something bad might have already happened to Luce this whole time. Caitlin thought that by saying it herself makes the whole situation even more difficult for her to accept. Though it looks like, Carina has every intention of shaking some sense into her.
Mayamaya lamang ay nakarinig si Caitlin ng marahang pagkatok at sumunod ay ang pagbukas ng pinto. Sumalubong sa kanyang paningin Si Head Butler Juno na blangko ang expresyon ng mukha habang pinasadahan sila ng tingin ni Carina mula ulo hanggang paa. Matamis na ngumiti si Caitlin sa direksyon ni Juno pagkatapos ay masigla itong binati. It's time, Caitlin whispered silently inside her head. She will definitely survive and bring Luce back. No matter what it takes.