SA unang pagkakataon, kinilabutan si Val. Napilitan siyang luminga dito kahit na laban sa kalooban niya.
The man was very tall. And very wide.
O ganoon lang ang naging impresyon niya dahil sa malalapad at matitipunong balikat?
Hindi siya sigurado.
Basta't ang tiyak niya, para siyang nabihag ng kung anong kapangyarihan habang magkadugtong ang kanilang mga mata.
Tila wala ring magawa ang lalaki kundi ang mapatitig sa kanya nang humarap na siya rito.
Ngunit ito pa rin ang unang nakabawi ng wisyo.
"Sorry," bawi nito habang ngumingiti nang matipid.
"Ang akala ko kasi'y--Well, gusto ko sanang manghiram ng liyabe-katala," dugtong pa habang pinupunasan ng mga daliri ang basang mukha.
She watched him comb his short, wavy hair with long, tapered fingers.
Bagay na ikinayamot niya.
"Meron siguro, pero papaalis na ako, mister," she said in her deepest tone.
"I do need your help, miss," patuloy ng lalaki. Mapagkumbaba ang tono.
"Matatagalan bago ako makakakita ng ibang motorista. Sana naman ay matulungan mo ako, please?"
Hindi niya maiwaksi ang itinurong road manners ni Daddy Baldo kaya tumango siya kahit na laban sa kalooban.
She should ran away from this man, as far as she could and as soon as possible!
Ngunit may kung anong pumipigil sa kanya…
HINDI akalain ni Devlin na ngayong araw na ito niya makakaharap ang babaeng halos isang buwan na niyang hinahanap.
And it felt--exhilarating.
Galing siya sa bahay ni Mrs. Esguerra. Katatapos lang niyang maghatid ng weekly report.
Kinontrol niya ang sarili. Binura niya ang lahat ng ekspresyon.
The young woman appeared elusive and slippery.
Para bang sanay na sanay lumusot sa kahit na anong klaseng gulo ang babaeng nasa harapan niya.
At kung hindi siguro sa mukhang babaeng-babae talaga, mag-aalangan pa si Devlin na isiping babae nga ang isang ito.
"Doon ako pumarada sa gawing harapan mo," aniya, "bago kita nilapitan."
Bahagyang naningkit ang mga mata ng babae.
"Ang ibig mong sabihin, kanina mo pa ako nakikita?" pananalakab nito.
Tumango si Devlin.
"Kanina pa ako nagbabantay ng daraan diyan sa kabila. Hindi mo ba ako napansin?" Nagpatay-malisya na lang siya.
Ang tutoo, talagang humihinto siya sa di-kalayuan ng punongkahoy na ito upang magmanman.
Dito raw iniwan ni Mrs. Esguerra ang sanggol noon.
Kaya maaaring bumalik ang nakakuha ng bata sa lugar na ito.
Araw-araw, may tao siyang nakabantay dito. Ngayon nga ay siya ang napatoka dahil schedule ng pagpunta niya sa bahay ni Mrs. Esguerra.
Hindi nga nagkabula ang kutob niya. Heto na ang babaeng hinahanap nilang lahat sa Santana Detective Agency!
He studied her profile with clinical eyes.
His computer had gotten the perfect likeness.
The thick-lashed and long, slanting eyes. The wide, sensuous lips. The dark, curling hair...
Kahit na maikli ang itimang buhok na pinangarap niyang maging mahaba, his fingers still itched to run themselves through the shiny black strands.
Hindi siya makapaniwalang saktung-sakto ang naimbentong larawan sa personal na hitsura ni Lana Esguerra!
Ngunit aaminin niyang hindi nakuha ng makabagong makina ang animal appeal ng babaeng ito.
Her wet clothes had faithfully plastered themselves to every crevices of her ripe body.
Making him feel weak with instant arousal.
"Hindi ka ba giniginaw?" He promptly regretted his question when she became selfconscious of her body.
Maliksing naisuot nito ang bitbit na jacket.
But he was still thankful.
The sight of her young curves was very distracting.
Umakyat sa gilid ng trak ang babae. Mabilis ang bawa't kilos nito. Tila sanay na sanay sa mabigat na trabaho.
Ano kaya ang sasabihin ni Mrs. Esguerra kapag nakita nito ang anak bilang isang trabahador? tanong ni Devlin sa sarili.
"Kanina pa ako tumatawag sa kasama mo," patuloy niya sa pinalakas na boses, "pero nakatulog yata siya."
Nilinga siya ng babae mula sa kinaroroonan nitong mataas na lebel.
"Wala akong kasama, mister," pahayag nito kapagkuwan.
Talagang nabigla si Devlin.
"Ano'ng ibig mong sabihin--ikaw ang nagmamaneho ng higanteng trak na ito?"
Sa unang pagkakataon, may sumilay na ngiti sa mga labing mapanghalina.
Daig pa niya ang naengkanto.
"Hindi higante ang trak na ito, mister." Hindi na maikakaila ang panunudyo sa tono ng mababang tinig.
Again, he had to suppress himself from pulling her against him--and devour her with his mouth...
"Well," bawi niya.
"I'm sorry for being so ignorant. Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang babaeng nagda-drive ng trak."
The slight amusement on her face was erased at once. Tila hindi nito nagustuhan ang huling sinabi niya.
Devlin's usual cockiness deserted him in those moments. Ni wala siyang maisip sabihin para maibalik lang ang ngiti ng babae.
"Hindi lahat ng mga babae ay mahihina at pantahanan lang, mister." Nasa malumanay na tono ang pagkayamot na itinatago.
"Ganyan din ang paniniwala ko," salo niya.
But he only received a scornful glance from her.
He controlled himself with some effort.
"Siyanga pala, ako si Devlin Santana," pagpapakilala niya sa sarili nang lumipas na ang ilang sandali.
"Ikaw?"
"Ako si Val," tugon ng babae. "Val Guerra."
"Val," ulit niya habang muling sinisipat ang kabuuan ng babae.
Nagsimulang sumibol ang binhi ng pagdududa.
Naka-damit na panlalaki. Parang lalaki kung kumilos at manalita...
Hindi kaya lesbian si Lana Esguerra? tanong niya sa sarili.
Abala ang babae sa paghahanap ng tool na hinihiram niya. Wala itong kamalay-malay sa mga ideyang tumatakbo sa loob ng utak niya.
"Puwede na kaya ito?" tanong nito habang iniaangat sa ere ang isang liyabe na medyo kalawangin na.
"Susubukan ko," pagsisinungaling niya.
Nang kunin niya ang iniaabot ng babae, sinadya niyang mahawakan ang mga daliri nito.
And he felt utterly challenged when she didn't even flinch, as he expected.
O sanay lang siya sa mga babaeng marunong maglaro ng sexual games?
Whatever the reason was--Devlin was very annoyed.
Hindi niya gusto ang kawalan niya ng epekto sa babaeng ito.
His attraction for her was very obvious. Imposibleng hindi nito mapansin.
Lumapit siya sa kanyang sasakyan upang kunwa'y subukan kung tama na ang sukat ng katala.
"Ano ba ang sira niyan?" Kasunod na pala niya ang babae.
"Maluwag lang pala ang ilang turnilyo," wika niya habang nagpupunas ng mga kamay sa isang basahan. "Salamat sa katala."
"Walang anuman." Hawak na nito ang tool, nang sadyain niyang huwag bitiwan iyon at hilahin pa nang pabigla.
Nawalan ng panimbang ang babae. Napasubsob ito sa kanya.
"Ano ba?" asik agad nito, sabay igkas ng isang kamao.
It was like being kicked by a horse!
Malakas ang suntok na tumama sa tagiliran niya ngunit hindi niya ininda.
"Hindi ka ba naturuan ng nagpalaki sa 'yo na huwag kang aatake kung mas malaki ang kalaban?" pambubuska pa niya rito habang ikinakawit ang isang braso sa balingkinitang beywang.
Magkadait na ang kanilang mga harapan nang muling umulan.
Para bang iginagawa sila ng sariling daigdig...
He shook away the wishful thoughts.
Nandito sa kanyang harapan ang isang nilalang na tila kakaiba sa lahat ng mga nakasalamuha na niya.
"Ano ang buong pangalan mo, Val?" tanong niya, paanas.
"Bitiwan mo ako," utos nito. Kontrolado ang matigas na tono.
"Wala akong panahong makipaglokohan sa 'yo!"
Parang sinampal ang pakiramdam ng binata.
Alam niyang mali ang ginagawa niya ngunit hindi niya nais makarinig ng maaanghang na mga salita mula sa babaeng ito.
"Don't you want to know the taste of a true man?" he asked her intimately.
Umigkas ang isang tuhod ng babae.
But he was ready to shun the fatal blow. It was the most predictable move from female attackers.
Nagsimulang bumilis ang pagdaloy ng dugo ni Devlin. Ganito katindi ang epekto ng babaeng ito sa kanya.
"Aminin mo na lang na mas malakas ako sa 'yo, Lana," wika niya, pabulong.
He caught her wriggling arms and pulled them backwards with calculated force.
"B-bakit alam mo ang tunay na pangalan ko?" tanong nito, pabulalas.
"Binabantayan mo talaga ako dito ngayon, ano?"
There was no point in denying--kaya tumango si Devlin. Mataman niyang pinanood ang magiging reaksiyon ng bihag.
Their faces were only inches apart from each other.
Kitang-kita niya sa malapitan ang makinis na balat na bahagya nang namumula dahil sa galit.
"Ano'ng kailangan mo? Ang laman ng container van na dala ko?" patuloy ng babae.
"Hah! Wala namang laman 'yan! Pulos hangin lang."
"Ikaw ang kailangan ko, Lana," pakli niya.