webnovel

AYUDA

Bakit nga ba ayuda ang aking itinitle?

Di ba lahat bawat pamilya naman siguro ay nakakatanggap ng Ayuda.

Ayudang pantawid pamilya.

Ngunit alam nyo bang may isang ayuda na dapat mayroon tayo!

Anong klaseng ayuda?

Di po pera, di po inumin man o makakain.

Ito po ay ang Buhay na walang hanggan na atin lamang matatamo pag tinanggap natin si Jesu-Cristo bilang Diyos at Tagapagligtas natin~in personal. Kasi di mo maaaring sabihin sa kaibigan, kakilala, kamaganak o kapamilya maging sa kapatid mo na ikuha mo ko ng Buhay na walang hanggan sapagkat ito'y isang uri ng desisyong pansarili. Kung saan ang isang individual lamang ang maaaring magdisisyon dito.

Alam ko alam naman ng lahat ang storya ni Jesus di ba?

Na napunta sya rito para iligtas tayo di ba?

Pwes sinasabi ko po, di lang ito kwento kundi totoo.

Dahil ayon sa Juan 3:16-18👇

[16]Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

[17]Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya.

[18]Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.

Ayon po sa verse diyan, kapag tinanggap po natin si Jesu-Cristo bilang Diyos at tagapagligtas ay magkakaroon na tayo ng Buhay na walang hanggang.

At kung tatanggapin po natin sya biglang Diyos at tagapagligtas ay magkakaroon po tayo ng buhay na walang hanggang, di na hahatulan, inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. (from Bible)

Tandaan rin po natin na puso ang tinitingnan ni God di ang nguso.

God bless everyone at ingat po tayo sa COVID 19.👌✌✊👊👍😉😇😘😁🙂