Ang proseso ng pagsusuri ay hindi madali – hindi dapat pabaya ang isang tao dito. Ang ginawa lang nito ay lumapit at hawakan ang savage beast. Nang hindi man lang sinusuri ang balahibo ng savage beast, ang pisikal na kalagayan nito, tibok ng puso, ang paghinga nito, bumalik siya... ano to?
Huwag mong sabihing tapos ka nang suriin ang kalagayan nito, at mayroon ka nang solusyon sa bagay na ito?
Naguluhan si Mo Tianxue at si Mo Yu. Hindi nila masabi kung ano ang binabalak ni Guild Leader Liu.
Pagbalik niya sa tabi nila, inakala nila na may sasabihin siya, pero sa pagkadismaya nila, tumayo lamang siya dito... at natulala.
Nang hindi man lang sinusuri ang kahit na ano, hinawakan niya ito at natulala. Maging si Grandmaster Lin Tao, na nakakita na nag napakaraming mga pagsusuri mula sa iba't ibang magagaling na mga physician noon, ay naguluhan.
"Ehem, ehem, Guild Leader Liu, ang Gold-tailed Lion... maliligtas pa ba ito?"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください