webnovel

Ako nga ang Basurang Iyon

編集者: LiberReverieGroup

"Ano?"

Natulala si Zheng Yang pagkatapos ay namula at nagdilim ang kanyang mukha.

"Nagkagusto ako sa isang babae dati. Pero. . . ipinahiya niya lang ako. Pero wala itong kinalaman sa iyo guro!"

Minsan na siyang nagkagusto sa isang babae at sinubukan niyang ipagtapat ang kanyang nararamdaman. Ngunit, ipinahiya siya ng babae at dinamdam niya ito. Isinikreto niya ang pangyayaring iyon at kahit na si Mo Xiao ay walang kaalam-alam tungkol dito. Paano iyon nalaman ng guro na ito?

"Totoo ba iyon? Zheng Yang, bakit hindi mo sinabi sakin na ipinahiya ka ng isang babae? Sino siya?" Nang marinig niyang umamin si Zheng Yang, nagulat si Mo Xiao at agad na nagtanong.

"Ikukuwento ko sayo lahat mamaya!" Umiling si Zheng Yang, at tumangging pag-usapan pa ang nangyari sa kanya sa silid na iyon. Tumingin siya sa kaharap niyang guro at sinabing, "Guro, ito ay isang pribadong bagay. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol dito, pero wala itong kinalaman sa pagtuturo mo sakin sa paggamit ng sibat!"

"Walang kinalaman?" Umiling si Zhang Xuan. "Malaki ang kinalaman nito sa pagtuturo ko sayo!"

"Malaki ang kinalaman nito?" Nag-aalinlangan si Zheng Yang sa mga sinasabi ni Zhang Xuan.

Anong kinalaman ng kanyang kasawian sa pagtuturo sa kanya ni Zhang Xuan?

"Ang iyong sibat ay napakalakas. Ito katulad ng iyong pagkatao. Kahit anong gawin mo, lagi kang sumusugod nang hindi iniintindi ang mga posibleng mangyari! Ito ay isang magandang bagay. Ganun dapat ang mga mandirigma, sumusugod nang hindi iniintindi ang mga bagay na hindi naman mahalaga!" Mahinahong tumingin si Zhang Xuan kay Zheng Yang. "Ngunit, sayang lamang na pagkatapos ng naranasan mong pagkabigo, nagsimula kang matakot at magduda sa sarili mo. Natatakot kang matanggihan at mapahiya! Mayroong pag-aalinlangan sa iyong paggamit ng sibat. Dahil sa iyong mga pag-aalinlangan, humihina at nababawasan ang iyong lakas!"

"Paano. . . Paano mo nalaman ang lahat ng iyon dahil lang sa paggamit ko ng sibat ko? Nalaman mong minsan na akong nabigo at nasaktan? Alam mo kung ano ang pagkatao ko?"

Nagulat si Zheng Yang.

Hindi nagkakamali si Zhang Xuan sa kanyang mga sinabi. Sa halip, pawang katotohanan ang lahat ng ito, wala man lang kahit anong mali sa kanyang mga sinabi.

Si Zheng Yang ay walang inuurungan, at dati-rati'y nagagawa niyang sumugod ng buong tapang ng walang bahid ng kahit anong takot. Ngunit, ng dahil sa kanyang naranasang kabiguan, nagsimula siyang mag-alinlangan at matakot sa lahat ng kanyang ginagawa.

Para sa kanya, upang malaman ni Zhang Xuan ang lahat ng ito sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanyang paggamit ng sibat, pati na ang kanyang kabiguan, anong klaseng mga mata ang taglay ni Zhang Xuan?

Kailan pa sumulpot ang isang kahanga-hanga at napakahusay na teacher na gaya niya sa akademyang ito?

Pakiramdam ni Zheng Yang ay mababaliw na siya.

Kanina lamang, nang bisitahin niya ang nangungunang guro sa pagtuturo ng paggamit ng sibat na si Wang Chao para maging estudyante nito, sinabi lamang sa kanya ni Wang Chao na kinakailangan pa niyang gamayin at mag-ensayong mabuti sa paggamit ng sibat. At kung tatanungin kung ano ang dahilan nito, hindi rin naman niya alam kung bakit. Ngunit, sa isang tingin lamang, nalaman agad ng taong kaharap niya ang tungkol sa naranasan niyang kabiguan at sinabing naging hadlang ang kanyang trauma sa pag-unlad ng kanyang mga kakayahan. Maaari kayang. . . higit na mas magaling ang teacher na ito kaysa kay Wang Chao?

"Normal lang yan!" ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang mga kamay, at tumingin ng parang isang eksperto. "Ang iyong sibat ay sumasalamin sa iyong damdamin. Kung hindi ka sigurado sa iyong nararamdaman, siguradong hindi mo rin maipapakita ang mga kakayahang mayroon ka! Kahit na napakahusay mo sa paggamit ng sibat, makikitang nababalot ito ng isang bagay, isang bagay na hindi mo maintindihan, isang bagay na hindi mo maalis sa iyong sarili. Sa isang tingin pa lang, alam ko na agad na may gusto ka sa isang babae!"

"Imposible. . ."

Hindi lamang si Zheng Yang ang nagulat, pati si Mo Xiao ay napanganga sa sobrang pagkamangha at halos magkasya na ang isang itlog sa bibig niya.

[Seryoso, totoo ba ito? Sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kakayahan ng isang tao sa paggamit ng sibat, nalaman niya agad ang nararamdaman ng isang tao, at yung sinabi niyang hindi maintindihan at hindi maalis. . . Mata pa ba ng tao ang mayroon siya?]

Nagkatinginan sila Mo Xiao at Zheng Yang, kitang kita na hindi sila makapaniwala sa mga narinig nila.

"Guro, maaari mo rin ba akong tulunangan?"

Nang mahimasmasan sa pagkagulat, lumapit si Mo Xiao at kitang kita sa kanyang mga mata ang matinding determinasyon at kagustuhan. Kahit na hindi pa pumapayag si Zhang Xuan, nagsimula na siyang ipakita ang kanyang kakayahan.

Ipinakita niya ang mga galaw na gaya ng ginawa ni Zheng Yang, masmalakas nga lang ito at mas pulido.

Kung titingnan ang kanyang kakayahan sa paggamit ng sibat, makikitang mas magaling siya kaysa kay Zheng Yang. Hindi na nakapagtataka kung bakit siya ang napili ni Wang Chao laoshi at hindi si Zheng Yang.

Hu!

Pagkatapos humangin ng malakas, itinabi ni Mo Xiao ang kanyang sibat at tumayo ng tuwid.

Nang magsimula siyang gamitin ang kanyang sibat, parang isa siyang nagwawalang demonyo. Nang ipakita niya ang lakas niya, kahit na ang mga diyos at espirito ay matatakot. At nang itabi niya ang kanyang sibat, tahimik siyang nakatayo na parang isang istatwa.

Noong iginalaw niya ang kanyang mga kamay at paa, mistulang nagbago ang kanyang ugali at pagkatao.

Gayon pa man hindi masasabing siya ay napaka lakas, bilang isang Fighter 1 – dan, masasabing parang nalalayo siya sa kanyang paraan ng paggamit ng sibat.

"Mahina ang sikmura mo. Kung hindi ako nagkakamali, nagkaroon ka ng diarrhea ngayong araw!"

Nabaling ang atensyon ni Zhang Xuan kay Mo Xiao.

"Ano kamo?" Kinilabutan si Mo Xiao sa narinig. "Guro, nalaman mong nagkaroon ako ng diarrhea dahil lang sa paggamit ko ng sibat?"

Gaya ng sinabi ni Zhang Xuan, hindi nga maganda ang pakiramdam ng sikmura ni Mo Xiao ngayong araw. Nagsimula siyang magkaroon ng diarrhea kahapon. Ngayong araw naman, lumala ito at nanghina siya dahil dito.

Gayon pa man, hindi naman talaga ito masyadong nakaapekto sa kanya. Gamit ang kanyang sibat, nagawa pa rin niyang ipakita ang kanyang kakayahan ng buong husay kaya kahit na si Wang Chao laoshi ay hindi matigil sa pagpuri sa kanya. Pero, nalaman agad ng taong nasa harap niya ang pagkakaroon niya ng diarrhea. . .

Totoo ba ang lahat ng ito?

Para malaman niya ang naranasang kabiguan at ang pagkakaroon ng diarrhea ng isang tao base sa paggamit nila ng sibat, anong klaseng mga mata ang mayroon siya?

"Gusto niyo bang turuan ko kayo? Kung talagang gusto niyo, kilalanin niyo ako bilang master niyo!"

Hindi alintana ang pagkagulat ng dalawa, kalmadong tumingin si Zhang Xuan sa kanila.

Halos mabaliw sa sobrang pagkabigla ang dalawa dahil madaling nalaman ni Zhang Xuan ang kalagayan nilang dalawa sa isang tingin lang. Pero, parang wala lang naman ito kay Zhang Xuan.

Ganoon din ang katotohanan. Noong ipinakita nila ang kanilang mga kakayahan, gumawa agad ng libro tungkol sa kanila ang Library of Heaven's Path at kabilang sa mga nakalistang kahinaan nila ang kabiguan at diarrhea nila. Kinailangan lang niyang tignan ang basahin ng malakas ang mga libro. Wala namang kahit anong hirap sa kanyang ginawa.

"Ako ang iyong disipulong si Zheng Yang ay malugod kang tinatanggap bilang aking guro!"

Mabilis na lumuhod sa lapag si Zheng Yang ng walang pag-aalinlangan.

Tunay siyang napahanga ni Zhang Xuan.

Sa kanyang kakayahan sa pagkilatis, paanong magiging pangkaraniwan lang ang kanyang paraan ng pagtuturo?

"Un!" Tumango tango si Zhang Xuan nang marinig na tinatanggap siya ni Zheng Yang bilang kanyang master pagkatapos niyang sabihin ang mga kahinaan nito. Kumuha si Zhang Xuan ng isang jade token na kumakatawan sa panibagong katauhan ni Zheng Yang bilang kanyang estudyante at sinabing, "Pagtibayin mo ang ating ugnayan!"

"Opo!" Walang anu-ano'y, nagmadaling nagpatak ng kanyang dugo si Zheng Yang sa jade token upang pagtibayin ang kanilang ugnayan at kasunduan.

Mabilis niyang tinapos ang proseso.

"Dahil estudyante na kita ngayon, hayaan mong bigyan kita ng payo. Kung gusto mong irespeto ka ng magiging karelasyon mo, kinakailangang may sapat na lakas ka muna. Kung hindi ka malakas, paano ka ituturing na kapantay ng ibang tao? Kaya naman, ang una mo dapat gawin ay buksan ang iyong isipan at pag-igihan ang iyong pagsasanay. Kinakailangan mong ipakita sa iba na nagkamali sila sa pagtanggi sayo! Gamitin mo ang lakas mo para patunayan sa kanila na. . ."

Sa puntong ito, naalala ni Zhang Xuan ang isang libro mula sa kanyang previous life at ngumisi,

"Nagbabago at bumabaligtad ang agos ng ilog pagkalipas ng tatlumpung taon, kaya huwag mong apihin ang mahina dahil balang-araw ang mahina ay lalakas rin!"

"Huwag apihin ang mahina dahil balang-araw lalakas din sila?"

Nang marinig niya ang mga salitang iyon, nag-alab ang damdamin ni Zheng Yang. Namula ang kanyang mukha at nanginig ang kanyang buong katawan sa sobrang panggigigil.

Bilang isang taong ipinanganak sa mundong ito, imposibleng marinig ni Zheng Yang ang mga katagang ito!

Sa mga sandaling iyon, nag-alab ang kanyang damdamin para lumaban.

Ang kanyang naipong kalungkutan dahil sa kanyang kabiguan ay nagningning na parang diyamante.

"Subukan mo uling ipakita ang mga kakayahan mo!"

Nang makita nakawala na sa kanyang kalungkutan ang binata, sinabihan siya ni Zhang Xuan na sumubok uli.

"Sige po!"

Walang sabi-sabi, gamit ang kanyang sibat, biglang nagbago ang kanyang ugali at pagkatao. Malayong-malayo ito sa ipinakita niya kanina.

Hong hong hong hong!

Humawi ang kanyang sibat kasabay ng pag-ugong ng kanyang aura. Napakalakas na pwersa ang pinakawalan niya sa kanyang sibat at kumalat sa paligid, at nayanig ang buong silid.

Peng!

Bago matapos ang kanyang spear routine, sinugod niya ng kanyang sibat ang haligi.

Isang nakakabinging tunog ang umugong at may lumitaw na mga numero sa haligi.

235!

Isang nakakagulat na 235kg ang resulta!

Kanina lang, noong gamitin niya ang buong lakas niya, 110 lang ang nakuha niya. Dahil lang sa isang payo, mabilis na tumaas ang kanyang lakas ng higit pa sa doble!

"Maraming salamat po, guro!"

Nang makita niya ang mga numero, naglaho ang lahat ng pagdududa ni Zheng Yang. Lumuhod siya sa sahig. Sa mga sandaling iyon, tunay siyang nakumbinsi sa kakayahan ni Zhang Xuan.

"Grabe!"

Habang tinitignan ang mga numero sa haligi, hindi mapigilan ni Mo Xiao ang pamumula at panginginig ng katawan niya.

Masaya siya dahil nakahanap siya ng magaling na guro para sa matalik niyang kaibigan. Ngunit, nadismaya din siya dahil dito.

Kanina, noong tinuruan siya ni Wang Chao, nadagdagan lamang ng 30% ang kanyang lakas.

Samantalang, ang guro na nasa harap niya ngayon ay napataas ng halos doble ang lakas ni Zheng Yang!

Kung alam lang sana niya na ganun kagaling ang guro na ito, hindi na sana siya nagsayang ng pagod sa paghahanap kay Wang Chao at agad na kikilalanin si Zhang Xuan bilang kanyang guro.

Sa mga sandaling iyon, nakaramdam ng kaunting panghihinayang si Mo Xiao.

Subalit, bigla siyang napaisip. Paanong ang isang napakahusay na guro na gaya ni Zhang Xuan, ay hindi pa rin kilala ng mga tao?

Hindi niya matiis na magtanong, "Guro, tutal tinanggap mo na si Zheng Yang bilang estudyante mo, pwede ba naming malaman ang pangalan mo. . ."

Nang marinig ang kanyang sinabi, napatingin din si Zheng Yang sa kanya.

Tunay ngang napahanga siya ng guro na ito, ngunit sa mga sandaling iyon, naisip niyang hindi pa rin niya alam ang pangalan ng guro na ito!

"Ako si Zhang Xuan!" Ang sagot ni Zhang Xuan.

"Zhang Xuan? Parang pamilyar yung pangalan na yun ah. . ."

Nang marinig ang pangalan niya, napaisip sandali si Mo Xiao. Pagkatapos, bigla siyang may naalala. Hindi niya mapigilan ang mautal sa pagsasalita at nagtanong siya, "Sa pagkakaalala ko. . . Ang basurang guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination ay Zhang Xuan din ang pangalan. Mukhang. . . pareho ata kayo ng pangalan!"

"Oo, ako nga ang basurang iyon!"

Tumango si Zhang Xuan.

"Ano kamo!"

Natulala sila Zheng Yang at Mo Xiao sa kanilang narinig.