webnovel

Chapter 13 - Ela

Sino nga ba si Ela? Ang pangalan na laging nasa isip ni Nicolo. Ang babaeng nababanggit lagi. Sino siya? At ano ang importansiya niya?

Isang magandang araw ang madaratnan natin sa Ilocos, ang probinsyang kinalakhan ni Nicolo, kung saan panahon na ulit ng pagtatanim at naghahanda na ang mga tagadoon.

"Magandang umaga, Ela."

"Magandang umaga din, Tsang Carmen."

Ako nga pala si Ela. Isang dalagang taga nayon. Bente tres na taong gulang at laki dito sa amin sa Ilocos.

Nakatira ako dito kina Tsang Carmen at Tsong Onin sa isa sa mga simpleng bahay sa nayon kasama ang anak nilang si Jeffrey. Hindi ko sila tunay na kamag anak. Laking ampunan ako simula pa ng pinanganak ako. Iniwan daw ako ng nanay ko sa ampunan ng bagong panganak pa lang ako.

Inalagaan ako ng mga madre na namamahala doon tulad ng ibang mga batang kasama ko hanggang dumating ang panahomn na inampon ako nina Tsang nung pitong taon gulang pa lang ako. Mababait silang mga tao at kailanman di nila pinaramdam na di nila ako kadugo. Dahil dun minahal ko sila ng sobra.

"Tena at mag almusal ng makagayak na" sabi ni Tsang sa may pinto.

"Sige po, Tsang. At ng makarami sa bukid" sagot ko habang nag aayos ng kama na pinaghigaan.

Bumababa ako papuntang kusina upang tulungan si Tsang sa paghahanda ng maabutan ko si Tsong Onin papasok sa may pinto ng bahay.

"Magandang umaga, Tsong" bati ko habang kumukuha ng mga plato na ilalagay sa mesa.

"Magandang umaga rin sa iyo, Ela... Irog, may nakita akong binebentang motor kanina... pwede nating bilhin yun pang pasada" bati ni tsong sa akin bago lumapit at humalik kay Tsang.

"Irog! Maganda yan pwede nating ipagamit kay Samuel pag sarado ang parlor. Sabi ko nga kay Ela na dun na siya sa parlor tumulong at wag na sa bukid." banggit ni Tsang ng papalapit kami sa mesa habang dala niya ang hotdog at itlog na pinirito.

"Hay naku Tsang... ok na ako sa bukid... mahirap intindihin yung mga tinuturo ni Francheska at Marina..." ngiti ko habang nilalagyan ng tubig ang mga baso.

"Nasan na ba si Jeffrey?" tanong ni Tsang na sinabihan ko na ako na tatawag sa kinakapatid ko.

Pagka akyat ko sa kwarto ni Jeffrey nakita ko itong umiiyak. Mabilis n ko itong pinuntahan at niyakap.

"Bakit ka umiiyak, Jeff?"

"A-ate... nanaginip ako... naghiwalay daw sina mama at papa... ta-tapos... naiwan daw ako mag isa... ayokong mag isa, ate..." muling pag iyak ng bata sa katabi ko.

"Sshhh... o tahan na... panaginip lang yun... tahan na..." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ng batang tinanggap na mas nakakatanda niya akong kapatid sa murang edad na sampu.

"... ayokong maghiwalay sila, ate..."

"...panaginip lang yun, Jeff... panaginip lang... halika na... agahan na" muling pagpahid ko sa luha ng bata bago ko halikan ang noo nito.

Mahal ko si Jeff simula ng ipinanganak siya sampung taon na nakakalipas. Nakita ko ang paglaki niya sa isang pamilya na nagmamahal sa kanya, pamilyang di ko kinagisnan habang lumalaki. Pag aaruga na, oo... aaminanin ko, binigay ng mga madre habang lumalaki ako sa ampunan, pero minsan naramaman ko na kulang. Siguro sa isip ko lang ito. Kaya hindi ko hahayaan na naramdaman ni Jeffrey ang lungkot na naranasan ko ng bata pa ako.

"Tena... naghihintay sa agahan ang ang mama at papa mo" banggit ko ng may paghola sa kamay nito.

"Anak... kain na tayo" sabay na banggit ng mag asawa ng bumaba kami ni Jeffrey sa hagdan.

Dali- daling tumakbo ang bata sa mga magulang niya at niyakap ito ng sabay.

"Good morning po... mama... papa..." wika nito.

"Napaka sweet naman ng anak namin" banggit ni Tsang ng papaupo na kaming lahat as nagsimula nang kumain.

Nangiti na lang ako sa nakita ko. Na nakaka kita ako ng isang masayang pamilya.

Nang matapos ang agahan at makatulong sa pag aayos ng mga pinagkainan, nag paalam na ako para pumunta ng bukid.

Sa paglalakad ko papuntang bukid nakita ko ang isang magandang kalangitan na may mangilan ngilang pag ulap na tila bumabati sa akin at nangangako ng magandang araw.

"Pangako... pangakong maganda ang buhay... na gaganda pa ito..."

May bigla akong naalala...

Isang taong nangako sa akin...

Pangakong pinanghahawakan ko pa rin.

"Nicolo..." bulong ko sa sarili ng humangin ng marahan at hinawakan ko ang salakot kong suot.