webnovel

LET'S LOVE, IDOL!

Shina Young is perfectly honed to be the next CEO of Hundai Motor Company. She is hard working heiress who's only goal is to inherit the position of Chairman Chen Young II, her father. But one day, her serious and reputable life turned upside down when her father gave her a complicated task of marrying off her younger sister to a world star idol.

sweetrosenka · セレブリティ
レビュー数が足りません
20 Chs

CHAPTER 8

JIN POV

We're filming FUN DVX and we're taking a short break dahil may dinidiscuss muna sa script ang director. Pinagpapasa-pasahan ng aking mga kagrupo ang aking cellphone para tingnan ang picture ni Suzie Young na ipinasa sa akin ni CEO Gun.

"Maganda Jin. Approve!" komento ni Vince.

"Wow! She's my type!" ika naman ni James, ang pinakaflirt naming miyembro.

Ibinigay niya naman ang telepono kay Kookie, ang pinakabata sa DVX. "Oo nga maganda. Buti ka pa Jin mukhang papayagan ka ng makipag date ni CEO Gun ng patago."

"What if our fans get angry when Jin started dating, what will happen to us?" nag-aalalang tanong ni Hope.

"I think true fan will still support us. I believe that our happiness is their happiness too," RJ answered.

"But that's too ideal. Realistically speaking once we start dating for real, that will be the start of our downfall," August said. Ang pinaka practical at pa-cold naming kagrupo pero pag walang camera ay napakagaslaw.

"What would you choose? For DVX to think positive but idealistically, a gradual downfall of our career or DVX being crushed by Mr. Shin in an instant," RJ rebutted.

"We don't have to argue about it," sabat ko sabay kuha kay Kookie ng aking cellphone. "Sa tingin niyo ba hahayaan ng Hundai na maeskandalo ang pangalan nila. I trust their power and connection. Kaya chill lang guys. Pagbibigyan ko lang ang tatay ko para magkaroon tayo ng katahimikan. Just one date and that's it!"

"Paano kung hindi lang pala maganda sa picture. Paano kung maganda na eh mabait pa sa personal?" Kookie asked.

"Eh di two dates!" mabilis ngunit pabiro kong sagot.

"Paano kung masayang kasama," natatawang tanong naman ni Vince.

"Eh di three dates!"

"Paano kung magkagusto ka!" sigaw ni James.

"E di many dates!"

"Paano kung may kapatid din pala yang maganda?" sabi ni August.

"Eh di ikaw naman makipag date!" tawa ko at naghalakhakan na rin sila.

"Paano kung may mga kaibigan din pala yang magaganda?" sabi ni James.

"E di ikaw na lahat makipag date tutal ikaw ang pinakaswapang pagdating sa babae!"

Naghalakhakan ulit kaming lahat. Madalas kaming ganito na kahit problemado, stress or pagod na pagod na sa trabaho ay nakakahanap pa rin ng oras para magbiruan. Ang totoo ay mas pamilya pa para sa akin ang DVX kesa sa tunay kong pamilya.

"Many people are accusing us of being gays pero kung alam na nila na kung pwede lang pumasok sa relasyon at magpalit ng girlfriend buwan-buwan ay ginawa ko na!" ani James na may kasama pang gigil at pabasa-basa ng labi.

"Buti na lang pala pare nasama ka sa DVX, kung nagkataon baka kaluluwa ka na lang ngayon dahil napatay ka na ng isa sa mga tatay ng babaeng napaglaruan mo," salita ni August.

Hinaplos ni James ang sariling pisngi. "Nakatadhana lang talaga sigurong ibahagi ko sa buong mundo ang napakagwapo kong mukha."

"Hoy huwag mong agawan ng linya si Jin!" tawa ni Hope.

Tumigil kami sa pag-aasaran nang dumating si Mr. Gun. Sinenyasan niya akong mag-usap kami sa labas but the other members saw it.

"Ano yun CEO Gun? Pag-uusapan niyo na ba ang tungkol sa blind date ni Jin?" tanong ni Vince.

"Huh? Hindi may sasabihin lang ako tungkol sa kontrata doon sa clothing ads niya," halatang lumulusot na tugon ni Mr. Gun.

"Sige na Mr. Gun. Sabihin mo na lang dito sa harap namin tutal tayo-tayo lang naman ang andito. Alam naman namin yung totoo eh para naman tayong hindi iisang pamilya dito," wika ni RJ.

"Oo na sige na! Ayoko lang na madagdag pa ito sa isipin niyo baka di kayo makapagconcentrate sa mga performance niyo."

"Mr. Gun nakalimutan mo na ba ang Robinhood motto ng DVX," ani Hope.

"All for one, one for all!" sabay-sabay naming bigkas sabay tawanan.

"Puro kayo biruan. Let's all be serious now," saway ni Mr. Gun at hinintay munang manahimik lahat bago magsalita. "Jin, Director Young called me about the schedule of your date with Ms. Young-"

"Sino si Director Young?" tanong ni Vince.

"Suzie Young's older sister," sagot ko.

Biglang tayo ni August sabay sayaw. "Sabi ko na may kapatid. Whoah! It's my chance!"

"Stop messing around," seryosong saway ni Mr. Gun. "She's not someone you can make fun of. She's destined to be the next chairman of Hundai."

"Whoah, cool!" James exclaimed. "Sorry August, better aim for the cousin this time," kantiyaw niya.

"Hoy makinig na tayo kay Mr. Gun. Our CEO is talking to us," seryosong sita ni RJ.

Itinuloy ni Mr. Gun ang sasabihin. "Director Young scheduled your date this Saturday at 7 in the evening."

"Di ba may MV shoot tayo ng Saturday?" sabi ni Vince.

"Yes but we can wrap up the shoot by 3 in the afternoon."

"Saan ang venue ng date nina Jin?" singit ni James.

"In the Fontte Luxury Resort."

"Sa inyo yun Jin ah," sabi ni Kookie.

Tumango ako. Dalawa lang naman yan, either sa property namin or sa property ng mga Young ang date. Kasi doon lang higit na makakasigurado ng privacy at security.

"Jin, Director Young will provide car for you. She doesn't want to use any of our company car or your personal car para matiyak na wala pang fan o reporter na nakakaalam sa plate number ng gagamiting sasakyan. She also said not to worry because she will double the security of the area."

"Jin nakakainggit ka naman. Baka gusto mo ng alalay," sabi ni Kookie. " Pwede ring maging taga-harana mo ako sa kanya."

"Bakit ikaw pa, eh pwede namang ako ang mangharana sa kanya," taas noong sabi ko.

"Ayuun ohhh..." tukso ng lahat.

"Mr. Gun di ba kami pwedeng sumama? Baka kailangan ni Jin ng dagdag bodyguard," giit ni Vince.

"Ang isa nga lang sa inyo ay napakahirap ng ilusot sa fans at media, tapos gusto niyo pa talaga pito kayo!"

"Mr. Gun, pwede na rin ba akong makipag date? I noticed a very beautiful fan during fan signing. She voluntarily gave me her number and I'm still keeping it. Can I call her?" wika ni James.

"Mr. Gun ako rin may crush akong member ng girl group," saad naman ni Kookie.

"Ako Mr. Gun, pwede ba akong umattend ng high school reunion namin this year baka sakaling makita ko ulit yung first love ko," pahayag ni Hope.

"Tumahimik kayong lahat! Stop talking nonsense even if it's a joke! " napipikon nang tono ni Mr. Gun.

"Bakit si Jin pwede, kami hindi?" kunway may tampong wika ni Vince.

"Bakit tatay niyo ba si Chairman Shin? Na kapag hindi pinagbigyan ang kondisyon ay ipapasara tong kumpanya natin?"

Tumahimik ang makukulit kong kasama.

"Jin enjoy na lang sa date mo ha. Sana may take-out kang pagkain pag-uwi sa dorm," salita ni Kookie.

"Ako pizza," sabi ni Vince.

"Noodles sa akin," ani RJ.

"Hamburger," wika ni Kookie.

"Corn Salad," bilin ni August.

"Sprite," sabi ni Hope.

"Carbonara," ani James.

"Magpadeliver kayo, bawasan niyo mga pera niyo. Ang kukuripot niyo!" kunway galit na sagot ko.