Ng makaakyat nako dito sa study room ay agad nakong pumasok.
Pag kapasok ko ay nakita ko si Anna na nag lilibot libot sa loob at nag titingin ng mga libro at paintings.
Kaya naman ay nilapag kona yung dala kong mga snacks tas pumunta ako sa book shelf kong saan nandon yung mga libro na about sa topic ng project namin.
Habang kinukuha ko yung mga libro na kailangan namin ay narinig kong bumukas ang pinto kaya naman agad akong bumalik sa table at nilapag don ang mga librong hawak ko.
Nakita kong pumasok si Syria dito kaya naman umupo na siya sa tabi ni Anna.
"Sorry nalate ako na traffic kasi ako ihh so asan na si AJ?." pag tatanong niya samin ni Elle kaya naman agad na sinabi ni Elle na di makakasali si AJ dahil may emergency sa bahay nila.
"Ahh so parang tayong tatlo lng?."
"Oo pero ang sabi ni AJ kung may isang part daw na dipa natin nagagawa ibigay na lng daw sakaniya para siya na daw ang gumawa ng saganon mayron daw siyang ambag." pagkakasabi ko habang binubuklat ang librong nasa harapan.
"So mag istart na tayo ng saganon matapos agad tayo." sabi ni Anna kaya naman nag simula nakong maghanap ng mga word na related sa topic ng project namin at ganon din si Syria.
Habang si Anna naman ay tinatype yung mga nasulat namin na related sa research namin tas si Ria naman ay sinusulat pa lng yung mga posibilidad na itatanong samin.
ilang oras bago kami matapos ni Ria sa pag susulat tas si Anna naman ay mukhang hanggang ngayon ay di parin tapos sa pag tatype sa loptop kaya ng matapos kami ni Ria ay nag pasama ako sakaniya na kumuha ng makakain namin kasi 6pm na ng gabi at dipa kami nakain.
Pagkababa namin ay nakita ko si mama nag luluto pa lng ng ulam kaya ang ginawa ko ay kumuha na ng plato,kutsara at tinidor para saming lahat at inilagay yun sa lamesa habang si Ria naman ay nag sasandok ng kanin na kakasya saming lahat.
"Oh tapos naba kayo sa research niyo?."
"Ahh opo actually malapit napo kami matapos ipiprint na lng naman ho yun then tapos napo kami." pag papaliwanag ni Ria kay mama at inilapag na niya ang kanin na hawak niya.
ng matapos namin ayosin ang hapag kainan ay umakyat ulit ako atsaka pumasok ulit sa study room kasi papababain kona si Anna ng saganon sabay sabay kami kumain.
"Anna mamaya nayan kumain mona tayo sa baba." pag aaya ko kay Anna at agad naman siyang tumango.
"Saglit lng isasave ko lng toh then susunod nako sa baba, mabilis lng toh." nakangiting sabi niya sakin at agad na ibinalik ang tingin niya sa loptop niya.
hindi ko alam pero bigla na lng bumilis ang tibok ng puso ko ng nginitian niyako hay ewan koba nababaliw na siguro ako.
Baliw na baliw sakaniya ayiee.
Manahimik ka nga dyan. pagkababa ko ay bumungad sakin ang mapang asar na tingin ni Ria na para bang sinasabi niyang "Ikaw ha bat ang tagal niyo?" kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh anak bat dimo pa kasama bumaba si Anna?" pag tatanong ni mama sakin kaya naman agad ko sinabi sakaniyang pababa na si Anna sinave lng yung file ng ginawa naming research at baba na siya agad.
"Oh andito kana pala iha umupo kana don sa tabi ni Sorren." nakangiting sabi ni mama pagkababa ni Anna kaya naman agad niya ding sinuklian ng ngiti atsaka umupo sa tabi ko.
Kaya naman agad akong sumandok ng kanin at inilagay yun sa plato niya dahilan para mapatingin silang lahat sakin. Kaya naman nagtataka ko silang tinignan.
"Ehemm." kunwaring pag ubo nila Ria kaya namarn ng tignan ko si Ria ay mukhang nag pipigil ng kilig habang nakatingin samin ni Anna kaya don ko lng narealize kong bakit sila nakatingin samin.
Agad naman nilang naramdaman na parang naiilang kami ni Anna kaya naman itinuon mona namin ang aming atensyon sa kanya kanyang pagkain.
After namin kumain ay tumayo nako para tulongan si mama mag ligpit ng pinag kainin namin at ganun din si Anna.
Habang si Syria naman ay inaayos na ang mga gamit niya kaya after namin tulongan si mama agad kaming lumabas ni Anna sa kusina at pumunta ng salas.
"Ahm. Medyo gumagabi napo kailangan ko napong umuwi kaganina papo kasi ako pinapauwi ng lola ko hehe." kamot ulong pag papaalam ni Syria kila mama.
"Paki sabi na lng sa lola mo na dito ka mona mag papalipas ng gabi at bukas kana kamo uuwi."sabi ni mama kay Syria pero tumanggi siya kaya namarn agad akong sumingit.
"Ihahatid na lng kita sainyo." pagpepresinta ko at agad naman siyang pumayag kaya naman umakyat ako sa kwarto ko para kunin ang jacket at wallet ko pati narin yung susi ng kotse ko.
Pababa nako ng marinig ko ang boses ni Anna. "A-Ahm ako din po uuwi nadin po ako mukhang hinahanap nadin po ako saamin." ng marinig ko yun ay bigla akong nalungot pero mukhang nahulaan bigla ni Syria ang reaksyon ko dahilan para umiwas ako sakaniya ng tingin pero nginitian niya lng ako.
"Ehh? diba sabi mo pumayag si tita na bukas ka na lng umuwi kasi walang tao sa bahay niyo?." pag kasabi non ni Syria ay nakita kong nilakihan siya ng mata ni Anna halatang nagulat sa sinabi niya.
HAHAHAHHAHAH shit ang cute niya talaga, mukha akong tanga nag pipigil ng kilig dito. Anna ano bang ginawa mo sakin at nag kakaganito ako sayo, hays mababaliw na talaga ako.
"Oh yun naman pala iha, dito ka na lng matulog." dahil sa sinabi ni mama ay lalong lumawak ang ngiti ko at ng lingon ko sila papa ay nakita kong nakatingin sila sakin dahilan para umiwas ako ng tingin.
"Oo nga Anna atsaka alam naman ni Tita na dito ka matutulog,atsaka kong samin ka matutulog wala ka ding matutulogan kasi nando yung mga kamag anak namin." dahil sa sinabi ni Syria ay walang nagawa si Anna kung hindi sumang ayon na lng.
Pag katapos namin mag usap usap ay lumabas na kami ni Syria at sumakay na kotse ko. Pag kasakay ko ay agad ko ng inistart ang makina at umalis na kami.
Agad binasag ni Syria ang katahimikan sa pagitan namin. "Akala mo hindi ko nakita yung pag kasimangot mo kaganina habang pababa ka ang pangit mo pala kapag nakasimangot HAHAHAHAHAHAH."
"Nakita mopa yurn. tsk."nakangiwi kong sabi sakaniya habang siya tawa parin ng tawa diko nga maintindihan kung babae ba talaga toh dahil sobrang lakas ng tawa niya.
"Pero aminin mo ang saya mo kasi don matutulog sainyo si Anna ayiee. may pasandok sandok kapa ng pagkain kay Anna HAHAHAHAHAHA." pang aasar ni Syria sakin pero imbis na magalit ako ay natuwa pako.
"Salamat nga pala kaganina ah. Btw totoo ba yung sinabi mo kaganina?." pag tatanongakaniya at sinagot niya lng ako ng tango.
"Oum tumawag siya sakin kaganinang umaga ang sabi niya aalis ang parents niya at bukas pa ang uwi yung kuya naman niya ay may pupuntaha. so bali samin dapat siya makikitulog kaso nandon sa bahay yung mga kamag anak namin kaya napag isip isip ko na sainyo na lng siya matulog may tiwala naman ako sayo na wala kang gagawin kay Anna."pag papaliwanag niya sakin dahilan mapangiti ako.
"Oh kilig na kilig ka naman HAHAHAHAHAHA. wag kang mag alala diko ipapaalam sakaniya yang feelings mo magaling ako mag tago ng sekreto HAHAHAHAHAHA." nagulat ako huling sinabi ni Syria sakin kaya naman agad akong napatingin sakaniya.
"Pano mo nalaman na may gusto ako sakaniya?" gulat na sabi ko sakaniya at agad naman niya kong nginitian.
"Kahit sino Sorren mapapansin yang kinikilos mo maliban na nga lng kay Anna masyadong manhid ang babaeng yun kaya wag kang mag alala hindi ka niya mahahalata pero kami hinding hindi mo matatago yan samin pero support kami sainyo." nakangiting sabi niya di parin maalis ang gulat saking mukha pero mas lamang ang saya saking nararamdaman.
Patuloy parin kami sa asaran hanggang dumating kami sa may kanto ng bahay nila.
"Dito na lng Sorren. Salamat ingatan mo si Anna ha ikaw na bahala sakaniya."
"Sure ka? pwede naman kita ibaba don sa mismong tapat ng bahay niyo." sabi sakaniya pero umiling lng siya.
"Sige ibaba moko don para mapagkamalan ka nilang nobyo ko tapos malalaman ni Anna tapos lalayo siya sayo ano gusto mo?HAHAHAHAHHA" pananakot niya kaya naman agad akong napangiwi sa sinabi niya at pabirong tinataboy siya.
"Bye Ingat sa byahe may Anna ka pang uuwian HAHAHAHAHAHA" pag bibiro niya kaya naman agad kong tinaas ang kanang kamay ko at pinakyuhan siya at tinawanan niya lng ako at sinarado na ang pinto.
Kaya naman agad ko ng pinaandar ang kotse ko para makauwi nako.
To be continue...