webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · ファンタジー
レビュー数が足りません
33 Chs

30

Six months later...

"Dahan-dahan lang," wika ni Ember kay Lantis habang magkasabay silang naglalakad patungo sa puntod ng parents niya. May gamit na tungkod si Lantis dahil hindi pa lubos na bumabalik ang lakas sa mga binti nito. Resulta iyon ng walong buwang pagkakaratay nito sa basement. Sa kasalukuyan ay sumasailalim pa sa therapies at treatments si Lantis. Hindi na ito maputla at paunti-unti, bumabalik na sa dati ang katawan.

Nang marating ang pakay ay tinulungan niyang umupo si Lantis sa wooden bench saka umupo sa tabi nito. Lumingon ito at may sinipulan. Mayamaya lang ay humihingal na tumakbo palapit sa kanila si Fujiku. Fujiku played with her own shadow.

"Hindi ko akalain na darating ang panahon na mamahalin ko ang lugar na ito," ani Lantis. Nakatutok ang mga mata nito sa dati nitong puntod—ang puntod kung saan nakalibing ang inakala ng lahat ay si Lantis, ang puntod kung saan niya nakita ang larawan at glass jar nito. The photo was now resting on her bedside table, katabi ng Lantis's Memoirs na ngayon ay Lantis and Ember's Memoirs na ang pangalan. Nakuha ni Yngrid ang laman ng glass jar ni Lantis sa bahay ni Kenan. The jar was now back to its rightful owner.

"I know right?" pag-sang-ayon niya at humilig sa balikat ni Lantis. Kumiliti sa pisngi niya ang ilang hibla ng buhok nito. Ember love that hair. It was longer now and it suited Lantis so well. Tuwing hahawiin iyon ni Lantis papunta sa likod ng ulo nito, para siyang teenager na nag-so-swoon. Lantis was aware of that kaya hindi na nito pinagupitan iyon.

Nagpatulong na tumayo si Lantis. Lumapit sila sa mga puntod ng mga magulang niya at nagsindi ng kandila. Pagkatapos no'n ay taimtim na silang nagdasal. Naunang natapos si Ember. Nanatili siya sa tabi ni Lantis at pinagmasdan ito.

"Ang haba no'n, ah," napapangiting puna niya nang magmulat at mag-sign of the cross si Lantis.

"I talked to them. I thanked them for giving life to one of the most wonderful woman I'd met. Hiningi ko na rin ang blessing nila." Bago pa man siya makatanong ay sumipol uli si Lantis. Kumakahol na lumapit si Fujiku. Dinampot ito ni Lantis at may kinalikot sa choker ni Fujiku. Nanlaki ang mga mata niya nang makitaa kung ano iyon. It's a ring!

"Lantis..." Pumiyok ang boses niya. Naiiyak na siya. Nakaluhod si Lantis at may hawak na singsing na may diamond. Titig na titig ito sa kaniya, puno ng pagmamahal at pangako ang mga mata nito. Napahikbi na siya.

"Dito tayo unang nagkita so I guess nararapat lang na dito ko gawin ito," ani Lantis at humugot ng hangin. "Sa dami ng sakripisyong ginawa mo para sa akin, the least I can do was to keep you, take care of you and love you. Be my wife, Ember, and spend the eternity with me."

"P-Paano kung ayoko?"

Pilyong ngumiti si Lantis, yumukod sa kaniya at inilapit ang mukha. "Then I guess I have no choice but to do these things: titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress. I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go. I'll embrace you, I'll sleep beside you. In short, I'll haunt you. Hind. Kita. Patatahimikin. So, do you want to marry me or do you want me to haunt you?"

Ang iyak niya ay nauwi sa tawa. "Both!" sigaw niya, hinayaan si Lantis na isuot sa kaniya ang singsing at hagkan siya sa mga labi.

As Lantis embraced her, she looked up at the cluster of clouds and thought saw three faces smiling at down at them. Naalala niya ang kauna-unahang entry mula sa glass jar ni Lantis na nabasa niya.

March 29, 2003: Lantis's graduation day in highschool. His Lolo gave him his first horse named Swift, a black Arabian stallion. My baby was so happy. My baby...he's so tall now. And so handsome. Soon, he'll fall in love and get married. Whoever she is, I wish she'll take care of my boy.

I will, pangako ni Ember kay Emilia Harris.