webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · ファンタジー
レビュー数が足りません
33 Chs

27

MADILIM. Nasa gitna pa rin si Lantis ng walang katapusang kadiliman. He was tired of it. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya ro'n. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kung hanggang kailan siya ro'n. He was lost and don't know how to find his way home.

Home. Where is home? Ang dalawang palapag na bahay sa London na tinirhan nila ng ina kung saan sa ikalawang palapag ay matatanaw ang pamosong London Eye? He spent his childhood days there. The house always smelled of cinnamon, brewed tea and of his mother's perfume. Pero wala na ang bahay na iyon ngayon. Kinailangang ibenta iyon para sa therapy at medications ng ina.

Where is home? Ang mansiyon ni Lolo Fausto? No. Kahit kailan ay hindi niya itinuring na tahanan iyon. It was huge and forboding. Noong unang beses niya iyong makita, pakiramdam niya ay may mga mata ang bahay na masamang nakatingin sa kaniya. Malamig sa loob ng mansiyon, masyadong tahimik dahil ayaw na ayaw ni Lolo Fausto ang maingay. But Lantis love the huge swimming pool at the back. Doon sila madalas na tumambay ni Kenan kapag nasa bansa siya.

Where is home? Ang bungalow house na ipinagawa niya sa Villa Escoda? Ang bahay na ipinapagawa niya sa Tagaytay para sa kanila ni Yngrid?

Yngrid. Kinapa ni Lantis ang dibdib. Something was off. Dati, tuwing maiisip niya si Yngrid, awtomatikong bumibilis ang tibok ng puso niya, awtomatikong nagkakaroon ng ngiti ang mga labi niya. Lagi niyang nakikita ang sarili na kasama ito at ang pamilyang bubuuhin nila. He was madly in love with her. Ngunit hindi na maramdaman iyon ni Lantis. Nagdala iyon ng labis na pagkabahala sa kaniya. How can he possibly fall out of love with Yngrid? Magpapakasal na sila ng dalaga. Wala pang eksaktong petsa ngunit nais ni Lantis na isabay iyon sa thirtieth birthday niya—sa December twenty six.

December. Something pricked his heart. Mahalaga kay Lantis ang buwan ng Disyembre. December din ang kaarawan ng nanay niya. December was Christmas month, his favorite Holiday. It was December when Kenan stayed with them for the first time. Nang pumayag ang lolo niya na kupkupin na si Kenan, isa na iyon sa pinakamagandang regalong natanggap ni Lantis. Matagal na siyang naghahangad na magkaroon ng kapatid at ang pagdating ni Kenan ay parang katuparan sa pangarap niya.

Nalilito si Lantis. Pakiramdam niya, kanina pa may daliri na sumusundot sa utak at dibdib niya. Habang tumatagal ay palakas iyon nang palakas na para bang nagagalit na sa kaniya. Somehow, he knew why. May dapat siyang maalala. Isang mahalagang bagay ngunit kahit ano ang gawing pagpiga niya sa isip, ayaw niyong lumabas.

A sparkle of light caught Lantis's eyes. Mabilis siyang tumayo. Iyon ang unang beses na nakakita siya ng liwanag mula nang magising sa lugar na iyon. Nasa tapat ng mukha niya ang liwanag. Sinundot niya iyon gamit ang hintuturo. The light trembled and Lantis yelped in surprise when it bursted into his face. Embers floated in the air.

"Ember?" The moment Lantis uttered the word, something weird happened. Lumaki ang isang liwanag na malapit sa mukha niya. Napahiyaw siya sa gulat nang bigla iyong sumaklot sa mukha niya. Mariin siyang napapikit nang masilaw. Parang nag-slide show sa isip niya ang iba't ibang imahe. The slide stopped to the image of a woman sitting on the bed inside an old house, a small dog was wrestling an old sock. Humalakhak ang babae nang ma-stuck ang nguso ng aso sa butas ng medyas. May naramdamang init sa dibdib si Lantis habang nakatingin sa mukha nito.

That's where home was, he thought, smiled and closed his eyes.

Samantala, habang abala si Ember sa pag-iimpake at si Fujiku sa pagngatngat ng isang lumang medyas niya, nagkakagulo ang mga nurse at doktor sa Blake 12 Intensive Care Unit sa Massachusetts General Hospital.

Nakamulat na ang pares ng kulay tsokolateng mga matang mahigit walong buwan nang nakasara.

At ang unang salitang binigkas ng pasyente ay, "Ember".