webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · ファンタジー
レビュー数が足りません
33 Chs

24

MABILIS na narating nina Ember at Yngrid ang bahay ni Lantis. She was a law abiding citizen, a careful driver ngunit nang gabing iyon, itinapon niya lahat ng inhibitions sa ere. Handa siyang labagin ang kahit anong batas alang-alang sa kaligtasan ni Lantis.

"Wala rito ang kotse ni Kenan," puna niya nang sabay silang bumaba ni Yngrid. Nauna itong pumasok sa gate. Marami siyang gustong itanong kay Yngrid kanina habang nasa sasakyan sila pero ramdam niya ang matinding galit na nagmumula rito. Nakakasakal iyon. "Hindi ko alam kung masama o magandang senyales iyon."

"Can we just hurry up?" iritadong sabi ni Yngrid.

Dread gripped her heart when they reached the trap door and saw some footsteps around the area. Maging si Yngrid ay bahagyang natigilan. Kapagkuwan ay napamura ito nang mahina, lumuhod sa lupa at binuksan ang pinto. Nanginginig ang mga kamay nito nang itipa ang passcode.

Hindi mapakali sa kinatatayuan si Ember. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa ibaba. Tinawag niya sa isipan si Lantis. Hindi ito sumulpot kaya mas lumala ang tensiyong nararamdaman niya.

Bumukas ang pinto. Humakbang pababa si Yngrid bago tumingin sa kaniya. NaKita niyang bumuka ang bibig nito. Kung ano pa man ang sasabihin nito ay hindi na natuloy nang rumehistro ang gulat sa mga mata nito. Then she yelled. Hindi niya alam kung iyon ba o ang nadinig na paghingal sa likuran niya ang dahilan kaya napalingon siya.

Sabay silang napasigaw ni Yngrid nang hablutin ng lalaki ang buhok niya at itulak siya sa lupa.

"Bumaba ka na, Yngrid! Iligtas mo si Lantis!" sigaw niya habang abala ang lalaki sa paggapos sa mga kamay niya. Tumalima si Yngrid. Mabilis ding kumilos ang lalaki at nagawang hablutin sa buhok si Yngrid bago pa man magsara ang pinto. He yanked Yngrid out of the door, slapped her and pushed her down the door. Malinaw na nadinig ni Ember ang ingay ng paggulong ng katawan ni Yngrid sa konkretong hagdan at ang pagtama no'n sa steel door. Malakas itong umungol. Pagkatapos ay katahimikan.

Hindi namalayan ni Ember na nakatayo na siya. Hindi pa tapos ang lalaki sa paggapos sa kaniya nang iwanan siya kaya nagawa niyang kalasin iyon. Pumulot siya ng mga tipak ng semento at ipinukol sa lalaki.

"Anak ng putsa!" galit nitong sabi nang tamaan sa braso na ipinangsangga nito sa mukha. "Sige, bumato ka pa!" panghahamon nito, gumalaw ang kamay patungo sa beywang. Napatda sa kinatatayuan si Ember nang makitaang nakatutok sa kaniya ang isang baril. "Ano? Bumato ka!" Itinutok nito sa itaas ang baril at kinalabit ang gatilyo. Sumabay sa putok ng baril ang sigaw niya. Nabitiwan niya ang hawak na bato, napauklo habang nakatakip ang mga kamay sa tainga. Rough hands yanked her hair next, dragged her to the door and pushed her.

Tila nawala sa axis ang daigdig nang gumulong-gulong pababa ng hagdan si Ember. With her every fall, she cried out in pain. Her bones cracked, her skin ripped. Hanggang sa huminto iyon at bumangga siya sa malambot at mainit na katawan sa ibaba ng hagdan. Naramdaman niya ang pag-agos ng dugo sa ulo niya, ang pagpuno no'n sa bibig at ilong niya. Nagawa pa niyang iangat ang ulo kahit pa tila napakabigat no'n. Sa kabila ng panlalabo ng paningin, naKita pa niya ang pares ng maruming sapatos na palapit sa kinaroroonan nila ni Yngrid. Nagsara ang trap door, nabalot ng nakakatakot na katahimikan ang paligid.

Pawang kadiliman ang sunod niyang nakita.

AMOY gasolina. Iyon agad ang rumehistro kay Ember nang bumalik ang kamalayan niya. Binuksan niya ang mata, iniangat ang ulo. Sabay-sabay na umatake ang sakit sa mga parte ng katawan niyang may injury. Umungol siya at napaubo nang may bumara sa lalamunan niya. Idinura niya iyon, tumilamsik sa kandungan niya ang kulay pulang likido. Hindi niya napigilan ang mapahikbi. Noon lang niya naranasan ang ganoong lebel ng sakit at wala siyang matawag upang pawiin iyon.

"That's your own doing, you know? That and these."

Tiningnan ni Ember ang nagsalita. Nakatayo nang ilang hakbang mula sa kaniya si Kenan, nakabuka ang mga braso. They were back at Lantis's basement. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang makita ang kamang kinahihigaan ni Lantis at nadinig ang ingay ng mga monitor. Isa lang ang ibig sabihin no'n: buhay pa si Lantis.

Pero nasaan ang espiritu nito? Inilibot niya ang tingin sa paligid. Wala si Lantis doon. Natuon ang mga mata niya sa dalawang pigurang nakalugmok sa sahig. Si Yngrid ang isa, ang isa ay hindi niya maaninag ang mukha pero sigurado siyang babae iyon dahil sa mahabang abuhing buhok.

Si Yaya Ida?

Binundol ng takot ang dibdib niya nang makitaang walang kakilos-kilos ang dalawa.

"A-Ano'ng ginawa mo sa kanila? Girlfriend mo si Yngrid! At si Lantis. Kapatid mo siya, kadugo mo. I thought you love him!"

Mapaklang tumawa si Kenan, humakbang palapit sa kaniya. Tumalungko ito sa harap niya, pinag-aralan ang mukha niya. "You said you can see and talk to Lantis's spirit. Hindi ba niya nasabi sa'yo ang tungkol sa totoong relasyon namin? Hindi kami magkadugo. I am just his pitiful adopted brother. Ang Ampon ng mga Arcanghel."

Adopted brother? Now that explained why they don't resemble each other. Nasagot no'n ang mga tanong niya matapos makitaa ang mga larawan sa study nito. Hindi si Emilia Harris ang kasama ni Kenan sa mga larawan.

"Ikaw ang kumuha ng garapon ni Lantis. I-Ikaw rin ba ang gumawa no'n sa puntod niya?"

Ilang sandali siyang tinitigan ni Kenan. "You know, Ember, you are a mystery to me. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala na nakiKita mo ang espiritu ni Lantis. But you know a lot of things about him. To think na kailan ka lang sumulpot sa buhay niya. Tell me, sino ka ba talaga sa buhay ni Lantis?"

"At bakit ko sasabihin sa'yo?" maanghang niyang tanong. Kung hindi lang siya nakagapos, kanina pa kinalmot ni Ember ang mukha nito.

"Now you decided to shut your mouth. Dapat ginawa mo 'yan kanina. Hindi sana nangyari ito. I'm thankful, though. And yes, ako ang lumapastangan sa 'puntod' niya." Nag-quote-unquote gesture ito. "Why, you asked? Dahil kahit na wala na si Lantis, nararamdaman ko pa rin ang sumpa niya. It's a curse having him as a brother. Perpekto ang tingin sa kaniya ng lahat. The Arcanghel's golden boy! His wretched grandfather refused to give me the position I deserved in his company dahil para daw kay Lantis iyon. Si Lantis na patay na. Si Lantis na tinalikuran siya dahil mas gusto na kumarera. Si Lantis na wala namang naiambag sa kompanya. Ako ang laging nasa tabi ni Lolo. Sa tuwing nasa krisis ang kompanya, ako ang gumagawa ng solusyon. Ako ang mas nagpapayaman sa kaniya. And what did I get in return? Pang-iinsulto at pangungutya. Hindi raw ako Arcanghel. Their precious blood doesn't run in my veins. The stupid old man refused to believe that Lantis was dead. Kaya ipinahukay ko ang libingan ng pinakamamahal niyang apo, kinunan ng picture ang bangkay at ipinaKita sa kaniya. You should see the look on that old man's face before he collapsed. It was priceless." Mataginting itong tumawa.

"Napakasama mo," puno ng poot at pandidiri na wika ni Ember. Nagpumiglas siya mula sa pagkakatali. Isinipa niya ang mga nakagapos ding paa. Tumama iyon sa binti ni Kenan ngunit pinagtawanan lang siya nito. "Hindi masamang tao si Lantis! Ikaw ang dapat na nasunog! Ikaw ang dapat na nasa hukay, demonyo ka!"

"Balang araw, hihiga ako sa sarili kong hukay, Ember. Pero bago iyon, sisiguraduhin ko munang alikabok na lang ang emperyong itinatag ni Don Fausto." Bumuntong-hininga ito at tumayo. Tumingin ito sa katawan ni Lantis pagkatapos ay kina Yngrid bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Ayokong isama ka sa mga taong 'to, maniwala ka. I'm starting to like you. Sana ay sinunod mo ako. You should've stayed in my house—"

"Huwag mong gagalawin si Lantis, nakikiusap ako. A-Ako na lang. Ako na lang ang patayin mo. Hayaan mo na mabuhay si Lantis..." Habang tumatagal ay lumalakas ang amoy ng gasolina na halos malasahan na niya iyon. Alam niya kung saan patungo ang gabing iyon. Sama-sama silang susunugin ni Kenan sa basement—siya, si Yngrid, si Yaya Ida, ang mga kayamanan ni Lantis at ang katawan nito. At siya ang dahilan ng kamatayan nilang lahat. Sa huling naisip ay napaiyak na siya. Napakatanga niya.

"You don't get it, do you? My ultimate purpose was to get rid of Lantis so bakit ko siya hahayaang mabuhay?"

"Why?!" sigaw niya. "Bakit si Lantis? Walang kasalanan si Lantis sa'yo! Sa'yo na rin mismo nanggaling kung anong klaseng tao at kapatid si Lantis. Lagi ka niyang iniaangat—"

"Dahil alam niya, alam nilang lahat na kahit ano ang gawin ko hindi ko mapapantayan si Lantis!" Labas ang mga litid sa leeg ni Kenan dahil sa lakas ng sigaw nito. Dumagundong iyon sa apat na sulok ng basement. Anger reverberated out of him. "Alam mo ba kung gaano kalaking insulto sa akin sa tuwing hinahayaan niya akong manalo? Sa tuwing bini-build up niya ako sa lolo niya? Sa mga opisyales ng kompanya? Pakiramdam ko isa akong malaking inutil. Tinatapakan niya ang dignidad ko, ang pagkatao ko! And those people. They clapped at him like he was some kind of a hero. Ano ang heroic sa ginawa niya, huh? Ang laking sampal no'n sa pagkalalaki ko."

"Kaya sinunog mo siya? Sa ganoong paraan mo ibinalik ang lahat ng kabutihang ginawa niya sa'yo?"

Kumuyom ang mga kamao ni Kenan. For a moment, Ember thought he will hit her. Nanatili ito sa kinatatayuan, matalim ang tingin sa kaniya. "That and many other reasons," anito.

"Kasama na ba ro'n ang nangyari sa nanay mo?"

Gulat na napatingin sila ni Kenan kay Yngrid. Nakadapa pa rin ito sa sahig ngunit nakabukas na ang mga mata.

"Galit ka kay Lolo Fausto dahil siya ang sinisisi mo sa pagkamatay ng nanay mo. So you killed Lantis. Dahil alam mo kung gaano kahalaga si Lantis sa matanda. Si Lantis ang ginawa mong kabayaran sa utang sa'yo ng lolo niya." Marahang tumawa si Yngrid. "You're a fool, did you know that?"

"Shut up!" singhal ni Kenan. Hinablot nito sa buhok si Yngrid at itinulak pasandig sa tabi ni Ember. Umungol ito sa sakit nang tumama ang likuran ng ulo sa dingding. Sinaklot ni Kenan ang panga ni Yngrid. "Shut your mouth, you lying bitch. Baka nakakalimutan mo? Malaki rin ang kasalanan mo kay Lantis?" Marahas nitong binitiwan ang mukha ni Yngrid.

"And I'll pay for it tonight. Matagal ko nang napaghandaan ito. Ikaw, Kenan? Sa paanong paraan mo pagbabayaran ang mga ginawa mo kay Lantis? Let me tell you one thing you didn't know. Pinatay mo ang taong tumulong noong nagkasakit sa kidney ang nanay mo. Sino sa tingin mo ang nagbayad ng operasyon niya? Ang naghanap ng blood donor, ng kidney donor? Ang dahilan kaya nakasama mo pa nang ilang buwan ang nanay mo at naKita kang nagmartsa noong college graduation mo? Si Lantis."

"No," mariing sabi ni Kenan. Marahan itong umiling-iling. NakiKita ni Ember sa mga mata ni Kenan ang pagtanggi, ang kalituhan. Inihilamos nito ang palad sa mukha. May namumuo nang luha sa mga mata nito. "You're a liar so why would I believe you?"

Malungkot na ngumiti si Yngrid. "I know you believe me, Kenan. Bakit sa tingin mo alam ko ang lahat ng 'yon? Lantis told me everything. Lahat ng ginawa niya, para sa kabutihan mo. Mahal ka niya, Kenan. Minahal ka ni Lantis na parang tunay na kapatid. At alam ko na minahal mo rin siya. Tingnan mo siya, Kenan. Lumalaban siya para mabuhay. Para sa lolo ninyo. Para sa'yo—"

"SHUT UP!" Nabigla si Ember nang makitang luhaan na si Kenan. Unti-unti itong napaatras hanggang sa tumama ang likod sa higaan ni Lantis. Padausdos itong umupo sa sahig, nakatakip ang mga nakakuyom na kamao sa mga mata na para bang may ayaw itong makitaa. Ang katotohanan ba iyon? Ang reyalisyon na tama ang mga sinabi ni Yngrid?

"Pabayaan mo na kami, Kenan," untag ni Ember. NakiKita niya na unti-unti nang humuhupa ang galit nito, na bumababa na ang depensa nito. It was the perfect time for them to persuade him. "You don't want to do this. K-Kakalimutan namin ang ginawa mo. Ang lahat ng 'to. Just let us go."

Niyakap ni Kenan ang mga binti, isinubsob ang mukha sa mga tuhod. Yumugyog ang mga balikat nito at mahinang umiyak.

"Let us go, Kenan," masuyong pakiusap ni Yngrid.

"Kayong tatlo, umalis kayo," ani Kenan nang muling mag-angat ng ulo. "But Lantis will stay here with me."

"Hindi ako papayag!" protesta ni Ember.

"Then die here with us."

Nilapitan siya ni Kenan, hinablot sa braso at itinulak sa tabi ng kama ni Lantis. Sunod nitong nilapitan si Yngrid. Naglabas ito ng Swiss knife na ginamit nitong pamputol sa mga gapos ni Yngrid.

"Umalis kayo ng matanda dito!"

"Kenan—" Nauwi sa singhap ang protesta ni Yngrid nang maglabas ng lighter si Kenan at sindihan iyon.

"I will count to three and I'll drop this. Sama-sama tayong matutusta rito."

Malakas na bumukas ang steel door at pumasok ang lalaking umatake kina Ember kanina sa itaas. Pasuray itong lumakad palapit kay Kenan, yuko ang ulo, humihingal.

"What?" demand ni Kenan dito. "Ano'ng kailangan mo? Ano 'yang sa ulo mo?"

Napansin agad ni Ember ang tinutukoy ni Kenan. Umaagos ang dugo mula sa hairline ng lalaki, pababa sa gilid ng mukha, sa panga, sa leeg. Iniangat nito ang ulo at tiningnan nang deretso sa mata si Kenan. Puno ng galit ang mga mata nito na ikinaatras ni Kenan.

"I throw a brick on his head," anito at walang anu-anong ipinatama ang kamao sa mukha ni Kenan. Napahiyaw si Kenan, tumilapon sa sahig at nabitiwan ang may sinding lighter. Agad nagliyab ang sahig. Mabilis na umakyat sa dingding ang apoy, sa kisame, gumapang palibot sa kanila, ikinukulong sila.

Dinaganan ng lalaking sanggano si Kenan at inundayan uli ng suntok. Lumupaypay ang ulo ni Kenan, duguan ang ilong. Tumingin kay Ember ang lalaki.

"Get out of here!" pasigaw na utos nito sa kaniya. "Umalis na kayo!"

Nanlaki ang mga mata ni Ember habang titig na titig sa marahas na mukha ng lalaking nanakit kanina sa kaniya sa itaas. She stared at his eyes and gasped in shock when the impossible dawned on her.

"L-Lantis?" Halos walang boses na lumabas sa bibig niya. "Ano'ng ginawa mo?"