webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · ファンタジー
レビュー数が足りません
33 Chs

14

MALAKAS na suminghap si Ember at napatayo nang tuluyang maglaho si Lantis.

"Lantis!" nag-pa-panic niyang sigaw.

"What did you say?" Si Yngrid ang nagsalita, kunot na kunot ang noo nito. Lumayo ito kay Kenan, si Kenan na kung tingnan si Ember ay para bang sinapak niya ito.

"M-Masakit," aniya. "Masakit ang...ang balakang ko." Ginusot niya ang mukha na kunwari ay nasasaktan.

Hindi nakaligtas kay Ember ang ginhawa na bumalatay sa mukha ng dalawa.

"I'm sorry," ani Kenan. "Yngrid, puwede mo ba siyang tingnan? Nabangga ko siya habang palabas ng clinic. I think she got hurt when she fell."

"No, no, it's okay," mabilis niyang sabi at tumayo. "Iinom na lang ako ng gamot mamaya. Mauuna na ako." Bago pa man makahirit si Kenan ay umalis na siya at tinungo ang sasakyan. Mula sa side mirror ay naKita niya na nakatayo pa rin doon sina Kenan at Yngrid, nakatanaw sa papalayo niyang sasakyan.

Nag-drive si Ember nang walang patutunguhan. Hindi niya alam kung saan na naman napunta si Lantis. Bumalik ba ito sa puntod nito? Sa bahay niya? Sa tindahan niya? Kung puwede niya lang tawagan sina Lala at itanong kung naroon—

Natigilan siya nang may maalala. Ang sabi ni Lantis, may kakayahan siya na i-summon ito sa pamamagitan ng isip. Humugot siya ng hangin saglit na pumiLantis.

Lantis, tawag niya. Magpakita ka sa akin.

Nagmulat siya, sumulyap sa passenger seat. Nakaramdam siya ng dismaya at panic nang makitaang bakante iyon.

Lantis, nasaan ka? Magpakita ka. Please.

Nothing happened. She remained alone inside the car.

"Lantis," usal niya, napiyok ang boses. Naalala niya kung paano itong naglaho kanina, ang shock at lungkot sa mga mata nito habang nakatingin kina Kenan at Yngrid. Si Yngrid na wala man lang katiting na bahid ng paghihinagpis. Si Yngrid na halatang in love kay Kenan. Si Yngrid na halatang naka-move on na. Iyon na ba 'yon? Doon na ba natapos ang misyon niya? Tapos na ba ang dapat na tapusin ni Lantis?

And I will miss you, too, Ember. Iyon na ba ang huling mga salitang maririnig niya mula kay Lantis?

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel. Nang marating niya ang isang intersection, nagsimulang bumuhos ang ulan. Hindi iyon nakatulong sa sitwasyon niya. Ember hated rainy days. Umuulan noong ilibing ang parents niya. Umuulan din noon nang mapanaginipan niya ang mga ito na nakaupo sa tabi niya sa kama, nagpapaalam sa kaniya. Senyales ba ang ulan na nagpaalam na rin nang tuluyan si Lantis?

****

BINUKSAN NI Ember ang kulay pink niyang payong. May kulay puting print 'yon ng cherry blossoms, ipina-customized pa ni Antonia nang palagyan ng pangalan niya. It was her favorite umbrella. Feeling niya kapag dala niya iyon, gumagaan ang mood niya. Kaya nga iyon ang dinala niya nang araw na iyon kahit pa hindi bagay sa gloomy na ambiance ng sementeryo. Nakidagdag pa ang makulimlim na paligid at mahinang patak ng ulan.

Babalik uli si Ember sa puntod ni Lantis. It has been two days since she last saw him. Noong maglaho ito sa labas ng clinic ni Yngrid, hindi na niya ito muling naKita o naramdaman. Lagi niya itong tinatawag sa isip ngunit gaya noong isang araw, walang Lantis na sumulpot sa harap niya.

The magic of her umbrella did not work that day. Mabigat pa rin ang loob niya. Sa kabila kasi ng pagbabawal niya sa sarili na huwag magkaroon ng attachment kay Lantis, hayun siya, hinahanap-hanap ang presensiya nito. Ibig niyang matawa. Dati wala siyang ibang gusto kundi mawala na sa landas niya si Lantis, na patahimikin na siya nito ngunit ngayon...tila handa siyang gawin lahat makitaa lang muli ito at makapagpaalam nang mas maayos. Maging si Fujiku ay kapansin-pansin na matamlay. Halata rin na hinihintay nito si Lantis lalo kapag uuwi siya. It hurts her to hear the dog whimpered when she saw her entering the door alone.

Kung nag-cross over na ang kaluluwa ni Lantis, nakiKita kaya siya nito nang mga sandaling 'yon? NaKita rin kaya nito ang pag-iyak niya kagabi habang nakatanaw siya sa bintana katabi si Fujiku? Did he cry, too? Ang mga patak ba ng ulan ay luha nito?

Mapakla siyang napangiti. Bakit naman ito iiyak para sa kaniya? Kung luha ni Lantis ang ulan, tiyak siyang hindi para sa kaniya iyon kundi para kina Yngrid at Kenan. Sana lang ay tears of joy iyon.

Napahugot ng hangin si Ember nang matanaw na ang puno ng acacia na nasa pagitan ng puntod ni Lantis at ng parents niya. May isang bahagi niya ang umaasa na madadatnan ang binata ro'n. Ilang hakbang lang at naKita na niya ang puting crucifix. She was glad to see na naisaayos na ulit ang puntod nito. Natatanaw na niya ang lapida nito.

Ngunit napahinto si Ember nang makitang may tao sa harap ng puntod, nakaluhod sa lupa, nakayuko.

Humakbang pa siya hanggang sa maaninag nang malinaw ang tao. Lalaki iyon, nakasuot ng puting T-shirt. Isang pangalan lang ang pumasok sa isip ni Ember: Lantis.

Hindi namalayan ni Ember na tumatakbo na pala siya. Habang papalapit nang papalapit ay palakas nang palakas ang tibok ng puso niya. Hindi pa umaalis si Lantis. Tama siya, naroon lang ito sa puntod nito.

"Lantis! I'm glad you're—"

Lumingon si Lantis, napahinto si Ember. Nang unti-unti itong tumayo, napaatras siya. Kasabay no'n ang matinding pagkadismaya na bumalot sa puso niya.

Hindi si Lantis ang lalaki.

"K-Kenan," anas niya.

"Hey," wika ng kapatid ni Lantis, walang kangiti-ngiti ang mga labi hindi gaya noong huling beses silang nagKita. Pinasadahan siya ni Kenan ng tingin. Pinaglakbay rin ni Ember ang mga mata sa kabuuan nito. Putikan ang pantalon at harapan ng T-shirt ng lalaki, ganoon din ang mga kamay nito. Basang-basa na ito ng ulan, bahagyang nanginginig ang mga braso. His hair was messy and his eyes were bloodshot. Umiiyak ba ito? "Nagkamali na naman ba ako ng nadinig, Miss December? O talagang tinawag mo ang pangalan ng kapatid ko?"

Alam ni Ember na wala na siyang lusot sa pagkakataong iyon kaya tumango na lang siya. "Tinawag ko ang pangalan ng kapatid mo. A-Akala ko ikaw siya. Nakalimutan ko na wala na pala siya."

"You know him. How?"

How? Paano niya sasagutin iyon? Ito na ba ang tamang panahon para aminin kay Kenan na nakiKita at nakakausap niya ang espiritu ni Lantis? She gave him another once over and slighlty shook her head. No. Hindi iyon ang tamang panahon. Halata na wala sa tamang huwisyo si Kenan. Hindi siya nito maiintindihan at paniniwalaan.

"N-Nagkakilala kami last year sa...sa isang car racing event. Ipinakilala siya sa akin ng isang kaibigan."

Ilang sandali na hindi tumugon si Kenan. Mataman itong nakatingin sa mukha niya. Marahil ay binabasa kung dapat o hindi dapat paniwalaan ang sinabi niya. Tumingin ito sa gawing kanan, sa puntod ng parents niya. Mula sa kinatatayuan ay malinaw na nababasa ang mga nakasulat sa dalawang lapida.

"Your parents?" tanong nito, iminuwestra ang mga puntod. Tumango siya. "What a coincidence, huh? Lantis was laid to rest beside them."

May gusto ba itong tumbukin? Ewan niya. Hindi gaya ni Lantis, mahirap basahin o hulaan man lang ang tumatakbo sa isip ni Kenan.

Hinagod ni Kenan ang buhok, tumalikod at may dinampot sa lupa. Isang bote ng alak na nangangalahati na ang laman.

"Paborito naming alak ni Lantis ito. Kapag nandito siya sa Pilipinas, madalas kaming magkaroon ng swimming competition sa pool ng lolo namin. Then we drink this up to the last drop. I stopped drinking after Lantis died. Ngayon na lang uli." Mapakla itong ngumiti at tiningnan ang hawak na bote. "My brother loves to compete on everything and he always won. Maliban kapag ako ang kalaban niya. Why? Because he's letting me win—mula sa swimming competition hanggang sa posisyon sa kompanya ng lolo namin. He always stepped down so he can push me above him. Naalala ko nang minsang pinagawa kami ni Lolo ng presentation para sa potential investors. IpinaKita namin ni Lantis sa isa't isa ang presentation namin bago iharap kay Lolo. Mas maganda ang kay Lantis at alam namin pareho na iyon ang aaprubahan ni Lolo but the next day, when we're about to present it to Lolo, Lantis arrived late. Sinabi niya na hindi siya nakagawa ng presentation, na may hang over siya." Tumiim ang mga bagang ni Kenan. "Why do you think he was doing that?" May luha na ito sa mga mata nang muling tumingin kay Ember. Something crushed her heart at the sight of his tears, at the emotions filling his eyes. Hindi lang kalungkutan ang naroon. Marami. Hindi kayang pangalanan lahat ni Ember.

"D-Dahil mahal ka niya. Dahil kapatid mo siya. Ganoon ang ginagawa ng mga magkakapatid, nagbibigayan, nagtutulungan."

Tigang ang tawang pinakawalan nito. Maya-maya ay napayuko ito. Sumabay sa patak ng ulan ang pagpatak ng mga luha nito. "He's a good man, my brother. And now he's gone. He's dead." Nabitiwan nito ang alak at natumba sa lupa. Kenan hugged himself as he started sobbing hard. "He's gone! He's dead! My brother's dea—!" Nasamid si Kenan at sunod-sunod na umubo. Napayukyok ito, sumuka pagkatapos ay sumbsob sa lupa at hindi na nakabangon pa. Mabilis itong dinamayan ni Ember.

"Kenan!" Tinapik-tapik niya ang mga pisngi nito. Bahagya itong nagmulat at umungol. "Nasaan ang phone mo? Tatawagan ko ang pamilya mo. Si Yngrid—"

"No!" maagap nitong protesta. "Don't call anyone. Don't call her. Leave me here..." PumiLantis uli ito.

Leave him here? Walang puso ba ang tingin nito sa kaniya para iwanan ito sa ganoong lugar at sa ganoong sitwasyon?

Nang simulan niyang akayin si Kenan patayo, maipasok sa front seat ng pick up truck at magmaneho palayo ng sementeryo, hindi niya mapigilang mapailing sa mga nangyayari. Parang kailan lang, isang Arcanghel din ang kasama niya sa sasakyang iyon. Isang Arcanghel na nakilala niya sa isang puntod. Sa parehong puntod niya rin napulot ang Arcanghel na kasama niya nang mga sandaling iyon.

Tiningnan niya si Kenan na natutulog na sa front seat. He looked nice when he's sleeping. Sa hitsura nito, tila ito isang anghel na naputulan ng mga pakpak at nahulog sa lupa. Napailing uli siya. Maybe it was Ember's destiny—ang pumulot ng nahulog na anghel.

Dinala niya si Kenan sa pinakamalapit na ospital, tinawagan ang numero ng clinic ni Yngrid na nakuha niya sa phone directory na hiniram sa Information Desk. Si Cherry ang nakausap niya. Sinabi niya agad ang pakay at mabilis na tinapos ang tawag. Nanatili pa siya sa pick-up niya na ipinarada niya sa harap ng ospital. Mula sa kinaroroonan ay makiKita ang dalawang entrance ng ospital. Nang makitaa si Yngrid na pababa ng itim na BMW, saka lang siya umalis.

He'll be fine, she thought. Sa halip na bumalik sa bahay, sa tindahan siya dumeretso kahit na sarado iyon dahil Linggo. Inabala niya ang sarili sa pag-iimbentaryo. Ayaw niyang umuwi. Every part of the house reminded her of Lantis.