webnovel

PROLOGUE

Now playing: With A Smile - Eraserheads

Ang sarap mangarap sa buhay kasama ng taong gusto mong makasama hanggang sa pagtanda.

Iyon bang aalagaan ninyo ang isa't isa, may susuporta sa mga gusto mong makamit, may poprotekta sa'yo sa anumang kapahamakan, iyong bang ngiti pa lamang niya ramdam mong safe ka na at may aalalay sa'yo sa tuwing nadadapa.

"Babe, kaya mo 'yan! Ikaw pa ba? Eh nananaba na nga yata ako dahil sa galing mong magluto eh!"

"T-Thank you, babe." Buong puso na pagpapasalamat ko.

May isang tao na kahit na anong mangyari, hindi ka susukuan, titiyagaan ka sa iyong bawak pag hakbang.

"Chef. Ysa Guevarra!" Parang nag-de-daydream na sabi niya. "Oh, 'di ba? Bagay na bagay! Lalo na kung magiging misis ko pa!"

"Medyo inahin natin. Ito alam ko mas bagay, Chef. Ysa Guevarra - Dela Cruz!" Pag-ulit nito sa kanyang sinabi kung saan may apelyido na niya.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng malakas sabay hampas sa kanyang braso.

Siya 'yung tao na hindi ka hahayaang mag-isa, at palagi kang sasamahan sa kasiyahan man 'yan o kalungkutan.

"Babe, tahan na. Pwede mo pa namang ulutin 'yung niluto mo eh. Ano bang mga kailangan mo? Bibili ako ulit. Just please, stop crying, lalo akong na-i-inlove eh!" Sabay halik nito sa noo ko kaya naman mas lalo pang nagpabebe ako.

Isang tao na sasamahan kang mangarap at bumuo ng sarili ninyong pamilya. Isang tao na hindi mapapagod sa'yo, sa kung ano o sino ka pa, tanggap ka niya palagi at araw-araw mahal ka niya.

"Babe? Ilan ang gusto mong maging anak natin?" Pabiro na tanong ko sa kanya.

"Gusto ko, isang dosena! Para maingay ang buong bahay!"

"BWAHAHAHA! Papatayin mo ba ako sa panganganak? Maawa ka naman!" Saway ko sa kanya at tinalikuran na siya.

Isang dosena daw!

Iyong tipo ng tao na kahit gaano pa siya ka-busy palaging gumagawa pa rin ng paraan mabigyan ka lamang ng oras at atensyon. Iyong tipo na para bang hindi siya napapagod, kasi ikaw ang inspirasyon niya, ikaw ang lakas niya at nagbibigay ng saya sa araw-araw niya.

"Babe ang bilis mo naman yata? Akala ko ba maraming pasyente ngayon? Parang kanina lang kausap lang kita sa cellphone tapos ngayon andito ka na?!" Gulat na bulalas ko dahil hindi talaga ako makapaniwalang makakarating siya agad-agad.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Eh umuualan eh. Alam ko kung gaano ka katakot sa kulog at kidlat hanggang ngayon." Napa-pout ako kaya mabilis na hinalikan niya ako sa labi ko.

"Bakit ba ang sweet mo pa rin hanggang ngayon?" Malambing na niyakap ko siya pabalik.

"Simple, dahil mahal mo ako, tapos pogi pa ako!" Pagmamayabang naman niya kaya napairap ako ngunit may sumisilip naman na ngiti sa aking mga labi.

At kahit na ilang taon na kaming nagsasama, hindi siya nagbabago.

Parang hindi siya napapagod sa akin. Sa pag-iintindi sa akin.

"Saan mo gustong mag-date today aking reyna?" Maaga ako nitong ginising, at kahit antok na antok pa ako ay binuhat na ako nito papasok sa banyo para makaligo.

Ang galing, 'di ba?

Hindi siya napapagod na magtrabaho, hindi siya napapagod basta para sa future naming dalawa. Ayaw niya raw kasi na dumating ang araw na maghihirap kami. Ang gusto niya, mabubuhay ng payapa ang mga magiging anak namin.

Kaya minsan, ako na lang ang nagsusundo sa kanya sa Hospital dahil alam kong hindi na niya kaya ang magmaneho pa. Dahil sa pagod na nga, puyat pa.

And yes, my Nathan is a Doctor.

Sabi nila, sa simula lang daw lahat masaya. Sa umpisa lang magaling at nagpapakita ng gilas, pero si Nathan ko?

Hindi siya ganoon.

Dahil kung ano siya noong umpisa, hanggang ngayon, ay ganoon pa rin siya. Hindi siya magbabago. Never kong naramdaman na hindi niya ako nirespeto, at never kong naramdaman na hindi niya ako tinrato ng tama.

'Baby, you don't have to worry

'Cause there ain't no need to hurry

No one ever said that there's an easy way

When they're closing all their doors

And they don't want you anymore

This sounds funny, but I'll say it anyway'

Sa tuwing nalulungkot ako, o nawawalan ng pag-asa sa mga pangarap ko at gusto ko ng sumuko, palagi niya akong kinakantahan nito. Hindi siya nagsasawa sa pagpapagaan palagi ng loob ko.

'Girl, I'll stay through the bad times

Even if I have to fetch you everyday

We'll get by with a smile

You can never be too happy in this life'

'Pagkatapos kahit ayoko, itatayo niya ako para isayaw habang kinakanta sakin ang theme song namin na ito. Hanggang sa tuluyang tumahan na ako at makalimutan ang bigat sa dibdib ko, hanggang sa mararamdaman kong okay na naman ako. Okay na ulit ako.

Siya talaga ang lubos na nakakakilala sa akin. Ang taong kahit na hindi ako umimik o magsalita, nababasa niya ang kung anumang tumatakbo sa isipan ko. Sa isang tingin lamang nito sa mga mata ko, alam na niya agad kung anong kailangan ko sa tuwing nalulungkot ako, at iyon ay walang iba kundi ang matatamis na mga ngiti niya, at mga yakap niyang nagpapagaan sa pakiramdam ko.

"Girl, oh heto." Sabi ng kaibigan kong si Bettany bago inabot sakin ang tissue napkin.

"Umiiyak ka na naman. Pwede bang tumigil ka na kasi hindi na siya babalik pa. Kahit na ilang balde pa ng luha ang ibuhos mo riyan, hindi ka na niya babalikan!"

Pero...

Saan at paano nga ba kami humantong sa ganito?

Iyong akala kong pag-ibig na kalmado at payapa, biglang naging sobrang sakit sa dulo.

Ay hindi, hindi pala ito ang dulo na gusto ko.

Ang sakit-sakit lang na darating pala kami sa ganito!

Iyong tao na akala ko hindi titingin at lilingon sa iba, ayun, masaya na sa iba.

'Yung tao na nagsisilbi kong pahinga, napagod sa akin.

Habang tinutupad ko ang mga pangarap namin, siya naman, tinutupad niya rin iyon pero kasama na ang iba.

Mas lalo akong napaiyak dahil muli ko na namang naalala ang mga pangako namin sa isa't isa.

"K-Kasalanan ko naman kasi eh. Pinabayaan ko siya." Napapahikbi na sabi ko habang pinupunasan ang aking luha. Ang sikip sikip ng dibdib ko, parang gusto ng sumabog nito.

Napatango si Bettany.

"Yes, kasalanan mo naman talaga, girl. Gaga ka kasi eh!"

Lahat sila, ako ang sinisisi kung bakit kami nagkahiwalay ni Nathan. Kahit sariling pamilya ko, na botong-boto sa kanya, ako ang sinisisi.

Oo, marahil nga tama sila, na kasalanan ko talaga ang lahat.

Kung bakit napagod siya sa akin at kung bakit iniwan niya ako.

Kung bakit naging magulo ang akala kong perpekto naming kwento.