webnovel

Chapter 6

Nathan

Ngayong araw ang schedule ni Ysa sa pag-ayos ng mga papers niya. Kaya naman nag-day off na muna rin ako para masamahan siya sa mga lakad niya.

I don't mind kung ilang oras ang kailangan ko para lang hintayin siya mula sa napakahabang mga pila. Ang tanging alam ko lang at ang gusto ko lang ngayon ay makasama siya. May tao na makakausap at aalalay sa kanya.

Isa pa, alam ko rin kasi kung gaano siya kabilis na mainip pagdating sa ganitong mga lakad. In short, wala siyang tiyaga.

Pero ewan ko ba, hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot sa tuwing napapasulyap ako sa engagement ring na suot niya. Alam mo 'yung feeling na biglang naglaho ang excitement na nararamdaman mo dahil lamang sa hindi natuloy ang isang bagay na pinakahinihintay mong mangyari?

Itong kasal kasi namin talaga ang pinakahinihintay ko eh.

Kaso wala naman akong magagawa. Hindi naman kasi makakatulong sa relasyon namin kung pipigilan ko siyang abutin ang mga pangarap niya. Isa pa, matagal na naming ipinagdarasal ang pagkakataon na ito, lalong-lalo na si Ysa dahil matagal na niya itong pangarap.

Hindi ko lang matanggap kasi bakit ngayon pa? Kung kailan handa na ang lahat para sa aming dalawa. Kung kailan ready na akong mag-settle down kasama siya at bumuo ng sarili naming pamilya. But again, I have no choice but support her.

Kahit naman fiancee ko na siya at matagal na kaming nagsasama ay wala pa rin akong karapatan para pigilan siya, lalong lalo na sa mga pangarap niya. Syempre, ayoko ko rin naman na ikulong lang siya sa mundo naming dalawa.

Yes, we're in this together pero hindi iyon dahilan para hindi ko siya suportahan sa mga gusto niyang maging. May sarili pa rin naman siyang pangarap para sa sarili niya and because of that I love her even more.

I still want her to do the things she wants to do especially kapag dumating na ang araw na mag-asawa na kami.

Dahil hindi porket asawa mo na ang isang tao ay pagmamay-ari mo na ito. Naniniwala kasi ako na walang sino man ang pwedeng magmay-ari sa ating mga sarili kundi tayo lamang.

Yes, we need partner in life, but it doesn't mean na magiging pag-aari na nila tayo o pagmamay-ari na natin sila. Dahil tayo at tayo pa rin naman ang pwedeng mag-decide para sa ikabubuti ng ating mga sarili. Hindi ang ibang tao o kahit na sino.

But of course, hindi natin pwedeng kalimutan na kapag may partner na tayo, kailangan natin na palaging i-consider sila sa anumang mga gagawin at magiging desisyon natin bilang respeto sa kanila.

Kaya naman, iyon ang ginagawa ko ngayon para kay Ysa. Para sa aming dalawa. Kahit na ang totoo ay sobrang napakahirap para sa akin na malayo siya. Ito kasi talaga ang kauna-unahang magkakalayo kami ng katagal.

But swear, I will support her because I trust her and because I love her. Her happiness is my happiness, and her success is my success. Iisa na kami eh. And besides, I am the man in this relationship, so sa aming dalawa, I should be the one with the broadest understanding and unlimited support. I should be the one to push her to succeed, not the one to pull her down. Am I right?

Nalulungkot lang talaga ako and I know it's normal and it's valid.

Napasulyap ako sa future misis ko, pansin ko kasi na kanina pa siya tahimik habang nakakumot ang noo. Dahil katatapos lamang nito sa ibang nilakad niya ngayong araw. Kasasakay lamang din namin ng sasakyan at nagsisimula pa lamang sa aming biyahe.

Ang alam ko kasi, kapag ganitong ay may period siya ay masakit ang puson n'ya o kung hindi naman ay baka tinotoyo na naman.

"Babe, saan mo gustong kumain? Treat ko." Wika ko bago napasulyap sa kanya bago ibinalik muli ang aking atensyon sa kalsada.

Bigla namang lumiwanag ang mukha nito na animo'y nakarinig ng isang napakagandang musika.

"Talaga?" Kumikinang ang mga mata na paninigurado niya habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.

Dahil doon ay napatawa ako ng disoras. Ang cute lang kasi n'ya kapag tinotoyo! Kaso siya naman itong muling napabusangot.

Napatikhim ako at buong lakas na pinigilan ang muling pag ngiti. Mahirap na at baka ako na naman ang awayin.

"Kahit saan mo gusto. Saan mo ba gustong kumain?" Muling pagtanong ko pa.

"Kahit saan." Tipid na sagot niya.

"Babe, walang restaurant na gano'n ang pangalan. Mahirap hanapin yun." Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Eh sa hindi ko nga alam babe, eh. Ikaw na mag-isip." Pagkatapos ay napa-cross arms ito at diretso lamang ang mga matang nakatingin sa unahan.

Hindi ko mapigilan ang mapabusangot habang nag-iisip. Alam ko kasi na kapag ganito ay wala na namang kalalabasan na maayos.

"Fast food? Comfort food mo yun eh." Suggestion kong muli. Lihim din na nananalangin na sana pumayag na siya.

Ang hirap kaya mag-isip ng makakain para lang mapasaya siya, tapos ayaw naman niya.

"Gusto mo ba?" Tanong nito pabalik sa akin. Napahinga ako ng malalim.

"Eh ba't ako? Ikaw nga pini-please ko babe eh! Kung ano at saan ang gusto mo, doon tayo. Para happy ka na ulit." Sabay abot ko sa kamay nito at hinalikan habang nasa unahan pa rin pareho ang aming mga mata.

"How about ramen? Sushi? Anong gusto mo?" Ilalatag ko na lang siguro sa kanya lahat ng maiisip ko.

"Ayaw ko ng Japanese foods." Matigas na pagtanggi nito.

"Hmmmm..." Sandaling nag-isip pa ako. "How about pizza?"

"Babe, ikaw na mag-isip. Kahit ano, okay sa akin." Malambing na sabi nito.

Napatango ako.

"Okay, seafoods? Namimiss ko na rin kumain ng seafoods eh. May alam akong masarap at malapit lang---"

"Babe, ayaw ko ng seafoods ngayon."

Napahinga ako ng malalim at sanding itinabi ang sasakyan, pagkatapos ay napaharap sa kanya ng maayos.

"Babe, ganito kasi yan." Mahinahon ang boses na sabi ko sa kanya. "Kaya sabi ko ikaw na 'yung pumili ng gusto mo. Eh lahat naman sinasabi ko na, pero ayaw mo. Sabi mo ako na ang bahalang pumili, pumili na ako ng seafoods, ayaw mo pa rin. So ngayon, pumili ka na. Hindi kahit saan, hindi kahit ano, be specific kasi nasasayang oras natin---"

"So, sinasayang ko na lang ang oras mo ngayon? Ganun ba?" Biglang singhal nito sa akin.

Napakagat ako sa aking labi atsaka napahilamos sa aking mukha.

Amputcha naman oh!

"Babe---"

"Joke lang babe." Sabay peace sign nito noong mahalata na malapit na akong maubusan ng pasensya at nagiging spoiled brat na naman siya.

"Okay, ito na nga mag-de-decide na." Sandaling nag-check ito sa internet habang ako naman ay tahimik na pinagmamasdan lamang siya.

"I want this! Please?" Pagkatapos ay ipinakita nito sa akin ang litrato ng samgyupsal.

"Okay babe." Tugon ko. "See? Mabilis lang mag-decide, 'di ba?" Dagdag ko pa.

Agad naman itong na payakap sa braso ko atsaka nagpa-cute.

"Eh love mo'ko eh!"

"Tss! Love kita pero stop acting like a child, babe." Panenermon ko bago siya hinalikan sa ibabaw ng kanyang ulo na nakasandal sa braso ko at pagkatapos ay muling pinasibad na ang sasakyan papunta sa pinakamalapit ngunit masarap na samgyupsal.

"Sorry na. Ito naman!" Ayaw kong ngumiti pero hindi ko mapigilan. Masyado siyang cute para hindi lumambot ang puso ko.

"I love you! Mwa!" Sabi nito at halik sa pisngi ko.

"I love you!" Ganting sabi ko naman.

Ngunit bigla na lamang itong muling natahimik, so I asked her again what's the problem.

Muling inilayo niya ang katawan niya sa akin at napatingin sa labas ng bintana.

"Hey, what's the problem?" Tanong kong muli sa malambing na boses. Ngunit inalis lamang nito ang kamay kong nakapatong sa legs niya.

"Hindi mo na ako love." Mahinang sambit niya ngunit sapat lamang para madinig ko.

"Huh?! What are you saying?!" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.

"Wala ng 'so much' yung I love you mo." Naiiyak na tugon niya kaya napailing na lamang ako.

She's so unbelievable! Ganito talaga ang mga babae 'no? Hays.

"What the!" Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa kalsada. "Babe, buntis ka ba?" Bigla ko na lamang naitanong iyon sa kanya.

Ngunit sinamaan lamang ako nito ng tingin. "May buntis bang nireregla, Nathan?!" Pagsusungit nito. Kaya naman napatawa na lamang ako.

"Alright!" Pagpapakalma ko sa kanya. "I love you so much, my Ysa. Superrrrrr!" Malambing na sabi ko at umaasa na sana naman this time kumalma na siya.

Napa-pout ito.

"Kiss ko?" Sabay nguso niya.

"Babe, I'm driving!" Ba't ba ganito siya kakulit ngayon?

Ngunit sa halip na sagutin ako ay napa-cross arms lamang ito na parang batang nagdadabog. Muli akong napahinga ng malalim.

"Fine, come here!" Lumapit siya sa akin habang nakanguso kaya mabilis na binigyan ko siya ng halik sa labi. Yung smack lang.

Pagkatapos noon ay muli na niya akong niyakap habang napapatawa ito ng pabebe.

"Hihihi. Wavwav babe ko." Sabi pa niya.

Jusko! 'Yung fiancee mong ang lakas ng toyo kapag nireregla. Tsk! Mapapailing ka lang talaga ng disoras.

Pero sa totoo lang, mamimiss ko na alagaan siya ng ganito at i-spoiled siya palagi. Mamimiss ko ang mga pagpapabebe niya oras na makaalis na siya papuntang London.

Haaaay!!! Kakayanin ko kaya? Mabubuhay ba ako sa loob ng dalawang taon na malayo siya?Malungkot na tanong ko sa aking sarili.