webnovel

Chapter 1

Nathan

Masaya akong kasama ko sa araw-araw ang babaeng alam kong hinding-hindi ko na pakakawalan. Masaya akong magmula day one hanggang ngayon, siya pa rin at ako. Kami pa ring dalawa ng Ysa ko.

Ang nag-iisang babae sa buhay ko.

Depende na lang kung babae ang unang magiging anak namin, syempre dalawa na sila ang magiging babae sa buhay ko.

Hindi ko mapigilan ang hindi mag-imagine ng mga bagay kasama siya. Excited na akong maikasal sa kanya at siya sa akin, lalo na ang bumuo ng pamilya kasama siya.

Handa na ako.

Handa na akong maging isang ganap na asawa at maging isang responsableng ama. Swear! I will be the happiest man on earth kapag dumating na ang araw na iyon. Hinding-hindi ko sila pababayaan, aalagaan ko sila dahil sila ang aking kayamanan.

"Congratulation bro!" Masayang pagbati ko sa aking best friend na si Luis at pati na rin kay Bettany na ngayon ay misis na niya.

Nakipagkamay ako rito bago kami nag-man to man hug.

"Thank you, bro!" Pagkatapos ay tinapik ako sa aking balikat. "Malapit na rin kayong maikasal ni Ysa." Hindi maitatago ang saya sa kanyang mga mata sa mga sandaling ito.

"Oo nga eh! Matagal na nga akong excited, naiinip na rin." Pagsang-ayon ko naman sa kanya.

"Malapit na rin kayo ikasal. Kalmahan mo lang." Sagot naman ni Bettany at nakipag beso sa akin.

"Yes, next year. And we are so excited for that day." Malawak ang ngiti na sagot ko naman habang nakatingin sa aking fiancée mula sa aming table na masayang nakikipag-kwentuhan sa iba pa naming kaibigan.

Noong makita niya akong nakatingin sa kanya ay kumaway ito sa aming tatlo bago tumayo mula sa kanyang inuupuan.

"Dapat lang! Ilang taon na rin kayong live in. Eh tama lang na pakasalan mo na iyang inaanak ko, no?" Sagot naman ng ama ni Bettany. Napatawa na lamang din si Ysa nang makarating sa aming harapan, na hindi namin alam na nakikinig pala sa aming usapan.

Agad naman na nagtawanan kaming lahat habang napapakamot ako sa aking batok.

Haaay! Maging ako ay hindi na rin makapaghintay pa sa araw ng aming kasal. Sobrang excited na ako. Kung pupwede ko nga lang i-forward ang oras, ginawa ko na.

---

"Can't wait to build a family with you." Malambing na sabi ko kay Ysa bago siya hinapit sa kanyang beywang palapit sa aking katawan habang nakaupo sa ibabaw ng kama.

We are about to sleep now. Katatapos lamang din nitong maligo at ang bango-bango niya, nakakaulol ang bango niya. Agad naman na upo ito sa kandungan ko at minasahe ang batok ko habang marahan na pinaglalaruan ang buhok ko sa likod.

"Handa ka na bang maging Mrs. Dela Cruz?" Dagdag na tanong ko bago siya hinalikan sa kanyang noo.

"Of course! That's one of my dream." Sagot naman nito habang nakangiti. Isang matamis na ngiti naman ang iginanti ko sa kanya. Pagkatapos ay hinalikan ang singsing na kanyang suot habang nakatingin sa kanyang mga mata, atsaka siniil din ito ng halik sa kanyang labi.

"I love you so much, babe." Bulong nito nang maghiwalay ang aming mga labi.

"And I love you always, more than anything in this world." Sagot ko naman sa kanya at pagkatapos ay pahiga na akong bumagsak sa kama. Habang siya naman ay pumatong sa aking katawan na parang bata, bago isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Hmmmm. I'm so tired. Pero nawawala lahat ng yun kapag yakap na kita." Napangiti ako at muli siyang hinalikan, but this time sa tuktok na ng kanyang ulo.

"Just rest with me, babe. Good night." Pagkatapos kong sabihin iyon, hindi nagtagal ay narinig ko na lamang ang mahihinang paghilik niya.

God! I will protect her always at all costs.

---

"Good morning, sleepy head!" Masiglang pagbati sa akin ni Ysa habang naghahain ito ng aming agahan. Agad na kumulo ang aking tiyan nang makaamoy ako ng pagkain.

Mabilis na lumapit ako sa kanya bago siya hinalikan sa kanyang noo.

"Good morning future wife!" Pagkatapos ay naupo na ako dahil malapit na akong malate sa trabaho. "Ang sarap talaga ng umaga dahil dito sa mga luto mo!" Sabi ko sa kanya nang may malawak na ngiti.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya sa araw-araw eh grabe siya mag-alaga? Napaka-wife material at talagang alam na alam niya kung ano ang ginagawa niya sa buhay.

Simula pa man noon, alam na alam niya kung paano ako alagaan ng tama, kung paano niya ako suportahan, kung paano niya ako irespeto sa mga desisyon ko sa buhay at higit sa lahat, she always makes me feel like I am the most blessed man in the world because I have someone like her.

"Sa luto ko lang?" Sabay pout na sabi nito at lumapit siya sa akin para ayusin ang neck tie ko. "Hindi ko talaga alam kung anong gagawin mo kapag nawala ako sa buhay mo. Pati sa pag-ayos ng necktie mo hanggang ngayon hindi mo pa rin magawa ng tama." Pagsesermon nito sa akin kaya napatawa ako habang sumusubo ng pagkain.

"That's why I need you in my life, babe. Because every moment and things with you becomes perfect." Malambing na sabi ko sa kanya ngunit napairap lamang ito ng kanyang mga mata.

Ysa and I have been lovers for nine years. And we are now living under the same roof for four years. I proposed to her on our fifth anniversary and immediately decided to live together. Syempre para mas makilala pa namin ang isa't isa.

At noong nagkasama na kami, mas nakilala ko nga siya ng lubusan. Mas lalo akong nahulog sa kanya, mas lalo akong napapamahal sa kanya, at sa araw-araw na ginawa ng Diyos para sa amin, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang future na kasama siya.

Wala na akong hinihintay pa ngayon at mahihiling pa kundi ang dumating na ang araw kung kailan kami mag-iisang dibdib.

Grabe! I consider myself the luckiest man on earth because I have Ysa. She is the best and most precious gift that the Lord has given me.

I really can't wait to have a family with her and call her my wife one day.