webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · 一般的
レビュー数が足りません
213 Chs

Siya Na Raw Ang Bahala

Pagkatapos ng selebrasyon, nagpatuloy ang buhay nila gaya ng dati.

Sila Issay at Anthon hindi pa rin nagpapa ramdam kahit tawag o text, wala. Mag iisang linggo na simula nuong nagtanan sila.

Hindi na muling nagkita at nagkausap sila Gene at Belen pagkatapos ng gabing yaon.

Naka balik na sila ng Maynila at nagpatuloy sa kani kanilang buhay.

Sa tulong naman ni Uncle Rem, nagawang mabawi ni Miguel ang Mama nya sa ama nyang si Oscar Barlameda. At dahil karamihan ng negosyo nito ay illegal, sinigurado ni Miguel na malalantad sa publiko ang mga ito pati ang ginawa nya sa Mama nya noon at ngayon.

Miguel: "Sisiguraduhin kong makukulong ka ngayon!"

Pero bago maaresto, nakatakas si Oscar sa mga pulis at ngayon ay isa na syang wanted sa batas.

Hindi sya makapaniwalang sariling anak nya ang sisira sa kanya.

Pagkatapos masagip ang ina, dinala ito ni Miguel sa Amerika upang hindi na ulit magamit ng ama sa masasama nitong balak.

Subalit hindi inaasahan ni Miguel at Uncle Rem ang pag ganti ni Oscar Barlameda.

Nang malaman ni Oscar na tinulungan ng mga Perdigoñez si Miguel, nagpupuyos ito sa galit.

Hindi sya makakapayag na basta basta na lang sya matatalo, kaya kinidnap nya si Belen bilang ganti sa kanila.

Oscar: "Magsama sama na lang tayo sa impyerno! Hahaha!"

Nasa balita ang lahat ng ito kaya nakarating kay Issay at Anthon.

Issay: "Mukhang kailangan na ata nating bumalik, Anthon!"

Sabi nya sa kasintahan habang nanonood sila ng balita sa TV.

Anthon: "Hindi! Hindi tayo babalik!"

Madiin nitong sabi.

Napakunot ang noo ni Issay na halatang nagtatanong ng 'Bakit?'

Anthon: "Nakidnap si Madam Belen dahil sa alam ni Oscar na malapit sila sa isa't isa ni Miguel, kaya ito ang ginamit na upang maka ganti ito sa kanya!

Pero pano kung malaman din nya na naging magkasintahan kayo ni Miguel?"

"Baka ikaw naman ang susunod na kidnapin nun!"

Mas lalong napakunot ang noo ni Issay at tumaas pa ang isang kilay.

Anthon: "Alam kong iniisip mo na nagiging praning lang ako, pero wala tayong maitutulong duon!"

"At isa pa hindi mo kilala si Madam Belen, hindi lang ito ang unang beses na nakidnap sya pero lahat iyon natakasan nya!"

Hindi ito alam ni Issay dahil sekreto lahat ito kaya napanganga sya ng marinig kay Anthon.

'Seryoso ba sya?'

Pulitiko ang ama ni Belen pati na ang napangasawa nito kaya makailang ulit ng nalagay ang buhay nito sa panganib at minsan na naging resulta pa ng pagkawala ng dinadala nyang sanggol sa sinapupunan.

Anthon: "Bata pa lang si Madam tinuruan na syang makipaglaban. Hiniling nya ito kay Mayor ang ama nya, at si Papa ang personal na nagturo sa kanya!"

"Marunong ito ng martial arts at tinuruan din sya ng survival at combat technique. Kaya wag kang masyadong mag alala, Mahal!"

"Mabuti pa tawagan na lang natin si Gene para malaman kung ano na ang nangyayari!"

May katwiran si Anthon kaya hindi na nangulit pa si Issay. Tinawagan na lang nito si Edmund para damayan ito.

Edmund: "Natatakot ako Ate Issay, pero buti na lang andito si Lolo Rem at ang pamilya nya! Kaya wagka magaala sa akin magiging okey ako!

"Nagaalala ako kay Tiya Belen pero sabi Lolo, ginagawa na raw nya ang lahat para mailigtas si Tiya!"

Nang malaman ni Rem ang balita agad nitong pinapunta ang anak upang tulungan si Edmund.

Saka sya nagtungo ng Maynila upang samahan ito pansamantala.

Issay: "Wag mo munang intindihin ang opisina, kami muna ni Tess ang bahala!"

Basta pag may problema ka sabihin mo lang sa akin!"

Kahit malayo sya magagawa pa rin naman nyang patakbuhin ang negosyo sa tulong ni Tess. Hi tech na ngayon kaya madali ng gawin ito. Pero kailangan pa nya ng isang mapagkakatiwalaan sa loob ng kompanya.

Tinawagan nya si Vanessa.

Pagkatapos nilang magusap ni Vanessa, patapos na rin si Anthon at Gene.

Gene: "Wag nyo kaming alalahanin, Bro, ako ang bahala kay Belen. Kayo ang magingat dyan, may mga bumubuntot sa inyo!"

Nang malaman nya kung saan sila nagtungo, pinasundan nya sila Anthon at Issay para masiguro na ligtas ang dalawa.

Napansin na ni Anthon na may bumubuntot sa kanila nung unang araw pa pero hinayaan nya lang ang mga ito dahil hindi naman sila ginagalaw at hindi nya sigurado kung sino ang boss nila. Ngunit ngayon kailangan na nyang kumilos may sapantaha na sya.

Issay: "Bakit Mahal? Anong sabi ni Gene?"

Anthon: "Siya na raw ang bahala!"

Issay: "E, bakit ganyan ang mukha mo, parang malaking question mark?"

Anthon: "Wala naman, nagtataka lang ako bakit hindi tinawag ni Gene ng Madam si Madam Belen!"

"Siguro sa dami ng iniisip!"

Sabay lapit kay Issay at saka may ibinulong.

*****

Sa isang silid ng hotel malapit sa kung saan naroon si Issay at Anthon, naka check-in si Winnie.

Pinaiimbestigahan nya si Issay kaya hindi muna ito kumikilos at pinasusundan nya lang ang dalawang ito sa mga tauhang inupahan nya.

Alam na nyang nag file ng leave si Anthon sa trabaho at nalaman na rin nyang isang buwan silang mag iistay sa boracay. At higit sa lahat, alam na rin nyang hindi pa kasal ang dalawa.

Lahat ata ng kilos ni Anthon inaalam nya.

At ngayon nasa kanya na ang file ni Issay, oras na para kumilos!

"Hahayaan muna kitang magpakasaya kay Anthon ko, Isabel, pero wag mo akong sisihin kung triple ang ibabalik kong galit sa'yo!"