webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · ファンタジー
レビュー数が足りません
340 Chs

Who is the enemy?

NANGINGINIG ang mga binti na naglakad palapit ang ravenium demon patungo sa babaeng nakatalikod at nakatayo sa gitna ng altar. Sa loob ng isang luma at abandonadong simbahan namamalagi ang malaking hukbo ng mga demonyo. Nakapalibot ang mga ito sa paligid ng malaking bulwagan habang bawat mga mata ay tila kutsilyong sumasaksak sa pobreng halimaw.

Hindi mabilang ng mga kandila ang nakatirik sa paligid na nagsisilbing ilaw sa madilim na lugar. Ang dating nakabibighaning mosaic ceiling ng simbahan ay nasira at pinagluman na ng panahon. Sa sentro nito nakasabit ang higanteng bakal na chandelier na pinalilibutan ng mga kandila. Sa magkabilang dulo ng altar nakatayo ang pulong ng mga demonyo na nakasuot ng itim na kasuotan. They all possess a posture as hard as stone and beauty as dark as the coldest midnight.

They are called Lethium Demons. Contradict to the ravenium demons who hold a beastly form, the lethium demons carry a human body except with their pale skin and black marble eyes. Madilim ang tingin ng mga ito sa pobreng halimaw. Sa tingin ng lahat isa itong ipis na madaling tirisin.

Nanginginig ang boses ng ravenium nang magsalita ito, "K-kelemis, tore pere mazi memis reta polomez zi harite. (Kamahalan, ipagpatawad po ninyo at nabigo akong makuha ang mortal)

Mula sa altar ay dahan-dahan pumihit paharap ang babae sa buong nasasakupan. On top of her head rested a gigantic and opaque crown made of roots and thorns; all of its sharp ends were facing upwards, forming two sharp horns. Her long hair as white as snow touched the cold ground. Her long and bloody red gown fitted perfectly to her hour-glass frame. The open neckline of her dress goes down until her lower abdomen, while her mountain breast was as tempting as the seven sins. A fist-sized red diamond inside an ancient golden pendant hanged freely on her neck; it pulsed like her own heartbeat.

"At bakit hindi mo naidala sa `kin ang mortal?" Her voice is a calm sea. Ngunit sa ilalim niyon nagtatago ang isang bakunawa na lulunod at lalamon sa kahit sinung magtatangkang lumangoy.

Walang pagmamadali siyang naglakad patungo sa harapan ng ravenium demon; bawat hakbang niya ay kalkulado, kalmado. Sumasadsad ang mahabang dulo ng kanyang gown sa sahig habang nag-eecho ang tunog ng takong ng kanyang sapatos sa tuwing lumalapat iyon sa marble na sahig. Maihahantulad iyon sa tibok ng dibdib ng lahat ng nilalang na naroon. She is a walking flame of lava that will no doubt melt anything she touches. Any man will be enthralled by her unworldly radiance. As beautiful as the nightmare; silent and deadly.

Nanginginig at hindi makatingin sa kanya ang pobreng demonyo. "Zimire gamih zitro hahalang miremire zo mihalemis, eskelemis porro sase zii harani." (May lalaki pong humarang sa `min. Pinatay niya ang dalawang kasama ko. Malakas siya, hindi namin siya kaya.)

Dahan-dahang siyang umupo sa harapan ng halimaw. "At sino ang mapahangas na lalaki?"

  "Zi zi yah mori a-anghel—" (Isa siyang anghel.)

"ANGHEL!"

Umalingawngaw ang sigaw niya sa kabuuan ng simbahan. Tila magigiba ang buong gusali sa sobrang lakas niyon. Halos mapatalon sa takot at gulat ang lahat ng demonyong naroon. Nag-iinit ang buong mukha niya at pabalik-balik na naglakad. Nanginginig at naninigas ang dalawa niyang nakabukang palad; nangangating manakit.

"Perwisyo talaga kahit kailan ang mga anghel na `yan. Sinung mapahangas na anghel ang sumira ng plano ko!?" Para siyang isang dragon na anumang sandali ay bubuga na ng malaking apoy. Ang kaninang malumanay na itsura niya'y tuluyan nang nalusaw.

Napailing ang pobreng halimaw. "Cael, kelemis, yori nga gizere hemis anire." (Cael, kamahalan, iyon ang narinig kong pangalan niya.)

Tinalikuran niya ang ravenium at naglakad pabalik sa altar. Umupo siya sa kanyang trono na gawa sa itim at matutulis na ugat at sanga ng puno. Pinag-ekis niya ang mga hita at taas noong humarap sa buong hukbo. Her sharped yellow eyes, similar to a flaming fire, were ready to burn an entire nation. They glistened with wickedness.

"Humanda silang lahat sa `kin. Isa-isa ko silang titirisin ng buhay hanggang sa maglaho silang lahat sa harapan ko." Matalim niyang tinignan ang balisang halimaw na nakaluhod pa rin. "Alisin niyo sa harapan ko ang halimaw na `yan! Ayokong maaninag ni dulo ng nakakadiri niyang balahibo!"

Mabilis na lumapit ang dalawang lalaking lethium demons sa ravenium demon.

Nagsisigaw ito. "Kelemis Esklemoro hagitre! Esklemero nori Kelemis!" (Kamahalan maawa ka, huwag! Maawa kayo sa `kin kamahalan!)

Animo wala siyang naririnig at naaliw na pinagmasdan lamang kung paano unti-unting hinati sa dalawa na tila pinunit na papel ang katawan ng halimaw sa kanyang harapan. Umalingawngaw sa kabuuan ng bulwagan ang malakas na hiyaw nito habang pinuputol ang bawat kalamnan, ugat at lamang loob nito. Ang tunog niyon ay musika sa kanyang pandinig. Nagbaha ng itim na dugo ang buong sahig. Binalot ng nagliliyab na apoy ang nabiyak nitong katawan.

"Humanda ka mortal. Babagsak ka rin sa `king mga kamay at hindi magtatagal ay maisasakatuparan ko na ang mga plano ko. Walang kahit sinung nilalang ang makapipigil sa `kin."

Sa gilid niya nakaluhod ang isang babaeng alipin. Hawak nito ang bilugang tray na gawa sa pilak. Sa ibabaw niyon gumagapang ang mga maliliit at itim na ahas. Dinampot niya ang pulang mansanas na pinalilibutan ng kanyang mga alaga. Kinagat niya ang prutas at ninamnam ang tamis niyon sa kanyang dila. Katulad ng inaasam na tamis ng tagumpay ng kanyang mga plano.

FYI : Imbento ko lang ang language ng mga Ravenium Demon! Hahahahahaa eskelemis por shekeeeee!

Oh fudge sino ang kalabaaaaan??

Any guess? Story is getting more exciting!

AnjGeecreators' thoughts