webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · ファンタジー
レビュー数が足りません
340 Chs

The Archangel

HINDI ALAM NI LEXINE kung ano dapat niyang maramdaman habang nakatitig sa kanya ang isang pares ng golden brown na mga mata. It reminds her of nothing. No familiarity, no longing, not even a speck of memories. This ethereal being standing in front of her is a stranger. A stranger yet felt oddly... warm?

Brown ang kulot at mahaba nitong buhok na mas mahaba kumpara kay Cael. Higit din na maliwanag at malaki ng tatlong beses ang ginto nitong pakpak. Ang tangkad nito ay hindi nalalayo sa tangkad ni Arkanghel Michael. Ang mukha ng lalaki ay lalagpas pa sa salitang perpekto.

"Alexine… aking anak."

Naipit niya ang hangin sa kanyang dibdib. Maging boses nito ay parang mahiwagang musika sa kanyang tenga. Anak? It sounded bizarre coming from those divine voice, and yet, it gave her a sort of sensation inside her lost soul. Similar to a bright torch in the dark tunnel that was leading her out of the unknown maze and showing her towards the truth of all the secrets; the answers to all the questions.

Hindi alam ni Lexine kung gaano siya katagal na napako sa kinatatayuan bago niya nagawang igalaw ang naninigas na dila.

"I-ikaw si… D-daniel?"

Totoo ba itong nakikita ng kanyang mga mata? Hindi ba siya nanaginip? Ang nilalang na ito––ang makapangyarihang pinuno ng hukbo ng mga Anghel na Tagapangalaga ng oras at panahon––ang nag-iisang lalaking inibig ng kanyang ina at ang katotohanan na'ng dugong nanalantay dito ay ang dugong nanalantay sa kanya.

Ngumiti si Daniel at dahan-dahang lumapit kay Lexine. Parang bigla ay gustong na niyang tumakbo at magtago. Nakakatakot ang sobrang kagandahan nito na pakiramdam niya maglalaho siya sa sandaling madikit sila.

"Kamukhang-kamukha mo si Leonna," saad nito.

Nanikip ang dibdib niya. Masarap sa pandinig ang pagbanggit ng boses nito sa pangalan ng mommy niya. "Ang `yong ina ang pinakamagandang bagay na nangyari sa `kin."

Those words were bittersweet in her ears. Sa tuwing naiisip ni Lexine kung gaano naging mahirap ang pag-iibigan ng kanyang mga magulang na tinutulan ng langit at lupa pakiramdam niya may malaking kamay ang pumipiga sa dibdib niya. It was too tragic and unfair. Minsan hindi niya maiwasang isipin na kung matuturing na isang kasalanan ang pag-iibigan ng mga ito, ibig sabihin ay kasalanan din na ipinanganak siya? Kung hindi ba siya umusbong sa mundo ay buhay pa rin si Leonna?

Marami siyang gustong itanong kay Daniel kagaya ng; kung ano ang nangyari rito noong pinarusahan ito at pinagbawalang makababa ng lupa? Kung ano ang naramdaman nito matapos magpakasal ni Leonna kay Andrew? Nagluksa ba ito nang namatay ang mommy niya sa kamay ng mga kalaban? Pinagmamasdan ba siya nito mula sa kalangitan habang lumalaki siya? Bakit ni minsan ay hindi nagawa ni Daniel na kamustahin siya? Mahal ba siya nito? Pero parang natapon sa kawalan ang dila ni Lexine at hindi niya magawang makapagsalita.

Sunud-sunud na palakpak ang pumainlang sa paligid dahilan nang pagkaputol ng nakabibinging katahimikan. Napalingon silang lahat sa pinagmumulan niyon.

"Awww… isang makapagdamdaming pagtatagpo ng ama at anak. Parang gusto kong umiyak." sarkastikong saad ni Lilith.

Nagkuyom ang mga palad ni Lexine. Humarap si Daniel sa panig ng demonyita. "Lilith…" bulong nito.

"The one and only."

Dahil nakatalikod sa kanya si Daniel kaya hindi makita ni Lexine ang reaksyon ng mukha nito. Pero nararamdaman niya ang tindi ng galit nito dahil kaharap nila ngayon ang demonyong pumaslang kay Leonna. "Tuluyan mo nang tinalikuran ang iyong pagiging isang tao. Kung kaya ang katulad mo ay hindi na kailanman tatanggapin ng Ama."

Pumailanlang ang malakas na tawa ni Lilith. "Don't worry `bout me Mr. Mighty Archangel. Wala rin naman akong balak na pumunta sa pinagmamalaki niyong paraiso. Mas nanaisin ko nang mamalagi rito sa mundo dahil hindi magtatagal at tuluyan na `tong mapapasailalim ng aming kapangyarihan."

"Kailanman ay hinding-hindi mangyayari ang masasama niyong plano, Lilith. Hindi niyo kakayanin ang kapangyarihan ng Ama. Sa kanya ang mundong ito at Siya lamang ang may karapatan na sakupin ang sangkatauhan dahil Siya lamang ang nag-iisang hari!"

Ngumisi lang si Lilith at ipinilintik sa harapan ng mukha ang mahahaba nitong mga kuko. Umakto itong humihikab. "Inaantok ako sa mga kwento mo. Habangbuhay na lang kayong magiging mangmang na sunud-sunuran sa hari niyong hindi naman nagpapakita. Ano nga ulit ang sinasamba niyo? Isang hangin? Isang alamat ng nagmula lang sa dila ng matalanghagang tao na nagpapagaling ng may sakit? Nang-papadugo ng ilog at lumalakad sa ibabaw ng tubig? Milagro o mahikero? Hmp, pathetic.

"I feel sympathy for this humanity, worshipping nothing but a piece of wood. Pleading, crying, and confessing their wishes and sins to an entity that was thinner than a whiff. Hindi ba't mas maganda na sumamba sila sa nilalang na kanilang mahahawakan at masisilayan? Tell me, how do my elegant face will look like inside the Vatican city? I bet I would look marvelous crucified in a cross."

Dumilim nang husto ang mukha ni Daniel. "Huwag na huwag mong malapastangan ang Ama!"

Lilith mockingly smirked. Her eyes turned lethal and her red lips hissed like a serpent. "Then make my mouth shut, Mr. Archangel."

Iyon na ang naging hudyat. Itinaas ni Daniel ang hawak na espada at buong lakas na sumigaw. "Para sa kabutihan ng buong sanlibutan at para sa pangalan ng Ama!"

Tinaas ni Michael ang espada nito. "SUGOOOOOD!"

"AAAAAHHHHH!!!!!" buong lakas na sumigaw ang libo-libong mandirigmang mga anghel at sabay-sabay na sumugod upang ipaglaban ang kapayapaan sa mundo.

Hinumpas ni Lilith ang isa niyang kamay. "KATAPUSAN NA NINYONG LAHAT!!! PATAYIN SILA!!!"

"AAAAAHHHHH!!!!!" Mabilis na kumilos ang buong sandatahan ng mga demonyo at maliksing sinalubong ang mga anghel.

Binalot ng napakalakas na sigawan ang buong kapaligiran. Itim laban sa puti. Kadiliman laban sa liwanag. Kabutihan laban sa kasamaan. At nang sandaling mag-abot sa gitna ang dalawang panig ay yumanig ang lupa kasabay nang malalakas na kidlat mula sa kalangitan.

Ito na ang simula ng panibagong digmaan sa pagitan ng mga anghel at demonyo.