"FOR THE success of Project B0160!" tinaas ni Lexine ang champagne glass at sabay-sabay na sumigaw ang lahat hawak ang kanilang mga baso.
"Cheers!"
Pumutok ang cork ng Moet et Chandon na hawak ni Makimoto at isa-isang sinalinan ang bawat glass. Naghiyawan ang lahat kabilang ang mga empleyado at iba pang agents. Sa mahabang lamesa nakahanda ang mala-fiestang mga pagkain habang umuulan ng iba't ibang alak at inumin.
Isa ang Project B0160 sa malaking mission na pinaghandaan nila kung kaya naman deserve ng lahat ng celebration lalo na at ilang lingo nila itong pinaghirapan.
"Each and everyone gave their part to for this project. To all our hardworking research team led by Makimoto, including all the other department. This success wouldn't be possible without all your help. So thank you everyone!" buong ngiti na speech ni Lexine.
Tinaas ni Elijah ang glass niya sabay tumayo sa kinauupuan, "Long live Moonhunters!"
Sabay-sabay na sumigaw ang lahat, "Long live Moonhunters!"
"Basta lagi niyong tatandaan kung bakit natin ginagawa ang lahat ng ito. Para sa kapayapaan ng bawat mamamayan hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Para sa kabutihan laban sa kasamaan," dugtong ni Lexine.
"Long live Moonhunters!"
Natuloy ang kasiyahan at kainan ng bawat isa. Sa isang gilid nakatayo si Miguel at taimtim na pinagmamasdan si Lexine. Matapos ang unang mission na nakasama niya ang buong MH team. Mas lalong lumaki ang paghanga niya sa babae. Not only that she is strong physically, above everything else. She has a wonderful heart and dedication to protect the humanity.
Bilang isang sundalo sa pagseserbisyo niya sa Military ng halos isang dekada. Ito rin ang bagay na pinaglalaban nila. Kapayapaan at pagmamahal para sa bansa at sa mga mamayan ng Pilipinas. Iisa sila ng layunin. Ang protektahan ang lahat laban sa mga mananakop.
It's an endless war between good and evil. A fight between nation and terrorist. Dalawang magkaibang mundo. Isang lumalaban sa liwanag at isang lumalaban sa dilim. Ngunit hangga't nandito silang mga sundalo at mga moonhunters. Gagawin nila ang lahat upang ipagtangol ang mga mahihina at inaapi.
"Captain Miguel! Welcome po sa Moonhunters!" Lumapit si Camille sa binata katabi ang dalawa pang babae mula sa research team. Pare-pareho malaki ang ngiti nilang tatlo na hindi maitago ang kilig.
Ngumiti si Miguel, "Thank you," at nakipag-cheers sa kanila. Lalo namang nangisay sa kilig ang tatlong babae nang makita ang makalaglag panty na ngiti ng makisig na binata.
"Ako po pala si Camille from research department, ito naman sila Katya and Emily," pakilala ni Camille sa dalawa.
"Hi Captain Miguel," duo na bati ng dalawa na parang mga fan girls.
"Nice to meet you girls."
Impit na tumili ang tatlo sa kilig. Iyon pa lang ang sinasabi ni Miguel pero para na silang aatakihin sa kilig. Marinig lang nila ang napaka manly nitong boses ay para na silang nanalo sa lotto.
Di nagtagal at isa-isa na rin lumapit ang iba pang mga empleyadong babae upang i-welcome si Miguel. Pinagkaguluhan na ito ng lahat. May mga nagpapicture pa na parang isang celebrity ang kaharap nila.
Sa isang tabi ay nakabusangot si Elijah. Hindi niya talaga gusto ang mayabang na sundalo. Bukod pa sa katotohanan na nalalamangan na siya nito pagdating sa pagiging Mr. Charming sa loob ng agency. Noong single pa siya ay talaga naman kilig na kilig sa kanya ang mga kababaihan sa loob ng MH headquarters. Pero simula nang maging sila ni Miyu ay naging mailap na sa kanya ang mga babae lalo na at takot ang mga ito sa kanyang nobya.
Hindi naman siya umaangal dahil mahal niya si Miyu. Pero ngayon nakikita niyang may bago ng center of attention ay di maiwasan ma-hurt ang ego niya. Lamang lang sa kanya si Miguel dahil single ito at walang magagalit. Pero nakasisigurado siya na mas magandang lalaki pa rin siya dito.
***
NAKATAYO si Lexine sa veranda ng kanilang office habang tanaw ang malawak na training area kung saan ginaganap ang boot camp. Tahimik siyang humihithit ng yosi habang nakasandal ang dalawang siko sa metal na railings.
"Alam mo ba na there's a study that smokers die 13-14 years earlier than non-smokers?"
Tumingin si Lexine sa lalaking sumandal sa railings, "Alam mo din ba na mas fatal ang second hand smoke?"
Nagkibit balikat si Miguel, "Well, may point ka dyan. But still, smoking can give you a lot of negative effects in your body."
Muling humithit si Lexine sa hawak na stick at nagbuga ng usok mula sa ilong at bibig, "I just started smoking few months ago."
"You can still quit hanggang maaga pa," sagot ni Miguel.
"It relax my mind. Especially kapag di ako makatulog."
"May insomnia ka?"
"Hmm, not really. Marami lang talaga akong iniisip."
"Kasama ba ako sa iniisip mo?" dinikit ni Miguel ang mukha sa kanya saka ngumuso at nagpa-cute.
Naningkit ang mga mata ni Lexine, "Ilan babae na ba ang naloko mo sa mga banat mo?"
"Maniwala ka man o hindi. Hindi ko ginagamitan ng mga banat ang mga babae dahil sila na ang kusang lumalapit sa akin."
Umirap si Lexine at muling humithit," Iyon naman pala. Bakit hindi na lang sila ang pag-aksayahan mo ng panahon. Wala kang mapapala sa akin Captain Miguel Madrigo."
"Bakit naman? Masama na bang gustuhin kitang mas makilala?"
"I told you, the reason why you're here is for your special mission. After this, we will part ways. No need for us to get closer dahil hindi permanente ang pananatili mo dito."
"Eh sino ba nagsabi sa'yo na hanggang dito lang ang lahat? Kahit matapos ang mission na ito, Lexine, I still want to see you."
Bumuntonghininga si Lexine at tumuwid ng tayo, "Magsasayang ka lang ng oras at effort mo sa akin," naglakad si Lexine paalis pero mabilis siyang hinigit sa braso ni Miguel.
"Lexine, why are you being so resisting? Are you afraid to fall in love again?" seryoso ang mga mata ni Miguel na nakatitig sa kanya.
Tila isang kutsilyo ang mga salita ng lalaki na diretsong tumusok sa puso niya. Takot? Siguro nga ay tama si Miguel. Sa sobrang sakit ng mga bagay na pinagdaanan niya, sinarado na niya ang puso para umibig pang muli.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago hinawakan ni Lexine ang kamay ni Miguel ay inalis sa braso niya, "Goodnigt Captain Miguel."
Naiwan si Miguel na may bigong mukha at pinagmasdan si Lexine hanggang sa makaalis ito sa kanyang paningin.
***
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Night ang picture sa kanyang cellphone. Ito ang kuha ni Lexine noong namasyal sila sa Eiffel Tower. Nakabuka ang bibig nito at gulat ang itsura dahil hindi ito handa noong kinuhanan niya ito. But she's still very beautiful.
He remenisce how she fearlessly fought all the vampires and demons at the nightclub. Habang nakikipaglaban si Lexine ay dahan-dahan siyang naglalakad sa second floor at sinusundan ang bawat galaw nito habang taimtim na nanonood. Na tila slow motion sa mata niya ang bawat kilos nito. Ang bawat pawis na tumatagaktak sa mukha ni Lexine, ang bawat hiyaw nito sa tuwing umaatake sa kalaban. Ang iba't ibang reaction ng mukha nito, lahat ng iyon ay malinaw sa kanyang alaala.
Muli niyang naalala ang mabilis na sandaling nagtama ang mata nila ni Lexine nang nag-angat ito ng tingin sa second floor. Agad niyang tinago ang sarili. That second made his heart thump faster he doesn't know what to do.
"I heard about what happened in Mr. Kho's party."
Pinatay ni Night ang cellphone at tinago sa bulsa bago dahan-dahang humarap sa lalaking nakatayo sa pintuan ng kwarto.
Tumayo si Night at hinarap ang kanyang ama, "He's dead."
"Alam ko, at alam ko rin kung sino ang pumatay sa kanya," naglakad papasok si Lucas sa silid na tila pusa sa gaan ang mga paa na hindi gumagawa ng kahit anong ingay.
Bahagyang umangat ang sulok ng bibig niya habang pinagmamasdan ang mukha ng anak, "You still love her."
Nanigas ang bagang ni Night. Ilang sandali bago siya sumagot, "No."
Naningkit ang mga mata ni Lucas at lumapit sa anak. Mapanuri ang tsokalate nitong mga mata na tinitignan ang mukha ng anak na malaki ang pagkakahawig sa kanya.
"Alexis… you cannot fool me. I know that you love her and you will always do."
Hindi sumagot si Night.
"Alam mo din kung ano ang mangyayari sa kanya sa oras na suwayin mo ako."
Nagkuyom ang magkabilang kamao ni Night sa galit na nararamdaman. Matalim itong tumingin sa kaharap, "I won't let you hurt her," buong gigil niyang sambit habang sumasalamin ang matinding poot sa mga mata.
Ngumisi si Lucas, "You know what you need to do. Give me what I want."
Tinapik ni Lucas ng dalawang beses ang pisngi ni Night, "Make me proud my son."
Umalis ito at naglakad palabas ng pinto. Naiwan si Night na may madilim na mga mata at nanatiling nakatingin sa kawalan. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit at pagkamuhing nararamdaman.
Galit pa rin ba kayo kay Night? Hahaha!
Naku Captain Miguel, galingan mo!!
May nagsi-ship ba sa MiXine??! O loyal pa rin kayo kay Night?
Hahaha!
Till next UD! Author will do her best to update daily. As of now, ito po muna. Bawi next UD!
Join our FB group: Cupcake Family PH