"NILIBOT KO NA'NG BUONG PALIGID subalit hindi ko siya natagpuan."
"Diyos ko! Nasaan na kaya si Alexine? Hindi kaya nahuli na siya?"
"Huwag naman sana pero malaki ang posibilidad."
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Night habang naririnig niya ang mga boses na nag-uusap. Dahan-dahan siyang bumangon pero nauna siyang binati ng umiikot na paligid. Tila isang martilyo ang paulit-ulit na dumidikdik ng ulo niya habang parang lantang gulay ang bawat parte ng kanyang katawan.
May suminghap nang malakas. Naramdaman niyang may lumapit sa tabi niya. Dalawang magaan na kamay ang umaalalay sa kanya upang makaupo nang maayos. "Huwag ka munang masyadong kumilos, nalason ka," mahinang sambit ng boses ng babae.
Naghihirap na sinandal ni Night ang ulo sa pader. He grunted. The pain is excruciating. Pinilit niyang idilat ang mga mata niya na animo isang sako sa bigat. Nasilayan niya ang isang pamilyar na mukha ng babae. Ito ang sorceres na nakita niya na kasama sa picture ni Leonna. Kung ganoon ay buhay ito?
Naalala niya kung ano ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. Nilinlang siya ni Lilith at tinuklaw ng ahas nito. Sumiklab ang galit sa kanyang dibdib.
"That bitch! She tricked me," aniya sa nahihirapang boses.
Hinawakan ng sorceress ang balikat niya. "Hayaan mo na tanggalin ko ang lason sa katawan mo." Nilapat nito ang kaliwang kamay nito sa batok niya. Nagliwanag ang palad nito at naramdaman niya ang init na dulot ng mahika ng sorceress na gumagapang sa buo niyang katawan. His body feels as though he was floating inside a hot sauna. Matapos ang ilang sandali at unti-unti nang guminhawa ang pakiramdam niya. The pain in his head has finally stopped. He can feel the poison leaving his body like a soul who detached from his vessel.
"Thanks," he muttered between heavy breaths. Nang tuluyang luminaw ang kanyang paningin, bukod sa sorceress naroon din ang tagabantay na anghel na si Cael at nakatayo sa kanilang harapan. "Where's Lexine?"
Nagkatinginan ang dalawa. Naikuyom niya ang mga kamao, nanigas ang kanyang bagang. Hindi na kailangan magsalita ng mga ito dahil kita na agad sa mukha ng dalawa ang sagot.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Nanggigigil na pinagsusuntok niya ang sahig. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa labis na galit. "Papatayin ko ang babaeng `yon sa oras na saktan niya si Lexine."
Nagbitaw ng mabigat na hininga si Winona. "Kailangan nating maligtas si Lexine sa kamay ni Lilith. Nangako `ko sa kanya na papatagalin ko ang pagkalat ng lason ng sumpang binigay ni Lilith kay Alejandro. `Yon lang ang kaya kong gawin. Ang tanging paraan para tuluyang mailigtas si Alejandro ay kung magagapi ang nilalang na may gawa ng sumpa."
Hinawakan ng sorceress ang braso si Night at pinakatitigan siyang mabuti. Her small eyes were enough to tell how much terror she has. "Ikaw lang ang may sapat na kakayahan para matalo ang makapangyarihan demonyo na si Lilith."
The prince of darkness's brown eyes abruptly turned bleak like a wolf that is prepared to hunt his prey. "I'll kill her using my bare hands. Wala `kong ititira kahit sino sa kanila. Papatayin ko silang lahat."
"Kung gano'n, kailangan niyo nang magmadali," saad ni Winona.
"Ngunit saan nila dinala si Lexine?" tanong ni Cael.
Tumayo si Night. Inalalayan siya ng ginang.
"Alam ko kung saan siya makikita," aniya. Nagpalitan sila ng mainit na tingin ni Cael.
"Kailangan natin ng karagdagang puwersa upang mabawi si Alexine. Isang malaking digmaan ang magaganap. Magtutungo ako sa Paraiso ng Eden upang humingi ng tulong sa Arkanghel na Michael at sa buong hukbo ng mga anghel na mandirigma," saad nito.
"Do whatever you want, kill whoever fucking you like, I don't care. Basta sa `kin si Lilith," seryosong wika niya.
Hinding-hindi siya magdadalawang isip na kitilin ang buhay ng walanghiyang demonyita na `yon kung iyon lang ang paraan para sa kaligtasan ni Lexine at Alejandro, gagawin niya. He will show no mercy. Basta para kay Lexine ay titibagin niya ang lahat. Kahit maging ang sarili niyang kapamilya ay hindi niya palalagpasin.
Ngayong gabi, dadalak at uulan ng dugo. Night will make sure to kill each fucking demons and burn them one by one until they turn into thin ashes.
Mga beshie mae’s maghanap na kayo ng mapagkakapitan diyan sa tabi niyo, wag lang tao kasi kawawa naman siya.
I warned you... (evil laugh ni Author) bwahahahahah!