webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · ファンタジー
レビュー数が足りません
340 Chs

First anniversary

SA GITNA nakatayo ang isang malaking portrait. Dahan-dahang hinakbang ni Ansell ang tila bato sa bigat niyang mga paa. Hindi nakatakas ang mabilis na kirot na tumusok sa kanyang dibdib nang mapagmasdan ang babaeng nasa picture. Ang ngiti nito ay isang malaking martilyo na dumudurog sa kanyang puso. Pinilit niyang ayusin ang sarili. Hindi ito ang tamang lugar upang magpaka-bakla siya at humagulgol na naman. This is not about his unstable emotions, this is about Lexine's memories and honor.

Nang makapuwesto sa harap ng mikropono, agad sumalubong kay Ansell ang dagat ng mga tao na karamihan ay pamilyar sa kanya. Halos buong college nila ang nakikidalamhati sa pagkawala ng kanyang bestfriend. Their university held a little ceremony to give honor in the memory of their late student. Today is Lexine's first death anniversary.

Pinagmasdan niya ang lahat. Sa pinakaunahan nakaupo ang dean ng college of Business Administration maging ang iba't-ibang professors at faculty members. Sa pinakagitna tahimik na nakaupo si Alejandro Vondeviejo, ang lolo ni Lexine. Sa kabila ng kagalang-galang nitong aura hindi pa rin maitatago ang labis na pagluluksa nito. Katabi nito nakaupo ang maluha-luhang si Madame Winona na matalik na kaibigan ni Leonna, ang yumaong ina ni Lexine. Sa kabilang side naroon si Belle na walang tigil ang pag-iyak. Kababata at kasambahay ito ni Lexine. Sa gilid ni Belle naroon sina Xyrille at Janice na malalapit na kaibigan ng dalaga. Maging ang buong ballet group ni Lexine ay dumalo rin. Ngunit isang babae ang wala sa mga ito—si Kristine Garcia na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.

Until now, his best friend's death remains a mystery in the eyes of the public. Everyone still demands justice. Si Ms. Garcia, ang ballet instructor ni Lexine at sinasabing huling kasama nito bago ito namatay. Kahit na bangungot ang tinutukoy ng mga doktor na sanhi nang biglaang pagkawala ni Lexine, marami pa rin ang hindi naniniwala. Ngunit alam ni Ansell kung ano ang totoong nangyari nang gabing iyon. Isang bagay na habang buhay niyang dadalhin bilang sikreto.

Tumikhim si Ansell bago nagsimula ng kanyang speech. "I remember this… very particular moment that I was with Lexine. It was the night when they first performed the "Romeo and Juliet." I came there with a huge bouquet of tulips, it's her favorite. Then, I was wearing this tailored gray suit and tie that made me look more gorgeous as ever."

Bahagyang nagtawanan ang mga nakikinig. Ansell was trying to lighten the mood but only a small smile escaped his lips. He continued. "That night when I saw her dancing in her white tutu with a face full of passion, my heart leaped faster than it's normal beat." He paused and sighed. Masakit para sa kanya na balikan pa ang lahat.

Nagpatuloy siya. "Lexine was the only woman who could do that to me. Lexine loved ballet, she always poured all her heart and soul into her craft. She used to dream of becoming the best dancer. And for me, she will always be not only the best but the most beautiful ballerina this world could ever have.

"I wish I could have held her in my arms and never let her go." Saglit na tumigil si Ansell. Nagsisimula na namang bumara ang lalamunan niya. He tried to hold back the sting at the back of his eyes. Tumingala siya upang pigilan ang tuluyang pagtulo ng mga luha. I wish I could have told her all these feelings that I kept inside all these years. Tumikhim siya bago nagpatuloy. "But now… it's too late. I no longer have that chance anymore."

Hindi na napigilan pa ni Ansell ang pamamasa ng kanyang mga mata. Tangina, sabi niya hindi siya iiyak pero sa tuwing naaalala niya ang lahat ng pagkakataon na sinayang niya ay nadudurog lalo ang puso niya. He wishes he could at least told her his secret. Kahit pa alam niyang hindi ito masusuklian ni Lexine. But everything is a dead end now. He fucking misses his best friend, the only girl that he ever loved.

Pagkatapos ni Ansell ay nagbigay rin ng maiksing speech si Janice, ang kanilang dean, ilang malalapit na professors ni Lexine at ang panghuli ay si Alejandro. Nagpasalamat ito sa buong faculty ng university sa pag-aabala ng mga ito na gumawa ng maliit ngunit makabuluhang ceremony para sa alaaala ng yumao nitong apo. Nagpasalamat din ito sa lahat ng mga nakikidalamhati.

Ang sunud ay ang releasing of balloons. Nagpunta ang lahat sa open grounds at bawat isa ay may hawak na puting lobo. Sa hudyat ng host, sabay-sabay na pinakawalan ng lahat ang mga baloon at pinagmasdan ang paglipad ng mga ito patungong langit. Hinihiling na sana`y makarating ito kay Lexine.

Hey yah Cupcake family! The much awaited mass release for Book 2: Touch of Death is now here!

Alam ko namiss niyo ang NiXine!!! We’re back to slow pacing again since this is a new start of the 2nd book, I would also like to use this chance to build not only the old but also the new characters in MBIAGR!! I hope you’ll enjoy TOD, same as how you love the book 1 (Kiss of Death) Slightly pressure si Author haha omg! Wala pa sa 1/4 ang nasusulat ko but I’ll do my best for u guys! Enjoooy!

AnjGeecreators' thoughts