webnovel

Ang Pag-amin ni Zhao Feng ng Pagkatalo

編集者: LiberReverieGroup

"Maglaban?"

Muntik nang malaglag si Zhao Feng.

Ibang-iba ang kasalukuyang Zhao Yufei na ito kaysa sa dati. Kaya ng Spiritual Race bloodline niyang sirain ang pagkakaiba sa cultivation, kung kaya pwede niyang hamunin ang isang King. Para ba itong isang milagro.

Kakakita lang ni Zhao Feng ng laban gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Ang lakas nina Nan Gongsheng at Zhao Yufei ay ay ilang beses na mas higit sa lakas na mayroon si Zhao Feng bago siya natulog.

"Ano, ayaw ni Zhao Feng?"

Pang-aasar ni Zhao Yufei habang nakangiti.

Umikot ang mata ni Zhao Feng.

"Tinitingalaan lang kita noong simula pa lamang sa Zhao Family."

Kumampay ang mga pilik-mata ni Zhao Yufei nang maalala niya ang mga nasa nakaraan.

"Sun Feather City… ang Zhao Family…."

Bulong ni Zhao Feng.

Ilang taon na agad ang nakalipas sa isang pikit lamang.

Sa paningin niya dati ay sobrang lakas ng Zhao Family. Pero ngayon ay para ba itong malabong memorya na lamang.

Mas naging malapit pa ang pagkakaugnayan ng dalawang iyon, at nakatayo sila sa tuktok ng mga henyo.

Hindi nawala ang pang-aasar ni Zhao Yufei kay Zhao Feng. Para lang ba siyang may naalala.

"Sige, tinatanggap ko ang hamon mo."

Ngumiti si Zhao Feng. Nasa kaniya pa rin ang dati niyang lakas ng loob kahit pa mababa ang tsansa niyang manalo.

Tumingin sa kaniya si Zhao Yufei at medyo nahilo habang namula ang mukha niya.

Ang imahe ng pagkabata sa mata niya ay hindi nawala.

"Simula na!"

Natawa si Emperor Duanmu habang binalot sina Zhao Feng at Zhao Yufei ng Emperor power.

Shua!

Umilaw ang tanawin at ngayon ay nakatayo na sila sa isang madilim na berdeng dimensyon.

Berdeng mga bundok, damuhan, dagat-dagatan, at mga kakahuyan.

"Master, ito ang binuksan mong dimensyon?"

Nagpakita ng gulat si Zhao Feng.

Totoo ang dimensyong nasa harapan nila at hindi peke, at naglalaman ito ng power of Wood.

Siyempre, kumpara sa Purple Saint Ruins o sa Demigod Forgotten Garden, nasa early dimension pa lamang ang pisikal na dimensyong ito.

Makikita ang pagkakaiba ng Kings, Emperors, Sacred lords, at Demigods dito.

Spatial domains lamang ang kayang gawin ng mga normal Kings, hindi pisikal na mga dimensyon, samantalang ang mga Emperors naman ay kayang gawing totoo ang kanilang mga spatial domains.

"Hindi ito bihira. Hindi ka na rin masyadong malayo mula sa pagbukas ng sarili mong dimensyon sa lebel ng eye-bloodline at soul level mo."

Sabi ni Duanmu Qing habang nakangiti.

Ang basehan ng paggawa ng spatial domain ay nasa tatag ng kaluluwa at lakas ng intent.

Kaya ko ring gawin ito?

Nagulat si Zhao Feng, pero inalala niya ang mga ilusyon niyang ginawa noong mga nakaraan gamit ang kaniyang mental energy. Habang malakas ang soul at intent ng isang tao ay kaya nilang gawing domains ang kanilang mga mental energy dimension, pagkatapos noon ay gawin itong reality.

Bilang isang Emperor, kaya ni Duanmu Qing na gawing reality ang kaniyang mga spatial domains.

Siyempre, hindi niya pa rin kayang gawing pisikal na bagay ito. Ang spatial dimension niya ay pwedeng tawaging sarili niyang mundo, pero sa totoo lamang ay wala itong pundasyon tulad ng isang totoong mundo.

Ang mga bagay sa loob ng dimensyong ito ay sobrang iba sa totoong mundo sa tiyak na antas. Para ba itong pagkakaiba ng mga sariwang bulaklak at mga pandekorasyong bulaklak – mga totoong bundok at mga pekeng bundok.

Mas marami nang nalaman si Zhao Feng matapos ang ebolusyon ng kaniyang God's Spiritual Eye.

"Pinapangarap lamang ng bilyon-bilyong cultivators na makaabot sa antas na ito."

Kumalma si Zhao Feng.

Susubukan niya ring gumawa ng sarili niyang domain matapos umabot sa Void God Realm.

Nagtinginan sa isa't-isa sina Zhao Feng at Zhao Yufei sa isang berdeng pwesto sa dimensyon ng Emperor.

"Papatigilin ko ang iyong kapangyarihan."

Sabi ni Duanmu Qing, at sa isang isip lamang ay may bumagsak na Magnificent Power sa kanilang dalawa.

Nalaglag ang puso ni Zhao Feng. Mundo ito ni Duanmu Qing at nirerepresenta niya ang Heavenly Dao.

"Isa sa sampu lamang ng lahat-lahat ng lakas mo ang maaari mo lamang gamitin."

Tumango si Duanmu Qing, Kung hindi niya hihigpitan ang lakas nila ay baka masira pa ng dalawa ang mundo niya.

"Mag-ingat ka, kapatid na Zhao Feng."

Ngiti ni Zhao Yufei bago siya naging isang guhit ng lilang ilaw.

Napakabilis!

Nakikita ni Zhao Feng ang bawat galaw ni Zhao Yufei gamit ang God's Spiritual Eye.

Kailangang malaman ng isang tao na ang lakas ng dalawang ito ay nakahigpit lamang sa 10% sa orihinal na lakas nila, kaya sobrang nakakahanga pa rin na kaya pa rin ni Zhao Yufei na maging ganito kabilis.

"Purple Wind Lightning Ring!"

Nagulat si Zhao Feng nang kaunti habang may mga guhit ng mga kidlat na tumambad sa iba-ibang direksyon.

Boom!

Naglabas ng lilang kulay si Zhao Yufei habang sinasalo niya ang mga atake nang harap-harapan.

Hindi niya man lang pinansin ang mga atake ni Zhao Feng. Nagbago agad ang ekspresyon ni Zhao Feng nang may lumitaw na pamilyar na amoy sa harap niya.

Pa!

Kumaway si Zhao Yufei, at biglang may lumabas sa lilang ilaw na humiwa patungo kay Zhao Feng.

Bumagal agad ang pagdaloy ng True Yuan at bloodline ni Zhao Feng. Napahinto ni Zhao Yufei agad ang kaniyang True Yuan at bloodline power.

"Break!"

Umungol si Zhao Feng, at may maiitim na lilang kaliskis na lumitaw sa katawan niya habang lumabas ang kaniyang defensive Water bloodline.

Kasabay noon, may isang lumabas na pagsabog na scarlet-colored Wind Lightning.

"Scarlet Destruction Wind Lightning!"

Umilaw ang mga mata ni Emperor Duanmu.

Naging mas bihasa na ng 20-30% si Zhao Feng sa Scarlet Destruction Wind Lightning.

Boom!

Pinunit agad ng scarlet-colored Wind Lightning ang lilang ilaw.

Bam~~~ Boom!

Kinailangang umatras ni Zhao Feng nang kaunti dahil sa pagkulo ng dugo niya.

Wala sa iisang lebel ang dalawa. Kung hindi dahil sa defensive bloodline ni Zhao Feng at sa mas malakas na katawan niya sa normal Kings, siguro ay matagal na siyang napatalsik.

"Tulad ng inaasahan sa Spiritual Race bloodline."

Huminga nang malalim si Zhao Feng. Sobrang taas ng presyon ng labanang iyon.

Hindi pa rin masyadong malaki ang naitutulong ng God's Spiritual Eye kahit pa malaki ang pinagbago nito.

Walang palya ang opensa, bilis, at depensa ni Zhao Yufei.

"Zhe zhe, kalahati pa lamang ng lakas ko ang nagagamit ko."

Natawa si Zhao Yufei.

Ito ang unang beses na napigil niya si Zhao Feng mula pa noon sa Zhao Family.

"Wings of Wing and Lightning!"

Isang pares ng nagliliyab na scarlet-purple na pakpak na gawa sa Wind Lightning ang namuo sa likod ni Zho Feng habang naglalabas ito ng katakot-takot na aura of Destruction.

Shua!

Tumaas nang sobra ang bilis at opensa ni Zhao Feng.

Sa oras na iyon ay sobrang lapit na ng battle-power niya sa isang King.

Gumamit na rin siya ng malapitang labanan para mapataas ang lamang niya sa lakas at katawan.

Kahit pa sobrang lakas ng True Yuan ni Zhao Yufei at nakaabot na siya ng lebel ng King, ang estado ng pag-iral niya at ang kaniyang katawan ay hindi pa rin kasinglakas ng kay Zhao Feng.

Peng! Bam!

Ilang beses na nagtalo ang scarlet-colored Wind Lightning at ang lilang liwanag na siyang gumawa ng maraming butas sa lapag.

Lahat ng ito ay nasa ilalim ng saligang limitado lamang ang lakas nila sa 10% ng totoong lakas nila.

"Nasa panggitnang yugto ng Great Origin Core Realm ang cultivation ni Zhao Feng, samantalang ang kay Yufei naman ay maiikukumpara sa isang half-step King."

Buntong-hininga ni Duanmu Qing.

Hindi sorpresang matatalo si Zhao Feng.

"Masyado lang malaki ang pagkakaiba. Wala akong tsansang manalo maliban na lamang kung umabot ako sa huling yugto ng Great Origin Core Realm at maunawaan ang 50% o higit pa ng Scarlet Destruction Wind Lightning."

Bulong ni Zhao Feng.

Kahit pa ginagamit niya ang Wings of Wind and Lightning ay mahihirapan pa rin siyang labanan si Zhao Yufei.

Mahirap para sa mga atake ni Zhao Feng na sirain ang depensa ni Zhao Yufei dahil sa kakaibang Spiritual Body Change.

Hindi lamang siya ang nasa ganoong posisyon, kundi pati na rin si Nan Gongsheng.

Sa umpisa pa lang rin ay para bang hindi pa ginagamit ni Zhao Yufei ang lahat ng lakas niya.

Matapos ang ilang moves, nagsimula nang pagpawisan si Zhao Feng at tumaas na rin ang kaniyang paghinga.

Iisa pa rin ang ekspresyon ni Zhao Yufei. Dahil mayroon siyang mala-alamat na bloodline na naka-ranggo sa pang-20 sa Ten Thousand Ancient Races, nasa tuktok pa rin siya ng henyo ng mga bloodline sa mundo.

"Sige, talo na ako."

Kalmadong hininto agad ni Zhao Feng ang labanan.

Walang saysay kung tutuloy pa rin nila ang paglalaban. Kahit pa hindi binigay ni Zhao Yufei, kaya niya pa ring pahabain ang laban hanggang sa maubos ang enerhiya ni Zhao Feng.

"Umaamin ka na ng pagkatalo? Hindi mo pa nga nagagamit ang eye-bloodline mo."

Hinga ni Zhao Yufei.

Nakaabot na ng bagong yugto ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng matapos itong sumailalim sa ebolusyon, pero hindi niya man lang ito nagamit.

"Ang pagbabago ng aking God's Spiritual Eye ay mas nakabase sa kaluluwa, at ang laban sa soul-dimension ay masyadong delikado."

Umiling si Zhao Feng.

Madali lamang pahilumin ang sugat sa pisikal na katawan, at bihasa si Duanmu Qing sa elemento ng Wood at paghihilom.

"God's Spiritual Eye? 'Yan dapat ang iniisip ko."

Sabi ni Duanmu Qing matapos ang pag-iisip nang malalim.

"Hindi."

Hindi nagpapigil si Zhao Yufei, at desidido na ang tingin niya, "Hindi pa tapos ang laban na ito."

Malakas ang loob niya sa sarili niya at gustong-gusto niyang talunin si Zhao Feng.

"Sige, pero tatlong moves lang ang gagamitin ko."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na manghina.

"Sige."

Ngayon, si Duanmu Qing na ang sumagot para kay Zhao Yufei.

Masyadong delikado gumamit ng Soul techniques, at si Zhao Feng naman na hindi gustong gumamit nang sobra sa tatlong moves ay hindi rin ginustong ilagay sila sa peligro.

Hu~~

Kasamang umihip sa hangin ang buhok ni Zhao Feng at nagpakita ito ng malagim na ganda.

Nanginig ang dibdib ni Zhao Yufei.

Sunod nito, gumawa ng lilang mundo si Zhao Feng na naglalabas ng nakakagulat na Soul eye-bloodline power.

Sa oras na iyon, para bang natigil ang Heaven Earth Yuan Qi, at ang iba'y nakaramdam na yumuko.

"Napakalakas na Soul eye-bloodline power!"

Kahit ang Purple Saint Partial Spirit sa loob ng Little Heaven and Earth ni Zhao Yufei ay umiyak.

Boom!

Makikita ang isang lilang mata sa soul-dimension. Ibang-iba ito sa Eye of Heaven; lumabas ito na may purong mental energy, at naglalaman ito ng Eye Intent.

"Hindi ito maganda!"

Ginamit ni Zhao Yufei ang Little Heaven and Earth at ang kaniyang half-step King intent para lumaban.

Nanlamig ang kaniyang malay at natigil ang kaniyang mga isip.

Bam!

Ang half-step King intent niya ay madaling natalo na para bang sanggol lang ito.

Kahit pa mayroon siyang Little Heaven and Earth, lumalaban lamang ito sa lakas ng Heaven and Earth, hindi ng Eye Intent.

Sa dimensyon, nakakagawa ng Magnificent Power ang Eye Intent ni Zhao Feng pati na rin ng presyon sa kaluluwa.

Anong klaseng halimaw itong si Zhao Feng? Sovereign lord lamang siya pero mayroon na siyang Eye Intent.

Tumalon ang puso ng batang Demigod sa loob ng ancient metal ring.

Siguro ay kayang patigilin ng Eye Intent ni Zhao Feng ang mga Kings, at natuto na rin siya ng ilang ipinagbabawal na eye-bloodline techniques.

Isa lamang ang sigurado: kayang pumatay agad ng Eye Intent ni Zhao Feng ng mga Sovereign Lord at half-step King.