webnovel

KB-8

Sa living area na ng bahay sila tumambay after mananghalian. "Ano gusto mo movie, Baby Kari?" tanong ni AJ. "Ito unan sandal ka na." Si Ark Shi na naglagay ng unan para sa likod ni Kari sa may corner ng sofa. Nasa may carpet na sahig kasi gusto ni Kari umupo. "Nakanamern, noong araw, never ko naranasan na pagsilbihan ng dalawang lalaki." Pang-aasar nI Quelly. Nanlilisik na mga mata ang tingin ni Kard sa bf ng anak at dun sa panganay ni Quelly.

"Pink, do you miss Mommy?" kausap ni Asi Lite Frederick Beet sa anak. Yan buong pangalan ni Alfred Beet (promoting his story entitled, 'Al's Orange Lady,' available to read at wattpad, just search PinkGlitterHead08 my pen name there).

"Ate Quelly, Kuya Kard," Napatingin naman ang mag-asawa sa kanya. "Mauuna na po ako, pero babalik rin po mamaya." Tumango naman si Quelly sa kanya. Si Renz yung nagpaalam. "I feel something is fishy, AJ, may nangyayari ba sa Aunty Hell mo?"

Napakagat ng mga labi si AJ, "Mom, nothing is wrong, kakahatid ko nga lang noong isang araw dun sa friend's house niya."

May motorsiklo si AJ na niregalo ng kanyang biological mother, na si C.c. noong mag-16th birthday ito. "I see." Kinukutuban pa rin ang Mistress. May mali sa nangyayari yet she shook it off at pinagmasdan ang kanyang anak na napapaligiran ng dalawang lalaki. "Goku, come!" Pumunta naman sa kanya ang aso. May binulong siya dito at dinambahan si Ark Shi, tapos si AJ. And finally, since kasinglaki niya na si Kari pag tumayo with his hind legs, dumantay siya sa mga balikat nito.

"Oh okay." Ngumiti si Kari sa ina at nagpatuloy na umakyat sa kwarto niya. "Ano sabi mo kay Baby Kari, Mom?" Ngumisi si Quelly, at nagkibit-balikat, "Brush time na ni Goku, dun sila sa kwarto ni Kari."

Napangiting nagkatinginan ang mga tatay ni Kari. Samantalang si Ark Shi ay susunod sana, "Hold it!" Hinawakan niya ito sa isang balikat. Ngumisi si AJ. "Let's play Honor of Kings."