webnovel

Kambal Tuko [TAGALOG]

Simula pa pagkabata ay makikita na ang malaking pagkakaiba ng magkakambal na sina Tina at Nana. Si Nana ay normal ang itsura samantalang si Tina ay may hindi pangkaraniwang kaanyuan na naging dahilan kung bakit naging tampulan ito ng tukso. Pero ng tumungtong si Tina sa legal na edad ay isang misteryo ang nangyari na nagbigay dito ng magandang kaanyuan. Dahil doon ay mas nadagdagan ang inggit ng kakambal nitong si Nana. At dahil din doon ay nalagay si Tina sa kapahamakan. Noong nawala si Tina ay nagsimula na rin ang misteryo na bumalot kay Nana at sa mga kaibigan nito. Gusto ni Nana na maitama ang lahat. Pero paano iyon gagawin ni Nana kung isa-isa nang namamatay ang mga taong nakapalibot dito at ito na ang isusunod? Book cover by: Shekina Grace Edited by: Elf King Publishing Editors

Jennyoniichan · ファンタジー
レビュー数が足りません
23 Chs

CHAPTER 16

SUMAKIT ang leeg ni Nana nang magising ito. Sa sofa ito nakatulog. Naalala nito ang narinig na nagsalita noong nagdaang gabi. Pero hindi matandaan kung sino iyon.

Napabuntong-hininga si Nana. Namimiss na nito si Nana. Pero alam nitong ito ang may kasalanan kung bakit ganito ang nangyayari dito. Ito ang puno't dulo ng lahat...

"That bitch, nakuha na naman niya ang lahat ng atensiyon. Pati si Jacob mukhang nahuhulog na sa kanya. Hindi ito maaari," naiinis na sambit ni Nana.

"Girl, kalma ka nga. Kapatid mo naman 'yan. Ipaubaya mo na lang si Jacob sa kanya. Marami rin namang naghahabol sa 'yo, ah?" sabi ni Bea.

Tiningnan ito ng masama ni Nana. "Why would I do that? Akin lang si Jacob. Kahit kapatid ko pa siya, hindi ko ito palalampasin." Matagal nang may gusto si Nana kay Jacob. Pero hindi ito napapansin ng lalaki. Kaya sobra-sobra ang inggit nito kay Tina. Naalala ni Nana ang inggit din nito sa kakambal dahil sa atensiyon na ibinigay ng ama ng mga ito kay Tina na hindi natanggap ni Nana. Simula rin noong magbago ang anyo ni Tina at naging maganda, mas lalong nadagdagan ang inggit ni Nana para sa kapatid.

Nagkatinginan sina Bea at Girly.

"You're so bad talaga. Ano'ng pinaplano mo?" maarteng tanong ni Girly.

"Sisiguraduhin kong kamumuhian at pandidirihan siya ng mga tao. Ang magagawa niya na lang ay magtago. Sa ganoong paraan, malalayo na siya kay Jacob," sabi ni Nana, may naglalarong ngiti sa mga labi. "Tawagan niyo sina Kris. Pero 'wag niyo isasama si Jacob."

Tinawagan naman ni Girly si Kristoff.

"Nasa tambayan daw sila Nana. Tamang-tama, wala daw doon si Jacob. Kasama si Tina."

Pumunta ang mga ito sa tambayan nina Paulo. Doon ay kinausap ni Nana ang mga ito para humingi ng tulong sa plano nito. Ang plano ni Nana ay takutin nina Paulo si Jacob at yayain ito si Tina sa bahay ni Jacob. Pagkatapos ay kailangang masigurado nina Paulo na may mangyayari kina Tina at Jacob noong araw na iyon. Kailangang ibigay ni Tina ang sarili kay Jacob. Kukunan ng video nina Nana iyon. Iyon ang plano ni Nana na gamitin para maipahiya si Tina.

Iyon lang ang plano ni Nana. Pero pagdating ng araw na isasagawa na ang plano, doon na nagsisi si Nana.

Hindi nito alam na naka-droga sina Paulo noong mga oras na iyon. Sinaktan nina Paulo si Jacob at dinala sa isang kuwarto si Tina. Alam nina Nana ang ginawang pambababoy nina Paulo kay Tina. Pero nawalan ito ng lakasi na tumulong dahil natakot na madamay.

Sumilip si Nana sa siwang ng pintuan at saktong katatapos lang ng lahat. Nagulat si Nana nang makitang nakatingin din sa gawi nito si Tina, nanlalaki ang mga mata. Kitang-kita ni Nana sa mga mata ni Tina na nanghihingi ito ng tulong, pero dahil sa takot ay binalewala iyon ni Nana.

Hindi alam ni Nana na ganoon ang magiging resulta ng lahat. Pagkatapos nang nakitang iyon ay hindi na nito alam ang sumunod na ginawa nina Paulo kay Tina. Dahil sa plano ko ay nasira ang buhay ni Tina. Hindi dapat ako maging masaya, naisip ni Nana, puno ng pagsisisi.

Kung tama ang hinala ni Jacob tungkol sa nangyayari, pipilitin pa rin ni Nana na gawin ang lahat para mailigtas kahit man lang ang lalaki.

PAPUNTA ngayon si Nana sa bahay nina Aya. May gusto itong makita. Naroroon pa rin ang nakakakilabot na presensiya ng bahay pagdating ni Nana.

Ilang beses kumatok si Nana pero walang sumasagot. Nakita ni Nana ang isa sa mga kapitbahay ni Aya na dumaan kaya nagpasya itong magtanong.

"Ah, ale," tawag ni Nana.

Pero hindi ito pinansin ng babae at nagmadali sa paglalakad. Hinabol ito ni Nana at pinigilan.

"Magtatanong lang po ako, ale," sabi ni Nana.

Tumingin ang babae kay Nana. Napansin ni Nana ang malaking pilat sa mukha ng babae.

"Ano'ng itatanong mo?" tanong ng babae, seryoso.

"Tatanungin ko lang po iyong tungkol sa bahay na iyon," itinuro ni Nana ang bahay ni Aya. "Ilan po ang nakatira doon?"

"Kaanu-ano ka nila?" ganting tanong ng babae.

"Hindi ko po sila kaanu-ano," sagot ni Nana.

"Sa pagkakaalam ko dalawa silang nakatira diyan. Mag-ina sila," sabi ng babae. "Mauuna na ako, pero alam kong kakailanganin mo ang tulong ko. Puwede ka namang pumunta sa bahay ko." Pagkasabi niyon ay umalis na ang babae.

Kakailanganin ko ang tulong niya? Anong alam niya sa pamilya Madrigal? Iniisip ni Nana na maraming alam ang babae tungkol sa pamilya ni Aya. Iniisip ni Nana na kakailanganin talaga nito ang tulong ng babae para maresolba ang misteryo na bumabalot dito, at para mawakasan na ang lahat.