webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · 歴史
レビュー数が足りません
39 Chs

7 - Tagu taguan

"Ang galing!" tuwang tuwa si Kimmy na masaksihan ng live ang pag sayaw ng tinikling. pumalakpak ito sa tuwa.

Minamasdan parin siya ng ilang kalalakihan sa tuwing gagalaw ito, tatawa at magsasalita.

Ang mga mahahabang mesa ay nakapaikot sa pagtatanghal sa gitna ay may silong kung saan nakaupo ang Pinunong si Ramses.

Katabi nito ang mga kanang kamay niyang bantay at ang mahabang mesa sa kaliwa nya nakaupong nagsasalu salo ang mga babae nya. Sa kanang bahagi naman ay ang mga maharlikang bantay kasama doon si Salvador.

Ang iba pang mesang nakapalibot ay para sa mga bisita na, nasa dulong bahagi si Kimmy sa kaharapan si Ramses ang mga nagtatanghal ang pagitan nila.

Katabi ni Kimmy ang nakakabatang kapatid at si Tino, na hindi tumigil sa pag inom ng alak na tinatagay ni Kimmy sa kanya.

"Katarina, talagang napakaganda mo na ngayon, nahihiya na akong kausapin ka't baka mabugbog ako ng iba." biro ni Tino na mukhang tinatamaan sa alak.

"Huwag kang mahiya, sayang ang hapong ito kung di natin lulubusin." palihim itong naglalagay sa sariling basong kawayan.

"Ate, ano po yang nilalagay mo sa baso mo?"

'tama siya, may ginagawang kalokohan ang ate niya, hindi nya lang ito mapagalitan dahil kaharap nila si Tino, ang crush nya kay mejo pabebe sya ngayon. Pero kailangan nyang paalalahanan ang Ate para di masira nito ang nasira nyang pangalan. Paano kung gawin itong dahilan kaya siya tinanggihan ng pinuno?. Sino pa manliligaw sa kanya pagdating ng araw?.

"Katarina, tama na't malalasing na ako, magtatanghal pa ako mamaya." pagtanggi ni Tino habang pinipilit pa ni Kimmy ang isa pang tagay.

"Sabi mo panghuli kapa, Sige, last na'to. Pagkatapos tama na para makapagpahinga ka at hindi mahilo mamaya sa pagtatanghal mo." nakangiting sabi nito sa kaibigan. Natutuwa si Kimmy dito dahil magkaugali sila ng boyfriend nya dati nung una nya itong makilala, noong hindi pa ito nagbabago sakanya. Ginagawa nito ang mga bagay na gusto nya kahit halata naman sa mukha nito napipilitan lang siya.

"Anong Last?" pagtataka ni Tino sa salitang banyaga na parang narinig na niya ss ibang bayan ngunit di niya maalala kung saan at kung kanino.

"Ang ibig kong sabihin ay huli nato." sige na please. pagtulak ng baso nito sakanya at nagpose ng nakikiusap, ang dalawang kamay ay magkalapat sa harapan na parang nananalangin.

Sa kabilang bahagi naman ay ang nagtitimping panginoon, tina tapik nito ang hintuturo sa mesa habang pinagmamasdan ang paglalandian ng dalawa habang may nagtatanghal sa gitna nila.

"Salvador" tawag ng Ramses.

"Pinuno" bati nito sa Pinuno.

"May nakapagsabi sakin na magaling sa paghawak ng dalawang tabak si Constantino?" tanong ni Ramses.

"Opo, Sa katunayan ay maghahandog po siya ng pagtatanghal nito sa huling bahagi ng pagtitipon" tugon nito.

"bakit pa patatagalin, naiinip ako sa mga palabas nila ngayon, tawagin mo siya't nais kong masiyahan." utos ni Ramses at dalian namang lumapit si Salvador sa kanila para papaghandaan.

"Tino, maghanda kana.Ikaw na susunod." paalala ng kuya Salvador. Nagulat ang dalawa sa sinabi ng kuya.

"Huling pagtatanghal na po ba kuya? bbbakit siya na susunod?" nangangambang tanong nito sa kuya para kay Tino. "Kaya mo ba?" bulong nito sa namumulang Tino.

"Kaya ko to. Maniwala ka sa akin, hindi ako basta bastang nalalasing, hindi ako lasing. pahahangain kita. at kapag humanga ka sa akin..." sabi ng taong lasing na dinedeny ang kalasingan.

"Naiinip na daw ang pinuno sa mga naunang nagtanghal kaya galingan mo't baka bigyan kanya ng mas mataas na benepisyo." Sabay tapik nito sa balikat.

"Masusunod po." biglang tuwid sa likuran nito.

Napatingin si Kimmy kay Ramses na parang tuwang tuwa sya sa magiging resulta ng pagtatanghal ni Tino. "Naiinip? Araw araw kang nakakakita ng sandata di kapaba mas maiinip sa ganoon? che!, gusto mo lang sirain ang araw ko." bulong nito sa sarili habang tinititigan nya si Ramses ng masama.

Bigla naman itong tumingin din sa kanya at nagkatitigan sila. Nginitian siya nito na parang nang aasar at itinaas ang baso ng alak nito na parang nang aalok ng tagay sa kanya.

Nagulat sa ginawa ni Ramses si Kimmy kaya yumuko ito. 'Oh my Gosh! namukhaan na ba nya ako? imposible! ang layo ko na sa dati. milya milyang layo! hindi, ayaw nya lang talaga ako dito at naasar sya sa presensya ko, pwes!' sabi nya sa sarili.

Tumingala ulit ito at tumingin muli sa kanya,

tinaas nya ang baso nya at itinuro saka ibinaba ulit sa mesa at nagkawaykaway na parang tumatanggi sa pagyaya nitong uminom at tsaka tinaas ulit ang baso ng alak tinuro ulit ng isapang kamay tsaka hinawakan ang leeg na parang masusuka na pangit ang lasa ng alak nila.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Ramses ng makita nito ang sagot ni Kimmy kaya't pinatawag niya ito sa isang alipin.

Nakita ni Kimmy na mukhang ipapatawag siya dito kaya't agad itong tumayo.

"Saan ka pupunta ate?" nagulat ito sa biglaang pagtayo ni Kimmy.

"Ah. sa sa sa palikuran." nauutal nitong sagot ngunit bago pa ito makatakbo ay naharangan na ito ng malapit na bantay sa kanya.

"Pinapatawag po kayo ng Panginoon."

"Ah awts. ang sakit ng tiyan ko" nag acting ito na masakit ang tiyan.

"Pinapasabi ng panginoon na may palikuran sa likuran ng kanyang silong." nakahandang tugon ng bantay.

"Ganon ba? Hindi na pala masakit. Tara na. Ang bagal ninyo." mabilis na pagbabago niya.

Sa silong ng Pinuno,

"Maupo ka Katarina" pag aalok ni Ramses sa espasyo ng kanyang upuan.

"Hindi ako karapat dapat,Tatayo nalamang po ako dito't pakikinggan ang aking Pinuno." sagot ni Kimmy, batid niya ang mga malamig at masamang titig ng mga babae sa kanyang likuran dahil lang sa paglapit nito kay Ramses.

"Nais mo na ba akong suwayin? Ito ba'y dahil sa pagtanggi ko..." di pa sya natatapos magsalita nang lumapit ito at umupo sa tabi niya.

"Pinuno ano pong gusto ninyong sabihin?" agad na tanong nito, sumunod nalamang siya para matapos na.

"Gusto kong malaman kung ano ang ibig mong sabihin mula pa kanina." tanong nito habang may hawak na alak sa kaliwang kamay at nakababa ang isa sa binti nya.

"Kanina po? saan?" maang maangan nitong sagot.

Sa di kalayuan ay ang mga kinakabugan ngayong ng puso ang gustong lumapit at hilahin ang ate, Si Sol, at ang kuya na gustong makinig sa pag uusap nila, Si Tino na nag iisip ng paraan para maprotektahan ang kababata.

"Ano ang ibig sabihin nito?" ginaya ni Ramses ang mga gesture na ginawa ni Kimmy kanina. Ngunit di katulad ng kanya mas eleganteng tignan ang gesture ni Ramses kaysa sakanya.

"Ang ibig ko pong sabihin ay hindi po ako umiinom ng alak at baka masuka po ako Pinuno." palusot ni Kimmy.

"ha? hindi ka ba umiinom ng alak?" tanong nitong may ngiti sa mukha pero parang imbis na nakakatuwa itong tignan ay mas nakakatakot pa. Lumapit ito sa kanya at hiningahan ang leeg nito.

"Ano pong ibig sabihin nito?" umurong ito sakanya.

"Sinisiguro ko lang kung tama ang naamoy ko sa iyo." akmang aamuyin nyang muli ito.

"Pinuno!" sigaw ni Tino na ikinagulat ng lahat.

Napahinto ito sa ginagawa at tinignan si Tino na nasa tanghalan sa harapan nila ng nakayuko.

"Iniaalay ko po ang pagtatanghal kong ito para lamang sa iyo Panginoon!" malakas na sigaw nito na dinig sa buong bakuran.

"Magpatuloy ka." pagkumpirma ni Ramses. Nakita nito ang matalim at determinado nitong tingin bago ito pumunta sa pwesto.

Napansin ni Ramses na nagbabalak tumakas sa tabi niya si Kimmy kaya't ipinatong nito ang kanang kamay nya sa binti ni Kimmy. "Maging mabait ka dito sa tabi ko o maging preso sa ginawa mo sakin."

Nagulat si Kimmy, hindi nya alam kung saan siya nagkamali pano niya siya nakilala nito. Nabigla ito sa talim ng utak ni Ramses mukhang hindi siya maiinip sa panahong ito.

"Pinuno.." malambing na tawag ni Kimmy kay Ramses at hinagkan ang kamay nito na nakahawak sa binti niya. "Hindi ko inakalang napakatalino pala ng aming pinuno." inilakad ni Kimmy ang dalawang daliri na prng dalawang maliit na paa nito sa kanyang braso.

"Naaalala mo ba kung paano kita napasaya?"

"hmmn" tugon nito na mukhang gumagana sa kanya ang gawain ni Kimmy ang pambibilog ng ulo.

Nakita ni Sol na ginagawa ng ate nya sa Pinuno ang ginagawa niya sa kanila sa tuwing mambibilog ito ng ulo.

Habang nakayakap ito sa kamay ni Ramses ay napatingin siya sa pagtatanghal ni Tino.

Napakagaling nitong humawak ng dalawang tabak na parang isang talim na espada.

Napaka perpekto ng kombinasyon at ang sumasayaw ay parang ibang tao parang ibang Tino. Isang Tino na mabangis at handang pumatay para sa mga minamahal. Napatigil ito sa pambibilog kay Ramses.

Napansin ni Ramses ang pagtigil at paghanga ni Kimmy kay Tino sa sayaw nitong dalawang espada. Maraming babae ang humanga sa kanya kaya't na asar ito ng malaman niyang pati ang katabi nyang babae ay napahanga niya. Magaling siyang sumayaw pero mas higit syang mas magaling. sa paggamit ng mga iyon. Binawi bigla ni Ramses ang braso nito sa pagyakap ni Kimmy at sa asar nito ay nakaisip ito ng napakasamang paraan.

"Nais iparinig ni Katarina ang kanyang malamig na tinig ngayong paglubog ng araw!"

Nagpalakpakan ang lahat at nginitian nya ng pekeng ngiti at pinatayo para pumunta sa gitna ng tanghalan pagkatapos ng sayaw ni Tino.

"Hmp!" ningitian nya ang lahat ng pekeng ngiti. Humingi nalamang ito basong kawayan at plywood. At pinatugtog ang baso ng 'tuktok tu toktok tok'. Nanahimik ang lahat sa ginawang instrumento ni Kimmy. May magagawa rin palang magandang tuktok ang mga baso.