webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · 歴史
レビュー数が足りません
39 Chs

5 - Katarina

Ipinakita ni Sol ang mas bago nitong filipiniana. Mukhang normal lang itong filipiniana pero bagong gawa.

"Patingin nga nong sa akin." may naisip itong ideya susubukan niyang maging fashion designer ng unang panahon.

Kinabukasan.

"Kuya!" patakbong sinalubong ang kuya na kadarating lang mula sa ibang bayan.

"Soledad" at niyakap nya rin ito. Nang makita ang ama at ina na lumabas ng bahay lumapit ito sa kanila at nagmano. "Ama, Ina. narito na po ako." Iniabot nito sa Ina ang bitbit nyang mga alahas na nakabalot sa malaking bandana.

"Pumasok ka na't nakahain na anak" imbita ni Teresa sa anak na matagal ng hindi nakikita dahil sa naglilingkod ito ngayon sa Mansion ng mga Marapao sa ibang bayan, isa siya sa mga bantay ng Ama ni Ramses.

"Nag iisa ka ba ngayon?" tanong ng Ama dahil noon ay marami itong kasamang bisita na tulad niyang bantay.

"Kasama ko pong umuwi si Tino." sagot ng anak pumasok ito sa bahay at hindi nakita si Katarina nabalitaan nito ang pagtatangka niyang magpatiwakal ngunit dahil kailangan maghigpit ng bantay noon sa mansion ay hindi siya nakauwi. Ang huli nitong balita sakanya ay nagkukulong na raw ito sa bahay dahil sa kalungkutan.

"Kumusta na po si Katarina?" pag aalala ni Salvador sa kapatid. Kung naroon lamang siya noon ay nabugbog na niya si Ramses.

"Hindi na siya katulad ng dati na laging masayahin at araw araw na naglalaro sa batis." malungkot na sagot ng Ina.

"Ina, mabuti naman po ang kalagayan ni Ate. Hindi lang po siya lumalabas dahil.." hindi alam ni Sol kung sasabihin niyang nagpapaputi lang ito baka mapabilang siya sa mga itinuturing na bilasang isda. Hindi nagmamahal sa sariling kaliskis.

"dahil?" tanong ng kuya.

"dahil..... nagpapaganda po si ate." matalinong sagot ni Sol sa kuya.

Nagulat ang kuya at ang mag asawa sa sinabi ni Sol. Nagpapaganda? para saan? para kanino? at bukod sa panliligo pano nakakaganda ang pagkulong ng sarili sa loob ng bahay?. Dahil abala ang mag asawa sa paghahanap buhay, Ang ama ay namimingwit sa kalapit na dagat at ang ina ay nagtutuyo ng isda sa bilaran at nagbebenta. Simple lang ang pamumuhay nila pero dahil nasa dugo nila ang pagiging maharlika ay kabilang parin sila dito. Ang laging nakakasama ni Katarina sa bahay ay si Sol. mula noon ay hindi pa nila nakausap ng harapan ang anak. nakakausap lang nila ito ng sarado ang pintuan niya.

"palabasin mo na siya't magsalu salo tayo ng tanghalian." utos ng kuya.

"Katarina!" sabay katok ng ina sa pintuan ng anak.

"Po?" tanong ni kimmy

"Lumabas kana riyan at kakain na tayo. nandito ang kuya mo't mau dalang mga ginto!"

pag iimbita ng ina sa anak at umalis para maghain pa.

'Ginto? Gold?' napatayo si Kimmy sa kayamanang nagbabadyang mapasakanya.

"Lalabas na po!" at dali dali itong nagayos ng kasuotan at dahil di siya marunong mag ipit ng sinaunang istilo ng buhok. nilugay nalang niya ito.

Sa Hapag kainan,

"Nasaan na siya?" tanong ng Ama. magsisimula na silang kumain pero wala parin siya.

"Katarina!" ubos pasensyang tawag ng kanyang kuya. Patayo na sana ito sa kinauupuan pero napatigil ito sa napaganandang babae na lumabas mula sa kwarto ni Katarina.

May itim,makinang,mahaba at malambot itong buhok na hanggang ilalim ng baywang niya na parang isang talon na tuwid at sumasabay sa galaw niya.

Ang kanyang mukha ay makinis at maputi. ang mga kilay ay parang ilusyon. Naging mas halata ang mga makakapal at mahahaba nitong pilik mata. Lalong nakapansin ang mga labi nitong may pamumula. Dahil ito sa mahiwagang prutas na kulay pula sa gubat ng lihim syang lumalabas, nakakalason ito kapag nilunok pero sa pampakulay ay hindi naman nakakasakit sa balat.

Dahil nakabalabal ito ng isang telang malinaw na parang silk n may mga burda itong bulaklak nakikita ang kapayatan at kasexyhan ng hubog ng katawan niya.

Kapag naglalakad ito ay parang isang Diyosa sa kalupaan.

"Nandito na po ako." nagtataka siya sa mga reaksyon nila. 'ah oo nga pala, ngayon palang nila talaga ako napagmasdan ngayon'. Umupo ito sa pagitan nina Sol at Salvador.

"Maligayang pagbabalik kuya Salvador" nginitian niya ang kuya pagkatapos umupo.

Nang ngumiti si Kimmy ay parang nakakita sila ng isang masayang anghel.

"Ssssalamat Katarina." tugon nito.

Nahihiya itong humarap sa kapatid nya dahil parang kasalanan ang humarap sa isang Diyosa.

"May pasalubong po ba ako?' tanong ni Kimmy na di makapaghintay sa mga gintong dala ng kuya.

"Ah eh.. nasa .." nauutal na sagot ng kuya hindi alam kung tatayo ba siya para kunin na ito.

"Kumain po muna tayo Ate." paalala ni Sol sa ate na nasa harapan sila ng hapag kainan.

"Tama! Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain." tugon ni Kimmy sa lahat na parang hindi siya ang nagpapahintay sa pagkain mula pa kanina.

Habang kumakain ay nakatitig ito sa Kuya ng may kumikislap kislap nyang mata. Batid ito ng kuya kaya't hindi siya makakain ng maayos.

"Ate." tawag ni Sol ng makitang hindi kumportableng kumain ang Kuya.

Yumuko agad ito ng tawagin siya ni Sol. 'Nahalata na yata nila ako! behave Kimmy, bibigyan karin nila ng ginto.' Naalala muli ni Kimmy ang mga Ginto kaya't di niya maiwasang tignan muli ang kuya.

Napahinto ulit ang kuya ng makaramdam ulit ito na may tumititig nanaman sa kanya.

"Ay! Bakka!" nagulat ito sa biglang sipa ng paa ni Sol sa kanyang paa.

"Ano nangyari?" tanong ng inang nagulat sa biglang sigaw ni Kimmy.

"wala po. yung daga po kasi." sabay tingin kay Sol. at napapikit nalang si Sol sa kalokohan ng ate sa harap ng hapag kainan. Paano nalamang ito mamaya sa pagtitipon?

Pagkatapos kumain.

"Katarina, may ibig kabang gustong sabihin sakin?" tanong ng kuya.

"napakakisig mo ngayon kuya, lalaking lalaki ang dating mo! sa mga abs mo palang walang sinabe si Jak Roberto." pambibilog ni Kimmy sa kuya.

"Hmp.! Gusto mo bang makipagtuos ako sa kanya?" seryosong tanong ng kuya.

"Kanino?" nagtatakang tanong ni Kimmy.

"Kay Berto." tugon ng kuya. akala niya si Jak Roberto ay ang Roberto sa baryo nila. Ang sikat sa pagiging babaero sa baryo nila.

"Hayy kuya. Ang ibig sabihin ni Ate ay ibigay mo na pasalubong mo po sakanya." paglilinaw ni Sol sa gawaing pambibilog ng Ate dahil ginagawa niya rin ito sa kanya.

"Hindi ah, talagang makisig si kuya. Kung hindi lang natin siya kuya malamang naging isa na ako sa mga babae niya." biro ni Kimmy na ikinatakot ni Sol.

"Ate!" tinapik nito ang bibig ng ate gamit ang mga palad niya. "Hindi mo po dapat sinasabi mga bagay na yan."

"aww. bakit ba!? anong masama sa biro ko."

nagtatakang tanong ni Kimmy kung bakit takot na takot ito.