webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · 歴史
レビュー数が足りません
39 Chs

35 Careless Whisper

Nagulat ang lahat ng marinig ang boses ng binibining pinakahihintay ng kanilang Pinuno.

Naging maliwanag at magaan naman ang awra ni Ramses at napangiti ito. Tumayo ito para tignan siya ng mabuti kung siya nga ang dumating at siya nga.

Dali daling naglakad si Kimmy papunta sa mga malabarkong bangka sa dalampasigan.

"Totoo ba to? Bakit mas mukhang advanced ang mga ito kaysa sa mga sinaunang bangka?" pagtataka ni Kimmy sa mga ito.

Mukhang mas malalaki ito at mas pulido ang pagkagawa kumpara sa mga bangkang gawa sa modernong panahon. Hindi kaya? Napatingin ito kay Enzo na parang nagpaparatang pero nagpaypay ito ng kamay na parang nagsasabing wala siyang kinalaman sa iniisip nito dahil tulad niya, ayaw niyang masyadong baguhin ang kasaysayan ng Pilipinas.

Habang hinahaplos ni Kimmy ang isang bangka habang naglalakad, biglang may yumakap dito. Naramdaman niya ang pamilyar na init ng katawan at ang pamilyar na amoy ni Ramses. " Pagkatapos ng limang buwan." sabi ng pamilyar na tinig. Hindi nito naiintindihan ang sinasabi niya kaya't kumawala siya sa yakap nito. Nakita nito sa unang beses ang maamo nitong mukha sa kanya. Imbis na pagtarayan ito ay napatahimik ito at bumilis ang tibok ng puso niya.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam naman ng panghihina si Ramses. Ang pakiramdam na ayaw mong iwan ang taong hindi pa sa iyo pero kailangan. Tinitigan nito ang mga mata ni Kimmy ngunit nakikita parin nito ang pagkatakot o pagtatanggi sa nararamdaman nito para sa kanya. Hindi na ito nagsalita. Sa tagal na nitong nagbabasa ng mga ekspresyon ng tao, alam na nito na hindi man lang nabasa ni Kimmy ang sulat niya.

"Ramses." tawag ni Kimmy. Naiilang na ito sa kinikilos ni Ramses sa kanya. Anong nangyayari? Anong limang buwan? Bakit ganito niya ito titigan at bakit hindi na siya umiimik ngayon.

Umayos sa pagkakatayo si Ramses at bumalik sa dati nitong nakakatakot na awra.

"Aalis nakami." tumalikod ito sa kanya. " Hindi mo na kailangan pang tumakas. Sa pagbalik ko, ako mismo maghahatid sa iyo palabas ng baryo." sabi nito at pagkatapos ay umakyat ng muli sa bangka at tsaka kinausap si Enzo.

Nakaramdam ng panlalamig si Kimmy mula kay Ramses. Mukhang may nalampasan itong bagay na dapat nangyari. Nag isip ito ng ibig kahulugan ni Ramses ngunit sa huli ang tangi nitong naiisip ay wala na. Sumusuko na ito sa kanya. Tumingin ulit ito sa kinaroroonan ni Ramses, nakaramdam ito ng kaunting pagkadismaya at kaunting sakit. "Mas mabuti na ito Kimmy, magtanda kana sa naunang nangyari sa iyo." panghihinahon nito sa sarili. Hindi man aminin ni Kimmy sa sarili ay may pagtingin na ito kay Ramses ngunit takot parin ito sa muling pagpasok sa isang relasyon, muling pagtitiwala at muling panloloko. Hindi na muli. Hindi na pwede. At ayaw narin ng isa. Huling tatlong segundo pa ay pinagmasdan niya si Ramses tsaka na ito nagpasyang bumalik na sa kanyang bahay.

Tinignang muli ni Ramses si Kimmy ng mapansin niyang paalis na ito. Malalim ang iniisip nito at walang nakakaalam kung ano.

"Mag iingat ka Pinuno, nawa'y gabayan ka ng Bathala at nang Diyos ng mga Kristyano." basbas ni Enzo sa paglalakbay nito.

Bahagyang napangiti ito sa sinabi ni Enzo. Hindi pa ito nagpa convert bilang Kristyano kahit mangilan ngilan sa baryo ang nagpaconvert na dahil sa dala ito ng mga dayuhan at bali balita ang mga bagong dating na dayuhang sapilitang kinoconvert ang mga tao at ginagamit ito ng mga paring kastila sa pag aalipin, pag frame up, pangingikil, pang gagahasa at pagkakaroon ng kapangyarihan sa kanilang bansa. Kung ang Diyos ng mga Kristyano ay mabuti bakit ang mga tagapaglingkod nito ay hindi makatao? yun ang tanong nito sa mga nag aanyaya sa kanya ngunit wala ring maisagot ng maayos ang mga nag aanyaya sa kanya. Isa si Lorenzo sa mga hindi nagpapa convert pero naniniwala daw sa Diyos ng mga Kristyano. "Anong tulong ang maibibigay ng Diyos nila sa akin?" tanong ni Ramses kay Enzo na nakangiti sa kanya.

"Kung sakaling napagod na ang Bathala sa pagliligtas ng paulit ulit sa iyo dahil hindi ka nag iingat." biro nito kay Ramses. Ipinanganak na Kristyano sa modernong panahon si Lorenzo kaya't mas naniniwala ito sa Diyos na nakasulat sa Bibliya kasya sa Bathalang gawa gawa ng mga ninuno noon para sa kanyang pansariling opinion.

Ipinatong ni Ramses ang kamay nito sa balikat ni Enzo "Mag ingat ka rin." at tumalikod na ito sa kanila.

"Opo Pinuno!" huling saludo ni Enzo kay Ramses bago ito bumaba ng bangka. Batid nito ang tinutukoy ni Ramses, may kalabang nagtatago sa kanila sa mismong baryo at siguradong gagawa iyon ng hakbang habang wala siya. Sa tagal na ni Enzo sa pamamalakad ni Ramses, alam niyang ito na ang pinaka mahirap at kumplikadong paraan na gagawin nila.

Sa dalampasigan, kung saan nakatanaw sa mga papalayong bangka ang mga tao.

Lumapit ang isang aliping babae kay Antonia at bumulong sa tenga nito. Saka naman biglang namula sa galit si Antonia. "Hindi ka na aalis? Sige! Malalaman mo ngayon lahat ng kaya kong gawin!" gigil na sabi ni Antonia sa hangin.

Sumabay naman pabalik sa bahay si Kimmy kina Enzo. Tahimik lang ito na nag iisip kung paano nito uubusin ang limang buwan sa baryo ng hindi naiinip. Naisip nitong palaguin ang mga tanim niyang gulay sa likod ng bahay niya at gumawa ng mga paminta, laurel at mga iba pang pampalasa. Naisip din nito magtayo ng restaurant sa malayong bayan.

Minasdan ni Enzo si Kimmy,"Kung wala kang masyadong ginagawa, pasyalan mo ako." at nginitian niya ito ng may konting kapaitan.

"Huh?" napatingin ito kay Enzo, "Marami akong gagawin, salamat nalang." bumalik ito sa paglalayag ng isipan at sumisipol ng kanta na ang pamagat ay careless whisper. "Hmmn. Ooh Oh Ohhh.. I feel so unsure..." masaya itong bumubulong.

Hindi alam ni Enzo kung matatawa siya o hindi. Nagulat ito ng marinig niya ang mahinang pagkanta nito. Natatawa siya ng marinig niya itong kumanta ng old song sa modernong panahon pero naisip niya na ang mensahe ng kanta at napatigil ito sa pag ngiti. Napaisip tuloy ito kung pinaparinggan lang siya.